AP 10 Week 5-6

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

10

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan: Modyul 3-Week 5-6
Politikal na Pakikilahok
PANIMULA

Mga Aralin at Saklaw ng Yunit


Aralin 3 – Politikal na Pakikilahok

Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:

1. Nakikilala ang mga paraan kung paano maging aktibong makilahok


ang mga mamamayan sa mga gawaing pampamahalaan
2. Nasusuri ang kahalagahan ng pagboto na siyang makapagpabago sa
mga gawaing pampamahalaan
3. Napahahalagahan ang pagiging mulat sa mga isyung panlipunan
upang hindi magdudulot ng sentimyentong paninisi sa pamahalaan

Most Essential Learning Competency (MELC)


Natatalakay ang mga epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga
gawaing pansibiko sa kabuhayan, politika at lipunanAP1OMKP-IVf-6

Subukin Natin
Panuto: Unawain at basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa kuwaderno.

1.Alin sa mga bansa sa Asya ang may ganap na kapangyarihang angkin ng sambahayan at
nagmumula sa kanila ang lahat ng awtoridad na pampamahalaan
A. Pilipinas B. Singapore C. China D. Indonesia

2. Ayon sa Artikulo II Seksyon I ng Saligang Batas ng Pilipinas ang ating bansa ay isang
Estadong ______________
A. Demokratiko at Malaya C. Republikano at Demokratiko
B. Republikano at Sosyalismo D. Demokratiko at Ekonomiko

3. A. Ayon sa Saligang Batas ng 1987, ang pagboto ay isang obligasyon at karapatang


political.
B. Ayon sa ating pangulo, ang pagboto ay isang obligasyon at karapatang political.
A. Parehong tama ang dalawang pahayag
B. Parehong mali ang dalawang pahayag
C. Tama ang unang pahayag
D. Mali ang ikalawang pahayag

4. Ang isang mamamayang Pilipino ay maaari nang makaboto kapag siya ay ___________.
A. 17 taon gulang C. 15 taon gulang
B. 18 taon gulang pataas D. 16 taon gulang
5.) Kabilang sa diskwalipikado na makaboto ay ang mga taong nasentensiyahan na
makulong nang hindi bababa sa isang taon. Ganunpaman, maaari siyang makaboto muli
pagkaraan ng ___________pagkatapos niyang matapos ang parusang inihatol sa kanya
A. tatlong taon
B. apat na taon
C. limang taon
D. sampung taon

Ating Alamin at Tuklasin


Sa
Sa araling ito, ating tuklasin at unawain ang mga paraan ng pakikilahok ng
mamamayan sa politika.
Itong mga paraan na nagbibigay kapangyarihan sa mamamayan upang makamit
ang tinatamasang mabuting pamamahala.
Sa bahaging ito malalaman natin kung paano aktibong makikilahok ang
mamamayan sa mga gawaing magpapabuti sa pamamalakad ng pamahalaan at sa
kapakanan ng buong bayan.
Mga tanong: Isulat ang iyong kasagutan sa sagutang papel.

1. Ikaw ba ay nakaboto na sa eleksiyon sa SSG sa inyong paaralan? Paano ka lumahok sa


eleksyon bilang isang mag-aaral?

2. Ano ang iyong naging masasabi ukol sa iyong napiling kandidato?

3. Paano mo pinili ang iyong kandidato? Base ba ito sa pagkakaibigan o katangiang taglay
bilang leader?

4. Ano ang pakiramdam mo sakaling nanalo o natalo ang iyong pinili sa eleksyon?

Ayon sa Artikulo II, seksyon I ng ating


Saligang Batas, ang Pilipinas ay isang Estadong
republikano at demokratiko.

Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng


sambahayan at nagmumula sa kanila ang lahat ng
mga awtoridad na pampamahalaan. Ito ang
patunay lamang na ang kapangyarihan ng isang
estado ay wala sa pamahalaan at sa mga taong
bumubuo nito sa halip, ito ay nagmumula sa mga
mamamayan.

Ang pakikilahok sa eleksyon ang pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng


mamamayan. Ang pagboto ay isang obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiyahan
ng ating Saligang Batas. Ayon sa Artikulo V ng Saligang Batas ng 1987 ang maaaring
makaboto ay (a) mamamayan ng Pilipinas (b) hindi diskwalipikado ayon sa isinasaad ng
batas (c) 18 taon gulang pataas at tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa lugar kung
saan niya gustong bumoto nang hindi bababa sa anim na buwan bago mag-eleksyon.
Mga diskwalipikadong bumoto (a.) mga taong nasentensiyahan na makulong nang
hindi bababa sa isang taon. Maaari siyang makaboto muli pagkaraan ng limang taon
pagkatapos niyang matapos ang parusang inihatol sa kanya (b.) mga taong
nasentensiyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon, sedisyon, paglabag sa anti-
subversion at firearms law at anumang krimeng laban sa seguridad ng bansa. Maaari siyang
makaboto muli pagkaraan ng limang taon pagkatapos niyang matapos ang parusang inihatol
sa kaniya (c.) mga taong ideneklara ng mga eksperto bilang baliw.

Sa pamamagitan ng pagboto nakapili ang mamamayan ng mga opisyal ng


pamahalaan na sa tingin nila ay makapaglingkod nang maayos. At sa pamamagitan ng ating
pagboto tayo mismo ang nagtatakda ng kinabukasan ng ating bayan.
Pantay-pantay ang mga tao pagdating sa boto, Bawat isang Pilipino ay mayroon lamang
isang boto, mayaman o mahirap man. Ngunit ang isang boto ay lubhang makapangyarihan
sapagkat maaari nitong baguhin ang takbo ng buhay ng mga Pilipino.Halimbawa
nababalitaan pa rin natin na mayroon tayong mga kababayan na nagbebenta ng kanilang
boto sa mga politiko.

Noong halalan 2016 sinabi ni dating


Commissioner ng Commission on Elections na si
Gregorio Lardizabal na naging talamak pa rin ang
insedente ng pamimili ng boto. Ito ay sa kabila ng
automated election. Dahil dito maaaring sa halip
na ang nakaupo sa pamahalaan ay mahuhusay
at matitinong opisyal na bumabalangkas at
nagpapatupad ng mga programang may
kinalaman sa edukasyon, kalusugan at
kabuhayan, maaaring ang maupo ay mga opisyal
na sarili lamang ang iniisip.

Batay sa ISSP Citizenship Survey noong 2004, pangunahin ang pagboto bilang
katangian ng isang mabuting mamamayan para sa mga Pilipino kasama rin sa listahan ang
wastong pagbabayad ng buwis, laging pagsunod sa batas, pagsubaybay sa gawain ng
pamahalaan at unawain ang opinyon ng ibang tao.

Ayon nga sa Constitutionalist na si Fr. Joaquin Bernas (1992) ang layunin ng


pagboto ay hindi sa pagbibigay mandato sa mga opisyal para mamuno bagkus ay ang
pagbibigay ng kapangyarihan sa mga makapagpapaunlad sa estado at malupig ang
nagpapahirap sa bayan.

Tayo’y Magsanay
Gawain A: Matching Type Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag sa Hanay
A at Hanapin sa Hanay B ang wastong sagot. Piliin ang titik tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.

HANAY A HANAY B
A. Makaboto
1. Pantay-pantay ang mga tao pagdating sa B. Mamamayan
_________ ng Pilipinas
C. Eleksyon
2. Isang Estadong Republikano at Demokratiko D. Pagboto
E. Pilipinas
3. Pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng mamamayan.

4. Karapatan ng mga Pilipino upang makilahok sa politika.

5. Maaaring makaboto ang isang tao kung siya ay

Ating Pagyamanin

Gawain B: Panuto: Isulat ang K kung katotohanan at O kung opinyon lamang ang
pahayag o pangungusap. Isulat ang sagot sa sagotang papel.
1. Nasa kamay natin ang susi para sa pagbabago ng ating lipunan.
2. Sa pamamagitan ng pagboto nakapipili ang mamamayan ng mga opisyal ng pamahalaan
na sa tingin nila ay makapaglingkod ng maayos.
3. Mayaman man o mahirap ay makatatanggap ng Amelioration fund galing sa pamahalaan.
4. Ang wastong pagbabayad ng buwis ang isa sa mga katangian ng isang mabuting
mamamayan
5. Isang boto, isang pagbabago.

Aking Natutuhan
GAWAIN C: Panuto: Suriin ang larawan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

MGA GABAY NA TANONG:

1. Ano ang nakikita sa larawan?

2. Ano ang ipinahayag sa larawang ito?

3. Gaano kahalaga para sa mga


Pilipino ang pagkakaroon ng
karapatang makaboto? Ipaliwanag.
Tayahin
Panuto: basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng
tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang isang mamamayang Pilipino ay maaaring makaboto sa halalan kapag_______.


A. 18 taon gulang pataas
B. 20 taon gulang pataas
C. 25 taon gulang pataas

2. Ano ang katangian ng isang mamamayan na nagtutulak sa kanaya sa aktibong


pakikilahok sa mga hakbanging magbibigay katugunan sa mga isyung panlipunan
A. Kaalaman at kamalayan C. Katatagan at kasipagan
B. Pagmamahal at pagmamalasakit D. Kabayanihan at kasipagan

3. Ang mga nasa ibaba ay ang mga diskwalipikadong bumoto maliban sa isa __________.
A. Mga taong nasentensiyahan na makulong nang hindi bababa sa isang taon
B. Mga taong nasentensiyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon, sedisyon,
paglabag sa anti-subversion at firearms law
C. Hindi diskwalipikado ayon sa isinasaad ng saligang batas
D. Mga taong ideneklara ng mga eksperto bilang baliw
4. Kailan maaaring makaboto ang itinuturing ng batas na diskwalipikadong bumoto?
A. dalawang taon matapos ang parusang inihatol
B. tatlong taon matapos ang parusang inihatol
C. apat na taon matapos ang parusang inihatol
D. limang taon matapos ang parusang inihatol
5. Ilan beses lamang maaaring makaboto ang isang tao tuwing halalan?
A. dalawa B. isa C. tatlo D. apat
6. Sino ang dating Commissioner ng Commission on Election 2016 na nagsabing talamak
ang insidente ng pamimili ng boto?
A. Gregorio Lardizabal C. Alex Lacson
B. Fr. Joaquin Bernas D. Neil Gamboa

7. Ayon kay Fr. Joaquin Bernas (1992) ang layunin ng pagboto ay hindi sa pagbibigay
mandato sa mga opisyal para mamuno bagkus ay ang pagbibigay ng kapangyarihan sa mga
makapagpapaunlad sa estado at malupig ang nagpapahirap sa bayan. Ano ang mahihinuha
mula sa pahayag?
A. Nasa kamay ng pinuno ang pag-unlad ng bayan
B. Nasa kapangyarihan ng mamamayan ang kaunlaran ng bansa upang labanan ang
kahiapan.
C. Mga pari ang makapagliligtas na nagpapahirap sa taong bayan
D. Maaring umulad ang bansa sa pagkakaisa sa pagboto ng mga mamamayan
8. Bakit lubhang makapangyarihan ang pagboto ng isang tao?
A. Maaari nitong baguhin ang takbo ng buhay ng mga Pilipino
B. Maaaring yumaman ang nakaupong opisyales
C. Maaaring maging makapangyarihan
D. Maaaring mapabuti ang buhay ng kanyang pamilya
9. Anong bansa na may ganap na kapangyarihan angkin ng sambahayan at nagmumula sa
kanila ang lahat ng awtoridad na pampamahalaan
A. Pilipinas B. Singapore C. China D. Indonesia

10. Ayon sa Artikulo II Seksyon I ng Saligang Batas, ang _____ ay isang estadong
republikano at demokratiko
A. Singapore B. Pilipinas C. Indonesia D. China

Susi ng Pagwawasto

Subukin Tayahin
1. A 1. A
2. C 2. A
3. C 3. C
4. B 4. D
5. C 5. A
6. A 6. A
7. B 7. B
8. D 8. A
9. A 9. A
10. D 10. B

SANGGUNIAN

Emy A. Tingson Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang


Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Politikal na Pakikilahok Unang
Edisyon, 2020

MELC Curriculum Guide


Curriculum Guide
Araling Panlipunan 10 Isyu at Hamong Panlipunan (Gabay ng Guro)
Araling Panlipunan 10 Isyu at Hamong Panlipunan (Modyul para sa Mga-aaral)

Internet:
https://www.accesstocarerecords.org.uk/defend-childrens-rights-in-care-scrap-s-i-445/
https://www.uihere.com/free-cliparts/search?q=burnt+Paper
http://www.canadianinquirer.net/2016/03/19/comelec-eyes-prolonged-voting-period/
https://lwvmpls.org/voter-information/6bb85885fe322b60f81304e93e71e33e_vote-clip-art-
free-clipart-panda-free-clipart-images-go-vote-clipart_284-298/
https://www.freeimages.com/photo/sheet-of-paper-burnt-1162585
https://www.123rf.com/photo_88836094_stock-vector-scrap-paper-torn-pieces-of-colored-
sheet- flat-vector-cartoon-illustration-objects-isolated-on-white-.html
https://www.redbubble.com/i/art-print/Philippines-Map-With-Philippine-Flag-by-Havocgirl/
22308954.1G4ZT
https://illustoon.com/?id=2396
https://www.downloadclipart.net/browse/26338/student-girl-with-book-clipart
CREDITS AND SPECIAL THANKS TO:
Department of Education – Region III

Writer: Wilson C. Antolin Jr.


Editors: Kristie M. Estillore, Ann Christian A. Francisco
Reviewers: Angelica M. Burayag, PhD, Nellie D. Sacman, PhD,
Christian D. Lansingan, Darwin C. Alonzo
Illustrator: Cristoni A. Macaraeg,
Layout Artists: Agnes P. Baluyot, Jonathan Paranada, Ryan Pastor

Prepared for refinement by:

ELMER D. LUMAGUE
Leuteboro National High School

You might also like