Professional Documents
Culture Documents
Cyberbullying
Cyberbullying
Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang uri ng pambu-bully
ang nabigyang-daan nito: ang cyberbullying o ang pambu-bully sa kapwa gamit ang makabagong
teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe ng pananakot, pagbabanta, o
pagtataglay ng masasamang salita maging sa text o e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-
usapan, larawan, video, at iba pa sa e-mail at sa social media; pag-bash o pagpo-post ng mga nakasisira at
walang basehang komento; paggawa ng mga pekeng account na may layuning mapasama ang isang tao;
pag-hack sa account ng iba upang magamit ang personal account ng isang tao nang walang pagsang-ayon
niya o sa paninira sa may-ari nito; at iba pang uri ng harassment sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga
ito’y karaniwang nagbubunga ng pagkapahiya, pagkatakot, o pagkawala ng kapayapaan sa nagiging
biktima nito.
Subalit sa kabilang banda, napadadali rin ng Internet ang paggawa ng iba’t ibang krimen,
panloloko sa kapwa, at paggawa ng maraming hindi mabubuting bagay tulad ng cyberbullying. Para sa
isang biktima, mas mahirap at mas matindi ang cyberbullying kaysa sa harapang pambu-bully. Ang
harapang pambu-bully ay nangyayari sa isang lugar at isang panahon. Kapag hindi na magkaharap ang
bully at ang biktima ay ‘walang pambu-bully na nagaganap. Samantala, ang cyberbullying ay maaaring
mangyari nang 24/7. Ibig sabihin, kahit hindi magkaharap ang biktima at ang bully, o kahit natutulog ang
biktima, .o nasa loob ng kanyang tahanan, ang cyberbullying ay patuloy na nangyayari. Maaari ding
magtago ng kanyang tunay na pagkatao ang nambu-bully upang hindi makilala kung sino siya habang
ipinakakalat niya ang anumang bagay na makasisira sa kanyang biktima. Minsa’y mahirap malaman o ma-
trace kung sino ang nagpasimula ng pagpapakalat nito. Kapag nai-post o naipadala na sa iba ang mga
bagay na ito, napakahirap nang mawala o maihinto ang pagkalat ng mga nakasisirang bagay sapagkat wala
nang kontrol ang nag-post sa puwedeng gawin ng bawat makatatanggap o makakikita sa kanyang post. Ang
reaksiyon kasi ng makatatanggap ay maaaring huwag pansinin o hayaan na lang, i-delete at huwag
patulan, o maaaring i-share rin sa iba na lalong magdudulot ng pagkasira ng biktima dahil sa napakabilis
na pagkalat ng mga bagay na naka-upload na sa Internet.
Kung sakaling mabiktima ng cyberbullying, gumawa ng mga hakbang upang mahinto ito. Huwag
basta manahimik at sa halip ay magsuplong sa kinauukulan. Maaaring makipag-ugnayan sa National
Bureau of Investigation sa ccd@nbi.gov.ph o tumawag sa telepono bilang 521-9208 local 3429 (para sa
kaniIang hepe) o sa 3497 (para sa mga kawani).