G1 Rizal

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Serene D.

Lacorte
BSIE 4-1

Gawain 1: Sagutan ang mga sumusunod.

1. Bakit inihahambing sa mga alon ng karagatan ang mga pangyayari noong panahon ni Dr Jose
Rizal?
Katulad ng alon na patuloy na humahampas sa dalampasigan, walang humpay at
tuloy-tuloy rin ang mga kaganapan sa Asya, Europa, at Amerika noong panahon ni Rizal. Ilan
sa mga pangyayaring naganap noon ay ang Giyera Sibil sa Amerika, Battle of Queretaro sa
Mexico, pagkatatag ng kaharian ng Italya sa pamumuno ni Haring Victor Emmanuel at ng
German Empire naman sa pamumuno ni Otto Van Bismarck, imperialismo ng mga
kanluranin sa mga bansa sa Asya tulad ng Tsina, India, Pakistan, Vietnam, Laos, Pilipinas, at
marami pang iba. Dahil sa mala-alon na pangyayaring ito, maraming mga pagbabago ang
naganap sa buhay ng mga tao sa Pilipinas. Nakaranas ng pangaalipin ang mga Pilipino na
siyang nagtulak kay Dr. Jose Rizal na magsulat ng mga nobela patungkol sa buhay ng mga
tao sa Pilipinas.

2. Kung isasalarawan mo sa isang salita lamang ang panahon kinamulatan ni Rizal, anong salita
ito at bakit?
Karumal-dumal. Ang mga nangyaring pangaabuso, diskriminasyon, pagtapak sa
karapatang pantao, hindi pantay na pagpataw ng parusa, mga sapilitang pagpapagawa o polo,
at pangaabuso sa mga kababaihan ay nagpapakita lamang kung gaano kahirap at karumal-
dumal ang sinapit ng mga Pilipino noong panahon ni Rizal.

3. Ano ang kahalagahan sa isang tao ng pakikisalamuha sa maraming tao?


Ang pakikipagkapwa o pakikisalamuha sa mga tao ang siyang susi sa pagunlad ng
ating mga kaisipan. Katulad na lamang nang buksan ang kalakalan sa Kanal Suez noong
1869, maraming Pilipino ang nagbago ang takbo ng buhay dahil dito. Nakasalamuha nila ang
mga mangangalakal mula sa iba’t-ibang bansa at dahil dito ay lumawak ang kanilang
pangunawa sa kanilang mga sarili. Namulat sila sa totoong kalagayan ng mga Pilipino na
siyang nagtulak sa kanila upang magaral at mangibang bansa.

4. Anu-ano ang epekto ng lipunan sa talambuhay ng isang tao?


Ang lipunan ay binubuo ng pangkat ng mga taong nagkakaisa. Kung ang lipunan na
kinabibilangan ng isang tao ay puno ng pandurugas, pangkukutya, at pangaapi, tiyak na
malaki ang magiging epekto nito sa pamumuhay ng mga mamamayan. Mabubuhay sila
ngapuno ng takot at mababa ang pagtingin ng sarili; tulad na lamang ng naransan ng mga
Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga Kastila.

5. Ano ang pagbabagong naganap sa ekonomiya ng Pilipinas noong panahon ni Rizal? Ano ang
sanhi at epekto?
Nang magsimula ang Rebolusyong Industriyal sa Hilagang Europa, unti-unti nitong
binago ang sosyo-ekonomiko sa buong mundo. Ito ang nagtulak sa mga Kastila na buksan ang
Pilipinas sa kalakalang pandaigdig. Dahil dito, maraming Pilipino ang nakinabang at umunlad
ang pamumuhay na nagdulot upang makarating ang mga Pilipino sa Maynila at sa ibang
bansa. Dito nagsimula magkaroon ng palitan ng produkto ang Mexico at Maynila na
tinatawag nilang kalakalang galyon, nagkaroon din ng polo y servicio o ang sapilitang
paggawa na nagdulot ng matinding hirap sa mga kalalakihan noon, at syempre nagkaroon din
ng sapilitang pagsingil ng buwis ang pamahalaang Espanyol na tinatawag nilang tributo.

6. Ano anung pagbabagong sosyal sa pilipinas noong panahon ni Rizal? Ano ang sanhi at epekto
nito?
Isa sa pagbabagong sosyal na naganap noong panahon ni Rizal ay ang paglakas ng
simbahang katoliko sa Pilipinas. Maraming Pilipino ang naging sunud-sunuran ng mga
prayle. Bukod dito, itinatag din ang colegio at beaterio kung saan nagkaroon ng pagkakataon
na makapagaral ang mga lalaki mula sa mayayaman o kilalang pamilya.

7. Ano-ano ang mga pagbabagong pulitikal noong panahon ni Rizal ? Ano ang sanhi at epekto
nito?
Pamahalaang sentralisado ang uri ng pamamahala noong panahon ni Rizal. Mayroon
silang kinikilalang pambansang pinuno na tinatawag nilang gobernador-heneral. Bagaman
may namamahala, hindi maipagkakait na mayroong malaking impluwensya ang simbahan at
mga pari sa mga tao na tinatawag nilang frailocracia. At dahil, sa kapangyarihang hawak ng
mga prayle, patuloy pa rin ang pangaabuso nila sa karapatang pantao ng mga Pilipino at
pangaabusong sekswal sa mga kababaihan. Nagkaroon din ng encomienda o pagkuha ng
titulo ng lupa mula sa mamamayang Pilipino at pagubliga sa kanila na magsaka at mangalaga
ng lupaing iyon.

8. Ano ang pagbabagong Kultural noong panahon ni rizal? Ano ang sanhi at epekto?
Maraming mga bagay ang naiambag ng mga Espanyol sa kultura ng Pilipinas. Ilan na
dito ay ang pagdaraos ng mga pista, pagkakaroon ng bahay na bato, mga kasuotan at pagkain
na kanluranin, at higit sa lahat ay ang paguugali. Ilan sa mga paguugaling nabago ng mga
Espanyol sa mga Pilipino ay ang mga sumusunod:
o palabra de honor- pagtupad sa mga binitiwang pangako
o pagmamataas- mababang pagtingin sa ibang tao
o urbanidad- pagpapakita ng mabuting asal sa kapwa
o delicadeza- wastong pagkilos at paguugali

9. Magbigay ng kultura noon na wala ng ngayon at kultura noon na napalitan na.


Maraming mga bagay ang nagbago mula nang makalaya ang Pilipinas mula sa
Espanya. Isa dito ay ang edukasyon. Kung noon, lalaki lamang ang may karapatang magaral
at magtrabaho, ngayon ay hindi na maibabase sa sekswalidad ng isang tao ang pagaaral. Lahat
ay may karapatang makapagaral at makapagtrabaho. Malaking usapin din ang kasuotan ng
mga kababaihan noong panahon ng mga Kastila, ngunit ngayon, malaya na ang mga
kababaihan na magsuot ng mga damit na nais nila.
Bagaman maraming nagbago sa kultura ng bansa, marami pa rin naman ang nanatili.
Ilan dito ay ang patuloy na pagdiriwang ng mga pista sa iba’t-ibang barrio, panliligaw ng mga
lalaki sa mga kababaihan, at ilan pang mga tradisyon sa ibat-ibang probinsya ng bansa.

You might also like