Script

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Filipino Script:

Scene 1 : Pagkakakilala (Park scene)


(Angelo uupo sa isang bench)
(mag gigitara)
(kakanta si Angelo: Binibini by Janno Gibbs)
(Mapapadaan si Ana kasama si Zyren)
(Sinusundan sila ng tingin ni Angelo)
(Si Ana may nagpapaypay at ngumiti ng mahinhin habang ng lalakad)
Zyren: Napakainit naman ngayon! ( Magpapaypay)
Ana: Oo nga eh ( Mahinhin na titingin kay zyren at ngingiti)
(Darating si Adrian uupo sa tabi ni Angelo )
Adrian: Angelo
Angelo: O Ana, Aking mahal, Ang iyong kagandaha’y walang kupas
Adrian: Oy (sisikuhin si Angelo)
Angelo: Adrian, nandyan ka na pala
Adrian: Hanggang tingin ka nalang ba talaga sa pinsan ko, Angelo? Simula bata palang tayo gusto mo na siya, at ngayong
parehas na kayong nasa tamang edad, Bakit di mo na siya ligawan? Kausapin mo siya.
Angelo: Nawawalan ako ng lakas ng loob eh
Adrian: Hay nako, Halika at ipapakilala kita kay Ana
(Mauunang maglakad si Adrian papunta kala Ana)
(Angelo magaayos ng buhok at damit saka hihinga ng malalim)
Adrian: Magandang Umaga sa inyo mga binibini!
Ana: Magandang Umaga din sayo, Adrian ( ngingiti)
Adrian: Binibining Ana, Gusto ko sanang ipakilala sayo ang aking butihing Kaibigan
(Tatawagin si Angelo)
Adrian: Ana, ito nga pala si Angelo
Angelo: Magandang tanghali sayo, Binibini
(ngingiti si Ana ng mahinhin at nagpapaypay)
Ana: Magandang tanghali din sayo
(Magtititigan sila habang nakangiti)
Zyren: Ana kailangan na nating umalis baka hinahanap ka na ng iyong Ama
Ana: (Tatango); Paumanhin mga Ginoo, Ngunit kailangan na naming umalis. Ikinagagalak kitang makilala Angelo. Paalam.
(tatango at ngingiti si Angelo)
Angelo: Wag kang magsabi ng paalam Binibini, sisiguraduhin kong magkikita tayong muli, at kapag ngyari iyon ako na
pinakamasayang tao sa mundo.
(ngingiti si Ana kahit nakatalikod na)

Scene 2: Panliligaw
Narrator: Isang buwan na ang nakalilipas nung magkakilala sila Angelo at Ana . At araw araw na ring nakakatanggap ng
Liham at rosas ang dalaga.
(Bubuksan ni Ana ang bintana)
(Titingnan ang liham)

(Voice record in Angelo)


Nung una pa lang kitang makita,
Ako na sa iyo'y nahalina.
Sa mukha mo na napakaganda,
Napako ang aking mga mata.
-
lagi mo 'tong tatandaan,
Puso ko'y sa'yo lang nakalaan,
Mata ko'y ikaw lang ang titingnan,
Mamahalin ka magpakailanman.

Pagkatapos mong basahin ito,


Maantig sana ang iyong puso.
Pakinggan mo sigaw ng puso ko,
Ito'y Ana Policarpio.
Ana: O Angelo, aking mahal
(ngingiti sa buwan) (isasara ang bintana)
(Papasok sa room si Angelo kasama si Adrian)

Angelo: Adrian ayos na ba yung gitara, Baka sintunado yan ha?! Ayos lang ba ang Itsura ko? Yung buhok ko okay lang ba?
Adrian: Angelo, Kumalma ka. Ayos na ang lahat. Ikaw ba handa ka na ba talaga?
Angelo: (ngingiti sa bintana ni Ana) Para sa aking mahal, Oo Adrian Handa na talaga ako.

(Play Music: Ipagpatawad mo)


(Intro ng song)
Angelo: Ana aking mahal, Sana’y ako’y iyong dinggin.

(Start na kumanta)

Ipagpatawad mo aking kapangahasan


Ang damdamin ko sanay maintindihan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sayo ayaw ng lumayo

(bubuksan ang bintana ni Ana)

Ipagpatawad mo minahal kita agad


Dika masisi na ako ay pagtakhan
Dina dapat ako pagtiwalaan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sayo ayaw ng lumayo

Ginoong Policarpio : Ana, Sino yan? (Titingin sa bintana) (Lalabasin sila Angelo at Adrian)
Angelo: Magandang Gabi po Ginoong Policarpio
Ginoong Policarpio : Ano ba ang inyong pakay ngayong disoras na ng gabi.
Angelo: Gusto ko po sanang pormal na hingin po ang inyong permiso kung maari ko po ligawan ang niyong anak na si
Ana?
Ginoong Policarpio : Patunayan mo muna sa akin ang iyong sarili Ginoo.
Angelo: Gagawin ko po ang lahat, mapapayag ko lang po kayo.
Ginoong Policarpio : Mabuti naman kung ganun.
Angelo: Ginoo, kami po ay mauuna na. Maraming salamat po
Ginoong Policarpio : Ana, aalis na ang bisita mo.
Ana: Maramaing salamat Angelo, Magiingat kayo
Angelo: Sana ay napasaya kita binibini, Mauuna na kami.
Adrian: Paalam po

Scene 3: (Paggawa para sa pamilya)


Narrator: Kinaumagahan ay nag simula ng manilbihan si Angelo sa pamilya ng dalaga. Pursido talaga ang binata na
mapapayag ang Magulang ni Ana na ito ay kanyang ligawan. Halos 3 buwan na ring ginagawa ni Angelo ang
paninilbihan.
(Ipapakita ang pag sibak ng kahoy) (Music)
(Magigising si Ana at bubuksan ang bintana)
Angelo: Magandang umaga Mahal, ay Binibini pala (ngingiti habang nakatingin sa mata ni Ana)
Ana: Magandang umaga din sayo
(Kukuhain ni Angelo ang mga timba)
(lalabas si Ana para Bigyan ng tubig si Angelo)
Ana: Angelo, Magpahinga ka na muna, Ito oh Inumin mo
Angelo: Salamat (Iinumin niya nito)

Ginoong Policarpio : (lalapit sa dalawa) Magandang umaga sa inyong dalawa, Angelo gusto ko lamang malaman mo na
Pumapayag na ako naligawan mo ang aking unika iha. Dahil sa inyong determinasayon, pag tyatyaga at respeto sa aming
gusto, Pinatunayan mo lamang na sincero ka sa nararamdaman mo sa aking anak.
Angelo: Maraming salamat po. Salamat po talaga.

(Angelo titingin kay Ana at ngingiti ng sobrang saya)


(Ngingiti din si Ana)

Scene 4: (Pagtatanong)
Narrator: Sa kanilang pagliligawan sila ay lubasang nagkakilala, Halos isang taon na niyang nililigawan ang dalaga at hindi
mas Pinatunayan pa nito na mahal na mahal niya si Ana. Ngunit gusto na niyang malaman ang nararamdaman ng dalaga
sa kanya.

Angelo: Magandang umaga po inyo


Jeavia: Magandang Umaga din sayo iho, Pasok ka. Ana nandito si Angelo.
Ana: Magandang Umaga (Ngingiti ng mahinhin at may pamaypay)
Angelo: Ana, kagya ako naparito dahil Nais ko sanang itanong kung anong iyong nararamdam sakin, nais ko sanang
malaman kung akoy may pagasa makamit ang iyong pagibig, kung maari na ba kitang maging katipan. Halos isang taon
na ako’y sayo’y sumusuyo ano ang iyong sagot binibini.
(magugulat si Ana sa sinabi ni Angelo)
Ana: Angelo, ako’y lubos na nagpapasalamat sa lahat ng ginawa mo sa akin, kaya oo Angelo, sinasagot na kita bilang
aking maging katipan.
Angelo: (Yayakapin si Ana) (Bubulong) Maraming salamat mahal ko, ako na ata ang pinakamasayang lalaki sa mundo.
(tatayo si Angelo at sisigaw) ANA POLICARPIO, MAHAL NA MAHAL KITA.
Ana: Angelo, tama na yan! Nakakahiya sa mga kapitbahay ( ngingiti at tatawa ng mahinhin)
Angelo: Ana, Gusto ko sanang makausap ang iyong mga magulang upang pormal ng hingin ang iyong kamay.
Ana: Talaga, Angelo?
Angelo: oo aking mahal, Tatlong araw pagkatapos ng araw na ito, pupunta ang aking partido upang mamanhikan sa
iyong pamilya.
Ana: Sige aking mahal.

Scene 5: (Pamamanhikan)
Narrator: Ang araw ng pamamanhikan

Angelo: Ginoo at Ginang Policarpio, Ana. Magandang Gabi po, Nandito na po kami.
Jeavia: Pasok kayo sa aming munting bahay.
Angelo: Ito po pala ang aming munting handong para po sa inyo.
(ibibigay ang pagkain)
Ginoong Policarpio : Maraming salamat.
(Papasok na sa sala scene)
Ginoong Policarpio : Sige sige, maupo kayo
Aling Merryl: Salamat
Jeavia: Ana anak, nandito na ang mga bisita mo.
Ana: opo inay susunod na po ako.

(pupunta na si Ana sa sala)


Ginoong Policarpio : ano nga pala ang pakay ninyo?
Angelo: Ginong Policarpio, Nandidito po kami upang pormal na hingin ang kamay ng inyong anak
(titingin kay Ana at hahawakan ang kamay ng dalaga)
Ginoong Policarpio : Kaya mo na bang buhayin ang aking anak?
Angelo: opo, Ginoon, ako po ay may sapat na ipon na upang buhayin ang iyong anak, hinding hindi kop o hahayaang
magutom at maghirap ang aking magiging butihing asawa.
Ginoong Policarpio : Sigurado ka na ba sa inyong desisyon na pagiisang dibdib, hindi madali ang buhay magasawa iho.
Angelo: Opo, Sigurado na po ako. Alam ko po na magiging mahirap ang buhay magasawa ngunit hindi ko na po
hahayaang pakawalan pa ang babaeng pinakamamahal ko.
Adrian: Binibini, Handa ka na ba sa panibangong hugto ng iyong buhay, ang buhay pagaasawa?
Ana: Handa na po ako basta si Angelo ang aking nasa tabi.

Jeavia: Mabuti naman kung ganun anak.


Ginoong Policarpio : mas magiging panatag ako kung ikaw, Angelo ang magiging asawa ng aking unica iha, napatunayan
mo na ang sarili mo sa amin.
Angelo: Maraming salamat po Ginoo.
Aling Merryl: maari ko na ba kayong tawaging balae? (tatawa ng mahinhin)
(magtatatawanan ang lahat)
Jeavia: Oo naman balae
Ginoong Policarpio : Ngunit Angelo, sa oras na saktan mo ang aking anak. Mata lang ang walang latay sayo. Tandaan mo
yan.
Angelo: Pangako po Ginoo, hinding hindi ko po sasaktan ang iyong anak. Hinding hindi ko po hahayaang malungkot,
mangulila o umiyak ang aking pinakamamahal. Pasasayahin ko po siya sa bawat Segundo, minuto, oras at araw araw.
Walang oras na hindi ngingiti ang inyong anak sa aking piling. Mahal na mahal ko po ang inyong anak.
Ginoong Policarpio : Kung ganoon, kailan ang Kasal?
(Freeze ang lahat)
Narrator: Mas masarap sa pakiramdam na pinaghihirapan ka ng taong mahal mo. Yung tipong haharapin at gagawin niya
ang lahat marining niya lamang ang matamis mong OO. Kaya kayo, ano ang magusto niyo, Panliligaw noon o Ngayon??
Maraming salamat po!
(Magsasaya ang lahat)
Lahat: Paalam!!!
The End!

You might also like