Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

IHA MAG-INGAT KA

Nay!, Tay! una na po ako pagpapaalam ko sa aking mga magulang at sabay nila binigkas ang salitang
“sige anak, mag-ingat ka”. Habang naglalakad sa kalye ng aming lugar, napansin ko ang mga taong
nagkukumpulan at tila ba’y may titignan na kung ano at pagtingin ko, ito ay mga litrato ng mga babae na
nakadikit sa poste, hindi ko na lamang pinansin kung para saan ba ang mga litrato dahil ako ay
nagmamadali papasok sa skwelahan, habang naghihintay ako ng masasakyan, may pumukaw sa’kin ng
pansin, isang babae na may magandang kutis at maigsing kasuotan, may lumapit na isang mamang lalaki
sa kanya at taas baba itong tinignan na waring ang mga tingin ay malagkit at ito’y parang kinakausap.
Ang huling kataga na nakarinig ko na sinabi ng mamang lalaki sa babae ay “iha mag-ingat ka” bago ako
makasakay ng tricycle. Pag pasok ko aming silid aralan, dinig ko ang mga kwentuhan ng aking mga
kaklase tungkol sa mga litrato ng mga babae na nakadikit sa poste, napaisip tuloy ako kung bakit
pinagguguluhan at pinag-uusapan ang mga litrato na iyon, ngunit biglang natigil ang kanilang usapan
dahil sa pagpasok ng aming guro. “Ilang mga babae ngayon ang pinaghahanap at iniimbistigahan ng mga
pulisiya dahil ilang araw ng nanawala” yaan ang mga katagang narinig ko mula sa pinapanood ng aking
mga magulang mula sa balita pagkapasok ko sa aming tahanan dahil ginabi ako sa pag-uwi galing
skwelahan. Pagkita sa akin agad ng aking mga magulang, pinayuhan nila ako agad ng “anak mag-ingat ka
lalo’t gabi ka na nakakauwi”. Kinaumagahan, habang naghihintay ulit ako ng masasakyan upang
pumasok sa skwelahan, may lumapit sa’kin ng isang mamang lalaki, namukaan ko siya dahil siya rin ang
lalaki kahapon na lumapit sa babae, kinausap niya ako at sinabihang “iha mag-ingat ka”. Lumipas ang
mga araw, ang litrato ko ay isa na rin nakadikit sa poste na pinag-guguluhan at pinag-uusapan.

You might also like