COT Dula

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

DAILY LESSON PLAN

Learning Area Filipino 9


Learning Delivery Modality FACE-TO-FACE LEARNING MODALITY
Paaralan Luis A. Ferrer National Antas Grade 9
High School (GFMINHS-
Annex)
Guro Rommel A. Pamaos Asignatura Filipino 9
Petsa Enero 18, 2024 Kwarter Ikalawang Markahan
Oras 7:55-8:45 Bilang ng 1
Araw
Sa Pagtatapos ng aralin; inaasahang ang mag-aaral ay:

Nauuri ang mga tiyak na bahagi at katangian ng isang


I. LAYUNIN dula batay sa napakinggang diyalogo o pag-uusap.
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-IIg-h-
48) )

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga


A. Pamantayang Pangnilalaman piling akdang tradisyonal ng Silangang Asya

Maisusulat ng sariling akda na nagpapakita ng


B. Pamantayang sa Pagganap
pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano
Nasusuri ang binasang dula batay sa pagkakabuo at
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa mga elemento nito.
Pagkatuto (MELC)

II. NILALAMAN Mga Bahagi at Sangkap ng Dula


III. KAGAMITANG PANTURO

A. Mga Sanggunian
Pivot 4A Learner’s Material- Filipino
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Ikalawang Markahan–Modyul 2
Panitikang Rehiyunal
Pivot 4A Learner’s Material- Filipino
2. Mga Pahina sa Kagamitan ng mag-aaral Ikalawang Markahan–Modyul 2

Pivot 4A Learner’s Material- Filipino


3. Mga Pahina sa Teksbuk Ikalawang Markahan–Modyul 2

4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal


ng Learning Resource

B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para Visual Aids, Script ng


sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan

IV.PAMAMARAAN

APPROACH STRATEGIES COLLABORATIVE APPROACH

SUGGESTED ACTIVITY JIGSAW METHOD (TDAR)


KAUGNAY NA ASIGNATURA MATH, ENGLISH, AP
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. PANIMULA
Panimulang Gawain
 Panalangin

“Bago tayo pormal na magsimula sa ating talakayan (Ang mga mag-aaral ay tahimik na tutungo at
ngayong araw, tayo muna ay tumungo, manalangin at mananalangin)
damhin ang presensya ng Panginoon”.

 Pagbati
“Mapagpalayang araw sa inyong lahat!” (Ang mga Mag-aaral ay tutugon,)
“Mapagpalayang Araw din po!”
“Bago ang lahat maari bang paki-ayos ng inyong mga
upuan at pulutin ang mga kalat na nakikita ng inyong (Ang mga mag-aaral ay susunod at aayusin ang kanilang
mga mata. At syempre paki-ayos din ng inyong mga sarili at upuan)
sarili “
“Wala naman po sir.”
”May absent po ba tayo?”

”Palakpakan natin ang ating mga sarili kasi kumpleto


tayo ngayon!”
(Ang mga Mag-aaral ay susunod)
 Panuntunan sa Klase
“Bago tayo magsimula, akin munang babanggitin ang
ating panunutunan sa ating klase,
 Siguraduhing handa ang isip at puso sa
pakikinig
 Sundin ang panuntunan ng guro sa (Ang mga mag-aaral ay tutugon sa pamamagitan ng
pagsagot pagtaas ng kamay na naka-thumbs up o thumbs down)

 Balik-aral

“Noong nakaraan ay nagkaroon tayo ng


talakayan ukol sa mga imahen at simbolismo. (Ang mga mag-aaral ay makikinig)

Tingnan nga natin anong masasabi niyo sa mga


larawang aking ipapakita.

“Opo, Ginoo.”

(Ang mga mag-aaral ay makikilahok at sasagot)


“Mahusay! Ang inyong mga
memorya at natatandaan nyo pa ang mga aralin
noong nakaraan”

 Pagganyak (THINK)
Linya-linyahan

Bubunot ang inyong kaklase ng isang papel at laman


ng papel na yun ay isa sa karaniwang linya na narinig
na ng halos lahat sa atin. Tukuyin kung sino ang
madalas na nagsasabi ng linya na ito. Basahin nang
may sapat na emosyon at magtawag ng kaklase para
sagutin ang tanong kung ano ang madalas na
pinanggagalingan ng linyang ito.

1. Sinisingil mo ako ng utang ko sa’yo, eh kung


singilin kaya kita ng lahat ng pinanggastos ko sa’yo
simula nang pinanganak ka.
2. Yan ba natutuhan mo sa mga kaibigan mo? (Ang mga Mag-aaral ay makikilahok sa aktibidad at
Sumagot sa magulang? sasagot)
3. Kung manghingi ka ng pera kang may patago a.
Anong akala mo sa akin, nagtatae ng pera?
Sinasabi ito ng ating ina sa iba-ibang yugto ng ating
buhay at sa iba-ibang lugar at sitwasyon. Pero alam
niyo kung anong mas amazing? Tanungin mo ang
bawat nanay ng mga palaging sinasabi ng kanilang
anak, tiyak na mas marami silang naaalala kaysa atin.

B. PAGPAPAUNLAD (DISCUSS)

All the world’s a stage,


And all the men and women merely players;
They have their exits and their entrances;
And one man in his time plays many parts,
-With Much Ado, William Shakespeare

Tama si William Shakespeare nang sabihin niya ang


mga linyang ito, na ang mundo ay isang malaking (Ang mga mag-aaral ay makikilahok sa Gawain)
entablado. Ganito tingnan ng manunulat na si
Shakespeare ang mundo, isang entablado, at ang
buhay natin ay isang dula. Nakaangkla ang mga sulat
ni Shakespeare sa Greek Plays na may dalawang uri,
ang trahedya at komedya. Kaya nga dito nag-ugat
ang dalawang maskara ng teatro.

Ano nga ba ang dula?

Ang dula bilang isang uri ng panitikan ay naiiba dahil


hindi ito isinulat para lamang basahin kundi para
itanghal. Ito ay nagsimula sa tula o tuluyang
pangungusap na naglalarawan ng buhay o ugali sa
pamamagitan ng mga usapan at kilos ng mga
tauhang gumaganap upang itanghal sa dulaan.’

Dito sa Cavite, kilalang-kilala ang Teatro Gantimpala


na nagkakaroon ng taunang pagsasadula ng mga
klasikong akda sa Pilipino na Ibong Adarna, Florante
at Laura, Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Halos
lahat ng batang kabitenyo, public man o private ay
nakanood nito at nagkaroon ng suring pangtanghalan.

Ang sabi ng Kastilang historyador na si Padre Vargas,


mga kastila ang nagdala ng dula sa Pilipinas. Makikita
natin ito hanggang ngayon sa anyo ng senakulo,
sarsuela, pasyon, Santa Krusan at ibpa.
Pero pinasubalian naman ito ng historyador sa
Pilipinas, bago pa dumating ang mga Kastila. May
dula na tayo, sa anyo ng mga ritwal, pag-iisang
dibdib, panggagamot at marami pa. Mas mainam pa
nga ang ating mga dula noon na nasa komunidad at
may partisipasyon ang lahat, hindi gaya ng mga dula
ng kastila na madalas ay kung hind sa plasa ay sa
mga entablado at may tiket ginaganap.

May dalawang uri ng dula ayon sa haba at tagpuan.


Ang ganap na dula ay tumatagal nang dalawang oras
o higit pa at nagpapalipat-lipat nang tagpuan. Ang isa
naman ay Dulang May Isang Yugto na kalimitang
hindi lumalagpas ng isang oras at isa lamang ang
tagpuan. Ang babasahin natin ngayong araw ay isang
uri ng dulang may isang yugto. (Ang mga Mag-aaral ay magsasagot)

Pagbasa ng PET LOVERS ni Rommel A. Pamaos.

Ano-ano kaya ang mga sangkap at elemento ng isang


dula? Pumunta tayo sa ating mga ka-grupo upang
mas maunawaan natin ang mga ito.

Ang bawat isa sa grupo ay magkakaroon ng takdang


elemento at bahagi ng isang dula. Trabaho niya na
pag-isipan kung ano ang silbi nito sa isang dula. Hindi
na bago sa inyo ang mga elementong ito dahil
nakikita din ito sa iba pang akdang pampanitikan na
tinalakay natin noon. Mayroon kayong tatlong minuto
para gawin ito.
(Ang mga Mag-aaral ay makikilahok sa talakayan at
Ngayon naman, magsama-sama ang lahat ng na- sasagot)
assign sa isang uri ng elemento, magbahagian kayo
ng inyong nalaman at pagkakaunawa sa elementong
ito. May tatlong minuto kayo para gawin ito.

Bumalik ang lahat sa grupo at ibahagi sa inyong


grupo ang natutuhan mula sa mga grupo niyo na may
katulad na elemento.

C. PAKIKIPAGPALIHAN

PANGKATANG GAWAIN (ACT)

Pangkat 1
Sumulat ng isang maiksing script sa prompt na
”Paano ka magtatapat sa nanay mo na lilipat ng
religion habang nagugunaw na ang mundo.”

Pangkat 2
Gumawa ng isang senaryo o skit ng grupo ng mga
estudyanteng sumusubok bumuo ng isang script.

Pangkat 3
Pumili ng isang alam na kwento gaya ng isang pabula
o kwentong pambata, sulatan ito ng script at gawing
dula.

(REFLECT)

Ngayong tapos na ang inyong pangkatang Gawain,


maari nang magtanghal ang unang pangkat”
(Ang mga Mag-aaral ay makikilahok sa talakayan at
sasagot)
(Pangkat 1)

(Pangkat 2)

( Ang mga mag-aaral ay magsisimula nang gawin ang


(Pangkat 3) kanilang pangkatang gawain.)
(Ang guro ay magbibigay ng komento at grado sa
bawat pangkat) (Ang unang pangkat ay magtatanghal ng kanilang
“Mahusay, salamat sa inyong partisipasyon at sa pangkatang gawain)
inyong mahusay na pagmamalas ng pagiging
malikhain. Palakpakan niyo ang inyong mga sarili” (Ang Ikalawang pangkat ay magtatanghal ng kanilang
pangkatang gawain)
D. PAGTATAYA
(Ang ikatlong pangkat ay magtatanghal ng kanilang
Subukin! pangkatang gawain)
Panuto: Sumulat ng isang monologo tungkol
sa alinmang bahagi ng iyong katawan gaya ng
esophagus ni Kween Yasmin.

PAGNINILAY ( Ang mga mag-aaral ay magpapalakpakan)


Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno,
journal o portfolio ng kanilang nararamdaman o
realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na ____________________
Nabatid ko na ________________

Inihanda ni: Binigyang Pansin ni: Pinagtibay ni:


ROMMEL A. PAMAOS SHIRLEY G. GARCIA MA. CHERINA D. MANALO
Guro I Head Teacher PSDS-OIC

You might also like