Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Analyn Gaoiran

BSEcon 3-5
Dagli: Pangkasarian, Karapatang Pantao

Who’s the monster?

Halimaw! Halimaw! mga katagang laging naririrnig, animo’y isang awitin. Murang kaisipan, akala ay
walang alam. Tingin ng mga tao na wari ako’y kakaiba, sakit na nilalayuan dahil akala ay nakakahawa.
Masasakit na salita na parang tingin ako’y hayop na walang nararamdaman. Mismong kapamilya ang
nangunguna. Sa aking murang edad, itinanim sa aking isipan ng aking ama na ang aking nararamdamn ay
isang sakit lamang, ito’y ipinangako niyang gagamutin. Tiniis ko ang mga sakit, ginanti ay mga ngiti,
ngunit tanong ko sa aking sarili, kailan kaya ako makakalaya? Gusto ko ng maipanganak muli, kasalanan
ba ang magreklamo? Habang lumilipas ang araw, lalong tumitindi. Sa wakas magaling na ako, sabi ng
aking Ama. Nagpanggap ako na ako’y magaling na, dahil hindi ko masabi kahit kanino, kaya
nagsinungaling ako dahil malalaman nilang hindi ako magiging masaya. Sa mundong ginagalawan, ibat-
ibang nilalang ang nakakasama. Sino ba ang tunay na halimaw? Ako ba? o mga taong nakapaligid na
tingin sa’kin ay halimaw.

DILIM

Isang madilim na gabi, katihimikan ang bumabalot sa kapaligiran. Takot ang umaapaw sa’kin habang
ako’y naglalakad sa isang madilim na kalye. Ano ba naman kasi ang Itay! Ako pa ang inutusang bumili ng
kanyang sigarilyo, pagrereklamo ko habang kinakausap ang aking sarili. Bigla akong napatigil sa
pagsasalita ng makarinig ako ng ingay sa kabilang iskinita, tinignan ko ito dahil sa kuryusidad. Kitang-kita
ko kung pano pagsusuntukin at baralin ng mga sibilyang lalaki ang isang binatilyong puno na ng dugo.
Tumakbo ako sa nakita ko, ngunit bigla ako nawalan ng malay. Hoy, gumusing ka diyan! May dalaw ka sa
araw na ito.

You might also like