Professional Documents
Culture Documents
Pahayag para Sa Pagpapatibay Sa Wikang Filipino Bilang Mga Sabjek Sa Kolehiyo Departamento NG Filipino at Panitikan NG Pilipinas Kolehiyo NG Arte at Literatura Unibersidad NG Pilipinas
Pahayag para Sa Pagpapatibay Sa Wikang Filipino Bilang Mga Sabjek Sa Kolehiyo Departamento NG Filipino at Panitikan NG Pilipinas Kolehiyo NG Arte at Literatura Unibersidad NG Pilipinas
Panitikan ng Pilipinas Kolehiyo ng Arte at Literatura Unibersidad ng Pilipinas, Diliman 18 Hunyo 2014
Napagtagumpayan na ng mga naunang bayani ng bayan ang mga tinatamasa nating pagkilala sa
wikang Filipino bilang isang wikang mayaman at taglay ang karunungang matalas at nangunguna
sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman. Nasa wikang Filipino ang karunungang makapagtutulos ng
pagkaFilipino sa mabilis na nagbabagong daigdig.
Buo ang pagkilala namin na ang layunin ng higher education at ng general education na pumanday
ng mga estudyante na may matatag na pagkilala sa kanilang kasaysayan at tungkulin bilang
Filipino, ay hinding-hindi matatamo kung ang pangunahing kasangkapan para matamo ito—ang
wikang Filipino—ay buburahin ng institusyon na dapat sana’y nagtataguyod at pumapanday nito.
Kaya kaming mga guro ng wika at manunulat ng saliksik at panitikang Filipino, kasama na kaming
mga kapuwa guro, manunulat, mananaliksik, at artistang nagmamahal sa wika at kaalamang
Filipino ay naninindigang dapat ituro ang Filipino bilang regular na kurso sa antas tersiyarya.
Ituro ang Filipino bilang regular na kurso sa kolehiyo!
Ibasura ang CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013
Mga Tanong:
1. Ano ang paksa o usapin ng posisyong papel?
2. Sino ang sumulat ng posisyong papel?
3. Sino ang may kataliwas na paninindigan?
4. Ano ang paninindigan ng sumulat ng posisyong papel na ito?
5. Ano-ano ang ginamit na katuwiran para suportahan ang paninindigang ito?
6. Ano-ano ang hinihiling na aksiyon ng posisyong papel mula sa publiko?
7. Sa palagay mo, sapat ba ang paliwanag sa bawat katuwiran para paniwalan ito?
8. Sino kaya ang nais maabot ng posisyong papel na ito?
9. Alin sa mga gabay sa lakbayin ang nasunod at di-nasunod sa halimbawang ito?
10.Nahikayat ka ba ng paninindigan na nakalahad sa posisyong papel na ito? Bakit