Tagalog Short Story

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

RED FLAG

By: Rhea Mae Arciga BSEDE 4A

Mahal ko ng sobra ang aking kasintahan si Zack, tipong patatawarin ko siya kahit hindi pa man siya nag
sosorry o gumagawa ng bagay para mag kaayos kami. Halos lahat na ata ng kaibigan ko ay nasabi na
hiwalayan ko na siya dahil daw napaka red flag nya pero hindi ko ginawa. Mahal ko e'.

Palagi niya akong pinapatulog sa gabi kahit hindi ako okay o kahit na may problema kaming dalawa.
Hindi siya sanay manuyo, hindi siya gaya ng ibang lalaki na susuyuin ang girlfriend nila dahil ayaw na
matulog 'tong masama ang loob.

Sa loob ng dalawang taon, tumagal ako sakaniya kahit na gano'n ang palaging nangyayari. Mag tatampo
ako pero hindi niya ako susuyuin. Sa huli? Ako rin ang susuyo sa sarili ko.

Pero ngayon, hindi ko pinalampas ang ginawa niya. Nakita ko na nag uusap parin sila ng ex nya.
Tinanong ko sya ng maraming beses pero iniiba niya lamang ang usapan. Hanggang mapuno ako at
kinompronta ko sya.

"Bakit nag uusap na naman kayo?" Tanong ko sakaniya.

Halos 30 mins siya bago mag reply at isang "Ano?" Lamang ang natanggap ko.

"Bakit mag kausap pa rin kayo ng ex mo?"

"Nag uusap lang naman kami, walang ibang ibig sabihin 'yon." Sagot nya.

"Wala ka naman dapat ikaselos. Wala lang 'yon." Dagdag pa niya.

Bumuntong hininga lamang ako at mag rereply na sana para mag kaayos na kami, ngunit naisip ko muna
na pahabain 'yon at mag pasuyo sakaniya.

"Ah sige." Reply ko sakaniya. Natatawa nalamang ako sa inaasta ko ngayon.

"Galit kana niyan?" Reply niya. Tingnan mo 'to, galit na rin agad siya.

"Hindi haha." Reply ko.

"Problema mo? Nagseselos ka na naman?" Reply nya.

"Wala, hindi haha." Selos na selos ako sobra! Mga salitang gusto kong bitawan ngunit mas pinili kong
iklian ang reply upang makita ang itatagal ng pasensya niya.

Ngunit makailang minuto kong paulit ulit na tiningnan ang messenger ko kung nag reply na ito ngunit
tumagal ng 30 mins ay wala pa rin. Sobrang tagal. Hanggang sa tumunog ang cellphone ko, sensyales na
may pumasok na panibagong mensahe.

"Mag hiwalay na tayo, nakakaputa na 'yang ugali mo."


"Suko na ako sa 'yo. Nakakagago kana."

Huling message niya bago ako tuluyang i-block.

Mapait akong napangiti. Pag suyo lang naman ang gusto ko ah pero bakit pag suko ang natanggap ko.

You might also like