Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Si Tommy Tamad

Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado. Ito kasi ang araw


ng paggawa ng mga gawaing-bahay.

Si Tommy ang bunso ng mag-anak. Bilang bunso, ang


gusto lamang niya ay kumain, matulog, manood ng
telebisyon, at maglaro.

Sa tuwing sasapit ang araw ng Sabado, hindi agad siya


bumabangon. Iniiwasan niya ang mautusang gumawa ng
mga gawaing-bahay.

Isang Sabado, habang nagpapanggap na natutulog,


may narinig na mga ingay si Tommy sa bahay. Dito ay alam
na niyang nagsisimula nang gumawa ng gawaing-bahay
ang mga magulang at kapatid.

Sa kusina, naghuhugas ang kaniyang Nanay ng mga


plato, baso, tinidor, at kutsara.

Sa likod-bahay naman, nagkukumpuni ang kaniyang


Tatay ng sirang upuan.

Sa sala, nagwawalis at nag-aayos ng mga gamit ang


kaniyang Kuya.

Sa kanilang bakuran, nagwawalis ang kaniyang Ate.

Sa sobrang tagal ng kaniyang pagkakahiga ay halos


makatulog muli si Tommy. Walang ano-ano’y
naalimpungatan siya sa isang boses na narinig.
“Tommy, ako ang diwata ng mga batang tamad na gaya
mo. Dahil sa iyong katamaran ay makatatanggap ka ng
parusa. Sa iyong paggising, hindi mo na muling makikita
ang iyong pamilya!”

Bigla siyang napabangon sa sinabi ng diwata.

Agad siyang tumayo at patakbong lumabas ng silid.

Umiiyak si Tommy habang hinahanap ang kaniyang


pamilya.

“Nasaan na po kayo? Pangako ko po, hindi na po ako


magiging tamad. Tutulong na po ako sa paggawa sa
bahay.”

Biglang dumating ang kaniyang Nanay, Tatay, Ate, at


Kuya. Agad silang niyakap ni Tommy at nangakong, “Hindi
na po ako magiging tamad. Gigising na po ako nang maaga
at tutulong na sa inyo.” Sumagot naman ng ngiti ang mga
ito.

Simula noon ay nagbago na si Tommy. Maaga na


siyang gumigising at siya na mismo ang nagliligpit ng
kaniyang higaan.

Palagi na ring tumutulong si Tommy sa mga gawaing-


bahay tuwing Sabado at Linggo. Mula noon ay naging higit
na mas masaya at malinis ang kanilang tahanan.

You might also like