Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

BANGHAY- ARALIN SA FILIPINO

BAITANG 8
UNANG MARKAHAN
LINGGO 1 : Ikalawang Araw
Panitikan : Karunungang-bayan
Paksa : Sawikain

I. LAYUNIN

Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-


bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.
(F8PB-la-c-22)

a. Natutukoy ang mga sawikaing ginamit sa mga pahayag at ang


kahulugan ng mga ito.
b. Nakabubuo ng awit, rap song, tula at iba pa, gamit ang mga sawikain.
c. Napatutunayan ang kahalagahan ng sawikain sa tunay na mga
pangyayari sa buhay ng tao.

II. PAKSANG-ARALIN:

Paksa: SAWIKAIN (Karunungang-bayan)


Sanggunian: Modyul sa Filipino -Baitang 8, (pahina 31,37-38)
LRMDS

Kagamitan: Laptop/Computer, Panturong biswal


III. PAMAMARAAN
A.Balik-aral
Gawain 1: Buuin Mo Ako…
Panuto: Punan mo ng angkop na salita ang mga
patlang upang mabuo ang mga salawikain.

1. Kung may tiyaga, may ___________

2. Pag ang tubig ay magalaw, ang ilog ay _______


3. Madali ang maging ________ ,mahirap ang
magpakatao”

Gawain 2: Kilalanin Mo Ako…

Panuto: Basahin at unawain ang maikling usapan o


dayalogo.
● Pansinin ang mga salitang ginamit sa iyong
binasang usapan, paano mo ang mga ito
mailalarawan?
● Ano kaya ang tawag sa mga ito?

B. Paglalahad/ Ipabasa ang pamagat at layunin ng aralin sa tulong ng


powerpoint.
Paghahambing

C. Pagtatalakay Gawain 3: Basahin Mo…


(Propel Integration)

*Dugtungang Pagbasa.
Kahulugan ng sawikain at mga halimbawa
Papangkatin ang mga mag-aaral at ipababasa ang
paksang aralin sa tulong ng Dugtungang
Pagbasa.

Sawikain – Ang pagsasawikain o pagtatambis ay isang


paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit ng
mararahas na salita upang maiwasan ang makasakit
ng loob. Ang sawikain o patambis samakatuwid, ay
masasabing mga salitang eupemistiko patayutay o
idyomatiko na ginagamit upang maging maganda ang
paraan ng pagpapahayag.

Mga Halimbawa:
parang natuka ng ahas …….. natulala
malayo sa bituka …………….. hindi malubha.
mahaba ang kamay ………… magnanakaw.
itaga mo sa bato …………….. pakatandaan
mahaba ang kamay ………… magnanakaw
Modyul sa Filipino, baitang 8

Gawain 4: Buuin at Ibahagi Mo…


Pangkatang Gawain.

Panuto: Bumuo ng usapan, “talk show”, tula, awit, at


rap gamit ang mga sawikain.
Ibahagi sa klase ang nabuong Gawain.

Pangkat 1… usapan/diyalogo
Pangkat 2 … “talk show”
Pangkat 3… Tula (1-2 na saknong)
Pangkat 4… awit
Pangkat 5 … rap song
RUBRICS NG GAWAIN

GAWAIN 1 2 3 4 5

punto puntos puntos puntos puntos

1. Maayos
ang
isinagawang
presentasyon

2. gumamit
ng sawikain

3. Nakiisa
ang bawat
kasapi sa
pagbabahagi
ng mga
kaisipan

KABUUAN

D. PAGLALAPAT Gawain 5. Isulat Mo…


Panuto.Sa iyong palagay, paano nakatulong ang
paggamit ng mga sawikain upang maging magaan ang
mga pahayag ng mga taong mag-uusap?
Sagutin ito gamit ang grapiko sa ibaba.

_________________________
_________________________
_________________________
SAWIKAIN _________________________
Kahalagahan
__________

E. PAGLALAHAT Gawain 6. Dugtungan Mo..


1. Natutuhan kong ang sawikain ay _________________
____________________________________________________

2. Nakatutulong ang paggamit nito sa pang-araw-araw


na buhay na mga tao dahil ___________________________

______________________________________________________

F. PAGPAPAHALAGA Gawain 7: Pahalagahan Mo..

Tanong: Bilang kabataan paano mo isasabuhay ang


mga Karunungang- bayan na natutuhan mo sa
aralin?
Isulat sa nakalaang mga linya sa ibaba ang iyong
sagot.

______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

IV. EBALWASYON Panuto:


Tukuyin ang mga sawikaing ginamit at kahulugan ng
mga ito sa sumusunod na mga pahayag. Piliin ang titik
ng tamang sagot.

1. “Naging bukas-palad siya sa mga mahihirap.” Ano


ang sawikaing ginamit sa pangungusap?
A. siya C. mahihirap
B. naging D. bukas-palad

2. “Mga balitang kutsero lamang ang lahat na


narinig mo sa kanya.” Ang ibig sabihin ng
pariralang may salungguhit ay:
A. totoo C. napapanahon
B. hindi totoo D. kapana-panabik

3. “Bilang mag-aaral, kailangan kong magsikap upang


makamit ko ang tagumpay.” Alin sa mga sawikain
sa ibaba ang angkop na kahulugan ng salitang may
salungguhit sa pahayag?
A. asal-hayop C. kabiyak ng dibdib
B. itaga sa bato D. magsusunog ng kilay

4. “Dahil butas ang _____ ng kanyang mga magulang


ay hindi sila nakapag-aral.” Anong salita ang
angkop na ipuno sa patlang upang mabuo ang
sawikaing nangangahulugang walang pera?
A. damit C. pitaka
B. bulsa D. pantalon

5. Kung ikaw ay isang anak-pawis lamang at gusto


mong makapagtapos ng pag-aaral, ano ang iyong
gagawin upang makamit mo ito?
A. mamasukan ng trabaho bilang utusan para
magkaroon ng kita.
B. mag-asawa nang maaga dahil wala nang pag-
asang makapagtapos ng pag-aral.
C. Mamasukan bilang “working student” sa mga
taong may kakayahang tumulong sa iyo.
D. Maghintay na lamang kung ano talaga ang
kapalarang ibibigay ng Panginoon sa iyo.

V. TAKDANG-ARALIN
Bumuo ng isang ISLOGAN tungkol sa pangangalaga sa
KALIKASAN gamit ang sawikain.

Inihanda ni:

EDNA S. TOMIMBANG
Guro sa Filipino-Gutalac 1

Susi sa Pagwawasto:

Pagbabalik-aral:

1.nilaga
2. mababaw
3. tao

Ebalwasyon

1. D
2. B
3. D
4. B
5. C

You might also like