Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Prayer:

Scripture: 2 Corinto 10:4-5

“4Ang sandata namin sa pakikipaglaban ay hindi makamundo, kundi ang kapangyarihan ng Diyos na
nakakapagpabagsak ng mga kuta. Sinisira namin ang mga maling pangangatuwiran, 5 ginagapi namin ang lahat
ng pagmamataas laban sa kaalaman tungkol sa Diyos, at binibihag namin ang lahat ng isipan upang matutong
sumunod kay Cristo.”

Introduction

Ang buhay Kristyano ay isang labanan. Walang totoong Kristyano o born again na wala sa labanan,
walang totoong kristyano na relax at tahimik ang buhay, dahil ang totoong kristyano ay nasa isang labanan.
Kasi kung seseryosohin natin ang bibliya makikita natin at mauunawaan natin na nasa matindi tayong labanan.
We are at WAR!!! Sabi nga sa bibliya sa Efeso 6:12 “ 12 Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa
mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito, sa
mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid.”

Tayo ay nakikipaglaban sa mga demonyo, nakikipaglaban tayo kay Satanas. Kaya sab isa Bibliya sa Efeso
6: 13 “Kaya't gamitin ninyo ang kasuotang pandigma na mula sa Diyos. Sa gayon, makakatagal kayo sa
pakikipaglaban pagdating ng araw na sumalakay ang masama, upang pagkatapos ng labanan ay matatag pa
rin kayong nakatayo.” Tayo ay nasa isang labanan mga kapatid. Parang leon na umaatungal ang ating kalaban
na naghihintay sa atoin nang pagkakataon na tayo ay lapain.

Nasa isang labanan tayo. Patuloy nating ipinaglalaban ang ating pananampalataya at ang makipaglaban
nga sa ating mga sarili ay napakahirap na. Kaya higit na mahirap ang pakikipaglaban natin para sa ibang
kaluluwa. Pakikipaglaban natin para sa kaluluwa ng ating mga mahal sa buhay, mga kamag-anak, pamilya,
kaibigan, katrabaho, at mga kakilala.

Paksa: CHRISTIANS SPIRITUAL WARFARE IN SOUL WINNING!!!

Diba, napakahirap magdala ng kaluluwa sa Diyos? Ang mapapunta nga ang isang tao sa church ay
napakahirap na. hindi natin sila mapapapunta sa simpleng imbitasyon lang. kahit pilitin mo minsan ay ayaw pa
rin, gaano pa kaya ang mailapit natin sila sa Diyos. Gaano pa kaya ang maidala natin sila sa Diyos. Diba
napakahirap??? Dahil sila ay nasa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Sabi nga sa 2 Tim 2:26 “Sa gayon,
maliliwanagan ang kanilang isip at makakawala sila sa bitag ng diyablo na bumihag sa kanila upang kanilang
sundin ang kagustuhan niya.” Ang lahat ng wala sa Diyos ay Bihag ni Satanas. Binubulag ni Satanas ang isipan
ng mga tao para hindi nila makita ang kaliwanagan ni Kristo, para hindi nila maunawaan ang salita ng Diyos.
Kaya napakahirap na mapalaya natin sila sa impluwensiya ni Satanas sa pamamagitan lamang ng casual na
pananalangin, o ng simpleng pagdadala natin sa kanila sa Church. IT WILL TAKE A WAR!!! It takes a war,
ipaglaban natin sila. Ilaban natin sila.

Ang dyablo ayaw niya na may taong makasalanan na totoong mabornagain. He will do everything in his
power para hindi tuluyang makakilala ang tao sa Diyos. Lahat ng wala sa Diyos ay nasa ilalim ng impluwensiya
ni Satanas, nasa ilalim sila ng kapangyarihan ng kadiliman. Kaya may battle, may struggle, may digmaan tayong
dapat na harapin para ma win natin sila.

Ang taong wala sa Diyos, hindi nila nauunawaan ang mga spiritual na bagay. Dahil binulag sila ng
kaaway. Sabi sa 2 Corinto 4:3-4 “ 3 Kung may talukbong pa ang Magandang Balitang ipinapahayag namin, ito'y
may talukbong lamang sa mga napapahamak. 4 Hindi sila sumasampalataya sapagkat ang kanilang isip ay
binulag ng diyos ng kasamaan sa daigdig na ito, upang hindi nila makita ang liwanag ng Magandang Balita
tungkol sa kaluwalhatian ni Cristo na siyang larawan ng Diyos.”

Kaya ang mag-akay ng kaluluwa ay hindi Madali. Ang mag-akay ng kaluluwa ay isang major na labanan.
Winning a soul is a war!!! Kaya tayong mga totoong mananampalataya na nakikipaglaban para sa kaluluwa ng
tao ay dapat na maging seryoso rito.

Kung paanong ang mga sundalo bago pumunta sa labanan ay naghahanda, nagtratraining, nag-
eensayo, nag-aaral, nagpaplano, naghahanda dahil alam nila na it’s a matter of LIFE and DEATH. Dapat ganun
rin ho tayo. Dapat lagi tayong handa. Lagi nating isipin na it’s a matter of LIFE and Death. Buhay at Kamatayan
ang nakasalalay sa ating labanan. Kaya ang pagdadala ng kahit isang kaluluwa sa Diyos ay hindi Madali. Para
tayong nagpapabagsak ng isang tower, nang isang malaking syudad. Kaya kung sesryosohin po natin ito ay
hindi Madali at ito ay mahirap.

Kaya nga sabi ni Pablo sa ating binasa kanina sa 2 Corinto 10:4-5 “4Ang sandata namin sa
pakikipaglaban ay hindi makamundo, kundi ang kapangyarihan ng Diyos na nakakapagpabagsak ng mga kuta.
Sinisira namin ang mga maling pangangatuwiran, 5 ginagapi namin ang lahat ng pagmamataas laban sa
kaalaman tungkol sa Diyos, at binibihag namin ang lahat ng isipan upang matutong sumunod kay Cristo.”
Nung nagkakaproblema siya sa ministry niya sa Corinto, naunawan ni Pablo na dapat ang sandatang gagamitin
niya sa pakikipaglaban ay hindi makamundong bagay kundi ang KAPANGYARIHAN NG DIYOS. Dahil ang Diyos
lang ang may kapangyarihan na magpabagsak sa anumang gawa ng Kaaway. Ang kapangyarihan ng Diyos lang
ang makakapagkalag sa mga tanikala ng kasalanan na gumagapos sa mga taong wala sa Diyos.

Samakatuwid, hindi sapat na ang ating gagamitin ay ang ating sariling kaalaman, kahusayan,
katalinuhan, kahusayan sa pagsasalita, kayamanan. Hindi sapat ang mga ito para ibagsak ang matibay na
tanggulan ni Satanas. Ang kailangan natin, ang tanging kailangan natin para mapabagsak ito ay ang
KAPANGYARIHAN ng ating Panginoong Diyos. Ang sandatang kaloob sa atin ng ating panginoong Diyos.

Sa pag-akay natin ng kaluluwa, kailangan nating MANALANGIN. Ang TOTOONG panalangin ay


pakikipagbuno, pakikipaglaban. Hindi ibibigay ng kaaway ni Satanas ang isang kaluluwa ng ganun ganun lang.
kailangan nating makipagbuno sa kaniya. Hindi maggigive up ng ganun ganun lang si Satanas. Lalabanan niya
tayo sa lahat ng paraan na alam niya. At mananalo siya kung HINDI TAYO MANANALANGIN. Mas malakas siya
kumpara sa atin. Mas matalino siya kaysa sa atin. Wala tayong laban sa kanila kung sarili lang natin ang ating
pagbabasihan. Kaya KAILANGAN NATING MANALANGIN. KAILANGAN NATING TAIMTIM NA MANALANGIN.
Dahil kailangan natin ang tulong nang mas malakas kasya kay Satanas, at ito ang tulong ng ating Panginoong
Hesu-Kristo ang tulong ng ating Dakilang Diyos na makapangyarihan sa lahat. Kaya kailangan nating
manalangin. Kailangang seryoso tayo sa ating pananalangin. Magseryoso tayo sa ating buhay pananalangin.
Lalo na ngayon na napakarami nating minimisyunan, napakaraming kaluluwa ang ating ipinaglalaban. Kaya
mas kailngan natin ng mas malalim, mas matinding pananalangin. Tindihan pa natin ang ating prayer Life.

Sa pag-akay natin ng kaluluwa, kailangan nating ng PAG-Ibig. Ito ang ginawa ng Diyos sa atin. Sabi sa
Roma 5:8 “Ngunit pinatunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin
noong tayo'y makasalanan pa.” Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin at napakaraming talata sa bibliya ang
nagsasabi ng WAGAS NA PAG_IBIG ng DIYOS sa atin. Dahil sa matinding pag-ibig ng ating Panginoong Hesus
sa atin, to the point na inalay niya ang buhay niya para sa atin. Ganun din nawa ang tularan natin. Kasi kung
wala tayong pag-ibig sa tao hindi natin sila pagmamalasakitan. Kung wala tayong pag-ibig sa tao hindi natin
magagawang magsakripisyo para sa kanila, hindi natin magagawang abutin sila. Kahit na may kakayahan ka
sap ag-abot ng kaluluwa kung wala kang puso para rito hindi natin un magagawa. Kung wala tayong passion
sa Soul hindi natin matatagalan ang pagmimisyon. Maiisip natin na pasakit lang to sa atin. At isa sa naunawaan
ko na habang lumalalim tayo sa Diyos, hindi na tayo mabubuhay para lamang sa mga sarili natin. Katulad ni
apostol Pablo, hindi na siya nabubuhay noon para lamang sa kaniyang sarili kundi nabubuhay siya para sa iba.
THAT IS TRUE LOVE. GENUINE LOVE.

Sa pag-akay natin ng kaluluwa, kailangan natin ng TIYAGA. Kailangan nating maging matiyaga.
Perseverance. It means to keep FIGHTING the battle of soul winning until its over. Lagi ngang sinasabi ni Pastor,
we will not give you to the devil without a fight.!! Keeping the battle until its over. Until its over. At alam natin
na habang nabubuhay tayo nakikipaglaban tayo, walang patid, walang hinto ang labanan mga kapatid.

Katulad ng mga sundalo na pumupunta sa labanan hindi nila masasabi kung ilang oras ang itatagal ng
kanilang pakikipaglaban kaya hanggat nasa labanan sila at hindi pa tapos ang labanan hanggat hindi sila
nananalo nananatili silang lumalaban. Ganun rin po tayo sap ag-akay ng kaluluwa. Ganun rin po sa soul
winning. Masasabi lang nating tagumpay na kung makita na nating tapos na ang labanan. At matatapos lang
ang labanan kapag bumalik na si Kristo o kapag namatay na tayo. Kaya hanggat buhay pa tayo lagi tayong
nasa gitna ng labanan, gitna ng digmaan. Magtiyaga tayo. Hindi ito matatapos kapag nadala na natin siya sa
Church once o kapag dumalo na siya ng dalawang beses sa Gawain, hindi ito matatapos sa regular na siyang
umaattend ng church, matatapos lang ang labanan kapag kasama na rin natin siyang nakikipaglaban para sa
kaluluwa ng iba, matatapos lang kapag pare-pareho na tayong nasa piling ng ating Amang nasa Langit.
Kaya mga kapatid, winning soul is not easy. Katulad ng naging buhay ni Apostol Pablo, hindi naging Madali ang
buhay niya, laging nasa panganib ang buhay niya, naghirap, nagtiis si Pablo sa kaniyang pagmimissyon sa
kaniyang pag-abot ng kaluluwa ng tao. Ibinigay niya ang buong buhay niya para rito. Humarap siya sa
matitinding labanan. Seneryoso ni Pablo ang pag-abot ng kaluluwa kaya niya napagtagumpayan ito dahil sa
buong journey ni Paul ng pangangaral, pag-abot ng ibang tao kasama niya ang Diyos. Nakipaglaban siyang
kasama niya ang Diyos.

Kaya tayo rin mga kapatid, nasa spiritual warfare tayo sa soul winning. We need to take it seriously.
Ipamuhay natin ang pananalangin, ipamuhay natin ang pag-ibig, ipamuhay natin ang pagtitiyaga, ipamuhay
natin ang buhay ni Kristo. Makipaglaban tayong kasama si Kristo. Dahil kung kasama natin si Kristo
magtatagumpay tayo.

Kaya mga kapatid, I challenge you all, hinahamon mko kayong makipaglaban kahit sa isng kaluluwa ng
seryoso. Makipaglaban tayo sa pananalangin, dahil Malaki ang magagawa ng panalangin ng isang taong
matuwid kaya how much more kapag maraming matutuwid na tao ang mananalangin. Church we are at WAR.
We are at War in Soul winning. Salamat po sa salita ng ating Panginoon. Amen!

You might also like