Professional Documents
Culture Documents
Dekada 70 Script
Dekada 70 Script
(Props – TV at tasa)
Scene 3 – Kris Aquino (Alice Badashe) isinisigaw gamit ang megaphone: If the university is to discharge
its mission to society which is the pursuit of truth and not profit then the students must be liberated for
the oppression of the administrative authority.
Scene 4 : umpukan ang babaeng NPA, Willy, Jules at ilan pang aktibista
Babaeng aktibista (Pauline Malibiran) : Isang araw, sa isang komunidad na planong idemolished, humingi
sila ng suporta sa amin. Nandoon kami. Nagbarikada kami. Noong dumating ang mga pulis na ang
intensiyon ay hulihin ang aming lider. Hindi namin ito pinayagan. Lumaban kami pero sinaktan nila kami.
Si Nanay Violeta sinuntok nila at pinagtatadyakan. Ang masaklap pa doon ang kasama naming buntis,
hinila ng mga pulis at dinugo ito. Pero imbes na sa hospital dalhin isinama nila sa presinto.
Scene 5 (lider ng samahan) : Ang pagsanib ng inyong buhay ay ipapaloob sa lukob ng pulang bandila na
kakulay ng dugo ng sang katauhan, anumang lahi, anumang kulay. Ito’y ibayong patitibayin sa ilalim ng
mahigpit na pagkakaisa ng manggagawa, magsasaka at ng mga anak pawis.
Scene 6 : RALLY
Nakita niyo ba na meron na namang napatay. Hindi lang iyon. Sinuspinde na ang writ of habeas corpus.
Alam niyo ba ang ibig sabihin niyon. Pwede na kayong damputin ng walang warrant of arrest. Makulong
ng walang demanda. Mabuti kung ganun lang eh kung madampot kayo katulad noong isang student
leader na si Charlie del Rosario. Isang taon n ani bangkay hindi pa nakikita.
Scene 9:
Willy (Reynaldo Ora ) : Lalabas na ako. Patay. Matagal na nila akong hinihingi. Ikaw ayaw mo pa.
Amanda ( Rhovie) : Bingo, bumaba ka sinabi diyan eh… Halika nga rito, mapapalo kita!
Bingo (Cynell): Andiyan na! (pairitang sabi) (at ibinabababa ang saranggola)
Julian: Eh, nagbabasa lang ako dito ah. Anong masama doon? Estudyante yung bata gusto niya matuto.
Pagsasabihan ko ang anak natin…
Julian: Hindi ba’t si Marcos ang presidente ng lagdaan ang kasunduan sa pagitan ng America at Pilipinas.
Wala silang choice kundi kilalanin ang kasunduang ito.
Julian: No Jules. Hindi mga bobong tao ang nasa gobyeno. Mga ekspertong ekonomista yan, mga political
scientists.
Jules: (buntong hininga) ganun pala eh, bakit lalong naghihirap ang Pilipinas, bakit lalo tayong nababaon
sa utang. Narealize mo ba Dad? Na at this point, hindi pa man ako nag-aasawa ay may utang na ang
magiging anak ko? Hindi ka ba nagagalit na ang magiging anak ng bawat anak mo, ngayon palang
pambayad na ng utang. Na wala ka naming kinalaman? Suguro Dad talagang panahon na, para mamili an
tao, alinman, sa dito ka o doon walang neutral ground.
Amanda: Julian ! Julian ! dali Si Marcos nasa TV. Nagdedeclare ng Martial Law!
Sa telepono:
Jules: Si Willy nga sa labas inabot eh. Hindi na makabalik dito. Hindi ako makalabas. May mga guwardiya
sibil.
Hapagkainan:
Jules: Wala naman sigurong masamang mangyayari. Hindi naman mag-mamartial law kung hindi naman
kailangan. Of course, may pagka-abnormal ang sitwasyon. Pero iyon naman, ay para sa kabutihan ng
ating bansa.
….……………………………………………………………………………………
Jason: Ay MOM, may sulat pala si kuya Jules dala ng kaibigan niya kay kuya EM.
(Pumasok sa bahay)
….……………………………………………………………………………………
….…………………………………………………………………………………..
Gani: “Ang iyong anak ay hindi ninyo anak. Sila’y mga anak na lalaki’t babae ng buhay. At bagamat
nanggaling sa inyo, Sila’y hindi inyo…..”
Em at Gani: “..maibibigay niyo sa kanila ang inyong pagmamahal, ngunit hindi ang inyong paniniwala.
Mabibigyan niyo ng tahanan ang kanilang katawan, ngunit hindi ang kanilang kaluluwa. Sapagkat ang
kanilang kaluluwa, Ay namumuhay sa templong kinabukasan na hindi niyo madadalaw kahit sa
panaginip..”
Amanda: ‘di ko daw anak yun. Nagdaan lang daw sa akin. Ang magiting na anak ng buhay.
(natutulog ang mag-asawang Bartolome, nang biglang may kumatok sa gate sa labas ng bahay)
(nagising si Amanda)
Jules: DAD! Pasiyensya na, may sugat siya at wala na akong pwedeng pagdalhan pa.
….………………………………………………………………………………………
Jules: Dad sandal! Tama ng baril ang sugat niya. Hinabol kami ng mga sundalo kaya ‘pag sa ospital, baka
matunton siya. Kaya dito ko na po dinala. Alam kong sa ganitong paraan, kayo lang ang pwede kong
asahan.
….………………………………………………………………………………………
….………………………………………………………………………………………
….………………………………………………………………………………………
Jules: MOM!!!
Amanda: May pa-date date ka pang nalalaman. Ba’t hindi ka na lang umuwi? Ano ba ang problema?
Jules: Malaki! Nahuli ang kilusan. Mom, kailangan niyong maglinis ng bahay. Alam niyo na kung anung
ibig kong sabihing. Maglinis. Kailangan tanggalin lahat ng delikado. May mga naibigay ako kay Em na
delikado, may naisulat siyang Delikado at may mga posters na delikado. At ‘pag may dumating, sabihin
ninyo na matagal na akong wala. Hindi niyo alam kung nasaan ako at taon na tayo ‘di nagkikita at wala rin
kayong balita sa akin.
Jules: Mom, wag kayo magagalit sa akin. Wag kayong magsalita ng kahit anu please! Nasa public place
tayo.
….……………………………………………………………………………………….
….……………………………………………………………………………………….
SCENE 6
….……………………………………………………………………………………….
EM: Mom!
Amanda: Bakit?
….………………………………………………………………………………………..
Jules: Dad! Hindi ako nagsalita kahit anung gawin nilang pahirap sa akin wala akong inamin.
Jules: Kinondisyon ko ang sarili ko na kapag hinuli nila ako, bablankuhin ko ang isip ko. Na kahit
magtanung sila, wala akong isasagot. Natatandaan mo yun mom, yung condition reflexes nung mga bata
pa kami. Na kondisyon ko ang sarili ko. Na kapag mamatay ako, mamatay ako sa paninindigan ko. You
should be proud of me dad!
Julian; Of course, I’m proud of you son! I’m always proud of you.
Jules: Nagmamadali ka kung tutuusin Pasko naman ngayon ah. Pwede nga kayo rito hanggang mamaya.
Jules; Sorry ah, ikaw lang kasi meron ako ngayon eh kung magagawa ko nga lang ihihinto ko muna ang
oras para hindi muna kayo umalis.
Ang sabi ni Mom lagi ka raw nag-aawra sa … Baka mapasugo ka sa maagang pag-aasawa
Telepono ringing
Amanda: Anong oras na ah, ano si Jason. Nakita niyo ba. Wala sa mga listahan. Akin na , akin na ang mga
telepono ng mga kaibigan niya.
Darating si Eman
Julian: Oh ayan na naman ang isa mong anak na magaling. Diyos ko Eman nawawala na ang kapatid mo
dadagdag ka pa. \
Julian (magwawala)
Amanda at Julian
Julian : Hindi kasi kita maintindihan eh tingnan mo ang sarili mo. Hawak hawak mo pa rin yang bandana
ni Jason.. at tsaka anong sabi kanino mo ilalapit kay Enrique. Anong sasabihin mo doon na ang anak mo
hinuli, pinalaya tapos pinatay.
Julian: Hindi natin Hinahayaan na ganun lang Amanda, gagawin natin lahat ng makakaya natin pero wag
kang umasa na malulutas ang kasong ito dahil Hindi maasasahan ang gobyerno na lutasin ang kaso ng
walang pangalang mamamayan. Punyeta ! Amanda. Hindi lang anak ko ang pinatay, libo libo na yan.
Tinotorture.. Sinasalvage.
Amanda: Kung mananahimik tayo dito sige anong pinagkaiba natin sa enabler ng gobyerno na tinutukoy
mo?Anong pinagkaiba ko sa mga taong hinayaang mamatay ang anak ko.. Anong pinagkaiba ko sa mga..
sa mga punyetang pulis na walang awang tinorture si Jules.. Sabihin mo hanggang saan makakarating ang
pananahimik mo..
Julian: Ano bang gusto mo anong gusto mo ha sumama sa mga nagrarally sa labas!Babae ka
Amanda,babae ka babae ka lang.
Amanda: Ang kapal ng mukha mo.Babae ako oo, asawa mo ako at higit sa lahat ina lang ako ng mga anak
mo. Babae akong parte ng Lipunan na magpahanggang ngayon inaangkin na pamumuno niyong mga
kalalakihan.. Babae akong titindig sa Lipunan.Sasama ako sa mga nagdedemonstrasyon. Sige , sige
gagawin ko iyan. Kasi katulad ng sinabi mo hindi lang ang anak natin ang nagging biktima. Tingnan mo,
tingnan mo ang mukha anak mo. Tingnan mo ! Marami sila.. Bilang isang sibilyan na naghahangad ng
katarungan at bilang isang ina, isang ina naghahangad ng hustisya.. Kailangan natin silang ipaglaban.
Nandito na tayo Julian .. . wala ng mararating ang pananahimik…