Professional Documents
Culture Documents
DLP AP q4 2
DLP AP q4 2
3.Mga
Kagamitang Projektor/TV, laptop, cartolina, mga larawan, cartolina, pentel pen, ruler
Pampaturo
4. Pamaraan (indicate the steps you will undertake to teach the lesson and indicate the no. of minutes each
step will consume)
Panimulang
Gawain Bakit nag-alsa ang mga katutubo?
(2minuto)
Lalong matindi ang pag-aalsa ni Magat Salamat, anak ni Lakan Dula, kaysa sa naunang
pag-aalsa ng kanyang ama at tiyuhin. Nagtatag siya ng lihim na samahan upang ipaglaban at
makamit muli ang kalayaan ng mga katutubong Pilipino noong unang bahagi ng 1587. Ang mga
kasapi ay buhat sa iba‘t ibang panig ng Gitnang Luzon at sa Pulo ng Cuyo at Borneo.
Nakipagsabwatan din sila kina Juan Gayo at Dionisio Fernandez na magpasok ng mga sandata
buhat sa Japan.
Subalit sila ay hindi nagtagumpay dahil sa pagtataksil ng isa nilang kasamahan na si
Antonio Surabao. Dahil dito, ikinulong at pinatay si Magat Salamat.
Magalat
Naganap ang rebelyong panrelihiyon dahil nais talikdan ng ilang Pilipino ang
Kristiyanismo. Nais nilang bumalik sa pananampalataya sa mga diyos ng kanilang mga ninuno.
Ang pag-aalsa sa Bohol ay pinamunuan ni Tamblot. Sa Leyte, ito ay pinamunuan ni Bancao.
Nagpadala ang pamahalaan ng mga sundalong Español at sundalong Pilipino galing Cebu
upang supilin ang rebelyon.
Sumuroy (1649-1650)
Isang babaylan si Tapar. Itinatag niya sa Oton, Panay ang isang bagong relihiyon na
parang binagong anyo ng Kristiyanismo noong 1663. Tinutulan ng paring Español ang kilusang
panrelihiyon. Sumugod ang mga tropa ng pamahalaan at nahuli si Tapar. Binitay siya kasama
ng iba pa niyang kaibigan. Itinali ang kanilang labi sa poste upang makita ng mga taong bayan
at hindi pamarisan.
Si Diego Silang ay kinulong ng mga Español dahil nagpetisyon siya na alisin ang
pagpapataw ng buwis sa mga Pilipino. Nang siya ay pakawalan,hinimok niya ang kanyang mga
kababayang Ilocano na maghimagsik laban sa mga Español. Nagtatag siya ng sariling
pamahalaan sa Vigan at nakipag- ugnayan sa mga Ingles upang makayanan ang
pakikipaglaban sa mga Español. Pinadalhan siya ng mga sandata ng mga ito. Nagsimula ang
rebelyon noong Disyembre 14, 1762 sa Vigan. Nang siya ay namatay noong Mayo 28, 1763,
ipinagpatuloy naman ng kanyang asawa, si Maria Josefa Gabriela ang pakikipaglaban. Sa
kasamaang-palad, hindi rin nagtagal ang kanyang pangrerebelyon. Pinatay siya ng mga
Español noong Setyembre 20,1763.
Dagohoy (1744-1829)
Palaris
Paglalapat ( 6
na minuto) Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Anu-anong katangian ng mga Pilipino ang kanilang ipinakita?
1. Lumban ang mga katutubo kahit mahina ang kanilang armas. _______________
2. Sumapi ang mga taga iba‘t ibang lalawigan sa lihim na samahang itinayo ni Magat Salamat.
3. Hinarang ng mga kasama ni Maniago ang daraanan ng mga pagkain para sa mga Español
upang sila ay magutom at mapilitang ibigay ang kanilang mga hinihiling.
4. Namundok sila at nagtatag ng sariling pamahalaan ng sariling pamahalaan. Nagrebelde siya
mula 1744 hanggang 1825, hanggang siya ay pinatawad at hinayaang mamuhay nang tahimik.
5. Gumawa ng sariling armas ang mga Muslim upang lumaban sa mga Español.
5. Pagtataya (indicate whether it is thru Observation and/ or Talking/conferencing to learners and/or
Analysis of Learner’s Products and/or Tests)
Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Sino ang namuno sa pag-aalsa ng mga Tagalog?
A. Diego Silang C. Hermano Pule
Pasulit B. Felipe Catabay D. Magat Salamat
(6 minuto) 2. Bakit nag-alsa si Tamblot? Ano ang ipinaglaban niya?
A. Nais nilang bumalik sa pananampalataya sa mga diyos ng kanilang mga ninuno.
B. Inalis ni Gobernador Heneral Guido de Lavezares ang karapatang ipinagkaloob ni
Legazpi sa mga katutubo.
C. Ipinadala ng mga manggagawang taga-Samar sa Cavite upang magtrabaho sa gawaan
ng barko.
D. Tinutulan nila ang sapilitang pagtratrabaho ng mga Español.
3. Anong pangkat-etniko sa Luzon ang sumuko sa pakikipaglaban sa mga Español?
A. Apayao C. Cebuano
B. Badjao D. Gaddang
4. Ano ang isa sa mga dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga Español?
A. Pagyakap sa relihiyong Kristiyanismo.
B. Mabuting pakikitungo ng mga Español sa mga katutubo.
C. Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Español.
D. Paniningil ng tamang buwis sa mga katutubong Pilipino.
5. Bakit hindi nagtagumpay ang mga rebelyon ng mga Pilipino laban sa mga Español?
A. Wala silang pinuno. C. Wala silang pagkakaisa.
B. Wala silang mga armas. D. Wala silang sapat na dahilan.
6. Bakit nagrebelde siFrancisco Maniago laban sa mga Espanyol noong Oktubre 1660?
A. Dahil hindi bininyagan ang kanyang anak sa paglakristiyanismo.
B. Nagtatag siya ng bagong rehiyon na binagong anyo ng Kristiyanismo.
C. Tinutulan niya ang sapilitang pagtatrabaho.
D. Dahil hindi sila pinayagan na maglakbay patungong Samar
7. Anong rebelyon ang tinaguriang pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas?
A. Rebelyong Palaris B. Rebelyon ni Hermano Pule
C. Rebelyon ni Tapar D. Rebelyon ni Dagohoy
8. Bakit ikinulong ng mga Espanyol si Diego Silang?
A. Nagtatag siya ng bagong relihiyon.
B. Nagpetisyon siya na alisin ang pagpataw ng buwis sa mga Pilipino.
C. Nagrebelde siya sa mga Espanyol.
D. Nag-alsa laban sa kalupitan ng mga Espanyol.
6. Takdang- Aralin (indicate whether it is for Reinforcement and/or Enrichment and/or Enhancement of
the
day’s lesson or Preparation for a new lesson)
Paghahanda Pag – aralan ang mga natalakay para sa pagsusulit.
para sa
bagong aralin
7. Paglalagom
(2 minuto) Ang guro ay tatawag ng 2-3 mag-aaral upang makakapagbibibgay buod sa paksang
tinatalakay.
Prepared by: