Anyo NG Globalisasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ANYO NG GLOBALISASYON

ANYO NG GLOBALISASYON

Globalisasyong Globalisasyong Globalisasyong Globalisasyong


Ekonomiko Politikal Sosyo-Kultural Teknolohikal

A. GLOBALISASYONG EKONOMIKO

Ang Globalisasyong Ekonomiko ay tumutukoy sa mabilisang ugnayan at integrasyon ng


pamilihan, kalakalan, negosyo, at mga polisiyang pananalapi. Isa sa mga salik na
nagbigay-daan sa mabilisang kalakalan sa pagitan ng iba’t ibang bansa sa daigdig ay
ang pag-unlad at pagbabago ng teknolohiya. Ang globalisasyong ekonomiko ay nag-alis
ng harang o restriksyong pang-ekonomiko sa pagitan ng mga bansa tulad ng
pagbabayad ng taripa o buwis na ipinapapataw sa mga banyagang produkto na
ipinagbibili sa ibang bansa. Ang Pilipinas ay bahagi din ng globalisasyong ekonomiko,
tulad ng ibang bansa, nakararanas din tayo ng iba’t ibang epekto bunga ng pakikilahok
sa penomenong ito.

Halimbawa:

Pakikipagkalakalan sa ibang bansa (Import at Export)

Bumibili ang Pilipinas ng langis sa mga bansang Saudi Arabia, Bahrain, at Oman.

Nagluluwas ang Pilipinas ng mga produkto tulad ng Pinya, Saging, at Niyog.


Ang mga sikat na produkto tulad ng Nike, Adidas, Converse, at New Balance ay galing
sa ibang bansa.

B. GLOBALISASYONG POLITIKAL

Ang Globalisasyong Politikal ay tumutukoy sa mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga


bansa, samahang rehiyonal at maging ng pangdaigdigang orgnisasyon na
kinakatawang na kani-kanilang pamahalaan.

Halimbawa:

Mayroong iba’t ibang uri International Organizations batay sa mga miyembro at


layunin nito. Maikakategorya ito sa tatlong uri: Ito ay ang Inter-governmental
Organization tulad ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na may mga
proyektong katuwang ang Pilipinas, Regional Organizations tulad ng Association of
Southeast Asian Nations (ASEAN) kung saan kabilang ang Pilipinas sa mga founding
members, at World Organizations tulad ng United Nations na mayroong 51 orihinal na
miyembro kabilang ang Pilipinas.

C. GLOBALISASYONG SOSYO-KULTURAL

Ang Globalisasyong Sosyo-Kultural ay tumutukoy sa paglaganap at palitan ng ideya,


pagpapahalaga, paniniwala, at mga gawi ng isang bansa sa iba pang bansa sa daigdig.
Ang prosesong ito ay pinaigting ng paggamit ng internet, smart phones, at paglalakbay.

Ang pagkain ay bahagi ng ating kultura, sa kasalukuyan, marami sa ating


kinakain at iniinom ay nagpapakita ng impluwensya ng Globalisasyong Sosyo-
Kultural
D. GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL

Ang Globalisasyong Teknolohikal ay maaring tukuyin bilang mabilis na pag-unlad at


paglaganap ng teknolohiya sa buong daigdig. Ito kakikitaan ng paglaganap ng
teknolohiya mula sa mga mauunlad na bansa patungo sa mga papaunlad na bansa.

Ang Globalisasyong Teknolohikal ay makikita sa dalawang paraan:


1. Paglaganap ng kaalamang teknolohikal – mga kaalaman kung paano gumawa,
gumagana, at ginagamit ang teknolohiya.
Halimbawa:
Natuto tayo ng paggamit ng cellphone sa ibang bansa
Naituro sa atin ang paggamit ng computer mula sa ibang bansa

2. Pagbebenta ng “technological products” – pagbebenta ng mga produktong pang-


teknolohiya sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Halimbawa:
Pagbebenta ng cellphone, t.v., computer, tablet, laptop mula sa bansang Japan,
South Korea, USA, at Germany.

You might also like