Tekstong Argumentatibo: Bakuna Laban Sa Covid 19: Proteksyon o Panganib? - A.D. Resoso

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Bakuna Laban sa Covid 19: Proteksyon o Panganib?

Papayag ka ba na babakunahan ka para sa COVID 19? Alam na natin na ang


pandemiyang ito ay nagdulot ng mga negatibong epekto sa ating buhay. Nang
nagkaroon ng pandemya sa taong 2020, ang mga parmasyutiko ay nag-uunahan upang
makagawa ng bakuna upang bumaba ang mga taong mahahawaan ng COVID 19. Sa
ngayon, mayroong mga bansang nagbibigay ng mga bakuna (AlJazeera, 2021) ngunit
hindi pa ito dumadating sa Pilipinas. Habang nagbabalak ang gobyerno na makakuha
ng mga bakunang ito, nagdedebate ang mga mamamayan kung dapat ba natin itong
kunin.

Ang kaligtasan ng bakuna ay ang pinaka malaking dahilan kung bakit ang mga
tao ay natatakot kumuha nito. Marami ang nagtatanong kung talagang ligtas ba talaga
ang mga ito. Maraming Pilipino ay hindi kukuha ng bakuna dahil naalala parin nila ang
trahedyang dulot ng Dengvaxia. Sa isang survey na isinagawa ng OCTA research
group sa 600 filipinos, 28% ang hindi magpapabakuna. Ang numerong ito ay higit pa sa
25% na magpapabakuna. 47% naman ang hindi pa sigurado kung magpapabakuna o
hindi (ABS-CBN, 2021). Importante na mas marami ang nabakunahan upang mayroon
tayong Herd Immunity. Kung makakamit natin ito, mainam kung hindi na magbabakuna
ang ibang Pilipino. Ngunit, marami parin ang nagtatanong kung mabisa ba ang mga
bakunang ginawa ng mabilis at gamit ang kakaibang mga paraan. Mayroon rin ang
natatakot sa mga epekto ng bakuna at nagdududa kung ito ba ay mabuti sa atin.

Ang bakuna isang ligtas at mabisang paraan para mapigilan ang pagkalat ng
sakit. Ayon sa Center of Disease Control and Prevention o CDC (2020), to ay
gumagamit ng mas mahinang bersyon ng partikular na virus. Ang katawan ng tao ay
lalakas dahil nabibihasa ng bakuna ang kanilang mga immune system (WHO, 2020).
Kaya, ang pagtanggap ng bakuna ay importante upang mabawasan ang kaso ng
COVID 19 sa ating lipunan. Ang tigdas o measles ay isang impeksyon na dulot ng isang
virus. Ayon sa World Health Organization o WHO (2020), bago ipinatupad ang
pagbabakuna laban sa tidgas, nagkakaroon ng mga epidemiya ng tigdas kada dalawa o
tatlong taon. Ang mga ito ay nagdulot ng pagkamatay ng 2.6 milyong tao. Dahil sa
pagbabakuna, bumaba ang mga namamatay sa tigdas ng 73% (WHO, 2020).
Mayroong iba’t ibang bakuna na ipinamamahagi sa publiko. Una ay ang BNT162b2 o
ang Prizer vaccine. Ito ay ginawa ng Pfizer, Inc., at BioNTech. Ito ay isang mRNA
vaccine. Nangangahulugan na sinasasay nito ang mga cells sa katawan upang
gumawa ng protein upang labanan ang virus (CDC, 2020). Pangalawa ay ang mRNA-
1273 o ang Moderna vaccine. Ito ay ginawa ng ModernaTX, Inc. at isa ring mRNA
vaccine kagaya ng Prizer vaccine.

Ang mga bakuna ay isinuri ng mabuti upang mapatibay na hindi ito masama para
sa ating kalusugan (CDC, 2020). Tinignan na rin ng Food and Drug Administration
(FDA) ang kaligtasan ng mga ito. Hindi natin maipagkakait na mayroong side effects sa
pagkuha ng bakuna, ngunit mabilis lamang itong mawala at mas mahina ang epekto
nito kumpara sa totoong sakit (CDC, 2020). Sa isang pag-aaral sa Prizer vaccine, ito ay
ligtas at ang mayroong efficacy rate ng 52% sa unang dosis at tumaas hanggang 95%
sa ikalawang dosis (CDC, 2020). Ang Moderna vaccine naman ay nagkaroon ng 94.1%
efficacy rate para sa mga hindi pa nahawaan ng sakit (Oliver et al,. 2021). Ang
pagkalikha ng mga bakunang ito ay mabilis dahil sa pagtutulong tulong ng mga
propesyonal. Ang proseso ng paggawa ng mga ito ay nabuo noon pa kaya nasimulan
ang paglikha ng bakuna nang nagsimula pa ang pandemiya (Kelen at Maragakis,
2021). Bukod pa rito, ang mga impormasyong genetiko ng Covid ay inihiwalay na ng
China at ipinamahagi agad (Kelen at Maragakis, 2021).

Napakahalaga ng pagbabakuna upang mabawasan ang paglaganap ng isang


saki. Ang gamot na ito ay gumawa ng malaking pagbabago sa mundo at tumulong na
pagiwas ng mga sakit. Sa panahon ngayon, mahalagang maibahagi ang bakuna upang
maprotektahan tayo at ang mga mahal natin sa buhay. Ang mga bakuna laban sa Covid
19 ay mabisa at ligtas kahit ang efficacy rate ng mga ito ay hanggang 52%-95%, mas
mabuti ito kaysa sa walang proteksyon. Kumuha tayo ng kaalaman galing sa eksperto
at iwasan ang mga takot at kasinungalingan na dinadala ng social media. Kaya, dapat
nating protektahan ang isa’t isa upang mawala ang sakit sa lipunan

Sanggunian

ABS-CBN News. (2021, January 5). Maraming taga-NCR may agam-agam


magpabakuna vs COVID-19: OCTA survey. ABS-CBN News.
https://news.abs-cbn.com/video/news/01/05/21/maraming-taga-ncr-may-
agam-agam-magpabakuna-vs-covid-19-octa-survey

Al Jazeera. (2021, January 14). Which countries have rolled out COVID vaccine?
Coronavirus Pandemic News | Al Jazeera.
https://www.aljazeera.com/news/2020/12/24/vaccine-rollout-which-
countries-have-started

Centers of Disease Control and Prevention. (2020, February 11). COVID-19 and
Your Health. Centers for Disease Control and Prevention.
https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/vaccines/different-
vaccines.html

Kelen, G. D., & Maragakis, L. L. (2021, January 13). COVID-19 Vaccines: Myth
Versus Fact. Johns Hopkins Medicine.
https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/coronavi
rus/covid-19-vaccines-myth-versus-fact

Oliver, S. (2020, December 31). The Advisory Committee on Immunization


Practices’ Interim... Centers for Disease Control and Prevention.
https://www.cdc.gov/mmwr/volumes/69/wr/mm695152e1.htm?
s_cid=mm695152e1_w

World Health Organization. (2020, December 22). Planned COVID-19 Vaccine


Effectiveness and Impact Studies: Request for Information. World Health
Organization. https://www.who.int/news-room/articles-detail/planned-
covid-19-vaccine-effectiveness-and-impact-studies-request-for-information

You might also like