DLP AP q4 15-16

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

DLP Blg.

: 37 Asignatura: Baitang: 5 Markahan: Oras: 40


Araling Ikaapat Minuto
Panlipunan
Code:
Petsa:03/03/2020 Oras:
Pangalan: Sherelyn L. Lucas AP5PKB-
(Martes) IVh-6
1. Mga Kasanayan Nababalangkas ang pagkakaisa o pagkakawatak watak ng mga
Pilipino sa mga mahahalagang pangyayari at mga epekto nito sa
naunang mga pag-aalsa laban sa kolonyalismong Espanyol.

Susi ng Pag-unawa na Lilinangin: Sa mababang panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas,


hindi masasabing nagsawalang- kibo at naging mapagtiis ang mga
Filipino. Hindi lamang sa mga huling taon ng kanilang pagkakasakop
sila nagkaroon ng kamalayan o tapang upang tutulan ang mga hindi
makatarungan at mapang-abusong pamamahala ng mga Espanyol sa
bansa.
Mga Layunin:
Kaalaman Natatalakay ang mga lokal na pangyayari tungo sa pag-usbong ng
pakikibaka ng bayan.
Kasanayan: Naipapaliwanag ang sanhi at bunga ng mga rebelyon at iba pang
tugon ng mga Filipino sa kolonyalismo.
Kaasalan: Naipapahayag ang sariling damdamin ukol sa mga epekto ng pag-
aalsa laban sa kolonyalismong Espanyol.
Kahalagahan: Napapahalagahan ang mga pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa
Kolonyalismong Espanyol.
2. Nilalaman Mga Pag-aalsang Naganap sa Panahon ng Kolonyalismo

3. Mga Kagamitang Pampagtuturo Tsart, mga larawan, TV, laptop, Activity Card, Batayang Aklat sa
Araling Panlipunan 5 (Pilipinas Bilang Isang Bansa), pahina.224- 236

4. Pamamaraan
4.1 Pagbabalik-aral:
1. Pagbabalik-aral ukol sa kalakalang galyon at ang epekto nito sa bansa.
2. Ano ang kalakalang galyon? Nakapagdudulot ba ito ng kabutihan sa ating bansa sa panahong kolonyalismo?
Bakit?
4.2 Mga Gawain/Estratehiya (8 minuto)
Pag-aralan ang balangkas ng kaisipan.

Damdaming Makabayan ng mga


Filipino

pinatunayan sa paglahok sa
Mga Pangyayari sa
Loob ng Bansa
Mga Unang Pag-aalsa
*Pagtutol sa Monopolyo Laban sa mga Espanyol
sa Tabako

*Pagtutol sa Bagong
*Politikal
Patakarang Agraryo

*Pagtutol sa Sapilitang *Panrelihiyon


Pagbinyag sa *Ekonomiko
Kristiyanismo
Nahahati ang mga pag-aalsang isinagawa ng mga Filipino sa tatlong
pangunahing kadahilanan- politikal,
panrelihiyon, at ekonomiko.

4.3 Pagsusuri (2 minuto)


Ano ang masasabi ninyo tungkol sa balangkas ng kaisipan sa damdaming makabayan ng mga Filipino?
4.4 Pagtatalakay (12 minuto)

Ipabasa sa mga bata ang pahina 231- 236

Mga Pag-aalsang Politikal

Pinalitan ng mga Espanyol ang mga datu at maharlika bilang pinakamataas na pinuno sa pamayanan.
Ang mga babaylan at katalonan ay tinanggalan ng kapangyarihan bilang mga pinuno ng aspektong espirituwal.
Dahil dito, nagsagawa ng mga pag-aalsa ang mga dating datu at babaylan upang manumbalik ang
kapangyarihan nilang mamuno sa kanilang nasasakupan.

Mga Pag-aalsang Panrelihiyon

Dahil sa pagpapalaganap ng mga Espanyol sa Kristiyanismo, maraming Filipino ang tumalikod sa


kanilang katutubong paniniwala at nagpabinyag bilang mga Kristiyano. Halimbawa nito ay ang may 30 babaylan sa
Bohol na noong 1611 ay binasag ang kanilang mga anito at dambana at pinalahok pa sa katekismo ang kanilang
mga anak.
Itinuturing na pinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas ang pinamunuan ni Francisco Dagohoy sa
Bohol noong 1744. Simula nang magpataw ng mga bagong patakarang pang- ekonomiya ang mga Espanyol ay
mahigpit na itong tinutulan ni Dagohoy. Higit na nagpaalab sa galit ni Dagohoy ay ang hindi pagpapahintulot ng
isang prayleng Jesuit na bigyan ng Kristiyanong libing ang kaniyang kapatid na konstable na namatay sa pagtugis
sa isang tulisan. Dahil dito, hinimok ni Dagohoy ang iba pang Boholanon na mag-aklas laban sa mga
Espanyol.Tumagal ang pag- aalsa hanggang 1829.
Nasa ibaba ang iba pang pag-aalsang isinagawa ng mga katutubo bilang protesta sa Kristiyanismo.
Marami sa kanila ang pinugutan, itinuhog ang ulo sa kawayan, at ibinandera ng mga Espanyol sa mga indio bilang
babala sa maaari nilang sapitin kung sila ay lalaban sa Simbahan.

Mga Pag-aalsang Ekonomiko

Mahigpit na tinutulan ng mga katutubong Filipino ang mga patakarang pangkabuhayan na


ipinatupad ng mga banyaga sa kanila gaya ng pagbubuwis, sapilitang paggawa, monopolyo, at kalakalang galyon.
Pinakatanyag sa mga pag-aalsang ito ang isinigawa ni Diego Silang. Ang Pag-aalsa ni Diego Silang sa Ilocos ay
bunsod ng malabis na pagbabayad ng tributo sa mga Espanyol. Sa pag-aalsa noong Disyembre 14, 1762 ay
matagumpay nilang napababa sa puwesto ang gobernador at obispo ng Vigan, at agad na idineklara ang Malayang
Ilocos. Ipinapatay siya ng mga Espanyol sa kanyang kaibigang si Miguel Vicos. Ipinagpatuloy ni Gabriela Silang
ang ipinaglalaban ng asawa hanggang sa ito ay madakip at bitayin noong Setyembre 10, 1763.

4.5 Paglalapat (6 na minuto)

Kung ikaw ay isang rebolusyonaryong nabuhay noong panahon ng kolonyalismo, anong mga katangian ang
dapat mong taglayin upang maipagpatuloy ang himagsikan laban sa mapang-abusong pananakop?

5.Pagtataya (6 minuto)

a. Pagmamasid

b. Pakikipag-usap sa mga
Mag-aaral/Kumperensiya
c. Pagsusuri sa mga
Produkto ng Mag-aaral

d. Pasulit
Panuto: Tukuyin kung pag-aalsang panrelihiyon , ekonomiko, o politikal ang sumusunod. Ilarawan ang
mahahalagang tagpo sa pag-aalsa. Isulat ang inyong sagot sa kuwaderno.

________1. Pag-aalsa ni Apolinario de la Cruz


________2. Pag-aalsang Basi
________3. Pag-aalsa ni Bancao
_________4. Pag-aalsa ni Diego Silang
________ 5. Pag-aalsa ni Gabriela Silang
________ 6. Pag-aalsa ni Almazan
_________7. Pag-aalsa ng mga Datu ng Tondo
_________8. Pag-aalsa ni Magalat
_________9. Pag-aalsa ni Maniago
_________10. Pag-aalsa ng mga Itneg

6. Takdang Aralin (2 minuto)


 Pagpapatibay/Pagpapatatag sa Paano nakatulong ang mga karanasan ng mga Filipino sa mga unang
kasalukuyang aralin pag-aaklas laban sa mga Espanyol sa pagbuo ng damdaming
makabayan?
 Pagpapayaman /Pagpapasigla sa
kasalukuyang aralin
 Pagpapalinang/ Pagpapaunlad sa Sa iyong palagay, nagtagumpay ba ang mga ito sa kanilang naising
kasalukuyang aralin pagbabago laban sa pamamalakad ng mga Espanyol? Ipaliwanag ang
inyong sagot.
 Paghahanda sa Bagong aralin

7. Paglalagom/Panapos na Gawain Gumawa ng sariling balangkas tungkol sa mga mahahalagang


pangyayari at mga epekto nito sa naunang mga pag-aalsa laban sa
kolonyalismong Espanyol.

Prepared by:

Name: Rubelita T.Nonol School: Bibiana Mercado Integrated School


Position/Designation: Teacher II Division: Danao City
Contact Number: 09420860800 Email Address: rubelita.nonol001@deped.gov.ph
DLP Blg.: 39 Asignatura: Baitang: 5 Markahan: Oras: 40
Araling Ikaapat Minuto
Panlipunan
Code:
Petsa:03/05/2020 Oras:
Pangalan: Sherelyn L. Lucas AP5PKB-
(Huwebes) IVh-6
1. Mga Kasanayan Nababalangkas ang pagkakaisa o pagkawatak watak ng mga Pilipino
sa mga mahahalagang pangyayari at mga epekto nito sa naunang
mga pag-aalsa laban sa kolonyalismong Espanyol.

Susi ng Pag-unawa na Lilinangin: Namulat ang kamalayang pambansa ng mga Filipino bunsod ng mga
hamong kinaharap nila sa kamay ng mga mananakop na Espanyol
gayun din sa mga pangyayari sa loob at labas ng bansa pagsapit ng
ika- 19 na siglo.
Mga Layunin:
Kaalaman Nasusuri ang mga naunang pag-aalsa ng mga makabayang Filipino.

Kasanayan: Naipapaliwanag ang mga mahahalagang pangyayari tungkol sa mga


naunang pag-aalsa laban sa mga Espanyol.
Kaasalan: Nadadama ang kahalagahan sa mga pangyayari tungkol sa mga
pag-aalsa ng mga makabayang Filipino.
Kahalagahan: Napapahalagahan ang mga katangian ng mga Filipino sa
pakikipaglaban ng mga Espanyol.
2. Nilalaman Mahahalagang Pangyayari sa Naunang mga Pag-aalsa Laban sa
Kolonyalismong Espanyol.
3. Mga Kagamitang Pampagtuturo TV, laptop, tsart, activity card, aklat-Pilipinas Bilang Isang Bansa V,
pahina 232-236
4. Pamamaraan

4.1 Pagbabalik-aral:
1.Pagbabalik- aral tungkol sa mga lokal na pangyayari tungo sa pag-usbong ng pakikibaka ng bayan.
2. Ano ang dahilan ng pag-aalsa?
3. Sino- sino ang namuno at nakilahok sa nasabing pag-aalsa?
4.2 Mga Gawain/Estratehiya (8 minuto)

Ipahayag sa mga mag-aaral na ang pag-aalsang isinagawa ng mga sinaunang Filipino ay mauuwi sa tatlong
kadahilanan.
Ipangkat ang klase sa tatlo. Magsaliksik sa mga isinagawang pag-aalsa ng mga Filipino batay sa sumusunod na
dahilan.

Pangkat 1- Pag-aalsang Panrelihiyon

Pangkat 2- Pag-aalsang Pang- ekonomiko

Pangkat 3- Pag-aalsang Politikal


4.3 Pagsusuri (2 minuto)

Paano pinakita ng mga Filipino ang kanilang pagtutol sa kalabisan ng mga mananakop na Espanyol? Bakit hindi
naging matagumpay ang mga naunang pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga Espanyol?
4.4 Pagtatalakay (12 minuto)

Ipabasa muli ang aklat sa pahina 232- 236

Ang Mga Naunang Pag-aalsa Ng Mga Makabayang Filipino

Diego Silang (1762–1763)

Si Diego Silang ay ipinanganak noong Disyembre 16, 1730. Ang kanyang ama ay si Miguel Silang at kanyang ina ay si
Nicolasa Delos Santos. Noong siya ay bata pa, nagtrabaho si Diego bilang katulong ng kura paroko ng Vigan. Doon siya
naging mahusay magsalita ng wikang Kastila. Siya ay pinadala ni Padre Crisolo bilang mensahero. Dinadala niya ang mga
sulat mula sa Vigan papuntang Maynila sa pamamagitan ng bangka. Sa isa sa kanyang paglalakbay, ang kanyang bangka
ay inatake ng mga katutubong Zambal sa baybayin ng Zambales. Ang ilang sakay ay nalunod at pinatay ng mga katutubo.
Si Diego naman ay nakaligtas ngunit naging bihag. Siya ay pinalaya sa pamamagitan ng ransom na pinadala ng mga
misonaryong Rekoleksyonista. Pinakasalan niya ang biyudang si Josefa Gabriela na tubong Santa, Ilocos Sur. Sila ay 27
taong gulang nang ikasal. Nang nasa Maynila si Diego, at naghihintay sa Galleon, nakita nya na maraming mga atakeng
barko ang mga Ingles sa Maynila de Bay. Noong Setyembre 24, 1762 inatake ng hukbong Ingles ang Maynila. Nasakop
ang Maynila noong Oktubre 1762. Ang pagsakop ay kabilang sa Pitong Taong Digmaan. Napansin ni Diego na humihina
ang hukbong Kastila at dito nya naisipang mamuno ng kilusang rebolusyonaryo sa Hilagang Luzon. Lumakas ang pwersa
nito. Nagtatag siya ng sariling kampo sa isang mataas na bundok na kung saan matatanaw ang kabuuan ng lalawigan ng
Vigan. Ito ay kilala ngayon bilang Bundok ng Silang. Si Diego Silang ay isang mahusay na pinuno at disiplinadong militar.
Upang magkaroon ng pondong panustos, siya ay nanghingi ng tulong sa mga mayayaman at mahihirap na tao, depende
na rin sa kakayahan ng mga ito. Habang abala ang mga Kastila sa pagkuha muli ng Maynila, iniutos ng pamahalaan na
sumuko si Silang. Hindi sumuko si Silang at sinubukang pang makipagsanib pwersa sa mga Ingles. Sumulat siya ng liham
sa pamahalaang Ingles sa pamumuno ni Lt. Gen. Dawson Drake. Dito niya kinilala ang pagsakop ng Maynila. Binigay niya
ang kanyang pagsuporta kapalit ng pagkilala sa kanya bilang Sarjento Mayor at Alcalde Mayor ng Ilocos. Hiningi rin nya
ang pagkilala sa pagtalaga ng mga opisyales sa Ilocos.

Sa ilalim ng pamumuno ni Diego Silang, binigyan niya ng pagkakataong mamuno ang kapwa Pilipino. Lahat ng mga
tinanggal na Kastilang opisyal ay pinalitan niya ng mga karapatdapat na Ilokanong sibil at opisyal-militar na naaayon din
naman sa kagustuhan ng kanyang nasasakupan. Ang kanyang mga makatarungang batas ay ipinahayag sa iba't ibang
bayan. Nagpatawag ang mga opisyales ng Espanya (Audencia) sa Maynila sa pamumuno ni Simon de Anda at nag-alok
ng pabuya kung sino man ang papatay kay Diego Silang. Noong Mayo 28, 1763, binisita ni Miguel Vicos at Pedro Becbec,
mga kaibigan ni Diego, si Diego sa kanyang kuta sa Casa Real sa Vigan. Tinaksil nila si Diego nang binaril nila ito kapalit
ng pabuya ng Audiencia. Sa edad na 32, si Diego Silang ay binawian ng buhay. Dahil sa kanyang husay na pamumuno,
siya ay tinaguriang Liberator ng Ilocos. Tinuloy ng kanyang asawang si Gabriela ang laban.

Francisco Dagohoy Rebellion (1744–1829)

Noong 1744 sa Bohol, pinamunuan ni Francisco Dagohoy ang isang rebelyon na bunsod rin ng hindi pagkakasundo sa
relihiyon. Matapos mapatay ang kkapatid ni dagohoy ay hindi ito pinayagan na basbasan ng paring prayle sa kanilang
bayan. Ang pagtangging ito ng prayle ang siyang nagging dahilan ng pagsisimula ni Dagohoy ng rebolusyon. Ito ang
naging
pinakamatagal na rebolusyon nasaksihan at kinabilangan ng mga Pilipino kahit patay na ang nagpasimula nito na nagtagal
ng 85 taon. Dalawampung gobernador-general mula kay Juan Arrechederra hanggang kay Mariano Ricafort y Abarca ay
hindi nagapi ang rebolusyong ito na nakapagtayo ng isang malayang rebolusyonaryong gobyerno ng mga Boholano
Nagpadala ng 2,200 kawal si ricafort sa Bohol na nagapi rin naman ni Dagohoy at ng kaniyang mga tauhan. Muling
nagpadala ng sundalo si Ricafort noong 1828 at 1829 at tulad ng nauna ay hindi nagging matagumpay ang mga ito.
Namatay si Dagohoy 2 taon bago pa man matapos ang kanilang rebelyon, na siya namang nagging dahilan ng pagtatapos
ng rebolusyon. Mahigit 19,000 sa mga tauhan ni Dagohoy na nabuhay at nadakip ay pinalaya at pinabayaang mamuhay sa
ilang bayan ng Bohol; Balilihan, Batuan, Bilar, catigbian at Sevilla.

Basi Revolt (1807)

Ang Basi Revolt ay kilala rin sa tawag na Ambaristo Revolt, na naganap noong September 16 to 28, 1807. Pinamunuan ito
ni Pedro Mateo at Salarogo Ambaristo na sinasabing iisang tao rin lamang, dahil na rin sa malabis na pamamalakd ng mga
Espanyol sa bayan ng Piddig, Ilocos Norte. Ito ay naiiba sa ibang mga rebolusyon dahil ito ay umiikot sa kanilang basi, o
alak na nagmula sa tubo na siya namang ginagawa at produkto ng lugar. Noong 1786, ipinagbawal ng mga Kastila nag
paggawa at pagbebenta ng basi. Napilitan ang mga mamamayan na bumili sa mga tindahan. Dahil dito ay inilunsad ang
isang rebolusyon sa mga Espanyol noong September 16, 1807 na nagtatagal ng ilang lingo sa bawat pagtatagpo na
nakakaabot din sa mga karatig na bayan. Tuluyang nagapi ng mga espanyol ang mga rebolusyonaryo noong September
28, 1807 na nagdulot ng maraming pagkamatay ng maraming Pilipino na kasapi sa rebolusyon at maging ng mga kawal na
Pilipino na kasama ng mga Kastila.

Hermano Pule Revolt (1840–1843)

Isa sa pinakkilala na rebolusyong lunsad ng relihiyon ay ang Pule Revolt na naganap noong June 1840 na nagtangal
hanggang Nobyembre 1841. Ito ay pinangunahan ni Apolinario dela Cruz na kilala rin sa tyawag na Hermano Pule.
Itinatag niya ang sarili niyang relihiyon na tinatawag na Confraternity of saint Joseph o Confradia de San Jose sa Lucban
Quezon na matatagpuan ngayon sa Tayabas Quezon.
Sa kabila ng maigting na pamamahala at paghikayat ng mga paring Heswita at Fransiskano at Agustinian, marmi pa ring
sumali at sumapi sa Confradia mula, Batangas, Quezon, Laguna at maging mula sa Maynila. Dahil dito ay laging
nagpapadala ng mga kawal na Espanyol upang supilin ang binuong samahn ni ela Cruz na siya namang nagtulak sa kanila
upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili at pamilya sa mga pananakit at paglusob ng mga Espanyol sa kanilang mga
lugar. Maraming madugong labanan ang sunud-sunod na naganap sa pagitan ng samahan at ng mga Espanyol. Ang
pinakahuli nilang pakikidigma sa mga ito ay noong October 1841 sa Bundok San Cristobal malapit sa Bundok Banahaw.
Natalo ang pangkkat ni dela Cruz at siya ay binitay noong Nobyembre 4, 1841 sa Tayabas, Quezon.

Isagawa ang malayang talakayan pagkatapos ng pag-uulat ng bawat pangkat sa pamamagitan ng pagkompleto ng
tsart sa ibaba.

Mga Unang Pag-aalsa laban sa mga Espanyol


Salik ng Pag-aalsa Pinuno ng Pag-aalsa Lugar ng Pinangyarihan Resulta
A. Pag-aalsang Pangrelihiyon 1.

B. Pag-aalsang Pang- 2.
ekonomiko
C. Pag-aalsang Politikal 3.
Iguhit ang  kung Tagumpay at  kung Bigo

4.5 Paglalapat (6 na minuto)

1. Ano- ano ang mapang-abusong patakaran ang ipinatupad ng mga Espanyol na tinutulan ng mga Filipino?

2. Paano ipinahayag ng mga Filipino ang kanilang pagtutol?

5. Pagtataya (6 na minuto)

a. Pagmamasid
b.Pakikipag-usap sa mga
Mag-aaral / Kumperensiya

c.Pagsusuri sa mga
Produkto ng Mag-aaral

d. Pasulit

A. Panuto: Isulat sa iyong kuwaderno ang salitang hindi kabilang sa pangkat. Pagkatapos ay ipaliwanag kung bakit ito
naiiba.

1. Magalat Salamat, Martin Pangan, Juan Banal, Diego Silang


2. Pag-aalsa ni Apolinario de la Cruz, Pag-aalsang Basi, Pag-aalsa ni Almazan, Pag-aalsang Agraryo
3. Pag-aalsa ni Bancao, Pag-aalsa ni Malong, Pag-aalsa ng mga Itneg, Pag-aalsa ni Dagohoy
4. Batangas, Laguna, Davao, Cavite
5. William Draper, Miguel Rojo, Samuel Cornish, Dawsonne Drake
B. Panuto: Tumbasang Salita. Ibigay ang salita o mga salitang katumbas ng mga patlang. Isulat ang iyong sagot sa
kuwaderno.

1. paring regular: ordeng psnrelihiyon; paring secular: _______


2. Pedro Pelaez: ______; Mga Datu ng Tondo: maibalik ang kapangyarihang politikal ng mga datu
3. Pag-aalsa sa Cavite: _________; Pag-aalsa ni Tamblot: panrelihiyon
4. Pag-aalsa ni Maniago: Pampanga; Pag-aalsa ni Dagohoy: ___________
5. Apolinarion de la Cruz: Hermano Pule; Francisco Rivera: _________

6. Takdang Aralin (2 minuto)


 Pagpapatibay/Pagpapatatag sa Paano tumugon ang mga Filipino sa mga pangyayari at pagbabago
kasalukuyang aralin sa loob ng bansa sa panahon ng kolonyalismong Espanyol.

 Pagpapayaman /Pagpapasigla sa
kasalukuyang aralin
 Pagpapalinang/Pagpapaunlad sa
kasalukuyang aralin
 Paghahanda sa Bagong aralin
7. Paglalagom/Panapos na Gawain Tumawag ng dalawang mag-aaral na makapagbibigay buod sa mga
mahalagang pangyayari ng pag-aalsa ng mga Filipino laban sa
kolonyalismong Espanyol.
Prepared by:

Name: Rubelita T.Nonol School: Bibiana Mercado Integrated School


Position/Designation: Teacher II Division: Danao City
Contact Number: 09420860800 Email Address: rubelita.nonol001@deped.gov.ph

You might also like