Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Kautusang Walang Pasubali (Categorical Imperative)

"Gawin mo ang iyong tungkulin alang-alang sa tungkulin."


Ang categorical imperative ay isang konsepto mula sa pilosopiya ni Immanuel Kant. Ito ay isang paraan ng
pagtatasa ng mga motibasyon para sa mga kilos. Ayon kay Kant, ang mga tao ay may espesyal na lugar sa
paglikha, at ang moralidad ay maaring buodin sa isang pang-utos ng katwiran, o imperative, kung saan
nagmumula ang lahat ng mga tungkulin at obligasyon.
Tinukoy niya ang isang imperative bilang anumang proposisyon na nagpapahayag ng isang tiyak na aksyon
(o kawalan ng aksyon) na maging kinakailangan. Sa kabilang banda, ang categorical imperative ay
tumutukoy sa isang absolute, walang kondisyong kahilingan na dapat sundin sa lahat ng kalagayan at
pinatutunayan bilang isang layunin sa sarili nito.
Iminungkahi ni Kant ang tatlong pormulasyon ng categorical imperative:
1. Kumuha lamang ng aksyon na ayon sa maxim na kung saan maaari mong sabihin sa parehong oras na
ito ay dapat maging isang pangkalahatang batas.
2. Kumuha ng aksyon sa paraang itinuturing mo ang sangkatauhan, maging sa iyong sariling tao o sa tao ng
iba, hindi lamang bilang isang paraan upang makamit ang isang layunin, ngunit palaging sa parehong oras
bilang isang layunin.
3. Ang bawat makatwirang nilalang ay dapat kumilos na parang siya ay sa pamamagitan ng kanyang maxim
ay palaging isang nagpapasa-batas na miyembro sa pangkalahatang kaharian ng mga layunin.
Ang mga prinsipyong ito ay itinuturing na mga gabay ng moral na paggawa ng desisyon.

ANG GINTONG ARAL(The golden rule)


Confucius
-"Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo."
-mahalagang isaalang-alang ang mabuting pakikisama at kapakanan ng kapwa sa bawat kilos ng tao.
-itinuturing ni Confucius na matibay na batayan ang moral na kilos ang reciprocity o reversibility
Reciprocity(katumbasan)
ito ay ang itinuturing na Gantimpala. Ito ay tumutukoy sa isang kaaya-aya o magandang kapalit ng isang
natapos na gawain o pangyayari.
Reversability(pagbabalik)
Ito ay katangian ng paninindigan kung saan maaari ding maging paninindigan ng iba kung naharap sa
parehas na sitwasyon.
Pananaw ni Hesukristo
"kung ano ang ibig ninyong gawin sa inyo ng mga tao, gayon din ang gawin ninyo sa kanila"
Hadith
- Wala ni isa man sa inyo ang tunay na mananampalataya hangga't hindi niya ninanais sa kaniyang kapatid
ang nais niya para sa kaniyang sarili.
•Ang gawain ay mabuti kubg ito ay reciprocal (pagkakatugunan)
- Ang isang gantihang aksyon o kaayusan ay kinabibilangan ng dalawang tao o grupo ng mga tao na
kumikilos sa parehong paraan o sumasang-ayon na tulungan ang isa't isa at bigyan ang bawat isa ng mga
pakinabang.
✓ obligado ang taong gumawa ng kabutihan sa iba at tiyak na makatatanggap din siya ng kabutihan.
•Ang pagnanais na gawin ang isang kilos ay bunga ng damdamin.
•Sa bawat kilos na ating ginagawa, may nakikkta tayong pagpapahalaga na nakakatulong sa pagpapaunlad
ng ating pagkatao sa pgiging personalidad.
Pagpapahalaga (Values)
Obheto ng ating intensyonal na damdamin, obheto iyo ng puso at hindi ng isip, kaya't nauunawwan natin
natin ang pamamagitan ng pagdama rito.
Max Scheler
- Ang tao ay may kakayahang humusga kung mabuti o masama ang isang gawi o kilos ayon sa
pagpapahalaga(values).
nakasalalay sa pagpili ng pahahalagahan ang paghuhusga sa pagiging mabuti o masama ng kilos ng tao.
-hindi layunin o bunga ng kilos ang batayan sa paghuhusga sa pagiging mabuti o masama ng kilos ng tao,
batayan ay ang mismong pagpapahalagang ipinapakota habang isinasagawa ang kilos
Limang katangian ng Mataas na pagpapahalaga ni Max Scheler
✓ kakauahang tumagal at manatili (Timeliness or ability to endure)
✓ mahiral o hindi mabawasan ang kalidad ng pagpapahalaga(indivisibility)
✔ lumilikga ng iba pang mga pagpapahalaga
✓ nagdudulot ng higit na malalim na kasiyahan o kaganapan (depth of satisfaction)
✓malaya sa organismong dumaranas nito
Ang Pagnanais: Kilos ng Damdamin
Kung ang paninindigan ay dahilan (isip) ng pagkilos ayon sa Kautusang Walang Pasubali ni Immanuel Kant,
ang pagnanais na gawin ang isang kilos ay bunga ng damdamin. Ninanais ng tao na gawin ang isang kilos
dahil makabubuti ito para sa
kaniyang sarill at sa iba. Hindi bulag ang damdamin dahil nakikita nitio ang kahalagahan ng isang mabuting
kilos kaya't obligado ang tao na gawin to. Dahil dito, kallangang bigyang-pansin ang dam damamin sa pag
kilos .
Sa bawat kilos na ating ginagawa, may nakikita tayong pagpapahalaga na nakatutulong sa prigpapaunlad
ng ating pagkatao tungo sa pagiging personalidad.
Ang pagpapahalaga bilang batayan sa paghusga Ng kabutihan o kasamaan ng Kilos
Kaligayahan- Isa sa mga naisaalang-alang natin sa mga
pasiya at kilos. Dahil dito binibigyang-halaga o ninanais natin Ang anumang bagay na nagbibigay ng
damdamin.
Paano natin malalaman kung masama o mabuti Ang mga bagay o kilos na mahalaga at nagbibigay ng
kaligayahan sa atin?
- Ayon Kay Max Scheler, Ang tao ay may kakayahang humusga kung mabuti man o masama Ang kilos ayon
sa pagpapahalaga (values).
Ano nga ba ang pagpapahalaga?
- ito ay isang obheto Ng ating intensiyonal na damdamin. obheto ito Ng puso at Hindi Ng isip.
Ang mga pagpapahalaga Ang nagbibigay ng kabuluhan sa buhay Ng tao.
Sa paanong paraan ito nangyayari?
-gabay natin sa bawat pagpapasiya bilang tao Ang ating mga pagpapahalaga, nasasalamin sa ating mga
kilos at pasiya Ang mga bagay na may halaga sa atin. Halimbawa: maaaring magdulot Ng kasiyahan sa
pakiramdam at pagtanggap Ng iba pang kabataang Ang paninigarilyo, subalit alin ba Ang mas mataas na
pagpapahalaga sa sariling katawan at kalusugan? Kung ilalapat natin ito maituturing na masama Ang
paninigarilyo sa ating kalusagan Lalo na at Bata pa tayo.
Ano nga ba ang pagpapahalaga?
ito ay isang obheto Ng ating intensiyonal na damdamin.
obheto ito Ng puso at Hindi Ng isip.
Ang mga pagpapahalaga Ang nagbibigay ng kabuluhan sa buhay Ng tao.
Sa paanong paraan ito nangyayari?
-gabay natin sa bawat pagpapasiya bilang tao Ang ating mga pagpapahalaga, nasasalamin sa ating mga
kilos at pasiya Ang mga bagay na may halaga sa atin.
Halimbawa: maaaring magdulot Ng kasiyahan sa pakiramdam at pagtanggap Ng iba pang kabataang Ang
paninigarilyo, subalit alin ba Ang mas mataas na pagpapahalaga sa sariling katawan at kalusugan? Kung
ilalapat natin ito maituturing na masama Ang paninigarilyo sa ating kalusagan Lalo na at Bata pa tayo.
Limang katangian Ng mataas na pagpapahala ni Max Scheler;
1. Kakayahang tumagal at manatili (timelessness aor ability to endure).
2. Mahirap man o Hindi mabawasan Ang kalidad Ng pagpapahalaga (indivisibility)
3. Lumilikha Ng iba pang mga pagpapahalaga
4. Nagdudulot Ng higit na malalim na kasiyahan o kaganapan (depth of satisfaction)
5. Malaya sa organismong dumatanas nito.
Sa proseso Ng pagpapakatao, mahalagang maging malinaw sa iyong mga batayan sa paghuhusga Ng
kabutihan o kasamaan ng isang kilos.

You might also like