Professional Documents
Culture Documents
Ap 10 Reviewer 2nd Quarter Ap10
Ap 10 Reviewer 2nd Quarter Ap10
Ap 10 Reviewer 2nd Quarter Ap10
AP 10 REVIEWER
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang titik ng wastong sagot.
1. Ilan sa mga MNCs at TNCs na pag-aari ng mga Pilipino ay nakarating sa iba’t ibang panig ng mundo. Alin sa sumusunod ang
hindi pag-aari ng Pilipino?
A. Jolibee B. McDonalds C. San Miguel Corporation D. Unilab
2. Ang kompanyang ABC ay kukuha ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad upang ito ang gagawa ng
mga serbisyong kailangan upang maisakatuparan ang inaasahang kalabasan ng negosyo. Ano ang tawag dito?
A. fair trade B. outsourcing C. pagtulong sa bottom billion D. subsidy
3. Ang sumusunod ay manipestasyon ng globalisasyon sa anyong teknolohikal at sosyokultural maliban sa isa. Alin dito?
A. paggamit ng mobile phones C. pagsunod sa KPop culture
B. E-commerce D. pagpapatayo ng JICA building
4. Anong pangyayari ang lubos na nagpapabago sa sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
A. Ekonomiya B. Globalisasyon C. Migrasyon D. Paggawa
5. Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. Ekonomikal B. Sikolohikal C. Sosyo-kultural D. Teknolohikal
6. Batay sa kasunod na dayagram, ano ang ipinahihiwatig nito?
17. Mula sa sagot sa ika-13 bilang, kumakalat ang sakit na ito sa mga tao maliban_____
A. sa pamamagitan ng isang metrong distansya sa mga taong may sintomas ng sakit na ito.
B. sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing ng isang taong may sakit na ito na hindi nakasuot ng facemask.
C. sa pamamagitan ng malapitang pakikisalamuha sa taong may sakit na ito na walang suot na facemask.
D. sa pamamagitan ng pagsagap ng mga maliliit na talsik ng laway mula sa pagsasalita ng taong positibo sa sakit na ito.
18. Alin sa sumusunod na rehiyon ng bansa ang may pinakamaliit na bahagdan ng unemployment?
A. Ilocos Region C. National Capital Region (NCR)
B. Cagayan Valley D. Cordillera Administrative Region (CAR)
19. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
A. Edukasyon B. Ekonomiya C. Globalisasyon D. Paggawa
20. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng globalisasyon ang bahay-pagawaan ng mga
manggagawang Pilipino”?
A. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas
B. Pag-angat ng kalidad ng mga manggagawang Pilipino
C. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa
D. Paghuhulog, pagbabayad at paglalabas ng pera gamit ang mga Automated Teller Machine (ATM)
21. Ano ang humikayat sa mga namumuhunan na pumasok sa bansa na nagdulot naman ng iba’t ibang isyu sa paggawa?
A. Marami silang kamag-anak dito sa Pilipinas.
B. Nais ng Pangulo na magkaroon ng negosyo ang lahat ng Pilipino.
C. Masyadong maluwag ang gobyerno natin sa mga dayuhang namumuhunan sa bansa.
D. Mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan na mas nagpatingkad ng
kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa
22. Anong sektor ng paggawa ang may pinakamalaking bahagdan ng mga manggagawa?
A. Agrikultura B. Impormal na sektor C. Industriya D. Paglilingkod
23. Alin sa sumusunod ang suliraning kinakaharap ng mga lokal na magsasaka?
A. Kawalan ng asawa C. Kawalan ng kahalili sa pagtatanim at pag-aani ng mga pananim
B. Kawalan ng sapat na tulog D. Kakulangan ng patubig o suporta ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda
24. Ito ay tumutukoy sa pagpapalaki ng kita at tubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pasahod at paglimita sa
panahon ng paggawa ng mga manggagawa?
A. Subcontracting Scheme B. Kontraktuwalisasyon C. Mura at Flexible Labor D.
Underemployment
25. Ano ang migrasyon?
A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar.
B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dahil sa kaguluhan ng mgamamamayan.
C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahan pangyayari sa lugar na pinagmulan.
D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa isang lugar
pansamantala man o permanente.
26. Anong bansa ang may pinamakaraming migranteng Pilipino?
A. Canada B. Malaysia C. Saudi Arabi D. United States of America
27. Sino ang pangunahing naaapektuhan kapag nangibang-bansa ang parehong mga magulang?
A. Mga anak B. Mga kapitbaha C. Mga kamag-anak D. Mga alagang hayop
28. Ano ang katuturan ng akronim na OWWA?
A. Overseas Workers Welfare for All C. Overseas Workers Welfare Administration
B. Overseas Workers Welfare Authority D. Overseas Welfare of Workers Administration
29. Anong suliranin ang tumutukoy sa kondisyon ng tao kung saan mayroon siyang kakulangan sa mga pangunahing
pangangailangan na nag-uudyok sa kanya upang mandarayuhan?
A. Kahirapan B. Katiwalian C. Polusyon D. Prostitusyon
30. Ano ang maaaring maging epekto kapag nagdagsaan ang mga tao sa mga lungsod?
A. Paglobo ng populasyon sa mga lungsod C. Pananatili ng populasyon sa mga lungsod
B. Pagbaba ng populasyon sa mga lungsod D. Pagdomina ng mga taga-probinsiya sa mga lungsod
31. Sino ang mga binansagang “economic migrants”?
A. Iyong mga naiwang miyembro ng pamilya ng mga OFWs.
B. Iyong mga tumakas mula sa kanilang bansa dahil sa matinding karahasan o di kaya ay kaguluhan.
C. Iyong mga naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
D. Iyong mga eksperto na mas piniling mangibang-bansa dahil sa kawalan ng oportunidad sa bansang pinagmulan.
32. Ang mga Ilocano ang may pinakamalaking bilang ng migrante sa Hawaii – karamihan sa kanila ay pinetisyon ng mga unang
Ilocano na nanirahan doon. Anong dahilan ng migrasyon ang inilalarawan dito?
A. Paglayo o pag-iwas sa kalamidad C. Pagnanais na makaahon mula sa kahirapan
B. Panghihikayat ng mga kamag-anak D. Paghahanap ng payapa at ligtas na lugar na matitirhan
33. Alin sa mga sumusunod na kalagayan ang di-mabuting bunga ng migrasyon sa mga papaunlad na bansa gaya ng Pilipinas?
A. Brain Drain B. Economic Migration C. Integration D. Multiculturalism
34. Ano ang maaaring maging negatibong epekto sa mga anak kung ang parehong magulang ay nasa ibang bansa?
A. Ang mga anak ay maaaring mapariwara dahil sa kawalan ng oras ng mga magulang.
B. Ang mga anak ay makapagtatapos ng pag-aaral dahil sapat ang pangangailangang pinansiyal.
C. Mapahahalagahan ng mga anak ang lahat ng sakripisyo ng kanilang mga magulang para sa kanila.
D. Masisiguro ang magandang kinabukasan ng mga anak dahil sa pagsusumikap ng mga magulang na nasa ibang
bansa.
35. Alin sa sumusunod ang maaaring maranasan ng ating mga kababayan sa kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa?
A. Diskriminasyon B. Sexual exploitation C. Parehong A at B D. Wala sa A at B
36. Lahat ng sumusunod ay dahilan ng pangingibang-bansa ng mga Pilipino maliban sa isa. Alin dito ang hindi kabilang?
A. Kawalan ng oportunidad sa Pilipinas. C. Manirahan kasama ang mga mahal sa buhay sa ibang bansa.
B. Maki-uso sa mga kakilalang nangibang-bansa. D. Mas magandang trabaho at mas mataas na sahod sa ibang bansa.
37. Sino ang pangunahing naaapektuhan ng mga banta ng migrasyon sa pamilyang Pilipino?
A. ang pamilya C. ang asawang naiiwan sa pamilya
B. ang mga anak D. ang asawang nagtatrabaho sa ibang bansa
38. Ano ang kasunduang naging dahilan kung bakit ang mga nagsipagtapos ng mga engineering degree sa Pilipinas ay hindi
nagiging engineer sa mga bansang lumagda nito?
A. Bologna Accord B. K-to-12 Curriculum C. Monroe Doctrine D. Washington Accord
39. Ano ang ipinatupad na reporma ng pamahalaan ng Pilipinas noong 2010 upang maiakma ang Kurikulum ng Basic Education
ng bansa sa pamantayang global?
A. Bologna Accord B. K-to-12 Curriculum C. Monroe Doctrine D. Washington Accord
40. Ang mga sumusunod ay kalimitang ugat ng pandarayuhan ng mga Pilipino, maliban sa isa. Alin sa mga ito ang hindi
kabilang?
A. Maghanapbuhay na may mataas na sahod.
B. Makapamasyal at makapaglibang sa mga makasaysayang pook.
C. Paghihikayat ng mga kamag-anak na nakatira na sa ibang bansa.
D. Matuto o mapag-aralan ng makabagong kasanayan at kakayahan.
41. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng dahilan ng migrasyon?
A. Digmaang sibil C. Kawalan ng trabaho sa pamayanan
B. Pagkawasak ng pamilya D. Mas magandang oportunidad sa ibang bansa
42. Marami sa mga pamilya ng OFW ay nakararanas ng pangungulila sa kanilang kaanak na humahantong sa pagkawasak nito.
Alin sa sumusunod ang mabisang paraan upang sila ay matulungan?
A. Bigyan ng sulat C. Bigyan sila ng load na pantawag
B. Makisimpatya sa kanila D. Magtayo ng isang samahan ng mga pamilya ng OFW upang
gumabay sa kanila
43. Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo tungkol sa Bologna Accord?
A. Hango ang pangalan nito sa isang unibersidad sa Italy.
B. Mabilis na naiaakma ang kurikulum ayon sa hinihingi ng industriya.
C. Nilagdaan ito sa Vienna ng iba’t ibang Ministro ng Edukasyon ng 29 na bansa.
D. Naglalayon ang kasunduan sa pag-aakma ng kurikulum ng bawat isa upang ang nagtapos sa bansa ay madaling
matanggap.
44. Sa kabila ng mga banta sa kalagayan ng mga migranteng manggagawa marami pa ring mga Pilipino ang nangingibang
bansa. Alin sa sumusunod ang hindi prayoridad ng mga Pilipino upang umalis ng bansa?
A. Upang makatulong sa pag-ahon ng pamilya sa kahirapan
B. Ang magkaroon ng pagkakataon na manirahan sa ibang bansa
C. Upang maging domestic workers at magkaroon ng maayos na trabaho
D. Ang makapaglakbay sa ibang bansa ay isang karanasan na hindi matutumbasan
45. Ano ang tawag sa mga ipinapadalang pera ng mga migranteng manggagawa sa Pilipinas na siyang nakatutulong din sa
paglago ng ekonomiya ng bansa at sa bansang pinagtatrabahuan nila?
A. forced labor B. remittance C. subsidy D. tariff