Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Janine Borja 01/22/24

Larang 12-SKILLFULNESS

Bandwagon
May roon tayong mga sari-sariling desisyon, na hinggil sa ating damdamin, na ating ikinikilos
batay sa ating gustong maging resulta ng bagay, maging mabuti man ito o masama, ngunit ang
bandwagon ay isang uri ng sikolohiya na nakakapag pabago sa ating desisyon, nangyari dahil sa
desisyon ng karamihan.
Bagamat ito ay kadalasan nangyayari sa karamihan sa komunidad, ay na aapektuhan ang bawat
desisyon ng indibidwal, hindi napapansin na ang sistema ay parepareho na, na walang pinag
kaiba ang mga opinyon hinggil sa mga pangyayari.
Maihahalintulad ito sa makabagong pakikipag interaksyon sa ibang tao na tinatawag na social
media, dito ay madali nalamang nakakapag bigay impormasyon ang isang indibidwal sa isa pa.

Malaki ang epekto nito sa komunidad dahil ang bawat tao ay madali nalamang nakakapagbigay
impluwensya, gaya ng mga tinatawag na influencers, sila ay isang malaking halimbawa na
nagaambag sa tinatawag na bandwagon, dahil ang ibang indibidwal ay dumedepende
sakanilang adhikain, sakaniling desisyon o batayan sa isang usapin.

Maihahalintulad ito sa isang domino, pagkat sa isang aksyon lamang ng isa ang epekto ay
malaki, bilang lamang ang hindi naaapektuhan ng sikolohiya na ito, ang mga taong may malay
sa kanilang sarili, na mayroong malayang desisyon hinggil sa paksa.
Ang gobyerno. Sa isang desisyon lamang ng pinuno ng isang komunidad ay malaki ang epekto sa
bawat mamamayan, sa isang salita o pag bibigay nito ng desisyon ay posibleng maging batayan
ng mga mamamayan, hindi tukoy ang kakalabasan ng tinatawag na bandwagon ngunit batay
lamang sa pangyayari kung makakaapekto ba ito ng maganda o hindi, walang pinipili o
kinikilangan ang sikolohiya na ito, kung ano ang pinaka matimbag na opinyon na hinggil ang
mga mamamayan ay ang magiging desisyon ng mga ito.

You might also like