Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon VI- Kanlurang Bisayas


Sangay ng Capiz
Distrito ng Pontevedra

BAILAN INTEGRATED SCHOOL


Bailan, Pontevedra, Capiz

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EPP-5


Sining Pang-Industriya (Industrial Arts-IA)
S.Y. 2023-2024

Pangalan: ___________________________________________ Iskor: ____________


Baitang at Seksyon: ___________________________________ Petsa: ____________

Panuto: Basahin ng matahimik ang mga sumusunod na pangungusap at tanong. Isulat ang salitang
TAMA sa patlang bago ang bilang kapag ang sinasaad ng pangungusap ay tama at MALI naman
kapag hindi.
______ 1. Maraming kasanayang matutuhan sa gawaing kahoy na tunay na kapaki-pakinabang.
______ 2. Ang pagkakarpentero ay dapat matutuhan ng mga batang mag-aaral hindi lamang
panghanapbuhay kundi para na rin sa sariling pangangailangan.
______ 3. Ang dust pan, lampshade, at flower vase ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga
kagamitan na yari sa kahoy.
______ 4. Kung may sapat na kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy ay maaari ng magkumuni ng
mga sirang upuan at lamesa.
______ 5. Medaling matukoy kung ang isang bagay ay yari sa gawang kahoy.
______6.Iwasan ang paggamit ng mga kasangkapang kinakalawang.

______7.Huwag makipaglaro o makipag-usap habang gumagamit ng maselang kagamitan.

______8.Ilagay ang mga kasangkapan sa paggawa sa bulsa ng pantalon.

______9.Itaas ang switch box bago matanggal ng piyus.

______10.Maglagay ng pamakip sa bibig at mata habang gumagamit ng welding machine.

______11. Iniingatan ang paggawa ng produkto o proyekto.

______12. Pinagsikapang gawin ang proyekto gamit ang tamang paraan ng panghuling ayos.

______13. Pinilit makagawa ng produkto o proyekto upang magkaroon lamang ng marka.

______14. Sinusuri ang ginawang produkto at tumatanggap ng suhestiyon ng iba.

______15. Sinusunod ang wastong paraan ng pagliliha, pagpipintura at pagbabarnis.

Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung ang larawan sa ibaba ay may kinalaman sa gawaing metal at ekis
(x) kung ang larawan ay walang kinalaman sa gawaing metal.

_____16. ______17.

_____18. _____19.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____20. Malaki ang maitutulong sa mag-aank na may kaalaman sa gawaing kawayan sa
kanilang_________.
a. pangungutang c. pag-iisip
b. pag-unlad d. pag-aaliw
_____21. Ano _______ ay karaniwang tumutubo sa lahat ng pook ng Pilipinas.
a. metal c. kawayan
b. kawad d. kahoy
_____22. Sa mga pook na sagana sa kawayan ang __________ ang maaaring gawin.
a. paghahabi c. pagkakarpentero
b. paglalatero d. pagwewelding
_____23. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kagamitan na yari sa kawayan.
a. dust pan c. bahay
b. lampshade d. sandok
_____24. Ang kawayan ay maaari ring magamit sa paggawa ng bahay, muwebles, at _________.
a. Palamuti sa bahay c. bakya
b. sandok d. gadgaran
_____25. Puputulin ni Mario ang kahoy para sa gagawing proyekto. Anong klaseng pamutol ang
gagamitin niya?
a. palakol c. lagare
b. gunting d. kikil
_____26. Kung pagdidikitin ang dalawang kahoy gamit ang pako, anong kagamitan ang gagamitin
mo?
a. plais c. barena
b. martilyo d. papel de liha
_____27. Kung kukumpunihin ang sirang switch ng ilaw, ano ang dapat gawin bago magsimula?
a. patayin ang pangunahing switch c. lumabas muna
b. huwag ng patayin ang ilaw d. wala sa nabanggit
_____28. Ano ang pang-ipit ng kahoy o bakal upang hindi ito gumalaw habang nilalagari?
a. disturnilyador c. gato
b. palis d. martilyo
_____29. Tiyaking iskwalado ang natapos na proyekto. Anong kagamitan ang gagamitin upang
Malaman kung iskwalado ang proyekto?
a. ruler c. gato
b. iskwala d. wala sa nabanggit
_____30. Ito ay isang paraan upang mapakinabangan pang muli ang isang bagay na nasira. Ano ito?
a. pagbebenta c. paglilinis
b. pagkukumpuni d. wala sa nabanggit
_____31. Anong uri ng gawaing pang-industriya ang upuang yari sa kahoy?
a. gawaing kamay c. gawaing kahoy
b. gawaing metal d. gawaing elektrisidad
_____32. Ito ay isang gawaing industriya kung saan binigyang pansin ang paggawa ng dust pan,
gadgaran, habonera, kahon ng resipi at kuwadro. Ano ito?
a. gawaing kamay c. gawaing kahoy
b. gawaing metal d. gawaing elektrisidad
_____33. Anong uri ng gawain ang paggawa ng mga proyektong madaling gawin sa mga kamay?
a. gawaing kamay c. gawaing kahoy
b. gawaing metal d. gawaing elektrisidad
_____34. Ang gawaing ito ay humihingi ng dagdag na pag-iingat upang makaiwas sa sakuna na may
kaugnayan sa kuryente. Ano ito?
a. gawaing kamay c. gawaing kahoy
b. gawaing metal d. gawaing elektrisidad
______35. Wala kang pambili ng mga materyales para sa gagawing proyekto , ano ang maaari mong
gawin?
a. mag-recycle c. lumiban sa klase
b. huwag gagawa d. wala sa nabanggit
Panuto: Itambal ang mga pahayag sa Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
____ 36. Uri ng halaman na nahahawig sa puno a. Abaka
ng saging na ginagamit sa
paggawa ng lubid at basket.
____ 37. Kilala sa tawag na “puno ng Buhay” dahil b. Kawayan
lahat ng bahagi nito ay may gamit at mahalaga
____ 38. Kailangang patuyin mabuti upang magamit c. Damo
ng maayos kalimitang ginagamit sa paggawa
ng aparador, mesa at upuan sa bahay. d. Kahoy at Tabla
____ 39. Isang uri ng damo na ginagamit sa paggawa
ng mesa at upuan. Ginagamit din ito sa e. Niyog
paggawa ng bahay kubo
____ 40. Ito ay kalimitang ginagamit sa paggawa ng walis.

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang kolum kung ito ay nagpapakita ng wastong pag-aayos ng paninda at
ekis (X) kung hindi.
41. Ilagay sa lalagyan ang produktong ipagbibili
42. Maliit lang ang pagkakasulat ng presyo upang di mabasa kaagad.
43. Makulay at makatawag pansin ang mga produkto
44. Tama ang presyo at malinis tingnan ang mga paninda
45. Halu-halo ang mga produktong ititinda

Panuto: Piliin ang wastong sagot sa loob ng saknong at isulat sa patlang bago ang bilang.
______46. Kapag umuuga ang sandalan o paa ng mesa o silya, dapat lagyan ito ng (bisagra, brace,
pako).
______47. Ang (pliers/plais, disturnilyador, martilyo) ay pang-ikot o panghigpit ng turnilyo.
______48. Gumamit ng angkop na switch upang maiwasan ang (fuse, kilowatt, short circuit).
______49. Alisan ng ( tape, insulator, plug) ang kawad na iiikot sa terminal.
______50. Ang (insulator, extension cord, tester) ay ginagamit na kagamitang de-kuryente na
malayo
sa saksakan.

Inihanda ni:

PAUL B. JIMENEZ, T-III


Pampaaralang Koordinator sa Industrial Arts
Tagagawa ng pagsusulit

Kinunsulta at sinuri ni:

MELANIA B. BACLOR, T-III


Pampaaralang Koordinator sa TLE

Pinatunayan ni:

JOLLY E. BATUIGAS
Punongguro-II

You might also like