Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PAOMBONG HIGH SCHOOL, INC.

School Year 2020-2021


PANGKAT BLG. 5 11 - MAPANAGUTAN
Mga Mananaliksik:
1. Francis Terrence Caceres
2. Kristian Miguel Jazmin
3. Clarence Philippe Salas
4. Brent Crisxlee Tiongson
5. Yesha Denise Bernal
6. Melody Mai Galman
7. Lizette Anne Gaspar
8. Leelaine Manahan
9. Allyssa Cherlize Santos
10. Jean Melie Roa

TENTATIBONG BIBLIOGRAPIYA

Abizaid, A., et.al. (2020), Nobyembre 25). For university students, COVID-19 stress creates perfect
conditions
for mental health crises. The Conversation. Kinuha noong Marso 26,2021, mula sa

https://theconversation.com/for-university-students-covid-19-stress-creates-perfect-conditions-for-
mental-health-crises-149127
Ano ba ang mental health at paano pangalagaan ito. (2020), Enero 17). RiteMed. Kinuha noong Marso
26,2021, mula sa
https://www.ritemed.com.ph/articles/ano-ba-ang-mental-health-at-paano-pangalagaa-
ito
Barile, N. (n.d). The Importance of Mental Health Awareness in Schools. Western Governors University.
Kinuha noong March 26,2021, mula sa
https://www.wgu.edu/heyteach/article/importance-mental-
health-awareness-schools1810.html
Cherry, K. (n.d). Behavioural Psychology. ReoVeme. Kinuha noong Marso 26, 2021, mula sa
https://tl.reoveme.com/behavioural-psychology/

Cherry, K. (2021), Pebrero 20). History and Key Concepts of Behavioral Psychology. Verywell Mind. Kinuha
noong Marso 26, 2021, mula sa https://www.verywellmind.com/behavioral-psychology-4157183

Common Mental Health Problems Students Face. (n.d). Locus Assignments. Kinuha noong Marso 26,2020,
mula sa https://www.locusassignments.com/common-mental-health-problems-students-face/

Covid-19 at Mental Health (2020), Setyembre 8). World Health Organization. Kinuha noong Abril 6, 2021,
mula
sa
https://www.who.int/philippines/emergencies/covid-19-response-in-the-philippines/impormasyong-
pampubliko/mental-health
Cudia, J. (2021), Marso 24). 6,666 na bagong kaso ng Coronavirus. Abante Tonite. Kinuha noong
Marso 26, 2021, mula sa https://tonite.abante.com.ph/6666-bagong-kaso-ng-cornavirus/

Grubic, N., Badovinac S. at Johri A. (2020), Mayo 2). Student mental health in the midst of the COVID-19
pandemic: A call for further research and immediate solutions. SAGE Journals. Kinuha noong Marso
26,2021, mula sa https://doi.org/10.1177/0020764020925108
Gulferica, M. (2021), Marso 26). COVID-19 cases sa Pilipinas, nadagdagan ng halos 10,000 sa loob lang ng
isang araw. KAMI. Kinuha noong Marso 26, 2021, mula sa

https://www.msn.com/en-ph/entertainment/other/covid-19-cases-sa-pilipinas-nadagdagan-ng-halos-
10000-sa-loob-lang-ng-isang-araw/ar-BB1eZeqK
Gunigundo, M. (2020), Mayo 10). Online learning sa New Normal ng Edukasyon. Journal Online. Kinuha
noong Marso 25, 2021, mula sa
https://archive.journal.com.ph/editorial/opinion/online-learning-sa-new-
normal-ng-edukasyon
Hernaez J. (2020), Oktubre 4). Distance Learning sa mga Pampublikong Paaralan Simula sa Lunes.

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 11


PAOMBONG HIGH SCHOOL, INC.
School Year 2020-2021
ABS – CBN News. Kinuha noong Marso 25, 2021, mula sa

https://news.abs-cbn.com/news/10/04/20/distance-learning-sa-mga-pampublikong-paaralan-
simula-na-sa-lunes
Hernaez, J. (2020), Oktubre 11). Quarantine, online learning may epekto sa mental health ng mga
bata. ABS-CBN News. Kinuha noong Marso 30, 2021, mula sa

https://news.abs-cbn.com/news/10/11/20/quarantine-online-learning-may-epekto-sa-mental-health-ng-
mga-bata
Kabataan na balisa sa pandemya pinatutukan ng CWC. (2020), Nobyembre 2). Abante Tonite. Kinuha
noong
Marso 24, 2020, mula sa
https://www.cwc.gov.ph/news/191-kabataan-na-balisa-sa-pandemya-
pinatutukan-ng-cwc.html
Kessler, RC., et al. (2020), Setyembre 28). Adolescent mental health. World Health Organization. Kinuha
noong Marso 29, 2021, mula sa
https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/adolescent-mental-health
Larioza, J. (2020), Setyembre 9). World Suicide Prevention Day 2020: Mental Health and Coping During
COVID-19. The Generics Pharmacy. Kinuha noong Marso 26,2021, mula sa
https://tgp.com.ph/blog/world-suicide-prevention-day/
Paano ko aalagaan ang aking mental health sa panahon ng COVID-19?. (2020), Hunyo 27). UNICEF
Philippines. Kinuha noong Marso 24, 2021, mula sa

https://www.unicef.org/philippines/stories/paano-ko-aalagaan-ang-aking-mental-health-sa-panahon-ng-
covid-19
Pagharap sa Stress sa Panahon ng mga Paglaganap ng Sakit (n.d). Behavioral
Health Services - County of Santa Clara. Kinuha noong Marso 24,2021, mula sa

https://www.sccgov.org/sites/bhd/Documents/bhsd-covid-19/bhsd-coping-with-stress-during-infectious-
disease-outbreak-03-17-20-tagalog.pdf
Pagharap sa Stress sa Panahon ng mga Paglaganap ng Sakit—Pag-aalaga ng mga Bata. (n.d). Behavioral
Health Services - County of Santa Clara. Kinuha noong Marso 24,2021, mula sa
https://www.sccgov.org/sites/bhd/Documents/bhsd-covid-19/bhsd-coping-with-stress-during-infectious-
disease-outbreak-taking-care-of-children-03-17-20-tagalog.pdf
Pamahalaan ang stress para sa kalusugan. (2021), Marso 24). California All. Kinuha noong Marso 24, 2021,
mula sa https://covid19.ca.gov/tl/manage-stress-for-health/

Pamugas, R. (2020), Mayo 28). Paano alagaan ang mental health ngayong COVID lockdown?. Kodao
Productions. Kinuha noong Marso 26,2021, mula sa
https://kodao.org/paano-aalagaan-ang-mental-
health-ngayong-covid-lockdown/
Perez, A. (2020), Oktubre 28). 54% ng mga bata nangangamba, malungkot sa kabila ng pandemya, ayon
sa
child welfare office. ABS-CBN News. Kinuha noong Marso 24, 2021, mula sa

https://news.abs-cbn.com/news/10/28/20/54-ng-mga-bata-nangangamba-malungkot-sa-kabila-ng-
pandemya-ayon-sa-child-welfare-office?fbclid=IwAR232-KiABRBEK9QrVtxF8f-
__Mq50Hsybyjll1T6Lz_Ho6mG8w_fjsJLTk
Romero J. (2020), Hulyo 28). Ilang lumahok sa online distance learning simulation nakararanas ng
mabagal na internet connection. ABS-CBN News. Kinuha noong Marso 25, 2021, mula sa

https://news.abs-cbn.com/news/07/28/20/ilang-lumahok-sa-online-distance-learning-
simulation-nakaranas-ng-mabagal-na-internet-connection
Rosenberg, J. (2019), Marso 20). Mental Health Issues On the Rise Among Adolescents, Young Adults. The
American Journal of Managed Care. Kinuha noong Marso 29, 2021, mula sa
https://www.ajmc.com/view/mental-health-issues-on-the-rise-among-adolescents-young-adults

KONSEPTONG PAPEL

PAKSA "Ang mga hakbang na isinasagawa ng mga mag-aaral sa ikalabing-isang baitang ng


Paombong High School Inc. upang mapangalagaan ang mentalidad habang may

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 11


PAOMBONG HIGH SCHOOL, INC.
School Year 2020-2021
pandemya"
RASYUNAL Dahil sa panganib na hatid ng COVID-19, hindi pinahihintulutan na lumabas ng
kani-kanilang tahanan ang mga menor de edad na ang karamihan ay mga mag-aaral.
Kaya naman, minabuti ng ating pamahalaan at ng Kagawaran ng Edukasyon na
bumuo ng isang alternatibong paraan upang mapaipagpatuloy pa rin ang edukasyon
sa gitna ng pandemya. Dito nagsimula ang pagpapatupad ng distance learning kung
saan magagawa pa ring maipagpatuloy ang pag-aaral kahit nananalagi lamang sa
kani-kanilang tahanan. Maraming kabataan ang naghayag ng hinaing sa mga hirap
na kanilang nararanasan sa gitna ng alternatibong paraan ng edukasyong ito. Bukod
dito, marami ring pagbabago ang dumating sa bansa at sa mundo. Nagkaroon ng mga
bagong alintuntunin at gawain na tinatawag na ngayong “new normal”. Ang mga
pagbabago na ito ay maaaring makaapekto nang malaki sa pag-iisip at mentalidad ng
isang kabataan, kaya’t minabuti ng aming pangkat na pag-aralan kung sa paanong
paraan pinangangalagaan ng mga mag-aaral mula sa ikalabing-isang baitang ng
Paombong High School, Inc. ang kanilang mentalidad sa gitna ng pandemya.

Nais matamo ng pag-aaral na ito ang kaalaman sa maayos na pagmamaniobra


ng mga kabataan sa kanilang pag-iisip sa kabila ng patong-patong na pagbabago at
problema, sapagkat hindi lahat ng kabataan ay may mekanismo sa pag-usad at sa
pakikibagay sa pagbabago. Inaasahang ang pag-aaral na ito ay magiging
kapakipakinabang sa mga sumusunod: Una, maari itong makatulong sa mga
kabataan na hindi pa rin nakakabagay sa makabagong paraan ng pamumuhay at pag-
aaral. Ikalawa, ninanais ding matamo ng pag-aaral na ito na maibahagi ang mga
matutuklasang resulta at datos hindi lamang sa kabataan kundi maging sa mga
magulang, upang magbigay kamalayan at gabay sa paghulma ng mabuting
mentalidad ng kanilang anak. Ikatlo, inaasahang ang mabusising pag-aaral na ito ay
makatutulong sa pagbaba ng porsyento ng mga kabataang may depresyon sa bansa
at upang makalika ng isang ligtas at payapang komunidad na sumusuporta sa
magandang kalagayan ng mentalidad. Sa kabuoan, ang naisin ng pag-aaral ay ang
pagtuklas sa mga kaalaman sa pag-aalaga sa mentalidad ng mga mag-aaral na
mahalagang maibahagi sa iba.

LAYUNIN Ang pag-aaral ay naglalayong magtamo ng maayos at inaasahang kalalabasan


ng mga sumusunod:
 Matukoy ang iba't ibang karanasan ng mga mag-aaral ng Paombong High
School Inc. tungkol sa mga paraan at hakbang na kanilang isinasagawa upang
mapangalagaan ang mentalidad
 Lubos na maintindihan ang pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa kanilang
sikolohikal na estado sa gitna ng pandemya
 Malaman ang iba't-ibang salik na nakakaapekto sa kalagayang mental ng mga
mag-aaral sa Paombong High School Inc. sa bahay, paaralan, komunidad at
bansa
 Maitimbang at mapatunayan ang epekto ng mga hakbanging isinasagawa ng

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 11


PAOMBONG HIGH SCHOOL, INC.
School Year 2020-2021
mga mag-aaral ukol sa pangangalaga ng mentalidad
 Magbigay rekomendasyon sa mga taong makikinabang ukol sa epektibong
hakbanging tunay na makatutulong sa pangangalaga ng kalagayang mental ng
mga mag-aaral batay resulta ng isinagawang pag-aaral.

PAMAMARAAN Ang pag-aaral ay gagamit ng sarbey bilang pamamaraan ng pangangalap ng


datos. Sa pamamagitan ng sarbey, madaling makakakalap ng sapat na impormasyon
na makatutulong upang malaman ang mga hakbang na isinasagawa ng mga mag-
aaral upang mapangalagaan ang mentalidad habang may pandemya. Gagamit ang
mga mananaliksik ng teknolohiya sa pagsasagawa nito, partikular ang Google Forms
at Facebook Messenger. Ang mga katanunang ipapaloob sa sarbey ay tinitiyak na
hindi sensitibo at konektado lamang sa paksang nabanggit. Ang mga mananaliksik ay
hihiling ng pakikiisa sa humigit-kumulang 100 estudyanteng kabilang sa ikalabing-
isang baitang ng Paombong High School Inc. bilang respondente. Titiyaking ang mga
ito ay pumapayag na makiisa sa pag-aaral at hindi napilitan lamang. Gayundin,
sisiguruhin ng mga mananaliksik na ang identidad ng mga tagasagot, maging ang
ibinahagi nitong impormasyon ay mananatiling pribado at siyang gagamitin lamang
para sa nasabing pananaliksik.

Sa pag-aanalisa ng datos na aming makakalap mula sa mga respondente,


pananatilihing ang mga ito ay organisado, sinuring mabuti at maingat na inihanay
batay sa katanungan. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng deskriptibong disenyo ng
pananaliksik kung saan mailalahad ang kabuoang mga hakbang na isinasagawa ng
mga mag-aaral upang mapangalagaan ang mentalidad habang may pandemya.
Titiyakin ng mga mananaliksik na ang mabubuong resulta ay batay lamang sa
kasagutan ng mga respondente at hindi mababahiran ng sariling opinyon. Gayundin,
ang resulta ng pag-aaral ay iuugnay sa mga nakaraang artikulo at pag-aaral mula sa
libro at internet upang maging batayan at mabigyang-diin ang kredibilidad ng nasuring
datos.

INAASAHANG Ang inaasahang output ng mga mananaliksik ay isang matagumpay at


AWTPUT
malaman na pag-aaral hinggil sa mga hakbang na isinasagawa ng mga mag-aaral sa
ikalabing-isang baitang ng Paombong High School Inc. upang mapangalagaan ang
mentalidad habang may pandemya. Ninanais ng pananaliksik na matuklasan ang
mga salik na nakakaaapekto sa mentalidad ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.
Kabilang dito ang mga nararanasan nila sa loob ng kanilang tahanan, paaralan,
komunidad at bansa. Sa pananaliksik din na ito ay natutukoy ang mga pagbabago ng
mga mag-aaral sa kanilang pag-uugali at pagkilos nila sa kanilang sarili; kung
nakakapaglaan sila ng oras upang alaagan ang kanilang sarili at gawin ang mga
bagay na kanilang gustong gawain, bilang anak; kung nakakatulong pa ba sila sa mga
gawaing bahay at may maayos na komunikasyon sa kanilang mga magulang at mga
kapatid, bilang mag-aaral; kung natatapos nila ang kanilang gawain sa itinakdang oras
at mayroong maayos na komunikasyon sa mga kapwa mag-aaral, at bilang miyembro

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 11


PAOMBONG HIGH SCHOOL, INC.
School Year 2020-2021
ng lipunan; kung sila ba ay may kaalaman tungkol sa nangyayari sa ating paligid na
ginagalawan. Hangad din nitong malaman ang mga magandang epekto na
naisagawa ng mga mag-aaral upang mapangalagaan ang kanilang emosyonal at
mental na kalusugan, kasama na rin ang mga hindi nila naisagawa kaugnay ang
kalakip nitong positibo o negatibong idinulot sa kanilang kalagayan.

Inaasahan din na masaliksik ang mga posibleng paraan at solusyon upang


mapanatili na nasa malusog na at magandang kalagayan ang mentalidad ng mga
mag-aaral lalo na sa panahon ng pandemya. Gayundin ay makapagbigay ng mga
rekomendasyon sa pawang mag-aaral at magulang na lubhang makakatulong sa
emosyonal at mental na kalusugan.

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 11

You might also like