Final Na Pagsusulit Sa Komunikasyon at Pananaliksik

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Manhilo National High School

Final na Pagsusulit sa Komunikasyon at Pananaliksik


PANGALAN: _______________________________________________________________
I. Panuto: Piliin ang wastong sagot sa loob ng kahon para sa sumusunod na mga tanong.

Manuel L. Quezon Mass Media Hapon Pilipino Alibata Filipino


Amerikano Kristiyanismo Bagong Republika Telebisyon Dyaryo Radyo
1. Itinuturing itong pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan.
2. Ito ang nangungunang wika sa radyo.
3. Ito ang dahilan kung bakit ang halos lahat ng mamamayan ay nakauunawa ng wikang Filpino.
4. Ito ang naangungunang wikang midyum sa telebisyon sa ating bansa
5. Ito ay nagtataglay ng malalaki at nagsusumigaw na headline
6. Tawag ng wikang ginagamit ng mga sinaunang Pilipino bago pa man dumating ang mga kastila sa ating bansa.
7. Panahon na yumabong ang wikang Filipino.
8. Pinakamahalagang na-iambag ng mga Kastila sa ng mga Pilipino.
9. Umunlad ang edukasyon at tinuruan ang mga Pilipino na patakbuhin ang sariling gobyerno sa panahong ito.
10. Ama ng Wikang Pambansa.

II. Tukuyin kung anong gamit ng wika sa lipunan ang tinutukoy ang bawat pahayag.

Regulatoryo Interaksyonal Personal Heuristiko

1. Kailan ba tayo magsisimula ng pagsulat ng pananaliksik sa Filipino?


2. Nalulungkot ako sa dulot ng kalamidad sa ating bansa.
3. Mahal kita.
4. Mag-ingat sa aso. Bagong hiso !
5. No parking on both sides.
6. Maligayang kaarawan!
7. Darating ba si Mayor ngayon?
8. Tutol naman ako sa desisyon ni Pangulong Duterte sa paghiwalay sa Amerika.
9. Bawal ang malimit na pagliban sa klase.
10. Masaya ako sa panalo mo.

III. Panuto: Suriing mabuti ang bawat bilang. Isulat sa patlang ang T kung wasto ang pahayag at kung ito ay mali
salungguhitan ang salitang nagpamali at isulat ang tamang sagot na nakalaang patlang.
________________ 1. Ang mga lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino ay tinatangkilik din ng mga Pilipino.
________________ 2. English ang lingua franca ng telebisyong Pilipino.
________________ 3. Ang pangunahing layunin sa paggamit ng Filipino sa pelikula ay upang mas marami ang manood,
makaunawa, manlibang at magkaroon ng malaking kita.
________________ 4. Ang wikang Ingles ay madalas na ginagamit sa mga programa sa radyo at telebisyon.
________________ 5. Ang nangingibabaw na wika sa mga post sa social media ay pormal na wika.
________________6. Sa kasalukuyang panahon ay hindi kailangan na ang paggamit ng social media.
________________7. Maging mga nakatatanda tulad ng mga lolo at lola ay kabilang na rin sa
mga netizen na umaarangkada ang social life.
________________ 8. Madaling nakababalita sa mga nangyayari sa buhay sa pamamagitan
ng mga nakapost na impormasyon, larawan at pagpapadala ng pribadong mensahe gamit ang mga ito.
________________ 9. Sa Internet bagama’t marami nang website ang mapagkukunan ng mga impormasyon ay
nananatiling Ingles pa rin ang pangunahing wika nito.
________________ 10. Kaunti lamang ang konektado sa internet.

IV. Bilugan ang titik na katapat ng makikita mong mali. Kung walang mali ay bilugan mo ang titik D.
1. Ano ang iyong gagawin bakit makamit ang iyong pangarap . Walang mali.
A B C D
2. Marami ang naniniwala sa kakayahang ng mga kabataang Pilipino. Walang mali.
A B C D
3. Sila ay mahuhusay sa iba’t ibang larangan. Walang mali.
A B C D
4. Mahalagang suporta ng magulang ang mga anak upang mapabuti sila. Walang mali.
A B C D
5. Magkaisa tayong para sa isang mabuting layunin. Walang mali.
A B C D
V. Panuto: Talakayin ang katanungan sa ibaba. Pumili lamang ng ISA sa dalawang katanungan at sagutin ito ng buong husay.
1. Ano ang itinuturing na pangunahing wika ng mass media? Bakit kaya Filipino ang wikang pinipiling gamitin ng
telebisyon at iba pang uri ng mass media sa bansa?
2. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wikang mauunawaan ng lahat?

You might also like