Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 38

Module 5

ANG PAGKUKUSA NG
MAKATAONG KILOS
(VOLUNTARINESS OF
HUMAN ACT)
Sa araw-araw nating buhay, hindi natin
maiiwasan na tayo ay husgahan batay sa
ating ikinikilos. Ang imahe natin ay
nakasalalay sa ating mga kilos.
Ayon kay Agapay, nakasalalay kung
anong uri ng tao ang isang indibiduwal sa
ikinikilos sa kasalukuyan at sa susunod pa
na mga araw. Ayon pa rin sa kanya, ang kilos
ang nagsisilbing salamin na nagpapakita
kung ang isang tao ay may kontrol at
pananagutan sa sarili.
Mahalaga na isipin munang maigi ang
ating gagawin na kilos bago ito
isakatuparan. Dapat din na
maunawaan ang bawat kilos ng ibang
tao para maibigay natin ang nararapat
na kilos na ating gagawin. Lagi nating
tandaan na ang kilos ay kaakibat ang
pananagutan.
3 URI NG KILOS AYON SA
KAPANAGUTAN (Accountability)
Ayon kay Aristotle
1. KUSANG-LOOB - ito ang kilos na isinasagawa nang may
kaalaman at pagsang-ayon sa kahihinatnan ng kilos nito.
2. WALANG KUSANG-LOOB –kilos na isinasagawa nang walang
kaalaman, walang pagsang-ayon kaya walang pagkukusa
sa kilos.
3. DI KUSANG-LOOB - kilos na isinasagawa nang may kaalaman
ngunit kulang ang pagsang-ayon. Ibig sabihin, ang
gumagawa sa kilos ay may kaalaman sa gawain na dapat
isakatuparan pero hindi isinagawa. Ito rin ay ang sapilitan
pagsagawa ng kilos.
MAPANAGUTAN
SA SARILING
KILOS
Ang layunin ay kumakatawan sa
mismong motibo at personal na intensyon
ng taong gumagawa ng kilos. Ayon kay
Aristotle, ang kilos o gawa ay hindi agad
nahuhusgahan kung masama o mabuti.
Ipinapahayag nito na ang pagiging mabuti
at masama ng isang kilos ay nakasalalay
sa intensiyon o dahilan kung bakit ginawa
ito. Dito magkaroon ng pagkakaiba ang
tao sa pagsasagawa ng isang kilos.
Sa lahat ba ng pagkakataon ay
obligado ang tao na kumilos tungo
sa kabutihan? Ayon kay Santo
Tomas, hindi lahat ng kilos ay
obligado. Ang isang kilos o gawa ay
obligado lamang kung ang hindi
pagtuloy sa paggawa nito ay
magdudulot ng masamang bunga.
Dapat piliin ng tao ang mas
mataas na kabutihan-ang
kabutihan ng sarili at ng iba,
patungo sa pinakamataas na
layunin- ang pagbabalik niya
sa Lumikha.
Module 6
Mga Salik na
Nakaaapekto sa Kilos at
Pasiya
Ang kamangmangan - ay
tumutukoy sa kawalan o
kasalatan ng kaalamang dapat
taglay ng tao. Ito ay may
dalawang uri: nadaraig
(vincible) at hindi nadaraig
(invincible).
Masidhing Damdamin- ito
ay ang dikta ng bodily
appetites, pagkiling sa isang
bagay o kilos (tendency) o
damdamin.
Masidhing Damdamin. Maituturing itong
paglaban ng masidhing damdamin sa isip -
para bang ang pangangailangan ng
masidhing damdamin ay mas matimbang
kaysa sa dikta ng isip. Ito ay ang malakas na
utos ng sense appetite na abutin ang
kanyang layunin. Tumutukoy ito sa
masidhing pag-asam o paghahangad na
makaranas ng kaligayahan o kasarapan at
pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng
sakit o hirap.
Ang takot - ay ang pagkabagabag ng isip
ng tao na humaharap sa anumang uri ng
pagbabanta sa kanyang buhay o mga
mahal sa buhay. Tumutukoy din ito sa
pagpataw ng puwersa gaya ng pananakit o
pagpapahirap upang gawin ng isang tao
ang kilos na labag sa kanyang kalooban.
Kasama rin dito ang pananakot sa tao o
sa kanyang mga mahal sa buhay upang
mapasunod itong gumawa ng masama.
Karahasan - ito ay ang
pagkakaroon ng panlabas na
puwersa upang pilitin ang
isang tao na gawin ang isang
bagay na labag sa kanyang
kilos-loob at pagkukusa.
Ang karahasan ay maaaring gawin ng isang
taong may mataas na impluwensiya.
Maaaring mawala ang pananagutan ng kilos
o gawa na may impluwensiya ng karahasan.
Ito ay kung nagkaroon ang tao ng sapat na
paraan para labanan ang karahasan subalit
nauwi sa wala at mas nasunod ang kalooban
ng labas na puwersa. Ang tanging
naaapektuhan ng karahasan ay ang
panlabas na kilos ngunit ang pagkukusa o
kilos-loob ay hindi.
Gawi - ang mga gawaing
paulit-ulit na isinasagawa at
naging bahagi na ng
sistema ng buhay sa araw-
araw ay itinuturing na gawi
(habits).
Kung ang isang gawa o kilos ay
nakasanayan na, nababawasan ang
pananagutan ng isang tao ngunit hindi
ito nawawala. Ito ay dahil ang isang gawi
bago nakasanayan ay nagsimula muna
bilang isang kilos na may kapanagutan
at pagkukusa sa taong gumagawa. Kaya
ang gawi ay hindi kailanman
nakapagpapawala ng kapanagutan sa
kahihinatnan ng makataong kilos.
Module 7
Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may
pagkasunod-sunod (sequence) ang
pagsasagawa ng makataong kilos. Kung
ang isang tao ay nagsasagawa ng
madaliang pagpapasiya, hindi siya
nagiging mapanagutan; bagkus nagiging
pabaya siya sa anumang kalalabasan
nito. Ngunit kung daraan siya sa mga
yugtong ito, tiyak na magiging mabuti
ang kalalabasan ng isasagawang kilos.
12 na Yugto ng
Makataong Kilos
(Sto. Tomas de Aquino)
F

E
L

I
Ang Kahalagahan ng
Deliberasyon ng Isip at
Kilos-Loob
Ang makataong kilos-- ang kilos
ng pagpapasiya na ang
pinagmulan ay ang rasyunal na
pag-iisip at kalayaan ng kilos-
loob (Akwinu, N.D). Ang mga 12
na yugto ng makataong kilos ay
nahati sa dalawang kategorya:
ang isip at kilos-loob.
Ayon kay Louis de Poissy, ang tao ay nagiging
handa sa anumang pananagutan nito sapagkat
ang makataong kilos ay mula sa deliberasyon ng
kanyang kilos-loob, pinagpasyahan ng malaya at
may kaalaman sa magiging resulta nito (Obstat &
Macmahon, 1989). Malinaw na ang bawat
pangyayari sa ating buhay ay bunga ng ating
pagpapasiya (Brizuela et.al, 2015). Ang mga yugto
ng makataong kilos ay makakatulong sa paggawa
ng tao ng kanyang moral na pasya at kilos at
upang maging mapanagutan siya sa kanyang
buhay.
Module 8
Napakahalaga na ang bawat kilos at
pasiya sa panahong ito ay masusing
pinag-iisipan dahil may maidudulot na
masama o mabuting bunga sa
hinaharap.
Ang layunin, paraan at
sirkumstansya ay nagtatakda ng
pagkamabuti o pagkamasama ng kilos
ng tao. Ang mga salik o elemento na ito
ay makikita sa makataong kilos.

You might also like