Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 52

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Sariling Linangang Modyul
Ikalawang Markahan

DIVISION OF ANGELES CITY


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 1: Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos

Pangalan: _______________________________________Q2W1

Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip

Panimula (Batayang Konsepto)


Ang konsepto ng pagkukusa ng makataong kilos (voluntariness of human act) ay
mahalaga sa paglinang at paghubog sa kabutihang-asal. Ito ay nauukol sa pag-aaral ng kilos
at gawa ng tao na nagmumula sa kalooban na malayang isinasagawa sa pamamatnubay ng
isip/kaalaman. Ito ay nagpapahalaga rin kung gaano ang ipinakitang pagkukusa sa
pagsasagawa at pagtupad ng mga responsibilidad o tungkulin na iniatang sa bawat isa.

Ayon kay Agapay, anumang uri ng tao ang isang indibidwal ngayon at kung magiging
anong uri siya ng tao sa mga susunod na araw, ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang
ginagawa ngayon at gagawin pa sa mga nalalabing araw ng kaniyang buhay. Dahil sa isip at
kilos-loob, kasabay ang iba pang pakultad na kaniyang taglay tulad ng kalayaan , siya ay may
kapangyarihang kumilos ayon sa kaniyang nais at ayon sa katuwiran. Bawat segundo ng
kaniyang buhay, siya ay kumikilos, naghahatid ng pagbabago sa kaniyang sarili, sa kaniyang
kapuwa at sa mundong kaniyang ginagalawan. Ayon pa rin kay Agapay, ang kilos ang
nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may kontrol at pananagutan sa sarili.

May dalawang uri ng kilos ang tao: ang kilos ng tao (acts of man) at makataong
kilos (human act). Ang kilos ng tao (act of man) ay mga kilos
Ang makataong
na nagaganap sa tao. Ito ay likas sa tao ayon sa kaniyang
kilos ay isinagawa
kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. Ito
nang may kaalaman,
ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama
malaya, at kusa. May
kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito. Ang
pananagutan ang tao
makataong kilos (human act) ay kilos na isinagawa ng tao
sa bunga ng kaniyang
nang may kaalaman, malaya, at kusa. Ito ay resulta ng
piniling kilos.
kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may
pananagutan ang tao sa pagsasagawa nito. Karaniwang
tinatawag itong kilos na niloob., sinadya at kinusa sapagka’t isinasagawa ito ng tao sa

1
panahon na siya ay responsible. Alam niya ang kaniyang ginagawa at ninais niyang gawin
ito. Ang makataong kilos ay kilos na malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng
konsensiya. Pananagutan ng taong nagsagawa ng makataong kilos ang bunga ng kaniyang
piniling kilos. Kung mabuti ang kilos, ito ay katanggap-tanggap, at kung masama ang kilos, ito
naman ay kahiya-hiya at dapat pagsisihan.

Tayo ay may responsibilidad o tungkulin na dapat isinasabuhay. Ang kamuwangan


(consciousness) na linangin ang kabutihang-asal ng pagkatao at ang mainam na pananaw sa
pagtupad ng responsibilidad ay kailangang mabatid upang magkaroon ng positibong
pagtanggap ng iba-ibang responsibilidad sa mga gampanin sa araw-araw upang sa hinaharap
na panahon ay maging handa sa higit na malawak na responsibilidad.

Alamin

Sa pagtatapos ng aralin/modyul na ito, inaasahan na iyong:


1. naipaliliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa
kalooban na malayang isinagawa sa pamamatnubay ng isip/kaalaman; at
2. natutukoy ang kilos na dapat panagutan.
(EsP10MK-lla-5.2, EsP10MK-llb-5.3)

Subukin

Panuto: Tukuyin kung ano ang inilalarawan ng bawat bilang. Piliin ang iyong sagot mula sa
kahon sa ibaba. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

A. Kilos B. Tahanan C. Responsibilidad


D. Kilos-loob E. Makataong Kilos F. Kilos ng Tao

1. Dito nagsisimula ang pagtuturo at paghubog ng pagiging responsible.


2. Ito ay bahagi ng buhay ng tao, tungkulin na ibinigay at isinasabuhay nila.
3. Ito ang bunga ng isip at kagustuhan na nagsasabi ng katangian ng tao.
4. Ito ay kilos na isinasagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa.
5. Ito ay kilos na ayon sa kalikasan ng tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob

2
Tuklasin

Panuto: Ang isang taong responsible ay may kakayahang gampanan at isagawa ang mga
responsibilidad na nakatalaga sa kaniya. Magbigay ng sarili mong ideya sa salitang
responsibilidad. Isulat ang sagot sa concept webbing at sa mga gabay na tanong gamit ang
malinis na papel at isumite upang maiwasto ng guro. Gawing gabay ang halimbawa sa ibaba.

pananagutan

RESPONSIBILIDAD

tungkulin

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang nabuo mong kahulugan ng responsibilidad?
2. Saan nagsisimula ang pagiging responsible? Patunayan.
3. Paano mo ginagampanan ang iyong mga gawain at mga responsibilidad sa inyong
tahanan, sa paaralan at sa pamayanan?

Suriin

Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon at tingnan kung mabuti o hindi ang ginawang pasiya o
kilos ng tauhan. Lagyan ng tsek ang kolumn ng mabuting kilos kung ikaw ay naniniwala na
ito ay mabuti at lagyan ng ekis kung hindi ito mabuti. Isulat sa susunod na kolumn ang iyong
paliwanag sa iyong sagot. Sagutin ang mga gabay na tanong pagkatapos. Gawin ang mga
ito sa sagutang papel.

3
Mga Sitwasyon Mabuting Kilos Paliwanag

1. Nanalo si Mang Philip bilang


barangay captain sa kanilang
lugar. Wala siyang inaksayang
oras upang ibigay ang sarili sa
kanyang paglilingkod nang buong
katapatan
2. Nais ni Jaymee na matulungan
ang kaniyang kamag-aral na
pumasa kaya’t pinakopya niya ito
sa kanilang pagsusulit
3. Habang nasa loob ng simbahan
si Pol at Andrew ay pinag-uusapan
nila ang kanilang kamag-aral na di
umano’y may relasyon sa kanilang
guro.
4. Si Mang Jerry ay matulungin sa
kaniyang mga kapitbahay. Ngunit
lingid sa kaalaman ng kanyang
mga tinutulungan, na ang perang
ibinibigay niya sa mga ito ay galing
sa pagbebenta niya ng
ipinagbabawal na gamot.

Mga Gabay na Tanong:

1.Sino-sino sa bawat sitwasyon ang nagpakita ng mabuting kilos? Sino-sino ang hindi?
2. Ano ang iyong naging batayan sa paghusga kung mabuti o hindi ang pasiya at kilos
sa bawat sitwasyon?
3. Bakit mahalaga suriin ang magiging pasiya o kilos bago ito isagawa?

Pagyamanin / Isagawa

Panuto: Gumawa ng isang gampanin o komitment na nagpapakita kung paano ka magiging


responsible sa iyong mga tungkulin sa tahanan, paaralan at pamayanan. Isulat ito sa
sagutang papel

4
Rubriks sa Paggawa ng isang Gampanin o Komitment

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan Puntos


(5 puntos) (4 puntos) ang husay pang
(3 puntos) magsanay
(2 puntos)
Nakabuo ng
makabuluhang
gampanin o
komitment
Malinaw na
naipahayag ang
gampanin o
komitment
Maayos ang
organisayon ng
gampanin o
komitment
Kabuuang Puntos

Pamantayan ng Pagmamarka Puntos


Napakahusay 13-15
Mahusay 10-12
Katamtaman 7-9
Kailangan pang masanay 1-6

Tayahin

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel at isumite upang maiwasto ng
guro.

1. Ibigay ang dalawang uri ng kilos ng tao at magbigay ng 2 halimbawa ng bawat kilos.
2. Maaari bang maging makataong kilos ang kilos ng tao? Pangatwiranan ang sagot.

Sanggunian:
MELCs-Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 10 Learners Material, Department of Education, 2015
Edukasyon sa Pagpapakatao Alternative Delivery Mode Unang Edisyon, 2020
Sr. Ma. Lea M. Zozobrado, Pagyamanin 10 Edukasyon sa Pagpapakatao, 2017

Inihanda ni: Isinumite kay:

LEONILA D. GONZALES EDGARDO S. NUNAG


Teacher I, Francisco G. Nepomuceno MHS EPSvr 1: EsP
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 2: Ang Pagiging Mapanagutan sa Pagkilos
Pangalan: _______________________________________Q2W2

Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)

Ang tao ay natatangi dahil sa taglay na isip at kilos-loob upang gamitin sa paggawa
ng kabutihan. Inaasahan sa kanya na palagiang gumagawa ng mabuting kilos. Anuman ang
mabuti ay dapat isakatuparan. Ayon kay Agapay, ang kilos ng tao ang nagbibigay patunay
kung ang isang tao ay may kontrol at pananagutan sa sarili.
Makikita sa layunin ng isang makataong kilos kung ito ay masama o mabuti. Dito
mapatutunayan kung bakit ginawa o nilayon ang isang bagay. Ayon kay Aristoteles, ang kilos
o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung masama o mabuti.
Ang pagiging mabuti o masama ng isang kilos ay nakasalalay
sa intensiyon kung bakit ginawa ito. Halimbawa, sa pagtulong Ang pagiging
sa kapwa, hindi agad masasabing mabuti at masama ang mabuti o masama
ipinakita maliban sa layunin ng gagawa nito. Magiging mabuti ng isang kilos ay
ito kung gagawin para sa isang tao na nangangailangan ng nakasalalay sa
tulong mula sa pagbuhat ng mabigat na bagay at may intensiyon kung
kagustuhan siyang tumulong. Magiging masama ito kung may bakit ginawa ito.
intensiyon siyang nakawin ang gamit ng kaniyang tinulungan.
Ang lahat ng bagay ay likas na may layunin o dahilan. Kung
ilalapat sa mga sitwasyon, ang bawat kilos ng tao ay may layunin. Ang layuning ito ay
nakakabit sa kabutihang natatamo sa bawat kilos na ginagawa. Ang kabutihang ito ay nakikita
ng isip na nagbibigay ng pagkukusa sa kilos-loob na abutin o gawin tungo sa kaniyang
kaganapan – ang kaniyang sariling kabutihan o mas mataas pang kabutihan. Ito ay ang
itinuturing na pinakamataas na telos – ang pagbabalik sa lumikha sa tao, ang Diyos.
Gamit ang isip at kilos-loob, ikaw ay may kakayahan na suriin ang mga kilos na iyong
ginagawa o nagawa na dapat panagutan at maging mapanagutan. Dapat piliin ng tao ang
mas mataas na kabutihan – ang kabutihan ng sarili at ng iba, patungo sa pinakamataas na
layunin.

7
Alamin
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan na iyong:
1. napatutunayan na gamit ang katwiran, sinadya (deliberate) at niloob ng tao ang
makataong kilos; kaya pananagutan niya ang kawastuhan o kamalian nito; at
2. nakapagsusuri ng sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng paraan
upang maging mapanagutan sa pagkilos.
(EsP10MK -IIb -5.4, EsP10MK -IIc -6.1)

Subukin

Panuto: Gamit ang kahon sa ibaba, tukuyin kung ano ang hinihingi ng bawat bilang. Isulat
ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

A. Tao D. Pananagutan
B. Layunin E. Isip at kilos-loob
C. Kalayaan F. Makataong Kilos

1. Ang natatanging nilikha ng Diyos na may isip at kilos loob


2. Batayan ng pagiging mabuti o hindi ng makataong kilos
3. Ito ay kilos na isinasagawa ng tao nang may kaalaman, malaya, at kusa.
4. Ito ay kakambal ng kalayaan at may kaakibat na kaalaman sa piniling kilos.
5. Nagbibigay kakayahan sa tao upang magsuri at piliin ang tamang pasiya

Balikan

Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Batay sa ating nakaraang aralin, kailan masasabing nagmula sa malayang kalooban
ang pagsasagawa ng makataong kilos? Ipaliwanag.

Tuklasin

Panuto: Tukuyin ang mga pagkakamaling nagawa, sanhi ng iyong nagawa at ang ibinunga
nito sa sarili at kapuwa. Ibahagi rin ang iyong natanto sa naging bunga nito. Gawing gabay
ang talahanayan upang maging organisado ang iyong gawain. Sagutin ang mga gabay na
tanong pagkatapos. Gawin ang mga ito sa sagutang papel.

8
Mga pagkakamaling Sanhi Bunga Mga natanto Ko
nagawa

Mga Gabay na Tanong:


1. Bakit mo nagawa ang mga pagkakamaling ito?
2. Ano ang naging epekto ng mga pagkakamaling nagawa mo sa iyo at sa iyong kapwa?
3. Ano-ano ang maari mong gawin upang maisaayos ang mga pagkakamaling ito?

Suriin

Panuto: Basahin at suriin ang mga kilos at gawain ng tao. Tukuyin kung ito ay makataong
kilos o hindi. Lagyan ng tsek () kung ito ay isang Makataong Kilos at (X) ekis kung hindi.
Isulat ang iyong katwiran o paliwanag kung bakit ito ay makatong kilos o hindi. Gawing gabay
ang unang halimbawa at ang talahanayan upang maging organisado ang iyong gawain.
Sagutin ang mga gabay na tanong pagkatapos. Gawin ang mga ito sa malinis na papel.
Mga Kilos o Gawain ng Makataong Kilos Katwiran o Paliwanag
Tao
Halimbawa: ✓ Ito ay isang makataong kilos
Pagkukusa na gumawa at sapagkat may pagkukusa sa
tumulong sa mga gawaing paggawa at pagtulong ng
bahay gawaing bahay. Ito rin ay
isang mabuting kilos dahil
makakatulong ito sa aking
mga magulang.
1. Sumusunod sa safety
protocol sa pagsuot ng
facemask at faceshield sa
publikong lugar
2. Kusang pagsauli ng
sobrang sukli sa tindera sa
palengke
3. Intensiyonal na pakikinig
sa usapan ng mga
matatanda

9
4. Paghikab ng malakas ng
hindi tinatakpan ang bibig
habang nagtatalakayan sa
loob ng silid-aralan
5. Pagbibigay lagi ng limos
sa mga pulubi

Mga Gabay na Tanong:


1. Bakit mahalagang maging mapanagutan sa mga kilos na ginagawa? Ipaliwanag.
2. Bilang mag-aaral sa Baitang 10, ano-ano ang iyong ginagawa sa araw-araw na nagpapakita
ng makatao at mapanagutang kilos? Ipaliwanag.

Pagyamanin / Isagawa

Panuto: Gunitain ang tatlong pangyayari sa buhay mo kung saan may mga tao kang nasaktan
dahil sa mga pinili mong kilos. Gumawa ng hakbangin upang maayos ang ugnayan mo sa
taong iyong nasaktan. Gawing gabay ang talahanayan upang maging organisado ang iyong
gawain. Sagutin ang mga gabay na tanong pagkatapos. Gawin ang mga ito sa malinis na
papel.
Sitwasyon na nakasakit ka Kapuwang nasaktan Mga Hakbang upang
ng iyong kapuwa (Halimbawa: Magulang at aking ayusin ang ugnayan
iba pa) sa mga taong aking
nasaktan

Rubrik para sa Pagpupuntos:


10 puntos = kung naitalang lubos ang sitwasyon at hakbang upang ayusin ang ugnayan
sa kapwang nasaktan
7-9 puntos = kung naitala halos ang sitwasyon at hakbang upang ayusin ang ugnayan
sa kapwang nasaktan
4-6 puntos = kung naitalang bahagya ang sitwasyon at hakbang upang ayusin ang
ugnayan sa kapwang nasaktan
1-3 puntos = kung hindi naitalang lubos ang sitwasyon at hakbang upang ayusin ang
ugnayan sa kapwang nasaktan

10
Tayahin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ang layunin ba ng kilos ay batayan sa paghusga kung ang kilos ay mabuti o hindi?
Pangatwiranan.
2. Paano maging mapanagutan sa ating mga kilos? Maaaring magbigay ng halimbawa
sa iyong pagpapaliwanag

Sanggunian:

Edukasyon sa Pagpapakatao Learners Material


EsP MELCs -Most Essential Learning Competencies
Edukasyon sa Pagpapakatao Alternative Delivery Mode Unang Edisyon, 2020
EdukasyonsaPagpapakatao Curriculum Guide
Lydia DV. Linsangan, Estrelita E. De Vera, Sr. Ma. Leah M. Zozobrado Pagyamanin 10 Edukasyon sa
Pagpapakatao, 2017

Inihanda ni:

Liezl M. Esguerra
SST-I

Isinumite kay:

EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1 – EsP

Susi sa Pagwawasto para sa Modyul 1: Subukin

Susi sa Pagwawasto para sa Modyul 2: Subukin

11
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 3: Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos at mga Salik
na Nakaaapekto sa Pananagutan ng Tao sa Kahinatnan
ng Kilos at Pasya

Pangalan: _______________________________________Q2W3

Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Ang makataong kilos ay maaring mabawasan o kaya ay mauwi sa pagiging isang
ordinaryong kilos ng tao dahil sa mga salik na nakaapekto rito. Ang mga salik ay direktang
nakaaapekto o nakapagbabago ng kalikasan ng isang makataong kilos lalo na sa papel ng
isip at kilos-loob. Maaari ring mabawasan ang pananagutan ng makataong kilos dahil sa
impluwensiya ng mga salik na ito. May limang salik na nakaaapekto sa makataong kilos:
1. Kamangmangan. Isa sa pinakamahalagang elemento ng makataong kilos ay ang papel
ng isip. Ang kamangmangan ay tumutukoy sa kawalan o
kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao. Ito ay may
dalawang uri: nadaraig (vincible) at hindi nadaraig
(invincible). Ang kamangmangan na nadaraig ay kawalan
ng kaalaman sa isang gawain subalit may pagkakataong
itama o magkaroon ng tamang kaalaman kung gagawa ng
paraan upang malaman at matuklasan ito. Ang
kamangmangan na hindi nadaraig ay maaaring
kamangmangan dahil sa kawalan ng kaalaman na mayroon siyang hindi alam na dapat niyang
malaman. Kung walang paraan upang maitama ang kamangmangan, ang isang gawa ay hindi
itinuturing na makataong kilos at walang pananagutan sa bahagi ng gumawa.
2. Masidhing Damdamin. Ito ay dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay o kilos
(tendency) o damdamin. Tumutukoy ito sa masidhing pag-asam o paghahangad na
makaranas ng kaligayahan o kasarapan at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng sakit o
hirap.
3. Takot. Ang pagkatakot ay halimbawa ng masidhing silakbo ng damdamin. Ang takot ay ang
pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang
buhay o mga mahal sa buhay.

2
4. Karahasan. Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang piliin ng isang tao na
gawin ang isang bagay na labag sa kanyang kilos-loob at pagkukusa. Ito ay maaring gawin
ng isang taong may mataas na impluwensiya. Maaring mawala ang pananagutan ng kilos o
gawa na may impluwensiya ng karahasan. Ito ay kung magkaroon ang tao ng sapat na paraan
para labanan ang karahasan subalit nauwi sa wala at
mas nasunod ang kalooban ng labas na pwersa. Ang Maaring mawala ang
tanging naapektuhan ng karahasan ay ang panlabas na pananagutan ng kilos o gawa.
kilos ngunit ang pagkukusa o kilos-loob ay hindi. Ito ay kung magkaroon ang
5. Gawi. Ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa tao ng sapat na paraan para
at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw labanan ang kalooban ng
at itinuturing na gawi (habits). Halimbawa nito ay ang labas na pwersa
pagmumura na naging pang-araw-araw na ekspresyon
ng isang tao. Mananagot ka pa rin dahil nagsimula ito
bilang kusang pagsasalita nang hindi maganda at nakasanayan na lamang. Maraming gawi o
kilos ang tinatanggap na ng lipunan dahil ang mga ito ay bahagi ng pang-araw-araw na gawain
ng mga tao.
Ang bawat kilos na niloob ng tao ay may kakabit na pananagutan. Ang antas ng
pananagutan ay nakadepende sa antas ng kilos na ginawa. Ang Likas na Batas moral ay
patuloy na iiral upang manatili at umiral ang katarungan.

Alamin

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang na iyong:


1. naipaliliwanag ang bawat salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan
ng kanyang kilos at pasya; at
2. at nakapagsusuri ng isang sitwasyong nakaaapekto sa pagkukusa sa kilos dahil sa
kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, at gawi
(EsP10Mk-llc-6.2, EsP10MK-Ild-6.3)

Subukin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang tamang sagot mula sa mga salita
sa kahon. Isulat iyong sagot sa sagutang papel.

A. Kamangmangan D. Masidhing Damdamin


B. Takot E. Lipunan
C. Gawi F. Karahasan

3
1. Ano ang nagbibigay ng pagkabagabag sa isip ng tao na humaharap sa anumang uri
ng banta sa buhay gaya ng kasalukuyang pandemiya?
2. Ano ang tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao?
3. Ano ang malakas na utos ng sense of appetite na abutin ang kaniyang layunin?
4. Ano ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema
ng buhay sa araw-araw?
5. Ano ang panlabas na pwersa upang piliin ng isang tao na gawin ang isang bagay
na labag sa kanyang kilos-loob at pagkukusa?

Tuklasin

Panuto: Basahin at suriiin ang mga sitwasyon. Sagutin ang mga tanong sa ikalawang kolum
ng bawat sitwasyon. Pagkatapos ay sagutin ang mga kasunod na gabay na tanong. Isulat
ang mga sagot sa sagutang papel.
Sitwasyon 1. Humanga ang iyong mga kaklase dahil Tanong:
sa pambihirang galing na ipinakita mo sa isang Dapat ka bang magpakita ng
paligsahan. Lumapit sila sa iyo at binati ka. Hindi mo galit dahil sa iyong
akalain na may kaklase ka na siniraan ka dahil sa pagkapahiya? Bakit?
inggit sa iyo. Ngunit mas minabuti mong manahimik at _________________________
ipagsabalikat na lamang bagaman nakaramdam ka ng _________________________
pagkapahiya. _________________________

Sitwasyon 2. Nasaksihan mo ang pandaraya ng iyong Tanong:


kapitbahay na maatasan na mag-repack ng relief Mapapanagot ka ba sa iyong
goods upang ipamigay sa mga taong pananahimik? Bakit?
nangangailangan. Binabawasan nito ang bigas at _________________________
delata na dapat ilagay sa plastic bag. Gayunpaman, _________________________
hindi mo siya isinumbong sa ginawa niya kung kaya’t
inulit pa niyang gawin ito,

Sitwasyon 3: Nagbilin ang iyong guro na sabihan ang Tanong:


pangulo ng inyong klase na pagpulong para sa May pananagutan ka ba sa
darating na Foundation Day ng paaralan. Biglaang maaaring kahinatnan dahil hindi
nagyaya ang iyong mga kaibigan na pumunta sa mo nasabi ang ipinagbilin sa
birthday party ng isang kaklase kung kaya nakalimutan iyo? Bakit?
mong ipagbigay-alam ang bilin sa iyo. _________________________

4
Mga Gabay naTanong:
1. Kung ikaw ay nasa unang sitwasyon, susundin mo ba ang udyok ng iyong damdamin?
Ipaliwanag.
2. Sa ikalawang sitwasyon, makatutulong ba ang pananahimik mo at hindi
pagsumbong? Masasabi bang mayroon kang pananagutan bilang saksi sa ginawang
pandaraya?
3. Sa ikatlong sitwasyon, gaano ang bigat ng iyong pananagutan sa hindi sinasadyang
paglimot na sabihin ang ibinilin sa iyo? Ipaliwanag.
4. Maituturing mo na ba ang sarili mo bilang isang tao na may pananagutan sa ginagawa
sa kabila ng mga salik na ito?

Suriin

Panuto: Suriin ng matapat ang sarili kaugnay ng kakayahang maisabuhay ang mga
makataong kilos. Mula sa iskala na 1-10 (1 bilang pinaka -mahina at 10 bilang napakahusay)
Iguhit ito at sagutin ang mga gabay na tanong sa malinis na papel.

( 1 – 4 ) Mahina ( 5 – 8 ) Mabuti ( 9 –10 ) Napakahusay

Mga Gabay naTanong:

1. Ano ang iyong naramdaman habang sinusuri ang sarili?


2. Anu-ano ang mga nagiging hadlang sa pagsasabuhay mo ng makataong kilos?
Pangatuwiranan.
3. Bakit mahalaga na makilala mo ng lubos ang iyong sariling kakayahan o katayuan sa
pagsasabuhay ng may pananagutan ang iyong kilos at pasiya?

5
Pagyamanin / Isagawa

Panuto: Bumuo ng isang linggong talaan ng mga kilos mo sa pakikipag-ugnayan sa kapwa.


Ang nilalaman nito ay dapat nakatuon sa Kabutihan o Kamalian ayon sa kalikasan ng Likas
Batas Moral. Suriin ang sarili. Isulat din ang mga hakbang ng pagpapa-unlad sa sarili. Isulat
ang sagot sa malinis na papel.
Talaan ng mga Makatao o Di- makataong Kilos

Kilos o Gawain Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes

Sa mga makataong kilos na iyong naisabuhay, napakahusay! Ipagpatuloy at maging


mabuting halimbawa sa kapwa. Higit pang paigtingin ang pagiging mapanagutan.

Tayahin

Panuto: Mula sa iyong pagkatuto sa mga naging gawain, tapusin ang sinimulang
pangungusap upang mabuo ang buong diwa nito. Isulat ang iyong sagot sa malinis na papel.

Nakaaapekto ang mga salik gaya ng _____________________ sa


aking ____________ dahil ________________, kung kaya’t pananagutan ko
na _____________________.

Sanggunian:
MELCs-Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyonsa Pagpapakatao Grade 10 Learners Material, Department of Education, 2017
EsP-DepEd Alternative Delivery Mode, Unang Edisyon 2020

Inihanda nina: Isinumite kay:

MERCEDES P. CUARTELON, Ed.D. EDGARDO S. NUNAG


Master Teacher I, Francisco G. Nepomuceno MHS EPSvr 1: EsP

MA. CLARA D. SANTOS


Teacher III, Francisco G. Nepomuceno MHS

6
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 4: Mga Salik na Nakakaapekto sa Pananagutan ng Tao sa
Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

Pangalan: _______________________________________Q2W4
Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
“Anumang uri ng tao ang isang indibiduwal ngayon at kung magiging anong uri siya ng tao
sa mga susunod na araw, ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang ginagawa ngayon at
gagawin pa sa mga nalalabing araw ng kaniyang buhay”. - Agapay

Dahil sa isip at kilos-loob ng tao, kasabay ang iba


pang pakultad na kaniyang taglay tulad ng kalayaan, siya ay
may kapangyarihang kumilos ayon sa kaniyang nais at ayon
sa katuwiran. Bawat segundo ng kaniyang buhay, siya ay
kumikilos, naghahatid ng pagbabago sa kaniyang sarili, sa
kaniyang kapuwa at sa mundong kaniyang ginagalawan.
Ayon pa rin kay Agapay, ang kilos ang nagbibigay patunay
kung ang isang tao ay may kontrol at pananagutan sa sarili.
Ayon kay Aristoteles, may tatlong uri ng kilos ayon
sa kapanagutan:
1. Kusang-loob. Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa
ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.
2. Di kusang-loob. Dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-
ayon. Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain
na dapat isakatuparan.
3. Walang kusang loob. Dito ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-
ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam
kaya’t walang pagkukusa.

Epekto ng Mga Salik sa Makataong Kilos


Mula sa aralin noong nakaraang linggo, nalaman mo ang kahulugan ng mga Salik na
nakakaapekto ng makataong kilos. Sa linggo na ito, bigyan natin ng linaw o ng mga

7
halimbawa na maaaring makapagpatunay na ang mga ito ay nakakaapekto sa pasiya at
kilos ng isang tao.

Kamangmangan
Ang isang tao na dumating sa Maynila sa unang pagkakataon mula sa probinsya ay
tumawid sa ipinagbabawal dahil sa kawalan ng kaalaman. Ang kapanagutan sa ginawa niya
ay hindi direktang makikita dahil sa kawalan niya ng kaalaman tungkol dito. Maaari itong
makapagbawas ng pananagutan dahil sa kaunting kakulangan sa pagsisikap na malabanan
ang kamangmangan. Matatawag itong kamangmangan na madaraig dahil kayang baguhin sa
pamamagitan ng isang masikap na paraan na alamin ang isang bagay bago gawin, may
kapanagutan na siya sa kaniyang kilos.
Sa kabilang dako, hindi mapapanagot sa kanyang kilos at pasiya ang isang taong wala
sa kanyang katinuan ng pag-iisip dahil sa sirkumstansiyang kaniyang kinakaharap. Wala
siyang sarling kakayahan na malaman ang dapat gawin o itama ang kanyang kilos. Ito ay
halimbawa ng kamangmangan
Sa madaling salita, naibigay na ang lahat ng paraan upang maitama ang
kamangmangan. Kung walang paraan upang maitama ang kamangmangan, ang isang gawa
ay hindi itinuturing na makataong kilos at walang pananagutan sa bahagi ng gumawa.

Masidhing Damdamin
Sa sobrang kagalakan ng lalaki dahil sa pagkapasa niya sa Bar Exam ay bigla niyang
nayakap ang katabi niyang babae. Maaari ba siyang akusahan ng sexual harassment?
Depende ito sa uri ng damdamin. Ito ay nauna (antecendent) dahil ito ay umiral bago pa man
gawin ang isang kilos. Hindi siya masisisi ng pagiging guilty ng harassment dahil hindi niya
kinusa na matapakan ang karapatan ng iba. Ngunit kailangan pa rin niyang humingi ng
paumanhin sa kaniyang maling kilos.
Ang nahuhuling damdamin (consequent) naman ay ang pagkakaroon ng pagkukusa
mula sa kilos-loob. Katulad ng galit na kinimkim at naging dahilan sa paghihiganti, ang may
gawa ay direkta at lubos na mapanagot sa kaniyang ginawa.
Sa kabilang dako, ang damdaming nauuna ay maaaring maging damdaming nahuhuli
kung ito ay aalagaan at ipagpapatuloy na manatili.

Takot
Pinili mong manahimik sa pag-uusisa ng iyong guro tungkol sa pambubulas (bullying)
sa isang mag-aaral na iyong nasaksihan dahil sa takot. Nabawasan ba ang iyong
pananagutan dahil sa takot na iyong nararamdaman?

8
Sa buhay natin may mga pagkakataong kumikilos tayo nang may takot o di kaya ay
dahil sa takot kaya nagawa natin ang isang bagay. Hindi nawawala ang pananagutan ng isang
tao sa kilos na ginawa dahil sa takot kundi nababawasan lamang. Ito ay dahil malinaw pa rin
sa isip ang ginagawa mo.
Kung ang takot ay makapagdadala sa isang tao ng pansamantalang kaguluhan ng isip
at mawala ang kakayahang makapag-isip nang wasto, ang pananagutan ay nawawala.

Karahasan
Inuutusan kang kumuha ng pagkain sa kantina ng isa sa mga kaklase mong siga. Sa
pagtanggi mo ay binantaan ka niya na aabangan sa labas kung hindi mo siya susundin. Pinitik
niya ang iyong tenga kaya napilitan ka na sundin siya. Sa pagkakataong ito, hindi ka
mapananagot sa ginawa mo. Pero tandaan na kailangan mo munang mag-isip ng paraan para
maiwasan ito.
Ang tanging naaapektuhan ng karahasan ay ang panlabas na kilos ngunit ang
pagkukusa o kilos-loob ay hindi. Ngunit kailangan mong maglapat ng ibang paraan sa gitna
ng karahasan bago masabing hindi ka mapanagot.

Gawi
Kung ang isang gawa o kilos ay nakasanayan na, nababawasan ang pananagutan ng
isang tao ngunit hindi ito nawawala. Ito ay dahil ang isang gawi bago nakasanayan ay
nagsimula muna bilang isang kilos na may kapanagutan at pagkukusa sa taong gumagawa.
Kaya ang gawi ay hindi kailanman nakapagpapawala ng kapanagutan sa kahihinatnan ng
makataong kilos.
Halimbawa nito ay ang pagmumura na naging pang-araw-araw ng ekspresyon ng
isang tao. Mapanagot ka pa rin dahil nagsimula ito bilang kusang pagsasalita nang hindi
maganda at nakasanayan na lamang.

Ang mga salik ay direktang nakaaapekto o nakapagpapabago ng kalikasan


ng isang makataong kilos lalo na sa papel ng isip at kilos-loob. Maaari ring
mabawasan ang pananagutan ng makataong kilos dahil sa impluwensiya ng mga
salik na ito.

9
Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na iyong:
1. napatutunayan na nakaaapekto ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot,
karahasan at gawi sa pananagutan ng tao sa kalalabasan ng kanyang mga pasya at
kilos dahil maaaring mawala ang pagkukusa sa kilos; at
2. nakapagsusuri ng sarili batay sa mga salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao
sa kahihinatnan ng kilos at pasiya at nakagagawa ng mga hakbang upang mahubog
ang kanyang kakayahan sa pagpapasiya
(EsP10MK-IId-6.4, EsP10MK-IIe-7.1)

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang tamang sagot. Ilagay ang iyong
sagot sa sagutang papel.
1. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang taong
nanakit sa kapuwa dahil sa galit bilang reaksiyon sa panloloko sa kaniya?
a. Walang kusang-loob c. Di kusang-loob
b. Kusang-loob d. Kilos-loob
2. Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi?
a. Paglilinis ng ilong c. Pagsusugal
b. Pagpasok nang maaga d. Maalimpungatan sa gabi
3. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
a. Panliligaw sa crush.
b. Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko.
c. Pagsugod sa bahay ng kaalitan.
d. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha.
4. Alin sa mga ito ang kilos na dahil sa takot?
a. Ang pagnanakaw ng kotse.
b. Ang pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera.
c. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit.
d. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok.
5. Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya ito bilang
mabuti at nakapagbibigay ito ng kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang _____ niya
ay nakatuon at kumikiling sa mabuti sa kanya na nakikita niya bilang tama.
a. Isip b. Kalayaan c. Kilos-loob d. Dignidad

10
Balikan

Sa nakaraang aralin, natutunan mo na ang bawat kilos na ginagawa ng tao ay may


pananagutan. Hindi mapipili kung anuman ang resulta ng isang kilos. Kaya naman,
mahalagang mapagisipang mabuti ang bawat pasiya at kilos na ating isasagawa sa bawat
pagkakataon sa ating buhay. Sa tulong ng aralin na ito, mapatutunayan mo na nakaaapekto
ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan at gawi sa pananagutan ng tao.
Gayundin, masusuri mo ang iyong sarili batay sa mga salik na nakakaapekto sa iyong
pananagutan bilang tao.

Tuklasin

Panuto: Pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba. Gabay ang pormat, tukuyin ang mga salik
na nakaaapekto sa pananagutan ng tao na naging dahilan kung bakit naging mahina ang
tauhan sa pagpili ng mabuting opsiyon at hindi naging mapanagutan ang kaniyang kilos. Ang
mga salik ay kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, at gawi. Sagutin ang
ga kasunod na gabay na tanong pagkatapos. Gawin ito sa isang malinis na papel.

SITWASYON SALIK PANANAGUTAN NG

TAUHAN

Halimbawa: - Gawi - Maaaring ikababa ng


Si Fatima ay laging nahuhuli sa klase - Kamangmangan na kanyang grado
dahil tumatawid pa siya sa main highway madaraig - Maging matalino sa
sa kanilang lugar papunta sa paaralan. paggamit ng oras
1. Nakasanayan ni Edward ang mag-
unat at humikab. Isang araw, nagalit
ang kanilang guro dahil napalakas ang
paghikab niya habang nagtuturo ito.
2. Pinatawag si Omar ng kaniyang guro
ng dahil hindi siya nakilahok sa
ginawang fire drill ng paaralan.

11
3. Nagsauli ng mga proyekto ang guro
ni Abdullah sa kanilang klase. Nang
makita niya ang kaniyang mataas na
marka ay bigla siyang napayakap ng
hindi sinasadya sa kaniyang
kaklaseng babae.

Mga Gabay Na Tanong:


1. Ano ang iyong masasabi sa mga sitwasyon na iyong sinuri? Bakit ito ang naging
salik na nakaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kaniyang kilos at
pasiya?

2. Paano nakahahadlang ang mga salik na ito sa mabuting pagpili at pagpapasiya?


Ipaliwanag.

Suriin

Panuto: Suriin ang bawat larawan. Tukuyin kung ang mga ito ay nagpapakita ng
makataong kilos o hindi, at tukuyin kung ano ang pananagutan ang nakikita mo sa bawat
larawan. Pagkatapos ay sagutin ang mga gabay na tanong. Isulat ang iyong mga sagot
sa isang malinis na papel at isumite sa guro para sa pagwawasto.

1. 2.

3. 4.

12
Mga Gabay Na Tanong:

1. Kailan hindi mapapanagot ang tao sa kanyang kilos o pasiya? Pangatuwiranan.


2. Ang layunin ba ng kilos ay batayan din sa paghusga kung ang kilos ay mabuti o
hindi? Pangatuwiranan.
3. Kailangan obligado ang tao na isagawa ang isang makataong kilos? Ipaliwanag.

Pagyamanin / Isagawa

Panuto: Ang mapanagutang kilos ay may papel ng isip at kilos-loob. Bilang tao, hindi natin
hangad ang masamang bunga ng ating piniling kilos o gawa, kung kaya dapat na maging
maingat sa mga pagpapasiya. Kung maharap ka sa mga sumusunod na sitwasyon, ano ang
pinakamainam mong gagawin? Ipaliwanag. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Sa isang pangkatang gawain, hinati ng guro ang klase sa tig-aapat sa bawat pangkat.
Ngunit may isa kayong kaibigan na nais makisama sa inyong pangkat.
2. May napulot kang cellphone sa tricycle na sinasakyan mo.
3. Nalaman mo na may kasintahan na ang nakababata mong kapatid.

Tayahin

Panuto: Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang iyong sagot mula sa
mga salita sa kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Takot Karahasan Kamangmangan


Gawi Masidhing damdamin

1. Ginagamitan ng panlabas na puwersa upang gawin ang bagay na labag sa kalooban


ng isang tao
2. Ito ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan sa kaalaman.
3. Ito ay babala ng ating isip upang ingatan ang ating sarili mula sa mga bagay na
nakapalibot sa atin.
4. Gawaing nauulit at nagiging sistema na ng buhay ng tao

13
5. Tinutukoy sa isang kilos na naghahangad ng kaligayahan at pag-iwas sa mga bagay
na nadudulot ng sakit o hirap.

Sanggunian:

MELCs – Most Essential Learning Competencies, page 35


Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 10 Learners Material, Department of Education,2017,page 92-104
EsP-DepEd Alternative Delivery Mode, Unang Edisyon 2020
https://i.ytimg.com/vi/J0TF4ykfdCE/maxresdefault.jpg
https://images.app.goo.gl/EeZx4t4oFaJaaAPy6
https://newscentre.vodafone.co.uk/app/uploads/2020/02/PhoneTheft-Shutterstock-1920x1280.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-
li9A6oz5egA/Txa3hRB7p1I/AAAAAAAAAAw/FSVDD0D4kgE/s1600/national+anthem.jpg

Inihanda ni:

Janelle N. Gustilo
SST-I, Sapang Bato National High School

Isinumite kay:

EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1 – EsP

Susi sa Pagwawasto para sa Modyul 3:Subukin

Susi sa Pagwawasto para sa Modyul 4:


Subukin
5. A 4. C 3. B 2. D 1. D

Tayahin
5. Masidhing damdamin 4. Gawi 3. Takot 2. Kamangmangan 1. Karahasan

14
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 5: Mga Yugto ng Makataong Kilos
Pangalan: _______________________________________Q2W5

Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)

Pamilyar ba sa iyo ang mga salitang: “Bahala na nga,” “Sige na nga,” o kaya naman
ay “’P’wede na ‘yan?” Ang mga salitang ito ang nabibigkas mo lalo na kung hindi ka segurado
sa iyong pipiliing pasiya o kung nagmamadali ka sa iyong isasagawang kilos.
Bahagi ng buhay ng tao ang magsagawa ng pasiya. Naging madali ba para sa iyo ang
magpasiya? Ito ba ay makataong kilos? Mahalaga na makita mo kung ang pipilin mo ba ay
nakabatay sa makataong pagkilos.
. May pagkakasunod-sunod (sequence) ang pagsasagawa ng makataong kilos. Para
kay Sto. Tomas de Aquino, may 12 yugto ito. Nahahati sa dalawang kategorya ito: ang isip at
kilos-loob. Kung daraan ka sa mga yugtong ito, tiyak na magiging mabuti ang kalalabasan ng
iyong isasagawang kilos.
Naririto ang mga yugto ng makataong kilos ni Sto. Tomas de Aquino.

Isip Kilos-loob
1. Pagkaunawa sa layunin 2. Nais ng layunin
3. Paghuhusga sa nais makamtan 4. Intensiyon ng layunin
5. Masusing pagsusuri ng paraan 6. Paghuhusga sa paraan
7. Praktikal na paghuhusga sa pinili 8. Pagpili
9. Utos 10. Paggamit
11. Pangkaisipang kakayahan ng layunin 12. Bunga

Paano gagamitin ang yugtong ito? Naririto ang isang halimbawa.

Sitwasyon:
Nakakita si Alvin ng isang bagong modelo ng
cellphone sa isang mall kung saan siya namamasyal.
Lahat ng kaniyang mga kaibigan ay mayroon na nito.

2
Suriin natin ang paglalapat ng makataong kilos sa sitwasyong ito.
1. Pagkaunawa sa layunin. Matagal na niyang nais magkaroon ng cellphone na bago
sapagkat ang ginagamit niya ay luma na.
2. Nais ng layunin. Ang unang reaksiyon ni Alvin ay ang pagkakaroon ng pagnanasa rito.
Nag-iisip na siya kung saan kukuha ng pera para mabili ito.
3. Paghuhusga sa nais makamtan. Ito ang nais ng kaniyang kalooban, ang magkaroon ng
bagong modelo ng cellphone.
4. Intensiyon ng layunin. Hanggang ngayon ay wala pa ring kalayaan si Alvin na pumili
sapagkat ang kaniyang kilos-loob ay likas na tumatanggap lamang kung ano ang mabuti na
sinasabi ng kaniyang isip. Mayroon siyang pera ngunit iniipon niya iyon para sa kaniyang pag-
aaral sa kolehiyo. Kailangan niyang pumili, bilhin niya ang bagong modelo ng cellphone o
hayaang maubos ang pera para sa kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Kung itinigil na niya ang
ideya na bilhin ang cellphone, natatapos na rito ang moral na kilos. Ngunit, kung nag-isip pa
siya ng ibang alternatibo tulad ng panghihiram ng pera sa mga kaibigan o barkada, ang moral
na kilos ay nagpapatuloy. Pinag-iisipan na niya ngayon ang ibat ibang paraan upang mabili
ang bagay na iyon. Bibilhin ba niya ito ng cash o installment? O nanakawin ba niya ito?
5. Masusing pagsusuri ng paraan. Ang pagsusuri ng paraan
na kaniyang gagawin ay nagpapatuloy at ang pagsang-ayon Ang mabuting

niya sa mga nasabing pagpipilian. pagpapasiya ay isang

6. Paghuhusga sa paraan. Ngayon ay huhusgahan na niya proseso kung saan

kung alin ang pinakamabuti. Pagbabayad sa kabuuang halaga, malinaw na nakikilala

pagbabayad paunti-unti, o pagnanakaw; pagkatapos ay o nakikita ng isang tao

huhusgahan niya ang pinakamabuti sa lahat. ang pagkakaiba-iba ng

7. Praktikal na paghuhusga sa pinili. Ang isip ay mga bagay-bagay.

kasalukuyang pumipili ng pinakamabuting paraan.


8. Pagpili. Dito ay pumapasok na ang malayang pagpapasiya na kung saan ang kaniyang
isip ay nag-uutos na bilhin ang nasabing cellphone.
9. Utos. Matapos niya itong bilhin ay ginamit na niya ito agad.
10. Paggamit. Ngayon ay mauunawaan niya kung angkop ba ang kaniyang isinagawang
kilos.
11. Pangkaisipang kakayahan ng layunin. Ngayon ay ikatutuwa niya ang pagtatamo niya
ng cellphone.
12. Bunga. Ito ang resulta ng kaniyang pinili.
Maaaring hindi tayo palaging may kamalayan sa mga yugtong ito o sa pagkakasunod-
sunod nito, ngunit mahalaga na malaman ang bawat yugto upang maging gabay sa bawat
kilos sa araw-araw na buhay.

3
Sa katunayan, ang moral na kilos ay nagtatapos na Sa anumang isasagawang
sa ikawalong yugto – ang pagpili. Kung kaya’t kailangan ng proseso ng pagpapasiya,
masusing pagninilay bago isagawa ang pagpili. Hindi ito mahalaga na mabigyan ito
madali dahil kailangan itong pag-aralang mabuti at ng sapat na panahon
timbangin ang bawat panig ng mga bagay-bagay upang upang mapagninilayan ang
makita kung alin ang mas makabubuti dahil dito nakasalalay bawat panig ng
ang anumang maaaring kahinatnan nito. isasagawang pagpili.

Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na iyong:
1. naipaliliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos; at
2. natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa bawat yugto ng
makataong kilos.
(EsP10MK-IIe-7.2, EsP10MK-IIf-7.3)

Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot.
Isulat ito sa isang malinis na papel.
1. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay
Sto. Tomas de Aquino?
a. Isip at Kilos-loob c. Paghuhusga at Pagpili
b. Intensiyon at Layunin d. Sanhi at Bunga
2. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Amir ang pagpapasiya palagi niyang tinatanong
ang kaniyang sarili kung ito ba ang nais ng Diyos o naaayon sa Kaniyang kautusan?
Sa iyong palagay, saan hakbangin ng moral na pagpapasiya si Amir?
a. Tingnan ang kalooban c. Maghanap ng ibang kaalaman
b. Isaisip ang posibilidad d. Umasa at magtiwala sa Diyos
3. Niyaya si Alfred ng kaniyang mga kamag-aral na huwag pumasok at pumunta na
lamang sa isang computer shop. Hindi kaagad sumang-ayon si Alfred bagkus ito ay
kaniyang pinag-isipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at ano ang sakaling
magiging epekto nito kung sakaling sumama siya. Anong proseso ng pakikinig ang
ginamit ni Alfred?
a. Isaisip ang mga posibilidad c. Tingnan ang kalooban
b. Maghanap ng ibang kaalaman d. Magkalap ng patunay

4
4. Habang naglalakad sa mall si Mary Rose ay nakakita siya ng sapatos. Matagal na
niyang gustong magkaroon ng ganoong klaseng sapatos. Tumigil siya sandali at
nag-isip kung saan siya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng
makataong kilos si Mary Rose?
a. Intensiyon ng layunin c. Pagkaunawa sa layunin
b. Nais ng layunin d. Praktikal na paghuhusga sa pagpili
5. Gamit ang halimbawa sa Bilang 2. Pinag-isipan ni Mary Rose ang iba’t ibang paraan
upang mabili niya ang sapatos. Hihingi ba siya ng pera sa kaniyang magulang, mag-
iipon, o magnanakaw ng pera upang mabili ito. Nasaan na kayang yugto ng kilos si
Mary Rose?
a. Intensiyon ng layunin c. Paghuhusga sa nais makamtan
b. Pagkaunawa sa layunin d. Masusing pagsusuri ng paraan

Balikan
Sa naunang aralin, natutuhan mo na maaaring makaapekto ang kamangmangan,
masidhing damdamin, takot, karahasan, at ugali sa pananagutan ng tao sa kalalabasan ng
kaniyang pasiya at kilos. Layunin naman ng modyul na ito na lalo pang mapalawak ang iyong
kaisipan sa masusing paggamit ng iyong isip na kaloob ng Diyos at maging mapanagutan sa
bawat isasagawang kilos at pasiya.

Tuklasin

Panuto: Isulat sa loob ng parisukat kung ano ang kahulugan ng Makataong Kilos para sa
iyo. Pagkatapos ay sagutin ang mga gabay na tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

Makataong Kilos

5
Gabay na mga Tanong:
1. Bakit iyan ang mga kahulugan mo sa makataong kilos? Ipaliwanag.
2. Kailangan ba na palaging isagawa ang makataong kilos sa lahat ng oras o
pagkakataon? Bakit?
3. Paano ito makatutulong sa iyo sa araw-araw na pamumuhay?

Suriin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Lagyan ng tsek (√) ang Oo kung
ang tauhan ay nagpapakita ng makataong kilos, at ekis (X) ang Hindi kung ito ay hindi
nagpapakita ng makataong kilos. Ipaliwanag ang iyong sagot. Pagkatapos ay sagutin ang
mga gabay na tanong. Gawin ito sa sagutang papel.

Sitwasyon A
Niyaya si Omar ng kaniyang kamag-aral na huwag munang umuwi
pagkatapos ng klase dahil mag-iinuman daw sila. Sumama si Omar kahit
ipinagbabawal ito ng kaniyang magulang.
Nagpakita ba si Omar ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( )
Bakit:________________________________________________________

Sitwasyon B
Hindi nakapag-aral si Monica sa Filipino kahit alam niyang mayroon
silang pagsusulit. Sa oras ng pagsusulit ay maraming tanong na hindi niya
nasagot. Sinabihan siya ng kaniyang katabi na pakokopyahin siya ng sagot
subalit tinanggihan niya ito.
Nagpapakita ba si Monica ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( )
Bakit: ____________________________________________________

Sitwasyon C
Nakita ni Abdullah na ang kaniyang kamag-aral na si Fatima ang
kumuha ng cellphone ng kaniyang guro. Ngunit nanahimik na lamang siya
upang huwag nang madamay pa.
Nagpakita ba si Abdullah ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( )
Bakit: _____________________________________________________

6
Gabay na mga Tanong:
1. Mahalaga ba para sa iyo ang pagsasagawa ng makataong kilos? Pangatuwiranan.
2. Nakatutulong ba sa tao ang pagsasagawa ng makataong kilos? Ipaliwanag.

Pagyamanin / Isagawa

Panuto:

1. Maghanda ng mga lumang magazine, brochure o


makukulay na papel, iba pang pandisenyo at pandikit
2. Gamit ang iyong pagkamalikhain bumuo ng isang orasan
(maaaring 2D [2dimension] o 3D [3dimension]).
3. Ilagay sa bawat bilang ng orasan ang mga
mahahalagang hakbang sa pagpapasiya na iyong
isasagawa upang makamit mo ang iyong layunin (sa
buhay o sa isang minimithi) Gawin ito sa malinis na papel
at isumite sa guro para sa pagwawasto.

Rubrik para sa paggawa ng orasan ng mahahalagang hakbang sa pagpapasiya


Kraytirya 5 4 3 1-2 Puntos
Pagkama- Lubos na Naging Hindi gaanong Walang
likhain nagpamalas malikhain sa naging ipinamalas
ng pagkamalik paghahanda. malikhain sa na
hain sa paghahanda. pagkamalik
paghahanda. hain sa
paghahanda.
Nilalaman at Malinaw ang Lubhang Hindi gaanong Hindi naging
Presentas- nilalaman ng malinaw ang malinaw ang malinaw ang
yon gawa nilalaman ng nilalaman ng nilalaman ng
gawa gawa gawa
Organisas- Buo ang May sapat na Konsistent, Hindi ganap
yon kaisipan, detalye at may kaisahan, ang
konsistent, malinaw na kulang sa pagkakabuo,
kumpleto ang intensiyon. detalye at hindi kulang ang
detalye at gaanong detalye at di-
napakalinaw. malinaw ang malinaw ang
intensiyon. intensiyon.
Kaangkupan Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop
sa Paksa angkop ang mga hakbang angkop ang ang mga
mga hakbang sa mga hakbang hakbang sa
sa sa

7
pagpapasiya pagpapasiya pagpapasiya pagpapasiya
sa paksa sa paksa sa paksa sa paksa
Kabuuang Puntos

Gaano kahalaga ang sapat na panahon bago magsagawa ng pasiya? Sukatan ito mula 1
hanggang 10. Kung saan ang 1 ang pinakamababa at 10 ang pinakamataas.
Ipaliwanag.

Tayahin

Panuto: Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong
naunawaan, sagutin mo ang sumusunod na tanong sa isang malinis na papel.
1. Ano ang kabutihang dulot ng yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
2. Bakit mahalagang gamitin natin ang ating isip at kilos-loob ayon sa kanilang tunguhin sa
pagsasagawa ng pagpapasiya?
3. Paano makatutulong ba ang proseso ng pakikinig sa isang kabataang katulad mo sa
pagsasagawa ng mabuting pasiya? Pangatuwiranan.
4. Ano-ano ang maaari mong gawin upang mailapat ang iyong mga pagkatuto sa modyul
na ito?
Sanggunian:

MELCs – Most Essential Learning Competencies, page 35-36


Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 10 Learner’s Material, Department of Education, 2017
EsP-DepEd Alternative Delivery Mode, Unang Edisyon 2020
https://hazelmallows.files.wordpress.com/2012/02/0b07c-theexperiencejunkie.jpg

Inihanda ni:

Janelle N. Gustilo
SST-I, Sapang Bato National High School

Isinumite kay:

EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1 – EsP

8
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
GAWAING PAGKATUTO MODYUL
Modyul 6: Mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya

Pangalan: ___________________________________________Q2W6
Seksiyon: ___________________________________________ Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya
Bahagi ng buhay ng tao ag magsagawa ng pasiya. Ito ay madalas mong ginagawa sa
iyong pang-araw-araw na buhay. Kung tatanungin kita, mula sa iyong iba’t ibang karanasan
ng pagsasagawa ng pasiya, masasabi mo bang madali ang mga
ito para sa iyo? Ito ba ay nakapagdulot sa iyo ng tagumpay o
kabiguan? Ito ba ay nagpapakita ng makataong kilos? Ngayon ay
inaanyayahan kitang balikan mo ang bawat sitwasyon kung saan
gumawa ka ng pagpapasiya. Isipin mong mabuti kung ano-ano ito
mula pinakasimple sa pinakamahirap na pasiya. Nakatulong ba ito
upang ikaw ay lalong maging isang mabuting tao? Ito ba ay
nakabatay sa pinakahuling layunin ng tao na makapiling ang Diyos sa kabilang buhay?
Ang bawat pangyayari sa iyong buhay ay bunga ng iyong pagpapasiya. Tulad ng isang
nagmamaneho ng sasakyan, siya ang may hawak na manibela at siya ang nagdadala kung
saang direksyon niya nais pumunta. Gayundin ang tao, ang bawat kilos at pasiya na kaniyang
gagawin ay may epekto sa kaniyang sarili at kapuwa kung kaya’t kailangan na ito ay isagawa
nang maingat gamit ang talino na ibinigay ng Diyos. Kung iyo lamang titingnang mabuti sa
bawat araw na nagsasagawa ka ng kilos, may mga kilos na
Ang mabuting
hindi mo kailangang pag-isipan tulad ng paghinga, pagbahin
pagpapasya ay isang
kung ikaw ay sinisipon, paglakad, at iba pa. Ngunit mayroon ka
proseso kung saan
ring mga kilos na kailangan mong pag-isipan at pagnilayan tulad
malinaw na nakikilala o
ng: kung papasok ba sa paaralan, makikinig bas a tinuturo ng
nakikita ng isang tao
guro, kakain ba ng almusal bago pumasok, susunod ba sa utos
ang pagkakaiba-iba ng
ng magulang, gagawa ba ng takdang-aralin, at marami pang
mga bagay-bagay.
iba. Ang mga ito ay kailangan ng maingat na pagtitimbang sa
kung ano ang dapat piliin at kung anong kilos ang dapat gawin. Mahalaga na makita mo kung
ang pipiliin mo ay nakabatay sa makataong pagkilos.
Ang bawat kilos ng isang tao ay may dahilan, batayan, at pananagutan. Sa anumang
isasagawang pasiya, kinakailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang idudulot

9
nito. Ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita
ng isang tao ang pagkakaiba- iba ng mga bagay-bagay.
Sa yugto ng iyong buhay sa ngayon, napakahalaga na dumaan ka sa proseso bago
ka magsagawa ng pagpapasiya. Makatutulong sa iyo ang proseso ng pakikinig (LISTEN
process). Ito ay isang malalim na pagkaunawa gamit ang tamang konsensiya. Ito rin ang
magsisilbing gabay sa mga sitwasyon na kinakaharap mo sa ngayon at mula rito matututuhan
mo na ang moral na pagpapasiya ay isang kakayahan na may malaking kontribusyon sa
anumang moral na dilemma.
Naririto ang mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya (LISTEN):
1. Magkalap ng patunay (Look for the facts). Mahalaga na sa unang hakbang pa
lamang ay tanungin mo na agad ang iyong sarili. (kung anong patunay ang aking
kailangang malaman upang makagawa ng mabuting pasiya?)
2. Isaisip ang mga posibilidad (Imagine possibilities). Mahalaga na tingnang mabuti
ang mga posibilidad na mga pagpipiliang magagawa para sa sitwasyon.
3. Maghanap ng ibang kaalaman (Seek insight beyond your own). Hindi sa lahat ng
oras o pagkakataon ay alam mo ang mabuti. Kailangan mo pa ring maghanap ng
mga magagandang kaalaman na maaaring makapagbigay sa iyo ng inspirasyong
makagawa ng tamang pagpapasiya.
4. Tingnan ang kalooban (Turn inward). Ano ang sinasabi sa iyo ng iyong kalooban
tungkol sa sitwasyon? Ano ang personal mong nararamdaman ukol sa sitwasyon?
Ang lahat ng katanungan ay kailangan mong sagutin sapagkat sa anumang pasiya
na iyong gagawin, kailangan na ikaw ay magiging masaya.
5. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos (Expect and trust in God’s help).
Tanging ang Diyos lamang ang nakaaalam ng pinakamabuti para sa atin, kaya’t
napakahalaga na tumawag sa Kaniya sa pamamagitan ng panalangin. Ito ang
pinakamabisang paraan upang malaman kung ano ang magandang plano Niya
para sa atin. Ito rin ang magsisilbing lakas na magagamit sa sandaling dumaranas
sa mahirap na sitwasyon.
6. Magsagawa ng pasiya (Name your decision). Dito ay magsasagawa ka na ng
pagpapasiya. Maaari mong tanungin ang iyong sarili kung bakit mo ito pinili. Ano
ang iyong mga plano sa iyong ginawang pagpili? Ikaw ba ay masaya rito? Ito ba
ay batay sa moral na pamantayan? Makatutulong ang mga tanong na ito upang
kung mayroon ka pang agam-agam o pagkalito sa iyong pipiliin, ay mapagnilayan
mo itong mabuti.

10
Bilang kabataang katulad mo, napakabilis ng araw para sa iyo, kung kaya’t napakabilis
din ang pagsasagawa ng pasiya. Lagi mong tatandaan
Dahil sa isip at kilos-loob ang
na sa lahat ng nilikha ng Diyos, ang tao lamang ang
tao ay nakasasagawa ng
binigyan Niya ng isip at kilos-loob. Ito ay para gamitin
mabuting kilos na nagpapakita
sa pagsasagawa ng mabuting pasiya at kilos. At dahil
ng pagmamahal hindi lamang sa
may isip at kilos-loob ang tao, magagamit ito sa
kapuwa kundi lalo’t higit sa
pagsasagawa ng mabuting kilos na nagpapakita ng
Diyos.
pagmamahal hindi lamang sa kapuwa kundi lalo’t higit
sa Diyos.
Sa magulong mundo na iyong ginagalawan, makatutulong para sa iyo na kung ikaw
ay magpapasiya o ikaw ay manahimik. Damhin mo ang presensiya ng Diyos upang ikaw ay
makapag-isip mabuti at matimbang ang mga bagay-bagay. Makatutulong ito sa iyo upang
lubusan mong malaman at mapagnilayan kung ano ang makabubuti para sa iyo, sa kapuwa
at sa lipunan.
Handa ka na ba? Tayo na! Simulan na natin ang pagtuklas ng mga hakbang
sa pagsasagawa ng moral na pagpapasiya

Alamin
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang na iyong:
1. naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng
deliberasyon ng isip at kilos - loob sa paggawa ng moral na pasya at kilos; at
2. nakapagsusuri ng sariling kilos at pasya batay sa mga yugto ng makataong kilos at
nakagagawa ng plano upang maitama ang kilos o pasya.
(EsP10MK -IIf -7.4, EsP10MK -IIg -8.1)

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot.
Gawin ito sa sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?
a. Tingnan ang kalooban
b. Magkalap ng patunay
c. Isaisip ang posibilidad
d. Maghanap ng ibang kaalaman

11
2. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na iyong
gagawin?
a. Isaisip ang mga posibilidad
b. Maghanap ng ibang kaalaman
c. Umasa at magtiwala sa Diyos
d. TIngnan ang kalooban

3. Bakit kailangan isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya?


a. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay.
b. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.
c. Dahil sa bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
d. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kasigraduhan sa kaniyang pagpili.

4. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensya at binibigyang halaga


mo kung ang iyong pasiya, makapagpapasaya sa iyo o hindi. Anong bahagi kaya ito
ng Hakbang sa Moral na Pagpapasiya?
a. Magkalap ng patunay
b. Maghanap ng ibang kaalaman
c. Tingnan ang kalooban
d. Umasa at magtiwala sa Diyos

5. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Amir ang pagpapasiya palagi niyang tinatanong ang
kaniyang sarili kung ito ba ang nais ng Diyos o naaayon sa Kaniyang kautusan? Sa
iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng pagpapasiya si Amir?
a. Tingnan ang kalooban c. Maghanap ng ibang kaalaman
b. Isaisip ang posibilidad d. Umasa at magtiwala sa Diyos

Tuklasin

Panuto:
1. Mag-isip ng mga sitwasyon sa iyong buhay na hindi mo malilimutan. Isulat kung
paano ka nagpasiya at nagpakita ng makataong kilos sa bawat sitwasyon.
2. Punan ang hanay sa ibaba. Gabay mo ang halimbawa. Pagkatapos ay sagutin
ang mga gabay na tanong. Gawin ang mga ito sa sagutang papel.

12
Sitwasyon sa buhay Kilos na Epekto ng Mga realisasyon
na nagsagawa ng isinagawa isinagawang pasiya
pasiya
Hal. Blg. 1 Hindi sumama Naunawaan ang Ang realisasyon ko
Niyaya ng kaibigan at pinili na tinalakay ng guro ay mas makabubuti
na mag-cutting pumasok sa at nakakuha ng na piliin ang
classes. klase pasang marka sa pagpasok sa klase
pagsusulit sa araw dahil may mabuti
na iyon. itong maidudulot sa
pag-abot ko ng
aking pangarap at
tunguhin sa buhay.
2.

Mga Gabay na Tanong:


1. Sa kabuuan, ano-ano ang natuklasan mo sa iyong isinagawang mga kilos at
pasiya sa mga sitwasyon?
2. Sa iyong palagay, bakit naging mabuti o masama ang epekto ng iyong kilos at
pasiya?
3. May kinalaman ba ang pasiya ng tao sa kilos na kaniyang isasagawa? Ipaliwanag.

Suriin

GAWAIN 1
Panuto: Ano ang naunawaan mo sa iyong mga binasang konsepto sa panimulang bahagi ng
modyul? Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan, sagutin mo ang mga sumusunod
na tanong. Isulat ang iyong sagot sa malinis na papel.
1. Ano ang kahulugan ng mabuting pagpapasya?
2. Paano nakatutulong sa tao ang pagsasagawa ng mabuting pagpapasiya? Ipaliwanag.
3. Ano ang iyong pagkaunawa tungkol sa proseso ng pakikinig?
4. Ano-ano ang hakbang sa moral na pagpapasiya? Ipaliwanag ang bawat isa.

13
Pagyamanin / Isagawa

Panuto:
1. Isipin mo ang mga maling pasiya na naisagawa sa iyong pamilya, kaibigan, pag-aaral,
barangay, at simbahan. Isulat mo ito sa unang hanay.
2. Isulat naman sa panagalawang hanay kung paano mo ito iwawasto.
3. Isulat ang iyong sagot sa malinis na papel.
Maling pasiyang naisagawa…… Paano ito iwawasto
1. Sa pamilya
2. Sa kaibigan

3. Sa pag-aaral
4. Sa barangay
5. Sa simbahan

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang TAMA kung tama ang
pahayag MALI naman kung ito ay mali. Isulat ang iyong sagot sa malinis na papel.

1. Ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya ang magkalap ng patunay.
2. Ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto.
Tomas de Aquino ay sanhi at bunga.
3. Kailangang isaisip at timbangin ang 14abuti at masamang naidudulot ng pasiya dahil sa
bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
4. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensya at binibigyang halaga
mo kung ang iyong pasiya, makapagpapasaya sa iyo o hindi nasa bahaging magkalap ng
patunay ka ng Hakbang sa Moral na Pagpapasiya.
5. Ang paghahanap ng ibang kaalaman ang pinakahuling hakbang pagsasagawa ng pasiya.

14
Sanggunian:
MELCs-Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao- ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon,
Department of Education, 2015
EsP-DepEd Alternative Delivery Mode, Unang Edisyon 2020

Inihanda nina: Isinumite Kay:

JENNILYN ROSE M. LAXAMANA EDGARDO S. NUNAG


Teacher I, Malabanias Integrated School EPSvr 1: EsP

Iwinasto ni:

RONA B. DAVID
ESP Coordinator

Susi sa Pagwawasto para sa para sa Modyul 5:

Subukin

5. A 4. B 3. A 2. D 1. A

Susi sa Pagwawasto para sa para sa Modyul 6:

Subukin

Tayahin

5. Mali 4. Mali 3. Tama 2. Mali 1. Tama

15
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 7: Ang Makataong Kilos

Pangalan: _______________________________________Q2W7
Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Kilos ay suriin, mabuti lagi ang piliin. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang pakahulugan
mo sa mga salitang ito? Marami kang pinagkakaabalahan araw-araw mula sa gawaing bahay,
sa pagpasok sa paaralan, sa pakikisalamuha sa iyong mga kaibigan. Nasusuri mo ba ang lahat
na ito? Napipili mo ba ang mabuti? Tumutugma ba ang paraan ng pagsasagawa mo ng kilos
sa iyong mga layunin? Iyan ay ilan lamang sa mga tanong na magpapaalala sa iyo sa pagpili
ng kilos na gagawin.
Subalit hindi lahat ng kilos ng tao ay maituturing na makatao. Ang makataong kilos ay
bunga ng ating isip at kagustuhan na nasasalamin ang ating pagkatao. Kung ano tayo at kung
ano ang kalabasan ng ating kilos ay batay sa ating
Ang lahat ng ginagawang
pagpapasiya. Nangangahulugan ito na hindi lahat ng ating
kilos ng tao ay may
isinasagawang kilos ay mabuti. Ayon pa rin kay Sto. Tomas
dahilan, batayan, at may
de Aquino, sa bawat makataong kilos, ang kilos-loob ang
kaakibat na pananagutan.
tumutungo sa isang layunin. Hindi makapaghahangad ng
Anuman ang gawing kilos
anuman ang isang tao kung wala itong pinakahuling layunin
ay may kahihinatnan
at ito ay ang makapiling ang Diyos sa kabilang buhay.
Napakaganda, hindi ba? Kaya’t marahil ay nararapat lamang
na mapagnilayan ng tao ang bawat layunin ng kaniyang isinasagawang kilos. Mahalaga ito
upang lubos na malaman kung paano nagiging mabuti o masama ang isang kilos.
May mga salik na nakaaapekto sa resulta ng kilos, kung ito ay maituturing na mabuti o
masama. Ang mga ito ang batayan sa paghuhusga kung ang kilos ay moral o hindi.
Una, Layunin. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob.
Ito rin ay tumutukoy sa taong gumagawa ng kilos (doer); hindi ito nakikita o nalalaman ng ibang
tao dahil ito ay personal sa taong gumagawa ng kilos. Ito ang pinakalayunin o pinatutunguhan
ng kilos. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang mismong kilos ay hindi maaaring husgahan kung
mabuti o masama kung hindi nito isasaalang-alang ang layunin ng taong gumagawa nito.
Mahalagang tingnan ang kabuuang kilos na kasama ang layunin ng tao na nagsasagawa nito.
Ang pamantayan sa kabutihan ng layunin ay kung iginagalang ng taong nagsasakilos ang
dignidad ng kaniyang kapuwa.
Ikalawa, Paraan. Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit
ang layunin. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may nararapat na obheto ang kilos.

2
Ikatlo, Sirkumstansiya. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na
nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos. Narito ang iba’t ibang
sirkumstansiya:
1. Sino. Ito ang tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng kilos o sa taong maaaring
maapektuhan ng kilos.
2. Ano. Ito ang tumutukoy sa mismong kilos, gaano ito kalaki o kabigat.
3. Saan. Ito ang tumutukoy sa lugar kung saan ginagawa ang kilos.
4. Paano. Ito ay tumutukoy sa paraan kung paano isinagawa ang kilos.
5. Kailan. Ito ay tumutukoy kung kailan isasagawa ang kilos.
Tunay ngang makikita na ang kilos ay nagiging mas mabuti o mas masama ayon sa
sirkumstansiya. Ang mga nakapagpapalala o nakapagpapabawas ng kabutihan o
kasamaan ng isang kilos ay tinatawag na sirkumstansiya. Maaaring ang mabuti ay
mas maging mabuti at ang masama ay mas maging masama.
Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at may kaakibat na
pananagutan. Anuman ang gawing kilos ay may kahihinatnan. Mahalaga na masusing pag-
isipan at pagplanuhang mabuti ang anumang isasagawang kilos dahil mayroon itong katumbas
na pananagutan na dapat isaalang-alang.

Alamin

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan na iyong:


a. naipaliliwanag ang layunin, paraan at mga sirkumstansya ng makataong kilos, at
b. nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasya o kilos sa isang
sitwasyon batay sa layunin, paraan at sirkumstansya nito.
(EsP10MK -IIg -8.2, EsP10MK -IIh -8.3)

Subukin

Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang mga aytem at isulat ang titik ng iyong sagot
sa sagutang papel.
1. Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.
a. pasiya b. kilos c. kakayahan d. damdamin
2. Si Jimmy ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na
mahal siya ng kaniyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga
tinututulungan, na ang itinutulong niya sa mga ito ay galling sa pangongotong na
kinukuha niya sa kaniyang mga nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o Mali ang kilos
ni Jimmy?
a. Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan
b. Mali, dahil hindi sa kaniya galling ang kaniyang itinutulong.
c. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos
d. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob na
kilos.

3
3. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang
papel ng kilos-loob?
a. Umunawa at magsuri ng impormasyon
b. Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip
c. Tumulong sa kilos ng isang tao
d. Gumabay sa pagsasagawa ng kilos
4. Ali sa sumusunod ang hindi kahulugan ng sirkumstansya?
a. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan kung saan ang kilos na ginawa ay
nakaaapekto sa kabutihan.
b. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-
loob.
c. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang
kilos
d. Ito ay nakapagpapabago sa halaga ng isang kilos.
5. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Layunin?
a. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos
b. Ito ang pinakatunguhin ng kilos
c. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos
d. Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos- loob.
6. Isang Araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Bren ay pumasok siya sa
kanilang silid at kumuha ng 500 piso sa loob ng cabinet kung saan nakatago ang pera
nila. Ang pagkuha ni Bren ng pera ay masama. Nadaragdagan ng panibagong
kasamaan ang kaniyang ginawa dahil ________________________________________
a. KInuha niya ito nang walang paalam
b. Kinuha niya ito nang wala ang kaniyang mga magulang
c. Ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang
d. Ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto.
7. May babae na nagustuhan at minahal si Alex ngunit ang babaeng ito ay mayroon ng
asawa. Ngunit sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang pagmamahal sa
babae hanggang sa magkaroon sila ng relasyon. Ano kayang prinsipyo ang sumasakop
sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita sa sitwasyon?
a. Ang sirkumstansiya ay hindi maaring gawing mabuti ang masama
b. Ang sirkumstansiya ay maaring lumikha ng mabuti o masamang kilos
c. Ang sirkumstansiya ay maaring gawin ang mabuting kilos na masama
d. Ang sirkumstansiya ay maaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o
masama
8. Kaarawan ni Mang Robert, nagpunta ang kaniyang mga kaibigan at sila ay nagsaya.
Humiram sila ng videoke at sila ay nagkantahan hanggang umabot sila ng madaling –
araw. Naiinis na ang kaniyang mga kapitbahay dahil sa ingay na dulot nito. Ano ang
kayang prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito?
a. Ang sirkumstansiya ay hindi maaring gawing mabuti ang masama
b. Ang sirkumstansiya ay maaring lumikha ng mabuti o masamang kilos

4
c. Ang sirkumstansiya ay maaring gawin ang mabuting kilos na masama
d. Ang sirkumstansiya ay maaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o
masama
9. Naging pangulo ng kanilang pangkat si Julianna. Simula s araw nang siya ay Manalo.
Ginampanan niya nang lubos ang kaniyang tungkulin at responsibilidad. Ano kayang
prinsipyo sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito?
a. Ang sirkumstansiya ay hindi maaring gawing mabuti ang masama
b. Ang sirkumstansiya ay maaring lumikha ng mabuti o masamang kilos
c. Ang sirkumstansiya ay maaring gawin ang mabuting kilos na masama
d. Ang sirkumstansiya ay maaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o
masama
10. Si Gene ay isang espesyalistang doctor sa puso. Siya ay maingat sa pagbibigay kung
ano gamot ang nararapat sa pasyente dahil alam niya bilang doctor na hindi lahat ng
gamut na kaniyang ibinibigay ay may magandang idudulot sa mga pasyenteng iinom
nito. Alin sa mga salik na nag-uugnay sa makataong kilos ang ipinakita ni Gene?
a. Layunin b. Kilos c. Sirkumstansiya d. Kahihinatnan

Balikan

Sa nakaraang aralin, natutuhan mong pananagutan ng tao ang anumang kahihinatnan


ng kaniyang kilos, mabuti man o masama. Mahalagang mapagnilayan niya ang bawat kilos
na kaniyang isasagawa dahil hindi magiging ganap ang pagiging tao niya kung hindi siya
kumikilos ayon sa kabutihan.

Tuklasin

Panuto : Basahin ang bawat sitwasyon. Tukuyin ang layunin, paraan, at sirkumstansiya sa
bawat ipinakitang kilos. Pagkatapos ay sagutin ang mga gabay na tanong. Isulat ang iyong
sagot sa malinis na papel.

1. May markahang pagsusulit si Erick. Siya ay pumasok sa kaniyang silid at


nagbasa ng kaniyang mga napag-aralan.

2. Magaling sa asignaturang Matematika si Glenda. Siya ang panlaban ng


paaralan sa mga kompetisyon at palagi siyang nananalo. Siya ay
nagtuturo sa kapuwa niya mag-aaral na mahina sa assignaturang
Matematika tuwing hapon bago siya umuwi

5
3. Si Jomar ay malungkot dahil naiwan siyang mag-isa sa kanilang
bahay. Tinawagan siya ng kaniyang barkada at niyayang mag-inuman
sila ng alak sa bahay ng isa pa nilang barkada. Dahil nag-iisa si Jomar
at nalungkot, siya ay nakipag-inuman.

4. Matagal nang nais ni Kim na magkaroon ng cellphone. Isang araw,


habang mag-isa lamang siya sa kanilang silid-aralan ay nakita niyang
naiwan ng kaniyang kamag-aral ang cellphone nito. Kinuha ito ni Kim
at itinago.

Sitwasyon Layunin Paraan Sirkumstansiya

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano-ano ang layunin, paraan, at sirkumstansiya sa bawat sitwasyon?
2. May pagkakaiba ba ang kilos sa sitwasyon bilang 1 at 2 sa sitwasyon bilang 3 at 2?
Ipaliwanag.
3. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang mas tamang kilos, sitwasyon 1 at 2 o sitwasyon
3 at 4? Patunayan.

Suriin

Panuto: Pag-aralan ang mga sumusunod na sitwasyon. Sagutin ang tanong pagkatapos ng
bawat sitwasyon. Isulat ang iyong sagot sa malinis na papel.
1. Si Arnold ay pumunta sa bahay ng kaniya lola Ester, Nakita niya kung saan itinatago ng
kaniyang lola ang pera nito. Isang araw habang wala ang kaniya lola kinuha niya ito.
Masama ba ang ginawang kilos ni Arnold? Bakit?
Ano ang masasabi mo ukol dito?
2. Gamit pa rin ang halimbawa sa bilang isa, ang kaniyang Lola Ester ay naubusan ng gamot
para sa sakit nito. Kinakailangan nito ng pera upang makabili ng gamot ngunit nawala sa
lagayan ang pera nito.
Kung ikaw ang tatanungin, nadagdagan ba o nabawasan ang masamang kilos ni
Arnold?
3. Nagtawanan nang malakas ang ilang kabataan dahil pinag-uusapan nila ang isang
kamag-aral na biglang naghirap dahil nalubog sa sugal ang ama nito. Ginawa nila ito sa
sambahan.

6
Sa iyong palagay, nararapat bang gawin nila ito sa kanilang kamag-aral? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
4. Matalinong mag-aaral si Nestor. Pinaghaandaan nito nang mabuti ang kanilang
pagsusulit. Upang mapasama siya sa Top 10 sa kanilang seksiyon. Ngunit habang
sumasagot ito sa pagsusulit ay mayroon siya hindi maalala na sagot sa tanong. Napatingin
siya sa papel ng kaniyang katabi at nakita niya ang sagot, kaya’t kinopya niya ito..
Mabuti ba o masama ang ginawa ni Nestor? Bakit?
5. Nasunugan ang isang pamilya sa lugar nila ni Cris. Sa halip na tulungan niya ang mga ito,
sinamantala niya ang pagkakataon upang makapagnakaw sa pamilya.
Ano ang masasabi mo sa kilos ni Chris?
6. Si Leo ay isang doctor. Alam niya kung makasasama o makabubuti sa isang pasyente ang
kanyang ireresetang gamut. Itinuloy niya ang pagrereseta ng gamot sa kanyang pasyente
kahit alam niya na ito ay hindi makakaganda sa isang sakit nito.
Sa tingin mo, may pananagutan ba si Leo sa magiging resulta ng kanyang gagawing
pasiya? Bakit?

Pagyamanin / Isagawa

Panuto: Matapos mong basahin at gawin ang mga gawain sa modyul na ito, isulat sa isang
malinis na papel ang pinakamahalagang konsepto na iyong natutuhan at ipaliwanag ito.

Rubrik sa Paggawa ng Konsepto

Kraytirya 5 4 3 1-2 Puntos


Nilalaman at Lubhang Naging Hindi gaanong Hindi naging
Presentasyon malinaw ang malinaw ang malinaw ang malinaw
mensahe ng mensahe ng mensahe ng mensahe ng
konsepto konsepto konsepto. konsepto
Organisasyon Buo ang May kaisahan Konsistent, Hindi ganap
kaisipan at may sapat may kaisahan, ang
konsistent, at na detalye at kulang sa pagkakabuo,
kumpleto ang malinaw ang detalye at hindi kulang ang
detalye ang konsepto gaanong detalye at di-
konsepto malinaw ang malinaw ang
konsepto konsepto
Kaangkupan Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop
sa Paksa angkop ang konsepto sa angkop ang ang konsepto
konsepto sa paksang konsepto sa sa paksang
paksang natalakay paksang natalakay
Natalakay natalakay

Kabuuang Puntos

7
Tayahin

Panuto: Upang masubok ang lalim ng iyong pagkaunawa sa araling ito, sagutin ang mga
sumusunod na tanong. Isulat ang mga kasagutan sa malinis na papel.

1. Ano –ano ang salik na nag-uugnay sa makataong kilos? Ipaliwanag ang bawat isa.
2. Bakit hindi maaring ihiwalay ang panloob na kilos sa panlabas na kilos?
3. Paano nakababawas o nakakadagdag ang sirkumstansiya sa kasamaan o kabutihan ng
kilos?
4. Paano nahuhusgahan ang layunin ng kilos ay mabuti o masama? Magbigay ng
halimbawa.

Sanggunian:

MELCs-Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide


Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 10 Learners Material, Department of Education, 2017
EsP-DepEd Alternative Delivery Mode, Unang Edisyon 2020

Inihanda ni: Isinumite kay:

RONALD M. RAMOS EDGARDO S. NUNAG


Teacher I, Malabanias IS EPSvr 1: EsP

Iwinasto ni:

RONA B. DAVID
EsP – Coordinator, Malabanias Integrated School

8
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 8: Layunin, Paraan, Sirkumstansiya ng Makataong Kilos

Pangalan: _______________________________________Q2W8

Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Sa bawat araw ay dumaraan tayo sa iba’t ibang sitwasyon at
problema na nangangailangan ng pagkilos o solusyon. Kadalasan,
dito natin nasasalamin ang ating pagkatao kung ang ating kilos na
isinagawa ay tunay nga bang nakabubuti o nakasasama sa ating
kapwa tao.
Ngunit paano nga ba natin maiiwasan ang paggawa ng
masamang kilos? Sa pagsasagawa ng kilos, marapat lamang na
isaalang-alang ang iba’t ibang mga salik na maaaring makaapekto sa

Si Berto ay panganay sa sampung magkakapatid. Sa murang edad ay


namulat na siya sa totoong kulay ng buhay kung kaya’t lumaki siyang
responsable hindi lamang sa kanyang sarili kundi pati sa kanyang mga kapatid.
Napakalaki ng kanyang pangarap para sa kanyang sarili at pamilya kung kaya’t
ganoon na lamang ang kanyang paghuhusay sa kanyang pag-aaral upang
makamit ang kanyang inaasam-asam na pangarap. Isang araw hinagupit ng
magkakasunod-sunod na problema sina Berto at ang pinakamatindi dito ay ang
pagkakasakit ng kanyang inay. Hindi lubos maisip ni Berto ang kanyang
gagawin kung saan kukuha ng pera pangtustos sa kanilang mga
pangangailangan. Isang araw, may nakitang pitaka si Berto na naglalaman ng
malaking halaga ng pera na ang nagmamay-ari pala ay isang matandang babae
na gagamitin ang pera pambili ng kanyang gamot sa botika. Hindi nagdalawang
isip si Berto, agad-agad niyang ginamit ito upang matustusan ang
pangangailangan ng kayang pamilya

magiging resulta ng piniling kilos. Ano-ano nga ba ang mga ito? Ang mga salik na
nakakaapekto sa resulta ng isang kilos ay ang layunin, paraan, sirkumstansiya at kahihinatnan
na iyong natutunan sa nakaraang aralin. Ang mga salik na ito ang siyang makapagsasabi
kung ang iyong piniling kilos ay tama o nakabubuti at mali o nakasasama. Tunghayan ang
kwento ni Berto upang lalo mong maintindihan ang mga salik na nagpapabuti o nagpapasama
ng isang kilos.

Mula sa iyong nabasa, napag-alaman mo na nakasalalay ang kabutihan at kasamaan


ng isang kilos batay sa layunin, paraan at sirkumstansiya upang malagpasan o maisagawa
ang kilos. Sa kwento ni Berto, tunay na maganda ang kanyang layunin ngunit mali ang

9
kanyang pagsasagawa ng paraan at nagpalala sa kalagayan ng kanyang kilos o
sirkumstansiya at kahihinatnan nito.
Sa araling ito nalaman natin na ang mabuting kilos ay dapat palaging mabuti hindi
lamang sa kalikasan nito kundi sa motibo at
Sa pagsasagawa ng kilos,
sirkumstansiya kung paano mo ito ginagawa. Kaya’t
marapat lamang na isaalang-
mula sa layunin, paraan, at sirkumstansiya ng kilos alang ang iba’t ibang mga salik
ay madaling makikita o masusuri ang kabutihan o na maaaring makaapekto sa
kasamaan nito. magiging resulta ng piniling kilos.
Ang mga salik na ito ang siyang
Kung gayon, inaanyayahan kitang makapagsasabi kung ang iyong
pagnilayang mabuti ang iyong mga kilos. Ang kilos piniling kilos ay tama o
mo ba ay palaging kalugod-lugod sa paningin ng nakabubuti at mali o
nakasasama.
Diyos? Nagpapakita ba ito ng makataong gawain?
Sana ay naging malinaw sa iyo na kailangan mong
hubugin ang iyong sarili upang maging isang mabuting tao, na may kamalayan sa bawat kilos
dahil ito ang iyong magiging gabay tungo sa iyong pagpapakatao.

Alamin

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan na iyong:


1. napatutunayan na ang layunin, paraan at sirkumstansya ay nagtatakda ng
pagkamabuti o pagkamasama ng kilos ng tao; at
2. at nakapagtataya ng kabutihan o kasamaan ng pasiya o kilos sa isang sitwasyong
may dilemma batay sa layunin, paraan at sirkumstansya nito.
(EsP10MK -IIh -8.4, EsP10MK -IIa -5.2)

Balikan

Sa nakaraang aralin ay natalakay ang layunin, paraan, sirkumstansiya bilak salik na


nakaaapekto sa kawastuhan o kamalian ng kilos. ay Ang mga salik na nakakaapekto sa
resulta ng isang kilos ay ang layunin, paraan, sirkumstansiya at kahihinatnan na iyong
natutunan sa nakaraang aralin. Ang mga salik na ito ang siyang makapagsasabi kung ang
iyong piniling kilos ay maituturing na mabuti o hindi.

Subukin

Panuto: Suriing mong mabuti ang salita nakasalungguhit sa bawat aytem. Isulat ang salitang
Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan, at kung ang pangungusap
naman ay Hindi wasto, palitan mo ang nakasalungguhit na salita at ilagay mo ang tamang
kasagutan. Isulat iyong sagot sa isang malinis na papel.

10
1. Ang layunin ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob.
2. Sa pagsasagawa ng kilos, marapat lamang na isaalang-alang ang iba’t ibang mga
salik na maaaring makaapekto sa magiging resulta ng piniling kilos
3. Ang mabuting kilos ay dapat palaging mabuti hindi lamang sa kalikasan nito kundi sa
motibo at sirkumstansiya kung paano mo ito ginagawa.
4. May tatlong salik na maaaring makaapekto sa magiging resulta ng piniling kilos.
5. Lahat ng kilos ng tao ay maituturing na makatao.

Tuklasin

Panuto: Mag-isip ka ng isang sitwasyon sa iyong buhay na kung saan ay gumawa ka ng


kilos o pasya. Tukuyin mo ang layunin, paraan, at sirkumstansiya ng iyong pasiya o kilos sa
sitwasyon. Gawing mong gabay ang talahanayan upang maging organisado ang iyong
Gawain. Sagutin mo ang mga gabay na tanong pagkatapos. Gawin ang mga ito sa malinis
na papel.

Sitwasyon na nagsagawa ng pasiya at kilos

Layunin
Paraan
Sirkumstansiya

Mga Gabay na tanong:


1. Ano ang masasabi mo sa iyong kilos, mabuti ba o masama? Patunayan.
2. Ano ang iyong reyalisasyon matapos mong gawin ang gawain? Naging masaya ka ba o
hindi? Ipaliwanag.
3. Paano nakatutulong sa iyo ang pagsusuri ng kilos bago ito isagawa?
4. Marapat nga ba na pag-isipan muna ang isang kilos bago ito isagawa? Bakit?
5. Sa iyong palagay, posible bang makagawa ng mabubuting kilos ang isang mag-aaral
katulad mo sa lahat ng pagkakataon?

Suriin

Panuto: Punan ang matrix ayon sa hinihingi ng bawat kolum. Gawin ang mga ito sa malinis
na papel.
Mga Sitwasyon Pagsusuri ng Pagtataya ng Paliwanag
kabutihan o kabutihan o
kasamaan ng kasamaan ng
kilos batay sa kilos batay sa
layunin, paraan at layunin, paraan at
sirkumstansiya sirkumstansiya

11
Halimbawa: Layunin: Layunin: Ang pagkakaroon
Nagkasayahan Magkasiyahan dahil Ang pagkakaroon ng kasiyahan sa
kayo sa pagdiriwang ng ng kasiyahan ay isang kaarawan ay
bilang selebrasyon kaarawan ng bahagi ng isang hindi masama
sa kaibigan pagdiriwang ngunit dapat Makita
kaarawan ng isang ang mga limitasyon
kaibigan mo, kaya Paraan: Paraan: ng kilos upang hindi
inabot Paggamit ng Hindi masama ng makapinsala sa
kayo ng gabi sa videoke para gumamit ng videoke ibang tao na
inyong magkantahan upang maging dahilan
bahay. Hindi pa rin magkantahan upang makaabala
kayo tumigil sa Sirkumstansiya: ngunit dapat bigyan sa kanila.
kanilang Paggamit ng ito ng limitasyon
pagkanta gamit ang videoke sa hating
videoke kahit gabi Sirkumstansiya:
natutulog na ang Sang paggamit ng
inyong mga Kahihinatnan: videoke sa hating
kapit-bahay. Nakakaabala ito sa gabi ay hindi
mga taong mabuting kilos
natutulog
Kahihinatnan:
Ang pagkaabala ng
mga kapitbahay ay
hindi magandang
resulta ng kantahan

1.Niyaya ka ng
iyong
kaibigan na bumili
ng damit sa mall
kahit alam ninyong
bawal lumabas
dahil sa community
quarantine.
Pumayag ka sa
kanyang alok.
2. Nangungulit ang
iyong
kaibigan na
pakopyahin
mo siya sa mga
aktibidad na
kailangan ninyong
sagutan
sa ibinigay na
modyul ng inyong
guro.Binigyan mo
siya ng kopya ng
iyong mga sagot.
3.
Nangangailangan
ka ng pera pambili
ng gadget para sa
iyong online

12
class.Nakita mo na
nalaglag
ang pitaka ng isang
babae sa isang
supermarket. Alam
mo na lahat ng tao
ay nahihirapan sa
panahong ito dahil
sa pandemya
ngunit kinuha mo
parin ito.
4. Narinig mong
pinag-uusapan ng
iyong mga kaibigan
ang isang pamilya
na tinamaan ng
COVID-19 sa
inyong barangay.
Nakisama ka sa
mga ito.
5.Naramdaman mo
ang iilang sintomas
ng virus katulad ng
pag ubo at
pagsipon ngunit
lumabas ka parin
ng bahay upang
bumili ng gamot at
pagkain.

Pagyamanin / Isagawa
Panuto: Gumawa ka ng isang malikhaing kuwento patungkol sa isang sitwasyon mula sa
iyong karanasan na may suliranin (dilemma). Ibahagi mo sa kwento ang iyong pagtataya sa
kabutihan o kasamaan nito batay sa layunin, paraan, sirkumstansiya at kahihinatnan nito.
Gawin ito sa malinis na papel.
Rubrik sa Paggawa ng Malikhaing Pagkukwento

Kraytirya 5 4 3 1-2 Puntos


Nilalaman at Lubhang Naging Hindi gaanong Hindi naging
Presentasyon malinaw at malinaw at malinaw at malinaw at
malikhain ang malikhain ang malikhain ang malikhain ang
pagsasagawa pagsasagawa pagsasagawa pagsasagawa
ng nilalaman ng nilalaman ng nilalaman ng nilalaman
ng kwento ng kwento ng kwento ng kwento
Organisasyon Buo ang May kaisahan Konsistent, Hindi ganap
kaisipan at may sapat may kaisahan, ang
konsistent, at na detalye at kulang sa pagkakabuo,

13
kumpleto ang malinaw ang detalye at hindi kulang ang
detalye ang kwento gaanong detalye at di-
kwento malinaw ang malinaw ang
kwento kwento
Kaangkupan Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop
sa Paksa angkop ang linikhang angkop ang ang nilikhang
linikhang kwento sa linikhang kwento sa
kwento sa paksang kwento sa paksang
paksang natalakay paksang natalakay
natalakay natalakay
Kabuuang Puntos

Tayahin

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng iyong sagot sa
sagutang papel.
1. Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral dahil ginabi ka nang
umuwi galing sa kaarawan ng iyong kaibigan. Nakikita mo ang sagot mula sa iyong katabi.
Tama ba o mali na kopyahin mo ito?
a. Tama, dahil hindi ko naman hiningi ang sagot, kusa ko naman itong nakita.
b. Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin nang walang paalam sa kaniya.
c. Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit.
d. Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong isulat na sagot sa
pagsusulit.
2. Naging pangulo ng kanilang pangkat si Julianna. Simula sa araw nang siya ay manalo,
ginampanan niya nang lubos ang kaniyang tungkulin at responsibilidad. Ano kayang
prinsipyong sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito?
a. Ang sirkumstansiya maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.
b. Ang sirkumstansiya ay maaaring magdulot ng bagong kabutihan sa masamang kilos at
bagong masamang hangarin sa masamang kilos.
c. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng mabuti o masama.
d. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.
3. Si Jimmy ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na
mahal siya ng kaniyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga
tinutulungan, na ang itinutulong niya sa mga ito ay galing sa pangongotong na kinukuha
niya sa kaniyang mga nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o Mali ang kilos ni Jimmy?
a. Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan.
b. Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong.
c. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos.
d. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob na
kilos.

14
4. Bakit hindi maaaring paghiwalayain ang panloob at panlabas na kilos?
a. Dahil kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti
ang panlabas.
b. Dahil kung ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula sa panloob na kilos.
c. Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos.
d. Dahil maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos.
5. Isang araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Bren ay pumasok siya sa kanilang
silid at at kumuha ng 500 pesos sa loob ng kabinet kung saan nakatago ang pera nila. Ang
pagkuha ng pera ni Bren ay masama. Nadaragdagan ng bagong kasamaan ang kanyang
ginawa dahil_________.
a. kinuha niya ito ng walang paalam.
b. kinuha niya ito ng wala ang kanyang mga magulang.
c. ang kinuhanan niya ng pera ay ang kanyang mga magulang
d. ang pagkuha nya ng pera ay hindi angpakita ng pagrespeto

Sanggunian:
MELCs-Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 10 Learners Material, Department of Education,2017
Edukasyon sa Pagpapakatao Alternative Delivery Mode Unang Edisyon, 2020

Inihanda ni: Isinumite kay:

JANINE M. BAUTISTA EDGARDO S. NUNAG


Teacher I, Malabanias Integrated School EPSvr 1: EsP

Iwinasto ni:

RONA B. DAVID
ESP Coordinator

Susi sa Pagwawasto para sa Modyul 7:


Subukin

Susi sa Pagwawasto para sa Modyul 8:

15

You might also like