Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

FILIPINO REFLECTION

Ang natutunan ko sa Tanka at Haiku ito ay may dalawang uri ng tula na tradisyonal na nagmula
sa Japan. Ito ay tanka at haiku, na dumagdag sa aking kaalaman. Ang Tanka ay may limang taludtod na
may pattern na 5-7-5-7-7, habang ang Haiku ay may tatlong taludtod na may pattern na 5-7-5, sa topic na
ito ay nakuha ko agad kung pano gumawa ng tanka at haiku mas naging malawak ang aking kaalaman ng
matutu akong gumawa ng tula. At ang natutunan ko naman dito sa Uri ng Suprasegmental ay tumutukoy
sa mga tunog at intonasyon na hindi bahagi ng segmental na mga tunog ng wika. Kasama dito ang stress,
pitch, intonation, at pause, sa mga ito ay may mga pagkakaton na ako ay nalilito ngunit nang tumagal ay
natutunan ko na at naintindihan ang mga ito. Habang ang Iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng
damdamin ay may iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng damdamin, tulad ng tono ng boses, galaw ng
katawan, at expression ng mukha, napakadali nito para saakin dahil sa nakinig ako ng maigi sa pag
tatalakay ng aming guro nito at dagdag kaalam saakin ang mga salita nito. At ang Talumpati ay isang
pormal na talakayan o pagpapahayag ng opinyon tungkol sa isang paksa na karaniwang idinidirekta sa
isang pangkat ng tao. At meron ding Proseso ang Pagsulat ng Talumpati, Ang pagbuo ng talumpati ay
nagsisimula sa pagpili ng paksa, pananaliksik, pagbuo ng outline o balangkas, pagsulat ng teksto, pag-
revise, at paghahanda para sa presentasyon. Mga Tiyak na Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati Kasama
dito ang pagpili ng paksa, pagbabalangkas, pagsulat ng introduksyon, katawan, at konklusyon,
pagsasaayos ng mga ideya, at pagsasanay sa pagbigkas. At ang pag tatalumpati naman sa harapan ng
madla ay dapat pala mataas ang tiwala sa sarili para maisaayos ang pag tatalumpati at hindi kabahan at
dapat na bigyan ito ng pag hahanda para hindi mapahiya, pinagawa nga ito saamin ng aming guro pero
hindi ko napaghandaan ng mabuti ito kaya mababa ang nakuha kong grado dito. Nakakuha ako dito ng
kaaralan na dapat bigyan ng oras ito para maisaayos ang pag tatalumpati at mataas ang makuhang
grado.

You might also like