ESP5 - Q2 - Mod7 - Bagong Kaibigan, Aking Igagalang - Version3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Government Property

NOT FOR SALE

Edukasyon sa
Pagpapakatao
5
Ikalawang Markahan – Modyul 7
Bagong Kaibigan, Aking Igagalang

Department of Education ● Republic of the Philip


Edukasyon sa Pagpapakatao - Grade 5
Alternative Delivery Mode
Quarter 2 - Module 7: Bagong Kaibigan, Aking Igagalang
First Edition, 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa


Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng
tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Ozamiz


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso, CESO VI
Development Team of the Module

Author: Mery Ann T. Canolo


Reviewers: Ammie Ogao-ogao, ESP-1
Fernando D. Sumundong, PSDS
Juliet M. Tagapan, EPS-EsP

Illustrator and Layout Artist: Julie B. Bustamante, Teacher-1

Management Team

Chairperson: Jean G. Veloso, CESO VI


Schools Division Superintendent
Co-Chairpersons: Audie S. Borres, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Members Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES
Juliet M. Tagapan, EPS-EsP
May P. Edullantes, EPS-LRMS
Fernando D. Sumundong, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088) 545-09-88
E-mail Address: deped1miz@gmail.com
5
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 7

Aralin 14

Bagong Kaibigan, Aking


Igagalang
Leksyon 7 - Ikapitong Linggo

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


teacher, school head, public schools district supervisor, and education program
supervisors of the Department of education - Ozamiz City Division. We encourage
teachers and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education - Ozamiz City Division at
deped1miz@gmail.com.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippines


Talaan ng Nilalaman

Pangkalahatang Ideya…………………………...…………………………………………i

Nilalaman ng Modyul……………………………………………………………….……..i

Pangkalahatang Panuto…………………………………………………………………….ii

Icons na Ginamit sa Modyul……………………………...………………………………..iii

Aralin 14: Bagong Kaibigan, Aking Igagalang

Leksyon 6:

Nakikilahok sa mga patimpalak o paligsahan na ang layunin ay


pakikipagkaibigan

Alamin……………………………………………………………… …..1
Subukin……………………………………………………………… ….1
Balikan……………………………………………….……………….…...2
Tuklasin…………………………………………….……………………...3
Suriin……………………………………………………………………....4
Pagyamanin……………………………………………...…………….…. 4
Isaisip…………………………………………….…….…………….……5
Isagawa……………………………………………………..…………..…5
Tayahin…………………………………………………………..………..6
Karagdagang Gawain……………………………………………………..6
Buod……………………………………………………………..……..…7
Susi ng Pagwawasto………………………………………………….....…..8
Sanggunian……………………………………………...……….………..8
Modyul 7

Bagong Kaibigan, Aking Igagalang


Pangkalahatang Ideya
Nakikilahok sa mga patimpalak o paligsahan na ang layunin ay pakikipagkaibigan.
EsP5P-IIh-28

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa mga
mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito sa bahaging Alamin. Sumunod nito ang
pagtataya ng kaalaman ng mag-aaral tungkol sa paksa batay sa anim na antas ng Blooms
Taxonomy ng Layuning Kognitibo. Nakabatay sa nilalaman ng babasahin sa Suriin ang mga
paksa ng bahaging Subukin. Sinusundan ito ng pag-uugnay ng pagkatuto mula sa mga
nagdaang modyul sa kasalukuyang modyul sa bahaging balikan

Ang bahaging Tuklasin ay tumataya sa mga dating kaalaman ng mga mag-aral


tungkol sa paksa na nakabatay sa kanilang karanasan upang matukoy ng guro ang kanilang
mga maling kaalaman (misconceptions). Tinutugunan ng bahaging ito ang unang Esensiyal
na Kasanayang Pampagkatuto (EKP1), na nakatuon sa pagsukat ng Kaalaman (Knowledge)
sa Blooms Taxonomy.

Ang bahaging Linangin ay tumutulong sa mga mag-aaral sa pagsagot sa Mahalagang


Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang mga kaalaman ng mag-
aaral na hango sa karanasan. Tinutugunan ng bahaging ito ang ikalawang Esensiyal na
Kasanayang Pampagkatuto (EKP2), na nakatuon sa pagsukat ng Pag-unawa
(Comprehension), Pagsusuri (Analysis) at Ebalwasyon (Evaluation) sa Blooms Taxonony.

Ang bahaging Suriin ay binuo ng isang babasahin na naglalaman ng mga kaalaman at


malalim na paliwanag sa paksa batay sa mga disiplina ng EsP. Tinutugunan ng bahaging ito
ang ikatlong Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (EKP3), na nakatuon sa pagsukat ng
Pag-unawa (Comprehension), at Pagbubuod (Synthesis) sa Blooms Taxonony. Gabay ito ng
mga mag-aaral sa pagsagot sa dalawang Gawain sa Pagyamanin.

Ang bahaging Isagawa ay pagtataya ng mga kaalaman kasanayan, at pag-unawa ng


mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalapat ng mga pagkatuto sa mga sitwasiyon ng buhay.

i
Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?

Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin
sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 5 kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular.
Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo ng tapat
ang sumusunod na tagubilin:

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anumang


lugar na tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sa pag-aaral ng iyong mga aralin.

2. Gumamit lamang ng gadget (hal. Cellphone, tablet, laptop, computer) kung


kinakailangan ito sa iyong pinag-aaralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan
munang gumamit o pansamantalang itabi ito upng maituon ang iyong buong
atensiyon sa pag-aaral.

3. Maglaan ng kuwaderno para sa Edukasyon sa Pagpapakato para sa mga sagot


sa mga tanong sa mga Gawain at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa
Pagpapalalim. Isulat naman ang iyong mga pagninilay sa isang journal.

4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul bago tumuloy sa ibang bahagi ng


modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa
Edukasyon sa Pagpapakatao.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang


ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang
layuning matuto, mapaunlad ang sariling pagkatao, at makapagtapos ng pag-
aaral sa lahat ng mga gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kamag-aral, kaibigan o sa


mga awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit


nahihirapan.

ii
Mga Icon ng Module na ito

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin


Alamin o mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa
modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
Subukin
masususuri kung ano ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa


pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
Balikan mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong
aralin.

Tuklasin Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa


pamamagitan ng iba’t ibang gawain.

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


Suriin nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.
Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa
Pagyamani iyong natutunan at magbibigay pagkakataong
mahasa ang kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


Isaisip mahahalagang natutunan sa aralin.
Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang
Isagawa mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

Ito ay isang tool sa pagtatasa para sa bawat


modyul upang masukat ang kaalaman at
Tayahin kasanayan na natutunan ng mga nag-aaral.

Sa bahaging ito, isa pang aktibidad ang ibibigay


Mga Karagdagang sa iyo upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
Gawain kasanayan sa aralin na natutunan. Ito rin ay
nagpapanatili ng mga natutunan na konsepto.

Nagbibigay ito ng mga sagot sa iba't ibang mga


Sagot sa Key
aktibidad at pagtatasa.

iii
Leksyon

7
Bagong Kaibigan, Aking Igagalang

Alamin
Ang modyul na ito ay dinisenyo para sa Pilipinong mag-aaral sa Baitang 5. Ito ay
upang matulungan kang mapapahalagahan at igalang ang prinsipyo at interes ng isa’t isa sa
pananatili ng isang malalim na pagkakaibigan sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga
patimpalak o paligsahan.

Ang saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na magagamit ito sa maraming iba't


ibang mga sitwasyon sa pag-aaral. Ang wika na ginamit ay kinikilala ang magkakaibang
antas ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inaayos upang lubusang
maunawaan at mapadali ang pag-aaral.

Ang module na ito ay para sa

Aralin 7 – Bagong Kaibigan, Aking Igagalang

Ikalawang Markahan-Ikapitong Linggo

Matapos mong gamitin sa pag-aaral ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Leksyon 7

Nakikilahok sa mga patimpalak o paligsahan na ang layunin ay pakikipagkaibigan.


EsP5P-II-h-28

1
Subukin

Panuto: Sagutin ang tanong.

1. Paano kaya mapananatili ang pagiging magkaibigan sa pamamagitan ng paggalang?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga sa pagkakaibigan ang paggalang sa isa’t isa?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Balikan

Panuto: Kumpletuhin ang graphic organizer sa ibaba gamit ang iyong natutunan sa
naunang Modyul 6. Isulat ang kaibahan sa una at huling bahagi at pagkatulad sa gitnang
bahagi ng graphic organizer.

Paggalang sa Mga Karapatan ng


Karapatang Bata
Pantao

2
Tuklasin
Panuto: Basahin ang kuwento. Pansinin ang mga katangi-tanging
ugali ng mga atleta at kanilang mga tagahanga.

“Manlalarong May Pusong Dakila”


Constancia Paloma
1. Gilmore Junio

Anak ng mag-asawang Gino at Julie si Gilmore Junio. Bagaman lumaki sa Canada ay


ipinagmamalaki niya ang pagiging Pilipino. Kilala sa larangan ng speed skating dahil sa
maraming pagkakataon na nakapag-uwi siya ng karangalan. Apat sa maraming pagkakataon
na nakapag-uwi ng karangalan para sa kaniyang bansa. Bakit nga ba siya natatangi bilang
isang atleta? Ang kaniyang ginawang desisyon na ibigay ang laban sa kaniyang kasama sa
koponan ang nagbigay-daan upang hangaan siya sa buong mundo.

“Ang maging kinatawan ng iyong bansa sa larangan ng paligsahan ay isang


napakalaking karangalan. Ngunit naniniwala ako na bilang bahagi ng koponan, hindi lang
kami nandito para lumaban kundi para manalo,” ang wika ni Gilmore.

Buong puso niyang ibinigay ang kaniyang pagkakataong lumaban sa kaniyang


kaibigang si Denny Morrison na nanalo naman ng medalyang pilak. Ang pagkapanalo ng
kaniyang kaibigan ay nagdulot ng kaligayahan sa kanyang puso. “Hinahangaan ko nang
lubos si Denny sa kaniyang husay. Sa araw-araw na pag-eensayo namin nakikita ko ang
kaniyang potensyal at dedikasyon sa kaniyang ginagawa. Ito ay nakapagdulot sa akin ng
inspirasyon upang mas magsikap pa.”

2. Meghan Vogel

Pagkatapos manalo ng state title sa 1,600-meters, ang West Liberty-Salem High


School Junior na si Meghan Vogel ay natalo naman sa 3,200-meters final sa Ohio State track
and field championship sa Columbus dahil sa kaniyang pagtulong sa kaniyang kalaban sa
karera.

May 20 metro mula sa finish line, nadaanan niya ang isang kakumpetensiyang
natumba. Sa halip na tapusin ang karera dahil siya na ang nangunguna, tumigil si Meghan at
tinulungan niyang tumayo ang kalaban. Siniguro niyang siya ang magiging kulelat dahil
pinauna niya ng may ilang segundo ang tinulungan niyang kalaban.

“Lagi siyang nauuna sa akin habang kami ay naglalakad,” sabi ni Meghan, “kaya
dapat lang na ang record niya ay mas mabilis kaysa sa akin.”

Pagkatapos makita ang kadakilaang ginawa ni Meghan, isang local na track coach
ang naglagay sa youth sports sa magandang paningin. “Lagi na lang bad news ang naririnig
sa youth sports, ngayon ibalita naman natin ang magandang kuwento ng mga kabataang
manlalaro. Sa lahat ng laro ng kabataan, sportsmanship pa rin ang kalakaran.” “Ang mabuti
sa pagiging isport ay nagsisimula sa pamilya.
3
Sagutin ang mga tanong.

1. Alin sa dalawang manlalaro ang hinahangaan mo? Bakit?

___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. Paano mapatunayan na sila ay may dakilang puso?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Paano ka makapagtatamo ng kaibigan sa mga paligsahan o patimpalak?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Suriin
Ang ibang tao ay maaring palakaibigan sa iba pero hindi naman maituturing na
isang malapit na kaibigan o kaya nakikipagkaibigan lamang dahil sa pakikipagsosyalan at
hindi itinuturing na kaibigan. Masasabi mong ikaw nga ay tunay na kaibigan kapag
karamihan ay nagkakaisa kayo at masayang magkakasama pero nagbibigay naman ng sama
ng loob ng may pang-unawa at paggalang upang mapanatili ang magandang relasyon.

Panuto: Isulat ang tsek (/) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng tunay na kaibigan
at ekis (X) kung hindi.

_______1. Sinasabihan ka na ikaw ay kaniyang kaibigan, at ipinakikilala ka sa iba.


_______2. Tinawagan ka at ina-anyaya sa isang regular na pagkikita sa mall ngunit hindi
siya sumipot na walang pasabi.
_______3. Mabuti ang pakikitungo niya sa iyo at sa mahahalagang tao sa buhay mo.
_______4. Interesado siya kapag nagkukuwento ka tungkol sa buhay mo.
_______5. Ipinagtatanggol ka niya at wiling-wili siyang tumigil sa lugar kung saan kayo
nagkakilala.

4
Pagyamanin
Panuto: Basahin ang pangungusap sa kahon, bilugan ang titik kung ito ay nagpapakita ng
paggalang sa isang kaibigan.

a. Tanggapin ang kakaibang kaugalian ng c. Pinayagan mong dalhin ang


kamag-aral na Indigenous Peoples. nakababatang kapatid ng iyong kaibigan
sa bahay ninyo.

b. Nalaman mong magkaiba ang relihiyon d. Tinulungan mong mag ensayo sa


ng iyong matalik na kaibigan kaya paglalaro ng badminton ang iyong
iniiwasan mo siya. kaibigan.

Isaisip

Panuto: Piliin ang angkop na mga salita sa kahon upang mabuo ang talata sa ibaba.

prinsipyo mabuting pakikipagkaibigan paggalang paghihiwalay

Ang _____________________ ay nagtatagal kung may pag-uukol ng _____________

sa pamamagitan ng ___________________ asal at pananalita. Ang magiging dahilan ng

_________________________ ng magkaibigan ay ang pagkakaiba ng __________________.

Isagawa

Panuto: Mula sa napag-aralan, isulat ang limang pinakamatalik mong kaibigan at itala
kung paano kayo nag-umpisa.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
5
Tayahin

Panuto: Isulat sa patlang ang iyong sagot na OO o HINDI sa sumusunod na


sitwasyon.
___________1. Iniiwasan mo bang maging kaibigan ang isang bagong kakilala na may
kakaibang pangalan.
___________2. Binabasa mo ba ang mga mensahe sa cellphone ng kaibigan mo?
___________3. Iginagalang mo ba ang opinyon ng iyong kaibigan ukol sa mga paraan kung
paano susundin ang batas ng paglalaro?
___________4. Nasasaktan ka ba kapag pinipintasan ng iba ang iyong matalik na kaibigan?
___________5. Bibigyan mo ba ng pasalubong ang iyong kaibigan kapag galing ka sa
malayong lugar?
___________6. Sinasaktan mo ba ang damdamin ng iyong mga kamag-aral at kaibigan?
___________7. Sinisikap mo bang tulungan ang iyong kaibigan na may kapansanan?
___________8. Ibahagi mo ba ang iyong kagamitang pangguhit sa iyong kaaway na
humingi ng tulong sa iyo?
___________9. Ipaalam mo ba sa iyong kaibigan ang maling desisyon niya?
__________10. Ginagamit mo ba ang Ipad ng kaibigan mo na hindi nagpapaalam?

Karagdagang Gawain
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa bawat sitwasyon. Isulat sa patlang ang titik ng tamang
sagot.

____1. Nagkaroon ng isang malubhang karamdaman si Gel. Araw-araw ay binibisita siya


ng kaniyang mga kaibigan at mga kamag-aral upang mapasaya nila siya. Anong
katangian ang ipinakita ng mga kaibigan at kamag-aral ni Gel?
a. Mapagbigay
b. Mapagmalasakit
c. Masunurin
d. Maunawain

____2. Ano ang maaring gawin ni Carlo upang maipakita ang kaniyang pagkamahabagin
sa isang kamag-aral na nahihirapang lumakad dahil bukod sa nakasaklay ito ay
marami pa siyang bitbit na libro?
a. Magkunwaring hindi ito nakita
b. Tawagin ang janitor para tumulong
c. Tingnan kung kaya niya ang mga dalahin
d. Magboluntaryo na bitbitin ang kaniyang libro

____3. Bagong lipat sa isang paaralan si Jaime. Nagmula siya sa ibang bansa kaya
nahihirapan siyang makisalamuha sa kanilang mga kamag-aral. Anong klaseng
tulong ang maaari mong gawin?
a. Pahiramin siya ng aklat na maaari niyang basahin.
6
b. Kausapin ang inyong guro para ipakilala siya sa bawat isa.
c. Ayain mo siya na makipagkwentuhan sa iba ninyo pang kamag-aral
d. Ituro sa kaniya ang iba’t ibang pasilidad sa inyong paaralan na maaari niyang
puntahan.

____4. Iba-iba ang relihiyon ng ilan sa inyong mga kaibigan. Minsan, kapag nag-uusap
kayo, napapansin mo na magkakaiba ang inyong mga pananaw. Ano ang maari
mong gawin upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan?
a. Pilitin na lang na ibahin ang paksa ng inyong usapan.
b. Unawain ang mga sinasabi nilang kaiba sa iyong relihiyon
c. Huwag na lang intindihin ang kanilang sinasabi tungkol sa kanilang relihiyon
d. Pakinggan na lamang ang kanilang mga sinasabi tungkol sa kanilang relihiyon

_5. Alin sa sumusunod ang maituturing na pinakamabuting katangian ng isang


kaibigan?
a. Madalas na sumasama sa iyo
b. Nakikinig sa mga kuwento mo
c. May positibong impluwensiya sa iyo
d. Ipinagtatanggol ka sa iyong mga kaaway

Buod
Ang pagkakaibigan ay nagtatagal kung may pag-uukol ng paggalang sa
pamamagitan ng mabuting asal at pananalita.

Susi ng Pagwawasto sa Aralin


7
Subukin Balikan Tuklasin

Suriin Pagyamanin Isagawa

Isaisip Tayahin

Karagdagang Gawain

Sanggunian

 Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon


Batayang Aklat - Baitang 5
Aralin 13- pahina 92-97

May-akda: Zenaida P. Elarde


Gloria A. Peralta, Ed.D
 Curriculum Guide

8
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Ozamiz City

Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City

Telefax : (088) 545-09-88

You might also like