Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ARALING PANLIPUNAN

Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya

Name: _______________________________________________Score: ___________________________________

Grade & Section: ____________________________________Date: ___________________________________

I.Panuto: Basahin ang bawat pahayag at tukuyin kung anong kabihasnan ang inilalarawan ng
bawat aytem. Isulat ang Sumer, Indus at Shang sa patlang bago ang bilang.
____________1. Umusbong sa lugar ng Mesopotamia
____________2. Gumamit ng butong orakulo sa panghuhula
____________3. May maayos na kalsada at may disenyong grid-patterned sa kanilang mga lungsod
____________4. Gumamit sila ng gulong at lunar calendar
____________5. Ang tawag sa kanilang Sistema ng pagsulat ay calligraphy
____________6. Ziggurat ang tawag sa kanilang mahalagang gusali
____________7. Sila ay may Sistema ng palikuran
____________8. Pinaniniwalaang ang isa sa dahilan ng kanilang pagbagsak ay lindol
____________9. Sumasamba sa maraming diyos
___________10. Ang Mohenjo-daro at Harappa ay mahalagang lungsod sa kabihasnang ito.

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot upang mabuo ang mga pangungusap. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.
1. Ang Mesopotamia ay kinilala bilang Cradle of Civilization dahil dito umusbong ang mga
sinaunang sibilisasyon. Ang Mesopotamia ay mula sa salitang Griyego na nangangahulugang
___________________.
a. matabang lupa b. lupain sa pagitan ng dalawang ilog c. lupaing hugis buwan
2. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa mga sinaunang kabihasnan?
a. Pagsasaka b. Pangngisda c. pagmimina
3. Ang kabihasnang Indus ay kinikilala bilang planado at organisadong lipunan sapagkat
___________________.
a. walang bakas ng kaguluhan sa kabihasnan
b. nakaayos ang mga labi na nahukay sa kabihasnan
c. natuklasan ang dalawang lungsod na may parehong sukat ng bloke at kabahayan at may
sentralisadong sistema ng kanal sa ilalim ng lupa
4. Ang kabihasnang Sumer, Indus at Shang ay pare-parehong umusbong sa mga ______.
a. Kabundukan b. lambak-ilog c. kapatagan
5. Alin sa mga sumusunod ang isa sa mahalagang pamana ng kabihasnang Shang ng Tsina?
a. Ziggurat b. Palikuran c. potter’s wheel
6. Ang kabihasnang Sumer, Indus at Shang ay may organisado at _____________ pamahalaan
a. Sentralisadong b. urbanisadong c. namumunong
7. Ang sistema ng pagsulat ng sinaunang Kabihasnang Shang ng Tsina ay tinatawag na __________.
a. Pictogram b. Cuneiform c. calligraphy
8. Ang Ziggurat ay itinayo ng mga Sumerian bilang ________________.
a. imbakan ng ani b. tahanan ng haring pari c. templong sambahan
9.Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya ay sumibol sa lambak-ilog ng _____________.
a. Fertile Crescent b. Huang Ho c. Indus
10.Ang ilog na ito ay tinaguriang “Pighati ng China” sapagkat maraming ariarian at buhay ang
nakikitil sa pag-apaw nito taon-taon.
a. Huang Ho b. Mekong River c. Tigris River
11.Ang mga Sumerian ay nakaranas ng hamon sa kapaligiran at upang ito ay malunasan sila ay
gumawa ng mga ______.
a. Kanal at dike b. Palikuran c. templo at kabahayan
12. Ano ang tawag sa relihiyong sumasamba sa maraming diyos?
a. monoteismo b. politeismo c. animismo
13. Hanggang sa kasalukuyan, ang mga Pilipino ay nakakagawa ng mga imbensyon. Bilang
Pilipino, paano mo maipapakita ang suporta sa mga makabagong impormasyon?
a. Gayahin ang kanilang mga nagawa
b.Ipaalam at tangkilikin ang mga imbensyon ng mga Pilipino
c. Bumili ng produkto at ibenta ng mataas na presyo.
14. _____1.Sa mga lambak-ilog umusbong ang mga sinaunang kabihasnan sapagkat:
a. Ang mga ilog ay tirahan ng mga espiritu na kanilang sinasamba
b. May sapat na mapagkukunan ng malinis na tubig sa mga ilog
c. Mataba ang lupain sa mga lambak -ilog na mainam sa pagsasaka at makikita ang lahat ng
pangunahing pangangailangan.

You might also like