Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 46

Magandang

araw sa lahat!
Isang anyo ng panitikan na may
matalinghagang pagpapahayag ng
isipan at damdamin. Mababasa sa mga
tula ang mga kaisipang naglalarawan
ng kagandahan, kariktan, at
kadakilaan.
Alam niyo ba na…
ang awit ay isa sa mga uri ng tulang liriko?
➢ Ang karaniwang pinapaksa nito ay may
kinalaman sa pag-ibig, kabiguan,
kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot, at
kaligayahan. Tinatawag na kundiman na
ayon kay Jose Villa Panganiban ay isang
awit hinggil sa pag-ibig o palasintahan.
Elemento
ng tula
Sukat- Ito’y bilang ng pantig
sa bawat taludtod. Ang isang
taludtod ay karaniwang may
8, 12 at 16 na pantig o sukat.
Tugma- Ito’y ang pagkakasintunugan
ng mga salita sa huling pantig ng
bawat taludtod. Maaaring ganito ang
tugma ng hulihan:
a-a-a-a, a-b-a-b, o kaya ay a-b-d-a
Talinghaga- Ito’y ang matayog na diwang
ipinahihiwatig ng makata. Ayon kay A.
Abadilla, tugma at hindi tula ang binasa kapag
sa unang pagbasa ay nauunawaan agad ang
ibig sabihin. Kailangang may naitatagong
kahulugan sa salita o pahayag. Dito
kinakailangan ang paggamit ng tayutay o
matalinghagang mga pahayag.
Kariktan- Ito’y ang malinaw at di-
malilimutang impresyon na nakikintal
sa isipan ng mambabasa. Mahusay ang
tula kapag may naibibigay na
impresyong mahirap mabura sa puso
at isipan ng bumabasa.
Apat na uri ng tula:
❖tulang pandamdamin o tulang liriko
❖ tulang pasalaysay
❖ tulang padula
❖ tulang patnigan
Ang Aking Pag-ibig
(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni
Elizabeth Barret Browning
Isinalin sa Filipino ni Alfonso O.
Santiago)
Ang Aking Pag-ibig
(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret Browning
Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman


Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita nang buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay
Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,


Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.
Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay
Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga

Malibing ma’y lalong iibigin kita.


Suriin ang binasang tula
batay sa elemento nito.
Ang Aking Pag-ibig
(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret Browning
Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman


Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita nang buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
Tanong ko,
sagutin mo.
Ano ang pag-ibig
na tinutukoy ng
makata?
Ang pag-ibig na ito ay pag-ibig
na walang hanggan, handang
magsakripisyo, at pag-ibig na
wagas. Ang isinalin na tula ay
isang katibayan ng tunay na
pag-ibig sa relasyon sa mga
kaibigan, pamilya, o
karelasyon.
Tukuyin ang magiging bunga ng
pagkakaroon ng tunay na pag-ibig.
Batay sa tula, ang bunga ng
pagkakaroon ng tunay na pag-
ibig ay ang pagkakaroon ng
karanasan na magmahal at
mahalin ng isang taong totoo
ang nararamdaman.
Ang magiging bunga rin nito ay
ang kasiyahan sa puso at
kapayapaan sa isipan.
Alam mo ba na…
isang katangian ng tula
ang paggamit nito ng
matatalinghagang
pahayag o pananalitang
hindi tuwirang
inihahayag ang literal
na kahulugan nito?
Karaniwan itong ginagamitan
ng paghahambing ng mga
bagay na nagpapataas ng
pandama ng mga mambabasa.
Ang talinghaga ang nag-uugnay
sa mga karanasan, pangyayari
at bagay-bagay na alam ng
taumbayan.
Ang talinghaga ang
mismong larawan ng
kamalayan ng
manunulat. Isa sa
madalas gamiting
talinghaga ang
pagpapahayag na
patayutay o tayutay.
Tayutay
Tayutay
ay sadyang paglayo sa karaniwang
paggamit ng mga salita, kung kaya’t
magiging malalim at piling-pili ang mga
salita rito. Tinatawag ding palamuti ng tula
ang tayutay dahil ito ang nagpapaganda sa
isang tula.
1. Pagtutulad o
simile

Mga uri 2. Pagwawangis


o metapora
ng
Tayutay 3. Pagmamalabis
o hyperbole
4. Pagtatao o
personipikasyon
Pagtutulad o simile

Isang paghahambing ng dalawang bagay


na magkaiba sa pangkalahatang anyo
subalit may mga magkatulad na
katangian. Ito’y ginagamitan ng mga
salita’t pariralang tulad ng, katulad ng,
parang, kawangis ng, anaki’y, animo, at
iba pa.
Halimbawa:
Ang pag-ibig mo ay parang
tubig − walang lasa.

Ang mga pangako mo ay


tulad ng hangin- biglang
naglaho at napako.
Halimbawa: Sa ilalim ng mga dayuhan,
ang Pilipinas ay naging
katulad ng kalabaw.

Ang bandila sa hangin ay


kawangis ng malaking ibon na
nakaladlad ang pakpak.
Pagwawangis o metapora

Naghahambing ng dalawang bagay


ngunit tuwiran ang ginagawang
paghahambing.
Halimbawa:
Ang kamay ng aktres ay
yelo sa lamig dahil siya ay
kinakabahan.

Ang aking ina ang ilaw ng


tahanan.
Halimbawa:
Si Ella ay isang magandang
bulaklak.

Isa kang bituin ngayong


gabi, Hellen.
Pagmamalabis o hyperbole

Pagpapalabis sa normal upang


bigyan ng kaigtingan ang nais
ipahayag.
Halimbawa:
Namuti ang buhok ko sa
kahihintay.

Narinig ng buong mundo


ang iyong pag-iyak.
Halimbawa:
Abot langit ang
pagmamahal ko sa iyo.

Kahapon ay gutom na
gutom ako, kaya kong
kumain ng buong elepante
mag-isa.
Pagtatao o personipikasyon

Paglilipat ng katangian ng isang tao


sa mga walang buhay.
Halimbawa:
Humagulgol ang hangin.

Nagkasakit ang kotse ko.


Halimbawa:
Inanyayahan kami ng ilog
na maligo.

Napangiti ang bulaklak sa


aking pagdating.
Pagsasanay
Umalis ako sa palengke dahil
isang milyong tao ang pila para
magbayad.
Sagot: pagmamalabis o hyperbole
Ikaw ang aking bituin, sinta.

Sagot: pagwawangis o metapora


Kinindatan ako ng araw.

Sagot: pagtatao o personipikasyon


Si Mang Mario ay kawangis ng
aming ama ng tahanan.

Sagot: pagtutulad o simile


Tandaan:
Ang matatalinghagang
pananalita ay mga pahayag
na di-tuwiran o di-literal ang
kahulugang taglay at sa halip
ay may nakakubling mas
malalim na kahulugan.
PAGBATI!
.

You might also like