2nd Quarter Gramatika at Retorika Pokus NG Pandiwa

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 27

Gramatika

at Retorika
Alam mo ba na…
Isang di-pangkaraniwang
katangian ng wikang Filipino
ang pagtiyak ng semantic na
relasyon ng pandiwa sa paksa
ng pangungusap sa tulong ng
iba’t ibang panlapi?
Napapaloob ito sa konsepto ng
pagpopokus. Maipopokus o
maitutuon ang pandiwa sa
tagaganap o aktor ng kilos, sa
layon, gayon din sa
tagatanggap, direksiyon, sanhi,
ganapan at gamit.
Pokus sa
Pokus tagaganap pinaglalaanan

Pokus sa layon Pokus sa ganapan

Pokus sa kagamitan Pokus sa sanhi


Pokus tagaganap
Nasa pokus tagaganap ang pokus ng pandiwa kung
ang paksa ng pangungusap ang siyang gumaganap
ng kilos nito. Sa pokus na ito, magagamit sa pandiwa
ang panlaping um-/-um, mag-, ma-, mang (m/n)-,
mag-an, at magsipag- an/han. Pananda ng pokus o
paksa ang si/sina at ang at magagamit din bilang
pokus tagaganap ang mga nominatibong panghalip
na ako, ka, kita, siya, tayo, kami, kayo at sila.
20XX Pitch deck title 5
Halimbawa:
Umiibig si Samson kay Delilah na taga-Sorek na
naging dahilan ng kaniyang pagbagsak.

Ang pandiwang ginamit sa pangungusap ay umiibig


at ang tinutukoy ay si Samson. Ito ay pokus
tagaganap dahil ang paksa ng pandiwa ang siyang
gumaganap ng kilos nito at gumamit ng panandang
si.
20XX Pitch deck title 6
Iba pang halimbawa:
1. Nagbihis si Thor at kinuha ang
kaniyang maso.
2. Naglakbay sila buong araw.

20XX Pitch deck title 7


Pokus sa layon
Ang pokus ay nasa layon kung ang pinag-
uusapan ang siyang layon ng
pangungusap. Ginagamit na panlapi sa
pandiwa ang –in/hin, -an/-han, ma, paki,
ipa, at pa at panandang ang sa paksa o
pokus.
20XX Pitch deck title 8
Halimbawa:
Nais nilang malaman ang sikreto ni Samson.

Sa pangungusap sa itaas ang ginamit na


pandiwa ay malaman na tumutukoy sa ang
sikreto na siyang paksa ng pangungusap at
makikita rin ang panandang ang.
20XX Pitch deck title 9
Iba pang halimbawa:
1. Isinakay ni Thor sa kaniyang karuwahe
ang kaniyang kambing.
2. Kinuha ni Thor ang baon niyang bag.

20XX Pitch deck title 10


Pokus sa kagamitan
Ang tawag sa instrumento o
kasangkapan sa pagsasagawa ng kilos na
isinasaad ng pandiwa na gumaganap
bilang paksa o simuno ng pangungusap.
Gumagamit ang pokus na ito ng mga
panlaping ipang-, ma-+ipang-
20XX Pitch deck title 11
Halimbawa:
1. Ipanlalaban niya ang sarili niyang mga
kuko sa malalaking bato.
2. Ipinambaril niya ito sa kawawang
anak.
3. Sinubok niyang ipang-areglo sa kaso
ang sampung libong piso.
20XX Pitch deck title 12
Pokus sa pinaglalaanan/ kalaanan
Ang pandiwa kapag ang pinaglalaanan
ng kilos ay ang paksa o simuno ng
pangungusap. Ginagamit sa pokus na ito
ang mga panlaping makadiwang i-, ipag-,
ma+ipag-, ipagpa-

20XX Pitch deck title 13


Halimbawa:
1. Ihahanap niya ng hustisya ang sinapit
ng kaniyang dalaga.
2. Upang ihingi ng tawad ang ginawa
nito sa kaniyang anak.
3. Ipinaghiganti niya ang sinapit ni Aida
sa anak ng Alkalde.
20XX Pitch deck title 14
Pokus sa Ganapan
Ang tawag sa pandiwa kung ang lunan, bagay
o maging ng tao na ginaganapan ng pandiwa
ang paksa o simuno ng pangungusap.
Ginagamit sa pagpapahayag ng pokus sa
ganapan ang mga panlaping makadiwang –
an/-han, pag-an/-han, mapag-an/-han, paki-
an/-han, at ma-an/han.
20XX Pitch deck title 15
Halimbawa:
1. Ang plasa ay buhay at pinagkukunan
niya ng pang-agdong buhay sa piling
ng paralisadong ama.
2. Pinagkunan na niyang minsan ng
mga halamang-ugat si Aling Loring.
20XX Pitch deck title 16
Halimbawa:
1. Ang plasa ay buhay at pinagkukunan
niya ng pang-agdong buhay sa piling
ng paralisadong ama.
2. Pinagkunan na niyang minsan ng
mga halamang-ugat si Aling Loring.
20XX Pitch deck title 17
Pokus sa sanhi
Ang tawag sa pandiwa kapag ang paksa o
simuno ay nagpapakilala ng sanhi o dahilan
ng kilos. Ginagamit sa pokus na ito ang mga
panlaping makadiwang i-, ika-, at ikapang-.

20XX Pitch deck title 18


Halimbawa:
1. Ang lahat ng katotohanang
natuklasan ko ay ikinabahala ng
aking mulat na pang-unawa.
2. Ikinalungkot ko ang mga pangyayari
sa buhay ng ilan sa aking mga mga
mag-aaral.
20XX Pitch deck title 19
PAGSASANAY
Ibinili ni Drake ng pasalubong si Lolo.

Ibinili ni Drake ng pasalubong si Lolo.

Sagot: Pokus sa pinaglalaanan

20XX Pitch deck title 21


Pinagdausan ng kasal ang lumang
simbahan.
Pinagdausan ng kasal ang lumang
simbahan.
Sagot: Pokus sa kaganapan

20XX Pitch deck title 22


Nagbenta si Lourdes ng pastil sa
eskwelahan.
Nagbenta si Lourdes ng pastil sa
eskwelahan.
Sagot: Pokus tagaganap

20XX Pitch deck title 23


Ikinatuwa niya ang magandang
regalo ng kanyang kapatid.
Ikinatuwa niya ang magandang
regalo ng kanyang kapatid.
Sagot: Pokus sa sanhi
20XX Pitch deck title 24
Ipinampalo niya sa kanyang anak ang
sinturon na hawak nya.
Ipinampalo niya sa kanyang anak ang
sinturon na hawak nya.
Sagot: Pokus sa kagamitan

20XX Pitch deck title 25


Kunin mo ang pera ko sa aking bag.

Kunin mo ang pera ko sa aking bag.

Sagot: Pokus sa layon

20XX Pitch deck title 26


PAGBATI!

You might also like