MODYUL 2 Handout

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MODYUL 2: TALENTO MO, TUKLASIN, kaniyang katawan, tulad halimbawa sa pagsasayaw o

KILALANIN AT PAUNLARIN! paglalaro.

Ang larangang karaniwang kaniyang tinatahak ay


ang pagsasayaw, isports, pagiging musikero, pag-
Talentado ka ba?” Lahat yata ngayon ng estasyon sa
aartista, pagiging doctor (lalo na sa pag-oopera),
telebisyon ay may programang ang tema ay pagtuklas
konstruksyon, pagpupulis at pagsusundalo.
ng talento. Mapapansin ito sa mga programang may
pag-awit, pagsasayaw, pag-arte, o mga kakaiba,
Musical/Rhythmic. Ang taong nagtataglay ng talinong
kakatuwa at kamangha manghang kasanayan o
ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o
kakayahan. Pero ano nga ba ang talento? Sa Webster
musika. Hindi lamang ito pagkatuto sa pamamagitan ng
Dictionary, ang talento ay ginagamit na kasingkahulugan
pandinig kundi pag-uulit ng isang karanasan.
ng biyaya at kakayahan. Ito ay isang likas na kakayahan
na kailangang tuklasin at paunlarin. Tulad ng isang
Likas na nagtatagumpay sa larangan ng musika ang
biyaya, dapat itong ibahagi sa iba.
taong may ganitong talino. Magiging masaya sila
 Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan. kung magiging isang mucisian, kompositor o disk
Sa kabilang dako, ang kakayahan ay kalakasang jockey.
intelektuwal (intellectual power) upang makagawa ng
isang pambihirang bagay tulad Intrapersonal. Sa talinong ito, natututo ang tao sa
ng kakayahan sa musika o kakayahan sa sining. pamamagitan ng damdamin, halaga, at pananaw. Ito ay
talino na kaugnay ng kakayahan na magnilay at
Madalas sinasabi ng mga sikolohista na ang talento ay masalamin ang kalooban. Karaniwang ang
may kinalaman sa genetics o mga pambihirang taong may ganitong talino ay malihim at mapag-isa o
katangiang minana sa magulang. Ang kakayahan naman introvert.
ay likas o tinataglay ng tao dahil na rin sa kaniyang
intellect o kakayahang mag-isip. Ang larangang kaugnay nito ay pagiging isang
researcher, manunulat ng mga nobela o negosyante.
“Ang pagtutuon ng atensiyon nang marami sa
talento sa halip na sa kakayahan ay isang hadlang Interpersonal. Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-
tungo sa pagtatagumpay.” ugnayan sa ibang tao. Ito ang kakayahan na
- Brian Green makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat. Ang
taong may mataas na interpersonal intelligence ay
Isang napakahalagang teorya ang binuo ni Dr. Howard kadalasang bukas sa kaniyang pakikipagkapwa o
Gardner noong 1983, ang teorya ng Multiple extrovert.
Intelligences.
Kadalasan siya ay nagiging tagumpay sa larangan
Multiple Intelligence Theory ng kalakalan, politika, pamamahala, pagtuturo o
edukasyon at social work.

Visual/Spatial. Ang taong Naturalist. Ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at


may talinong visual/spatial ay mabilis matututo sa pagbabahagdan. Madallas niyang makilala ang mumunti
pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng mga ideya. mang kaibahan sa kahulugan (definition).Hindi lamang
Nakagagawa siya nang mahusay na ito angkop sa pag-aaral ng kalikasan kundi sa lahat ng
paglalarawan ng mga ideya na kailangan din niyang larangan.
makita ang paglalarawan upang maunawaan ito.
Kadalasan ang taong mayroong ganitong talino ay
Ang larangan na angkop sa talinong ito ay sining, nagiging environmentalist, magsasaka o botanist.
arkitektura at inhinyera.
Existential. Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay
Verbal/Linguistic. Ito ang talino sa pagbigkas ng lahat sa daigdig. “Bakit ako nilikha?” “Ano ang papel
o pagsulat ng salita. Kadalasan ang mga taong na gagampanan ko sa mundo?” “Saan ang lugar ko sa
may taglay na talinong ito ay mahusay sa pagbasa, aking pamilya, sa paaralan, sa lipunan?” Ang talinong ito
pagsulat, pagkukuwento, at pagmememorya ng mga ay naghahanap ng paglalapat at makatotohanang pag-
salita at mahahalagang petsa. unawa ng mga bagong kaalaman sa mundong ating
ginagalawan.
Ang larangan na nababagay sa talinong ito ay
pagsulat, abogasya, pamamahayag (journalism), Kadalasan ang taong mayroong ganitong talino ay
politika, pagtula at pagtuturo. masaya sa pagiging philosopher o theorist.

Mathematical/Logical. Taglay ng taong may talino nito Kailangang paunlarin ang ating mga talento at
ang mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng kakayahan. Likas ang mga talento at kakayahan ngunit
pangangatuwiran at paglutas ng suliranin (problem kailangang paunlarin ang mga ito sa pamamagitan ng
solving). Ito ay talinong kaugnay ng lohika, paghahalaw pagsasanay (practice).
at numero.
Kailangang malampasan ang ating mga kahinaan.
Ang larangan na kaugnay nito ay ang pagiging Narinig mo na ba ang Law of Seeds? Tingnan natin ang
scientist, mathematician, inhinyero, doctor at isang puno ng bayabas. Sa isang puno ay maaaring may
ekonomista. dalawampu o mahigit pang bunga. Bawat bunga ay
maaaring may sampu o higit pang buto. Maaaring mong
Bodily/Kinesthetic. Ang taong may ganitong itanong “Bakit kailangan ng napakaraming bunga at buto
talino ay natututo sa pamamagitan ng mga para lamang magkaroon ng ilan pang puno?” Ang
kongkretong karanasan o interaksiyon sa kapaligiran. kalikasan ay may mahalagang itinuturo tungkol dito.
Mas natututo siya sa pamamagitan ng paggamit ng Marami sa mga butong ito sa isang puno ng bayabas ay
hindi nagiging puno. Kung gayon, kung nais mong
makamit ang isang bagay, hindi sapat
ang minsanang pagsubok lamang. Ibig sabihin, kung
hindi nagtagumpay sa isang larangan ay dapat na
sumubok muli ng iba.

Nakalulungkot isipin na marami sa atin ang sa unang


pagsubok pa lamang ay sumusuko na. Dahil ito sa
kawalan ng tiwala sa sarili. Ano nga ba ang tiwala sa
sarili o self-confidence? Ang tiwala sa sarili ay ang
paniniwala sa sariling kakayahan. Ito
ay tiwala sa sariling kakayahan na matatapos ang isang
gawain nang may kahusayan.

Ilan sa mga bagay na dapat nating malaman tungkol sa


tiwala sa sarili ay ang sumusunod:
a. Ang tiwala sa sarili ay hindi namamana, ito ay
natututuhan.
b. Hindi ito pangkalahatan, bagkus ay may iba’t ibang
antas tayo ng tiwala sa ating saril sa iba’t ibang
sitwasiyon at gawain. Halimbawa, maaaring mataas ang
ating tiwala sa sarili sa pagtutuos (mathematical
computation) ngunit mahina ang loob sa pagsasalita sa
publiko.
c. Nagbabago ito sa paglipas ng panahon. Maaari itong
tumaas o bumababa ayon sa ating mga karanasan sa
buhay.
d. Hindi ito nakasalalay sa mga bagay na labas sa ating
sarili gaya halimbawa ng pagiging mayaman o
pagkakaroon ng mga taong nagmamahal sa atin.

Ayon kay Covey (Seven Habits of Highly Effective


Teens, 1998) ang pag-unlad ng mga kakayahan ay
nagsisimula rin sa ating sarili. Ayon sa kaniya, ang tunay
na kabiguan ay ang kabiguan ng isang taong hindi
kumilos upang paunlarin ang kaniyang sarili.

Isang mabisang paraan upang masimulan ang daan sa


pagpapaunlad ng sarili ay ang paggawa ng plano o mga
hakbang sa pagkakamit nito. Sabi nga ni Covey, “Begin
with the end in mind.” Isang halimbawa ay ang paggawa
ng Plano sa Pagpapaunlad ng Sarili o Personal
Development Plan.

Simple lamang ang paggawa ng Plano sa Pagpapaunlad


ng Sarili.

Una, dapat nating tukuyin kung nasaan na tayo ngayon:


Ano-ano ang ating mga kalakasan at kahinaan.
Ikalawa, tukuyin kung saan natin nais o kailangang
tumungo. Anong aspeto ang kailangang paunlarin, alin
ang dapat unahin.
At sa huli, kailangang lapatan ito ng mga paraan kung
paano isasagawa ang mga pagbabago. Maaaring ang
pinakamahirap na bahagi nito ay ang pagtukoy at
pagtanggap sa ating mga kahinaan. Kung magagawa
natin ito, mas magiging madali na ang iba pang bahagi.

You might also like