Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

8

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan–Modyul 3
(Week 3)
Ang Pag-usbong at Pag-unlad ng
mga Klasikong Kabihasnan sa Africa,
America
at mga Pulo sa Pacific
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3 (Week 3): Ang Pag-usbong at Pag-unlad ng
mga Klasikong Kabihasnan sa Africa, America at mga Pulo sa Pacific.

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Debisyon ng Lungsod ng Lapu-Lapu

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Hwarlyn C. Ligad Karen B. Villanueva
Editor: Czarina Ritzko J. Sagarino Earl Adrian C. Cejas
Normalyn G. Alonso Stella Maris A. Belardo
Tagasuri: Teresita A. Bandolon Marigold J. Cardente
Tagaguhit:
Tagalapat: Maria Teresita D. Amion Marieta R. Ferrer
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Grammar Software: CitationMachine.com
Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Wilfreda D. Bongalos, PhD, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent: Marcelita S. Dignos, Ed.D, CESE
Curriculum Implementation Division Chief : Oliver M. Tuburan, Ed.D.
EPSVR-LRMDS : Teresita A. Bandolon
EPSVR- Araling Panlipunan : Marigold J. Cardente
ADM Coordinator : Jennifer S. Mirasol Marigold J. Cardente

Inilimbag sa Pilipinas sa Kagawaran nga Edukasyon


Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph
8
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan–Modyul 3
(Week 3)

Ang Pag-usbong at Pag-unlad ng


mga Klasikong Kabihasnan sa
America, Africa at mga Pulo sa Pacific

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga
guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang
puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Ang Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikong Kabihasnan sa Africa, America, at mga
Pulo sa Pacific.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na
mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng
modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay
sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang
modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan sila ng
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Ang Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikong Kabihasnan sa Africa, America, at mga
Pulo sa Pacific.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan


Tuklasin
tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong


matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

ii
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay
Pagyamanin upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap


o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawain na makatutulong sa iyo upang maisalin ang


bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain nanaglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa


pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin
Gawain ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga Gawain sa modyul.
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na
ito.

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahayna mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

iii
Alamin
Isang maligayang pagtuntong sa Ikawalong Baitang!
Noong nasa Ikapitong Baitang ka, napag-aralan mo ang tungkol sa mga sinaunang
kabihasnan sa Asya. Ngayon, mas mapalalawak pa ang iyong kaalaman ukol sa mga
klasikal na kabihasnan sa Africa, America at mga Pulo sa Pacific.
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo upang mauunawaan at mapapalawak
mo ang iyong pagpapahalaga sa mga klasikal na kabihasnan ng Africa, America, at mga
Pulo sa Pacific.
Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!

Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:


Ang Pag-usbong at Pag-unad ng mga Klasikal na Kabihasnan sa Africa, America
at mga Pulo sa Pacific

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


1. Nasusuri ang pag-usbong at pag-unlad ng mga klasikong kabihasnan sa:
Africa-:Songhai, Mali at iba pa, America: Aztec, Maya, Olmec at iba pa at mga Pulo
sa Pacific (MELC 3);
2. Natutukoy ang mga pangyayari na nagbigay daan sa Pag- usbong at Pag – unlad ng
mga sinaunang kabihasnan sa Africa, America at Mga Pulo sa Pacific;
3. Naihahambing ang pag- usbong at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa
Africa, America at mga Pulo sa Pacific at;
4. Nabibigyang-halaga ang mga pangyayaring nagbigay daan sa pag-usbong at pag-
unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa Africa, America at Mga Pulo sa Pacific.

Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isiping mabuti ang sa tingin mo ang
pinakawastong sagot sa mga tanong.
1. Sila ay naninirahan sa baybayin ng Golpo ng Mehiko. Anong sinaunang pangkat ang
tinaguriang mga Taong Goma?
A. Aztec B. Inca C. Maya D. Olmec
2. Siya ang pinakamahalagang diyos ng araw at diyos ng digmaan. Ang diyos na ito
ay si Hutzilopochtli ay sinasamba ng anong pangkat ng sinaunang tao?
A. Aztec B. Inca C. Maya D. Olmec
3. Ang bawat kabihasnan ng America ay may iba’t ibang panuntunan na sinusunod sa
kanilang pamayanan. Alin sa sumusunod na grupong ito ang hindi nagsasakripisyo
ng buhay bilang alay sa mga diyos?
A. Aztec B. Inca C. Maya D. Olmec
4. Sa kabihasnan ng America, bawat pamayanan ay may angkop na mga
pamamamaraan ng pamumuhay at relihiyon na humuhubog sa pag– usbong nito. Alin
sa mga sumusunod ang pinakaangkop na pagsasalarawan sa lungsod estado?
A. Maraming pataniman ang kanilang mga lungsod-estado
B. May patubig para sa pananim ang kanilang lugar
C. May mga sari-saring palaro at pananampalataya
D. Mahalagang istruktura tulad ng piramide, templo, at pamilihan
5. Ano ang pangunahing pangkabuhayan ng mga taga Pulo sa Pacific?
A. pagmimina C. pangingisda
B. pangangalakal D. paghahabi
1
6. Sa Panahon ng Eksplorasyonna kung saan ang mga Europeong bansa ay
nag-uunahan sa pagtuklas ng mga teritoryo ang unang nakarating sa America
ay si_______.
A. Ferdinand Magellan C. Christopher Columbus
B. Hernando Cortez D. Vasco da Gama
7. Ang tinutukoy na Latin America ay tumutukoy sa sumusunod maliban sa:
A. Mexico C. Estados Unidos
B. Kanlurang Indies D. Sentral Amerika
8. Ang kabihasnang Olmec ang itinuturing na unang kabihasnan na nabuo sa
Mesoamerica, nakilala sila sa tawag na “rubber people.” Bakit ito ang tawag sa
kanila?
A. Dahil goma ang pangunahin nilang produkto
B. Dahilsila ang kauna-unahan na gumamit ng goma o rubber
C. Ang kanilang pamayanan ay napapalibutan ng mga punong goma
D. Lahat ng nabanggit
9. Kung ang Micronesia ay nangangahulugang “maliit na pulo,” Ano naman ang
kahulugan ng Polynesia?
A. maraming pulo C. gitnang pulo
B. maitim na pulo D. pinakamalaking pulo
10. Alin ang itinuturing na unang kabuhayan ng mga sinaunang tao?
A. pagmimina C. pagsasaka
B. paglalayag D. paghahabi

Aralin Ang Pag-usbong at Pag-unlad ng mga


Klasikong Kabihasnan sa America, Africa at
3 Mga Pulo sa Pacific
Isang masayang pagtuntong sa Ikawalong Baitang!
Sa naunang modyul, natutunan mo ang tungkol sa mga kontribusyon ng
kabihasnang Romano. Ngayon, mapag-aaralan mo ang mga klasikong kabihasna na
umusbong sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific. Masusuri mo kung paano
nakaimpluwensiya ang mga mahahalagang pangyayari sa pag-usbong at pag-unlad ng
mga nabanggit na kabihasnan.

Handa ka na ba? Tayo na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!

Balikan
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isiping mabuti ang sa tingin mo ang
pinakawastong sagot sa mga tanong.

1. Ang Imperyong Romano ay nabalot ng kaguluhan dahil sa mga pamumuno ng iba’t


ibang pinuno ngunit nagwakas ito ng nagkaroon ng kapayapaan. Ano ang tawag sa
panahon ng kapayapaan at kasaganaan sa Roma?
A. Plebeian B. Pax Roman C. Patrician D. Veto

2
2. Anong relihiyon ang niyakap ng Roma na nagbigay daan sa tinaguriang Roman Catholic
sa kasalukuyan?
A. Hinduismo B. Islam C. Kristiyanismo D. Shintoism
3. Ang Coliseum ay isang amphitheater na ipinagawa ng mga sinaunang Roman na
makikita pa hanggang sa kasalukuyan. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa
gamit nito noon?
A. Ginagamit bilang korte
B. Dito idinaos ang labanan ng mga gladiator
C. Ginagamit bilang pampublikong paliguan
D. Tagpuan para sa usaping pangnegosyo
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi ambag ng kabihasnang Romano?
A. Appian Way B. Arko C. Dome D. Pyramid
5. Isa sa mga mahalagang ambag ng mga Romano ay ang batas, kaya kinikilala silang
pinakadakilang mambabatas ng sinaunang panahon. Bakit mahalaga ang batas?
A. Upang maitaguyod ang kapayapaan ng isang bansa
B. Magsilbing pamantayan ng kaayusan sa lipunan
C. Magsilbing gabay sa mga maaari nating gawin
D. Lahat ng nabanggit

Tuklasin
Gawain sa Pagkatuto Blg.1: LARAWAN MO, SURIIN KO!
Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

LARAWAN A
(Imperyo ng Mali)

3
LARAWAN B
(Kaharian ng Kush)

Gabay na mga tanong:


1. Ano-ano ang inyong nakikita sa mga larawan?
2. Batay sa inyong nakitang larawan, saang kontinente kaya ito matatagpuan?
3. Ano ang iyong mabubuo na pahayag mula sa iyong nasuri sa larawan?

Gawain sa Pagkatuto Blg.2: HANAP SALITA


Panuto: Hanapin at bilugan ang sampung (10) salita na may kinalaman sa Klasikal na
Kabihasnan ng America, Africa at mga Pulo sa Pacific. Isulat ang mga ito sa inilaan na
lugar para sa iyong kasagutan na nasa ibaba ng puzzle.

H I N D U K U S H L I M M

G P O L Y N E S I A N A A

H C P U N A N I E M C Y L
KABIHASNAN
A E Y K T L S D T B A A I NG MGA PULO
N M I L O I O A Z T E C T SA PASIPIKO

A L I L A I N C A K K L B 1.____________
S O N G H A I N U F A O N KABIHASNAN NG 2.____________
M E L A N E S I A B S L O
AMERIKA
3.____________
M I C R O N E S I A C A U 1._____________ ___
2._____________
3._____________
4._____________
_

4
Gawain sa Pagkatuto Blg.3: TUKLASIN ANG NAKARAAN
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat kabihasnan. Sagutin ang mga
katanungan na nasa ibaba nito.

A. KABIHASNAN NG APRIKA
GHANA • Sila ay tinawag na Soninke, masipag na negosyante at mahuhusay na
panday.
• Dejenne ang sentro ng koleksyon ng ginto at aliping nagmula sa
kagubatan.
• Umunlad dahil sa kalakalan.
• Bumagsak dahil sinakop ng Mali noong 1420 CE.
MALI • Sundiata ang unang emperador na Muslim ng Mali.
• Daanan ng kalakalan ang Timbuktu mula Mali hanggang hilagang
disyerto.
• Ang pinakadakilang pinuno ay si Mansa Musa.
• Niana ang kabisera ng imperyo.
• Magaling sila sa pangangasiwa sa mga gastusin, depensa at ugnayan
sa iba pang kaharian.
• Bumagsak ang Mali noong 1337 CE noong namatay si Mansa Musa.
SONGHAI • Kilala sa kanilang lakas at galing sa pakikidigma kung kaya’tnaging
pinakamalaki at pinakamakapangyarihang imperyong pangkalakalan sa
kanluran ng Africa.
• Sunni Ali o kilala sa pangalang “Ali the Great” ay isang agresibong pinuno
na magaling sa pakikidigma. Si Askia Muhammad ang humalili ng siya
ay namatay noong 1492CE.
• Bumagsak ang imperyo noong 1591 dahil sa kakulangan ng
makabagong armas laban sa Moroccan.
Salungguhitan ang salita na hindi kabilang sa pangkat:

A. Sundiata Mali Sunni Ali Ghana


B. Niana Songahai Timbukto Ghana
C. Mansa Musa Askia Mohammad Abu Bakr Sunni Ali
D. Songhai Hindu Kush Ghana Mali
E. Pangangalakal Negosyante Pangingisda panday

B. KABIHASNANG AMERICA
OLMEC • Tinawag na “rubber people”o ‘’Toltecs” naninirahan sa baybayin ng
Golpo ng Mehiko noong 1200 BCE.
• Nagpatayo ng pyramid para sa kanilang mga diyos at ang paglalaro ng
bola ang paraan nila ng pagsamba na tinatawag na ball court. Ang
matatalong manlalaro ay isasakripisyo sa kanilang mga diyos.
Espesyal sa kanila ang jaguar bilang kanilang simbolo sa magandang
ani.
• Slash and burn ang gamit sa sistema ng agrikultura.
• Bumagsak dahil sa banta ng karatig lugar, tagtuyot at pagkasira ng
kalikasan.
MAYA • Naninirahan sa Yucatan Peninsula na pinamumunuan ng mga kaparian
na tinawag na ‘’halachuinic’’ o tunay na lalaki.
• Gawa sa pyramid ang kanilang templo para sa kanilang diyos na si
Kulkulcan o “God of the Feathered Serpent.”
• Bumagsak dahil sa kaguluhan at digmaan ng mga estado.

5
AZTEC • Tinaguriang Aztlan na ibig sabihin ‘’ mitikong lugar’’ sila ay nomadikong
tribu na nagmula sa hilagang Mexico.
• Pagsasaka ang batayan ng kabuhayan. Gumawa ng chinampas o
artipisyal na latian na higit sa kilala na floating garden.
• Sumasamba sila kay Tlaloc diyos ng ulan at Quetzalcoatl diyos ng
hangin. Ang kanilang sakripisyo ay mga tao na bihag sa digmaan
• Bumagsak ng sinakop ni Hernando Cortes noong 1519.
INCA • Sumibol sa Timog ng America sa bulubundukin ng Andes.
• Ang lipunan ng Inca ay organisado mula sa emperador, maharlika
pababa sa mga magsasaka na gumagawa ng hagdan hagdang
pananim.Mahuhusay sila sa paggawa ng kalsada, templo at iba pang
gusali.
• Ang diyos nila ay si Viracocha na pinagmulan ng maharlikang pinuno.
• Bumagsak ng sinakop niFrancisco Pizarro noong 1532.
Gabay na mga tanong:
1. Anong kabihasnan na sumibol sa bulubundukin ng Andes?
2. Ang ang tawag sa pamamaraan ng mga Aztec sa pagtatanim?
3. Ang ang dahilan ng pagbagsak ng mga Maya?
4. Ano ang simbolo ng mga Olmec para sa magandang ani?
5. Anong imperyo ang may organisadong pamamahala’t magaling sa paggawa?

C. KABIHASNAN NG MGA PULO SA PACIFIC


POLYNESIA • Halaw sa salitang Griyego na “polus” (marami) at “nesos”
(pulo).
• Mga bihasang manlalayag at magaling sa paggawa ng
bangka na tinawag na catarman para mangalakal at
maghanap ng pagkain sa ibang pulo.
• Ang mga maharlika ang pinuno sa bawat pamayanan.
• Mahilig sa palamuti at pagta-tattoo bilang tanda ng
katapangan atkagandahan.

MICRONESIA • Nagmula sa salitang Griyego na “mikros” (maliit) at
“nesos”(pulo)
• Ang pinuno ay pinipili na taglay ang talino sa
pakikipaglaban at paghimok ng katapatan ng nakararami.
• Naninirahan sa kagubatan at gumagamit ng swidden
horticulture kung saan pinababayaan munang
nakatiwangwang ng ilang buwan pagkatapos anihin bago
muling taniman at ikaingin.
• Magaling gumawa ng canoena may hugis trianggulo na
layag na naililipat sa magkaibang dulo. Pangingisda,
pangangaso at pagtatanim ang ikinabubuhay.
MELANESIA • Mula sa salitang Griyego na ‘’melas” (maitim) at “nesos” (pulo).
• Mahusay sa paggawa ng bangka na tinatawag na Ut
na ginagamit sa paglalayag sa karagatan.
• Pangingisda at pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay.
• Chamorro ang tawag sa pinuno ng mga katutubo.
• Naniniwala sa sa mga espiritu ng kalikasan at sa kanilang mga
ninuno.

6
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isiping mabuti ang sa tingin mo ang
pinakawastong sagot sa mga tanong.
1. Ano ang pagkakaparehas ng mga kabihasnan na nabuo sa Pulo ng Pacific?
A. Binubuo ng mga pulo
B. Namumuhay sa pagtatanim lamang
C. Malawak na isla ang kanilang pinagmulan
D. Lahat ng nabanggit
2. Ihambing ang paraan ng pamumuno ng mga lider sa bawat Isla sa Pacific?
A. Polynesia ay maharlika ang pinuno, ang Melanesia parao ang tawag sa
pinuno at sa Melanesia ay pinipili ang pinuno.
B. Ang bawat isla ay may matatapang na pinuno.
C. Ang mga pinuno ay may taglay na kapangyarihan
D. Lahat ng nabanggit
3. Ano-ano ang ginamit ng bawat isla sa paglalayag?
A. Gumagamit sila ng bangkang catarman, canoe at ut.
B. Sila ay gumagamit ng caravel.
C. Sila ay sumasakay sa mga bangka.
D. Lahat ng nabanggit.
4. Alin ang hindi kasali sa pangkat?
A. Canoe, Bangka, Ut C. Canoe, Ut, Catarman
B. Melanesia, Micronesia, Polynesia D. Lahat ng nabanggit
5. Alin ang tumutukoy sa isang pinuno?
A. Chamorro B. Canoe C. Ut D. Chimay

Suriin
Gawain sa Pagkatuto Blg.4: PAGSASAISIP NG NATUTUNAN
Panuto: Basahin at unawain ang mga konsepto sa loob ng kahon hinggil sa mga
kabihasnan ng Africa, America at mga Pulo sa Pacific. Piliin sa ibaba ang mga ideya na
may kaugnayan sa mga konseptong nabanggit.

KONSEPTO MGA IDEYA

1. Ang mga kabihasnan na sumibol sa Africa


2. Ang pamamaraan ng pamumuhay ng mga kabihasnan sa America
3. Ang mga Pulo sa Pacific kung saan sumibol ang mga kabihasnan

MGA PAGPIPILIAN
A. Pangingisda, pangangalakal at pagsasaka
B. Polynesia, Micronesia at Melanesia
C. Songhai, Ghana, Mali
D. Pamahalaan, relihiyon, paraan ng pamumuhay at mga kagamitan

7
Pagyamanin
Gawain sa Pagkatuto Blg5: PM IS THE KEY!
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang flow chart. Piliin ang mga pangyayaring nagbigay
daan sa pag-usbong at pag-unlad ng mga kabihasnan. Bilugan ang simbolong thumbs
down kung ang konsepto ay hindi kabilang sa mga pangyayaring nagbigay daan sa

pag-usbong ng mga kabihasnan at bilugan naman ang simbolong thumbs up kung ang
konsepto ay kabilang sa mga pangyayaring nagbigay daan sa pag-usbong at pag-unlad ng
mga kabihasnan. Ipaliwang rin ang kahalagahan nito sa kabihasnan at sa iyong sarili,
pagkatapos ay sagutin ang mga gabay na tanong sa ibaba.

B. Ang Kabihasnang America C. Ang Mga Pulo sa Pacific

Pinaniniwalaan na sa Panahon ng Yelo (Ice Age) Ayon sa teorya ni Peter Bellwood nagmula
may mga taong tumawid mula sa Asia sa Timog China ang mga Austronesian. Sa
patungong America gamit ang tulay na lupa. paghahanap nila ng mga bagong teritoryo ,
umalis sila sa China at tumungo sa iba’t
ibang lugar.Ang iba ay nagtungo sa mga
Pulo ng Pacific at dito na nanahanan.

Nang matunaw ang masa ng yelo at nawala ang


mga tulay na lupa hindi na sila nakabalik pa sa
kanilang pinanggalingan at naputol ang ugnayan Bago pa dumating ang mga kanluranin nauso
sa iba pangkat. na sa Pulo sa Pacific
ang paglalagay ng tattoo.

Sa pagbabago ng klima, nang matunaw ang mga


yelo maraming mga hayop ang namatay at Sagana sa likas na yaman ang mga pulo sa
nagkaroon ng kakulangan sapagkain kaya Pacific kaya tinatawag ng mga manggagalugad
nagsimula silang magtanim. Umusbong ang na Garden of Eden ito. Pangunahing kabuhayan
mga sinaunang pamayanan sa mga lugar na
dito ang pagsasaka at pangingisda. Nagtatanim
pinagsimulan ng agrikultura.
sila ng breadfruit, yam, niyog, pandan, sago,
palm at iba pa.

8
Nahahati sa tatlong malalaking pangkat ang mga
Isa narito ay ang pamayanan ng ma Olmec sa
kasalukuyang Mexico. Lumaganap ang PULO SA PACIFIC. Ito ay ang Polynesia,
impluwensiya ng mga Olmec sa iba’t ibang Micronesia, at Melanesia. Ibinigay ng mga
bahagi ng America. kanluranin ang katawagang ito batay sa
kaayusan ng mga pulo at anyo ng mga katutubo
nito.

Naimpluwensiyahan ng mga Olmec ang mga


klasikong kabihasnan sa America gaya ng
MAYA, AZTECS, at INCA. Ang kabihasnang
Naniniwala sila sa animism (na may mga diyos sa
Aztec at Inca ay sinakop ng Spain at ibinahagi sa kalikasan). Naniniwala rin sila sa mana. Isa itong
mga katutubo ang Kristiyanismo. banal na kapangyarihan na nanganga-hulugang
“bisa” o “lakas.” Meron silang batas na
sinusunod para hindi mawala ang mana.

Naipalaganap ang Kristiyanismo sa mga pulo at


naging dahilan sa mga pagbabago sa mga lugar
dito.

Mga Pangyayari Piliin ang Kahalagahan Kahalagahan


Tamang Simbolo sa sa Sarili
Kabihasnan

1.Pag-usbong ng agrikultura

2. Pangangalakal

3. Pananakop

4.Pagkaroon ng pananampalataya
o relihiyon

5. Pandarayuhan o migrasyon

Mga gabay na tanong:


1. Batay sa chart sa itaas, anong pangyayari ang higit mong pinaniniwalaan na nagging
dahilan ng pag-usbong at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan?
2. Alin sa mga pangyayari ang mahalaga sa buhay mo sa ngayon? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
3. Bilang isang mamamayan, paano ka makakatulong upang mapaunlad ang sariling
pamayanan o bansa?

9
Isaisip

Isagawa
Gawain sa Pagkatuto Blg.6: KAALAMANG WALANG HANGGAN
Panuto: Dugtungan ang mga sumusunod na pangungusap upang ang naangkop na
pahayag sa gawain sa ibaba.

10
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isiping mabuti ang sa tingin mo ang
pinakawastong sagot sa mga tanong.
1. Ang mga mamamayan sa mga sinaunang kabihasnan sa America, Africa at mga Pulo
sa Pacific ay naniniwala sa iba’t ibang diyos, nag-aalay sila sa mga ito upang mapasaya
nila at maibibigay ang kanilang mga kahilingan gaya ng pagkakaroon ng masaganang
ani at iba pa. Ano ang ipinapahiwatig nito?
A. Patunay lamang ito na mayroon na silang sistemang panrelihiyon
B. Malaki ang papel na ginagampanan ng relihiyon sa kanilang pamumuhay
C. Malaki ang impluwensiya ng relihiyon sa buhay ng mga tao
D. Lahat ng nabanggit
2. Alin sa mga pahayag ang hinditotoo tungkol sa mga kabihasnan sa America, Africa at
Mga Pulo sa Pacific?
A. Isa sa mga dahilan ng pagbagsak ng mga kabihasnan sa America ay ang madalas
Na pakikipagdigma at pananakop
B. Umusbong ang mga sinaunang kaharian sa Africa dahil sa maunlad na kalakalan
C. Hindi lamang ang pamahalaan ang pinamumunuan ng mga pinuno sa kabihasnang
America kundi pati na rin ang relihiyon
D. Ang mga sinaunang kabihasnan sa America, Africa at Mga Pulo sa Pacific ay
nakikipagkalakalan sa mga Europeo na naging dahilan ng pagpasok ng relihiyong
Kristiyanismo
3. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagbagsak ng isang imperyo?
A. Madalas na digmaan ng mga lungsod-estado
B. Pagkakaroon ng mahinang pinuno
C. Pagkakaroon ng kaguluhan sa imperyo na dulot ng digmaan at pananakop
D. Lahat ng nabanngit
4. Alin ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific?
A. Ang mga mamamayan sa mga Pulo ng Pacific ay magagaling na manlalayag at
pangunahing gawain nila ang pangingisda at pagsasaka
B. Naniniwala sila sa banal na kapangyarihan o mana
C. Pinili nila ang kanilang mga pinuno batay sa katangian gaya ng katapangan at
mga tagumpay nito sa labanan
D. Naniniwala sila sa animismo o paniniwala na ang kalikasan at mga bagay ay may
espiritu
5. Ang kahariang Ghana sa Africa ay umunlad dahil sa pakikipagkalakalan, isa sa mga
patunay nito ay ang pagkakaroon ng pormal na kasunduan sa mga Greek. Ang
malawakang pakikipagkalakalan ay nagresulta rin sa pagtanggap sa relihiyong
Kristiyanismo. Ano ang mahihinuha mo dito?
A. Uunlad ang kaharian dahil sa pakikipagkalakalan.
B. Hindi lamang mga produkto ang naibabahagi ng mga mangangalakal kundi
pati na ang kanilang kultura kasama na dito ang relihiyon.
C. Ang Axum at iba pang kaharian sa Africa ay umusbong at umunlad dahil sa
Kalakalan.
D. Mga elepante, pabango, rekado o pampalasa ang kinakalakal ng Axum sa
Mediterranean
6. Ang mga Aztec sa Mesoamerica o Central America ay mga mandirigma. Ang mga
bihag nila mula sa pakikipagdigma ang kanilang inaalay sa kanilang diyos. Walang

11
katapusan ang pag-aalay na ito kaya patuloy rin ang kanilang pakikipagdigma. Bilang
isang mag- may sariling paniniwala at relihiyon sa kasalukuyan, ano ang masasabi
mo sa gawaing ito ng mga Aztec?
A. Isang madugong gawain ng pagsasamba
B. Kakaibang gawain na nagpapakita ng pagbibigay halaga sa kanilang diyos
C. Hindi ito karapat-dapat dahil labag sa batas ng diyos at sa lipunan ngayon
D. Wala sa nabanggit
7. Alin sa mga pahayag ang nagpapatunay na malaki ang kaugnayan ng heograpiya sa
pag-usbong at pag-unlad ng mga kabihasnan?
A. Umusbong ang kabihasnang Inca sa lambak ng Andes
B. Nabuo ang mga sinaunang pamayanan sa lambak ng Nile
C. Pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng mga sinaunang Polynesian
sapagkat malapit lamang ang mga pamayanan nila sa karagatan
D. Lahat ng nabanggit
8. Isang komplikadong kabihasnan ang binuo ng mga Maya. Alin sa mga sumusunod ang
hindi sumusuporta sa pahayag?
A. nabuo ang sistema ng panulat at kalendaryo
B. nahubog ang kultura sa bulubundukin ng Andes
C.mga ilang lungsod ang sentro ng kaalaman
D. mayaman ang kultura ng Maya
9. Ang Ghana ay sumibol na malakas na imperyo sa Africa dulot ng kanilang _______.
A. mahusay na pinuno
B. kanilang diyos
C. kinalalagyan ng kanilang lupain
D. katapan at karangyaan ng mga pinuno
10. Sa kabihasnan ng America, sentro ng kanilang paniniwala ay ang templo na hugis
piramide kung saan nasa itaas ang dambana ng kanilang diyos. Ano ang mensahe nito?
A. Ang kabihasnan ay binubuo ng iba’t ibang lungsod- estado
B. Maayos ang kanilang lipunan
C. Sentro ng kanilang kabihasnan ang pagpapahalaga sa kanilang relihiyoN
D. Maunlad at tahimik ang kanilang lungsod dahil sa dambana ng kanilang diyos

Karagdagang Gawain

MY POSTER

12
RUBRIC PARA SA POSTER

Pamantayan Napakagaling Pamantayan Napakagaling Pamantayan


MALIKHAIN Nagpapakita ng Hindi gaanong Kailangan pa ng
lubos nanaipapakita ang pagsasanay sa
pagkamalikhain.pagkamalikhain. paggawa ng
Tama ang mga Tama ang poster.
kombinasyon ng kombinasyon ng
kulay mga kulay.
IMPORMATIBO Nagpapakita ng Naipapakita ang Hindi tama ang
tamanag mga
impormasyon impormasyon na
tungkol sa
aralin.
TAKDANG ORAS Naipasa ang Naipasa ang Naipasa ang
gawain/ gawain/module gawin/module
lampas ng isang
araw sa
itinakdang
panahon.

Susi sa Pagwawasto

13
Sanggunian
Book:
Soriano, Cecilia, Kayamanan: Kasaysayan ng Daigdig Batayang
aklat sa Araling Panlipunan. Edition 2015
Kagawaran ng Edukasyon, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 8
Kasayasayan ng Daigdig
WEBSITES:
Getty images by Pinterest, Wikipedia, Slideshar

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education

Division of Lapu-Lapu City


Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 420-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph

14

You might also like