LP Filipino - Pang Uri Pamilang

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Western Mindanao State University


College of Teacher Education
Normal Road, Baliwasan, Zamboanga City

Pangalan ng PST: Sarah J. Jul


Pangalan ng Mentor: Ms. Mayveline Dela Merced

Banghay Aralin sa Filipino IV


(Deductive Method)
I. Layunin
Sa loob ng ika 60-minuto na talakayan, ang mga mag-aaral ng IV-Enriquez ay inaasahang
maisasagawa ang mga sumusunod na may 85% na kawastuhan:
a. natutukoy ang mga Pang-uring Pamilang;
b. nauuri ang mga salita ayon sa uri ng Pang-uring Pamilang; at
c. nakabubuo ng pangungusap gamit ang Pang-uring Pamilang.

II. Paksang Aralin


Paksa: Pang-uring Pamilang
Reference: Binhi: Wika at Pagbasa (pp. 304-325), Pang-uring Pamilang Activity Sheets
Filipino IV.

III. Kagamitan: Visual aids, incentive chart, at larawan.

IV. Pamamaraan
A. Paghahanda
Magandang umaga, mga bata! (Magandang umaga din po, teacher) Bago magsiupo ang
lahat, maaari niyo bang tignan at pulutin kung may nakakalat na papel sa ibabaw ng inyong
upuan. Maaari na kayong magsiupo. Bago tayo tumungo sa ating pagtatalakay ngayong araw,
ano-ano muna ang mga bagay na kailangan ninyong tandaan habang kayo ay nasa loob ng klase?
(Huwag mag-ingay, makilahok, itaas ang isang kamay kung nais sumagot, makinig sa guro)
Mabuti!
Ngayon ay pagmasdan ninyo ang nasa pisara, ano ang nakikita ninyo? (May tatlong
basket sa palengke) Ang pangalan ng ating incentive chart sa araw na ito ay “Tara,
mamalengke!”, at itong talong basket ay kumakatawan sa tatlo ninyong grupo. Ito ang group 1,
group 2, at group 3. Ngayon, ano kaya sa tingin niyo ang ilalagay natin sa mga basket na ito?
(Mga bilihin sa palengke) Tama, lalagyan ninyo ito ng mga bilihin. Sino ang makapagbibigay ng
halimbawa ng madalas na binibili sa palengke? (karne, gulay, prutas) Ngayon, upang magkaroon
ng mga bilihin ang inyong basket, kinakailangan ninyong makilahok sa ating pagtatalakay sa
klase. Ang isang bilihin ay katumbas ng dalawang puntos. Maliwanag ba, mga bata? (Opo
teacher)

1. Pagbabalik-aral
Ano nga ulit ang pang-uring pamilang? (Ang pang-uring pamilang ay nagsasaad ng dami
o bilang ng pangngalan o panghalip) Ano ang apat na uri ng pang-uring pamilang? (Patakaran,
panunuran, pamahagi, at palansak) Ano ang tungkulin ng patakaran? (Ito ay ginagamit sa
pagbibilang ng mga pangngalan o panghalip) Sino ang makapagbibigay ng halimbawa ng
patakaran sa pangungusap? (Isang tao lamang ang nandoon sa sala.) Ano naman ang panunuran?
(Ito ay nagsasabi ng pagkakasunod-sunod ng mga pangngalan o panghalip.) Mag bigay ng
halimbawa ng panunuran sa isang pangungusap. (Panglima ako sa mga natapos sa pagsusulit.)
Ano naman ang pamahagi? (Ito ay nagsasabi ng bahagi ng isang kabuuan.) Mag bigay ng
halimbawa nito sa isang pangungusap. (Buong kendi ang nakain ko nang minsanan.) At ano
naman ang palansak? (Ito ay nagsasab ng karamihan o kakulangan ng pangngalan o panghalip.)
Sino ang makapagbibigay ng halimbawa gamit nito sa isang pangungusap? (tigiisa kami ng
chokoleyt ni Mark) Naiinitidihan na ba ang Pang-uring pamilang at mga uri nito mga bata? (Opo
teacher)

2. Pagganyak
Pagmasdan nang mabuti ang larawan, ano-ano ang mga nakikita ninyo sa larawan? (Isda,
prutas, karne, gulay) Anong lugar ang madalas na maraming isda, karne, gulay, at prutas? (Sa
palengke) Ano ang ginagawa ng mga tao sa palengke? (Nagtitinda at namimili) Kayo ba ay
naranasan ng pumunta at bumili sa palengke? (Opo) Paano ba kayo bumibili? Anong sasabihin
ninyo sa nagtitindi kung halimbawa bibili kayo ng isda? (Magkano po ang isang kilo ng isda?) At
ano naman ang posibleng sagot ng nagtitinda? (120 pesos isang kilo suki, pero 100 nalang sayo)
Magaling!
B. Paglalahad
Sa pagkakataong ito, tayo ay magbabasa ng diyalogo. Ngunit bago tayo magsimula, ano-
ano ang mga dapat nating tatandaan sa tuwing tayo ay sabay-sabay na nagbabasa? (Huwag
sumigaw, magbasa ng maayos at malinaw, sumabay sa pagbabasa, at intindihin ang binabasa.)
Mabuti! Ngayon ay babasahin muna ni teacher ang diyalogo, at pagkatapos ay sabay-sabay na
nating babasahin ito. Maliwanag ba, mga bata? (opo teacher)

Suki
Aling Marites: Suki! Galunggong, 100 pesos nalang bawat isang kilo. Sariwang-sariwa pa.
Pedro: Eto suki, bagong huli na tilapya. 60 pesos nalang para sa kalahating kilo.
Mang Kanoy: Pabili nga ho ng isangkapat na kilo ng tilapya niyo.
Pedro: Eto suki, salamat!
Mang Kanoy: Magkano po ang isang kilo niyang sibuyas ninyo?
Aling Marites: 40 pesos ang isang kilo ng sibuyas, pero 30 pesos nalang para sa’yo suki.
Mang Kanoy: Nako naman, salamat kung ganon. Pabili nga po ng dalawang kilo niyan, pero paki
balot nalang nang tigdadalawa. Nagpabili rin kasi sa akin ang aming kapitbahay.
Aling Marites: Heto, suki. Salamat at sa uulitin!

1. Sino-sino ang nagtitindi sa diyalogong binasa? At sino yung mamimili? (Si Aling Marites at si
Pedro ang nagtitinda. Si Mang Kanoy ang mamimili.)
2. Saang lugar naganap ang diyalogong binasa? (Sa palengke)
3. Kanino unang bumili si Mang Kanoy? (Kay Pedro)
4. Bakit pinabalot ni Mang Kanoy ang dalawang kilo ng sibuyas nang tigdadalawang balot?
(Dahil ang isang balot ay para sa kaniyang kapitbahay)
5. Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng salitang “suki”? (Isang mamimili na laging
bumibili)

C. Pagtatalakay
Paki basa nga ulit ang mga salitang nakasalungguhit sa diyalogo. (Isa, kalahati,
isangkapat, dalawa, tigdadalawa)
1. isa
2. kalahati
3. isangkapat
4. dalawa
5. tigdadalawa

Ano ang tawag sa mga salitang ito? (Pang-uri) Ano kaya ang tungkulin ng mga pang-uri
na ito? (Nagsasaad ng bilang o dami ng isang bagay) Tama, kung ito ay isang pang-uri na
nagsasaad ng bilang o dami ng isang bagay, ano kaya ang tawag sa Pang-uri na ito? (Pang-uring
Pamilang) Mahusay!

Tignan ang pisara, basahin ito. (Ang Pang-uring Pamilang ay nagsasaad ng dami o bilang
ng pangngalan o panghalip.) Ibig sabihin, ang Pang-uring Pamilang ay nagsasabi ng dami o
bilang ng pangngala, halimbawa, dalawang bola, ang bola ay isang pangngalan.

Ang pang-uring pamilang ay ay apat na uri, ito ay ang Patakaran, panunuran, pamahagi,
at palansak Ano ang tungkulin ng Patakaran? (Ito ay nagagamit sa pagbibilang.) Sino ang
makapagbibigay ng halimbawa ng isang patakaran maliban sa mga halimbawa na nasa pisara?
(pito, sampu, apatnapu) Ang patakaran ay ginagamit sa pagbilang ng mga pangngalan o
panghalip. Halimbawa, meron akong apat na bola para sa aking apat na mga kapatid.
Ano naman ang tungkulin ng Panunuran? (Ito ay nagsasabi ng pagkakasunod-sunod ng
mga pangngalan o panghalip.) Sino naman ang pwedeng magbigay ng halimbawa ng Panunuran
maliban sa mga nakasulat sa pisara? (pangsiyam, panganim, pangpito) Ang panunuran ay
ginagamit sa pagtukoy ng pagkakasunod-sunod ng mga pangngalan o panghalip. Halimbawa, Si
Aisha ang unang studyanteng dumating sa paaralan.

Ano naman ang ginagawa ng Pamahagi? (Ito ay nagsasabi ng bahagi ng isang kabuuan.)
Sino naman ang makapagbibigay ng halimbawa ng isang pamahagi maliban sa mga halimbawa
na nasa pisara? (tigiisa, buo, tigsasampu) Ang pamahagi ay nagagamit sa pagsabi ng bahagi ng
isang kabuuan. Halimbawa, binigyan ko siya ng kalahati ng aking biscuit.

At ano naman ang tungkulin ng Palansak? (Ito ay nagsasabi ng karamihan ng panggalan o


panghalip.) Sino naman ang pwedeng magbigay ng halimbawa ng Palansak maliban sa mga
nakasulat sa pisara? (dalawahan, tatluhan, dala-dalawa) Ang palansak ay nagagamit sa pagsabi
ng karamihan ng pangngalan o panghalip.

D. Paglalahat
Ano nga ulit ang Pang-uring Pamilang? (Ito ay nagsasaad ng bilang o dami ng
pangngalan o panghalip.) Ano-ano naman ang mga uri ng Pang-uring Pamilang? (Patakaran,
panunuran, pamahagi, at palansak.) Naintindihan na ba ang ating aralin mga bata? (Opo teacher)

E. Paglalapat
Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng indibidwal na gawain. Ihanda lamang ang
inyong sulatin dahil si teacher ay magbibigay lamang ng activity sheet upang inyong sasagutan.

Gawain
Panuto: Salungguhitan ang pang-uring pamilang sa pangungusap. Isulat ito sa tamang hanay ng
pang-uring pamilang na nakasaad sa kahon.
1. Nagpakatay ng tatlong baboy si Aling Mercedes upang ipakain sa mga kababayan.
2. Ang pang-anim na bahay ang kina Jose.
3. Isangkapat ng kamatis ang binili ni Kaloy.
4. Sa ikatlong kalye nagpulong ang pamunuan ng samahang iskawt.
5. Isahan ang pagbato namin ng sinelas sa lata.
6. Ang himpilan ng Girl Scout ay matatagpuan sa ika-pitong purok ng Bulanao, Tabuk City.
7. Palihim na pumasok nang tatluhan ang mga batang iskawt nang hindi sila makita ng mga
pinuno.
8. Maraming proyekto si Punong Guro, isa dito ang para sa ikagaganda ng disenyo ng paaralan.
9. Kalahati ng kaniyang oras ay inilaan sa paglilingkod sa mga kababayan.
10. Ibinigay sa akin ni Anna ang kapitong bahagi ng keyk.

Patakaran Panunuran

Tatlo, isa pang-anim, ikatlo, ikapito

Pamahagi Palansak

Kalahati, isangkapat, kapito Tatluhan, isahan

V. Pagtataya
Ngayon, upang malaman natin kung naintindihan niyo ba ang ating aralin, tayo ay
magkakaroon ng pagsusulit. Ihanda ang inyong ballpen at hintayin na mag bigay si teacher ng
papel na inyong sasagutan.

Panuto: Punan ang patlang ng pang-uring pamilang na nagbibigay ng wastong impormasyon.


Isulat lamang ang tamang sagot sa patlang.
1. Kami ay __________ magkakapatid.
2. Ako ang __________ anak ng aking ama at ina.
3. __________ ang kapatid kong babae.
4. At __________ ang kapatid kong lalake.
5. Ang __________ pamilya namin ay laging nagkakaisa at nagmamahalan.
Reference

You might also like