Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

FILIPINO

Learning Area
School Grade Level THREE
Learning Delivery Modality Modular Distance Modality(Learning-
Teacher Led Modality)Learning Area FILIPINO
Teaching Date Quarter FOURTH/
LESSON
MODULE 3
EXEMPLAR
Teaching Time No. of Days 1 DAY

I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ang mag-aaral ay:


makapagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa
Diyos

A. Pamantayang Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan


Pangnilalaman ng pananalig sa Diyos, paggalang sa sariling
paniniwala at paniniwala sa iba hinggil sa Diyos pagkakaroon ng
pag-asa at pagmamahal bilang
isang nilikha
B. Pamantayan sa Naipakikita ang pagmamahal sa Diyos at sa lahat ng Kanyang nilikha
Pagganap kaakibat ang pag-asa
C. Nakapagpapakita ng paggalang sa
Pinakamahalagang paniniwala ng iba tungkol sa Diyos
Kasanayan sa
Pagkatuto
(MELC) (Kung
mayroon, isulat
ang
pinakamahalaga
ng kasanayan sa
pagkatuto o
MELC)
D. Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon,
isulat ang
pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN

III. KAGAMITAN Modyul


PANTURO
A. Mga Sanggunian
a.Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES(MELC)
MATRIX
b.Mga Pahina sa
Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula
sa Portal ng https://lrmds.deped.gov.ph/
Learning
Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang
Panturo para sa
mga Gawain sa Learner’s Packet
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN Direct lnsiruction
The TGA Activity
- Tell (Give guidance)
- Guide (Facilitate the process)
- Act (Applv the concept)
A. Introduction PAUNANG PAGSUBOK
(Panimula)
Basahin ang mga pahayag. Isulat ang Tama kung nagpagpapakita ng
paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos at Mali naman kung hindi.
_____1.Iginagalang ang mga panrelihiyong paniniwala ng ibang tao .
_____2.Pinagtatawanan ang kaibigan dahil iba ang kanilang sinasamba.
_____3.Masayang nakipag-usap sa kaklaseng bagong lipat kahit hindi kayo
pareho ng relihiyon.
_____4.Pinipilit mong kumain ng karne ng baboy ang kaklase mong Muslim.
_____5.Pipilitin ang kaklase na pumunta sa sayawan kahit ipinagbabawal ito sa
kanila .

BALIKAN
Panuto: Lagyan ng tsek (✓)ang kung tama at ekis () kung hindi.
______1. Ang pananalig sa Diyos ay isang mabuting pag-uugali.
______2. Madalas na nananalig si Berto na manalo sa isang
patimpalak sa pagbigkas.Sa halip na siya ay mag-ensayo
kasama ang kaniyang guro ay lumiliban siya upang maglaro ng
mga computer games.
_____3.Magkakaroon ng katuparan ang ating mga
ipinapanalangin sa Diyos kahit wala tayong gawin upang ito ay
mangyari .
_____4.Ang pananalig sa Diyos ay maipapakita sa ating
pagdarasal.
_____5. Dapat na mapalakas natin ang ating pananalig sa Diyos
kahit minsan ay di nagkakaroon ng katuparan ang ating mga
hinihiling sa Kaniya.

ARALIN
TELL
Ang relihiyon ay ang pagpapahayag ng isang tao ng kanyang paniniwala sa
isang makapangyarihang lumikha (Diyos). Karamihan sa mga Pilipino ay
Kristiyano. Kilala ang Pilipinas bilang nag-iisang Kristiyanong bansa sa Asya.
Subalit mayroon ding iba pang mga relihiyon sa ating bansa. May sari-sariling
katipunan ng mga paniniwala at aral ang mga ito.
Maipakikita ninyo ang paggalang sa pag-alam kung paano sumamba ang iba, at
maaari din ninyong anyayahan ang iba na sumali sa mga pagdiriwang ng ibang
relihiyon upang maunawaan nila ang inyong pinaniniwalaan. Hindi ninyo
dapat pagtawanan ang kanilang mga paniniwala, kaugalian, o ginagawa.
Igalang ang mga simbolo ng relihiyon na gamit nila sa pagdiriwang at
pagsamba. Dapat nating unawain ang kanilang paraan ng pagsamba. Sa
pamamagitan nito mamumuhay tayong mapayapa.

MGA PAGSASANAY
GUIDE
B. Development PAGSASANAY 1
(Pagpapaunlad) Gawain 1
Lagyan ng puso ang bawat bilang na nagpapakita ng paggalang sa
paniniwala ng iba sa Diyos
_____1.Pagkakaroon ng bukas na isipan at respeto sa paniniwala ng iba.
_____2.Paggalang sa kanilang paraan ng pakikipag-ugnayan at pagsamba.
_____3.Pagtatawanan ang paraan ng pagdarasal ng iba.
_____4.Mag-iingay sa simbahan kapag naimbitahan ng kaibigan na sumama sa
kanya.
_____5.Mahinahon na makikinig sa sinasabi ng iba tungkol sa kanilang
pinapaniwalaang Diyos.
Gawain 2
Basahing mabuti ang mga sitwasyon. Isulat ang Wasto kung nagpapakita ng
paggalang sa paniniwala ng iba sa Diyos at Di wasto naman kung hindi.
1. Maluwag sa loob na tanggapin ang sinabi ng kaibigan mong iba ang
kanilang paniniwala.
2. Iniiwasan ni Alex ang kaklaseng niyang iba ang relihiyon.
3. Pinagtatawan nila Bianca at Kiana ang kaklase nilang nagbabasa ng Bibliya.
_____4. Patuloy na nakikipagkaibigan si Cheska sa iba kahit iba ang kanilang
paniniwala.
_____5. Iginagalang ni Rosa ang simbolo at paraan ng pagsamba ng kaibigan
niya.
Gawain 3
Basahin ang mga pahayag. Iguhit ang masayang mukha (☺) kung
nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba sa Diyos at malungkot na
mukha ()naman kung hindi.
____1.Sinasabihan ko ang aking nakababatang kapatid na huwag pag laruan
ang rosaryo ng aming pinsan na isang Katoliko.
____2.Hinuhusgahan ang paniniwala ng ibang tao.
____3. Hindi nag-iingay kapag may misa sa simbahan.
____4.Hindi pinagtatawanan ang kaibigang Muslim sa paraan ng pagdarasal
nila.
____5.Naiinis sa prusisyong ginagawa ng mga Katoliko.

PAGLALAHAT
Paano natin naipakita ang paggalang sa paniniwala ng iba sa Diyos?
___________________________________________________________
_______________________________________________________________
C. Engagement _ _____________________________________________________
(Pagpapalihan)

PAGPAPAHALAGA
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa
paniniwala ng iba sa Diyos. Lagyan ng tsek ( /) o ekis (x).
____1.Sinasabi ng iyong kamag-aral na higit na mabuting maging kasapi ng
kanilang relihiyon. Pinipilit ka niyang sumali sa kanila.
____2.Nakikinig nang may paggalang kapag may nagbabahagi ng kanilang
paniniwalang panrelihiyon.
D. Assimilation PAGSUSULIT
(Paglalapat) ACT
AP INTEGRATION
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag o pangungusap sa bawat bilang.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1.Gusto mong manood ng pelikula ng paboritong mong artista sa araw ng
sabado.Wala kang ibang makakasama kung hindi ang kaibigan mong Seventh
Day Adventist. Ano ang gagawin mo?
A. Pilitin ang kaibigan na samahan ka.
B. Ipagpaliban nalang ang panonood.
C. Hindi na papansinin ang kaibigan.
D. Aawayin ang kaibigan.

2.Nakita mong iba ang posisyon ng mga Muslim kapag nagdarasal sila. Isa
kang Kristiyano.Ano ang gagawin mo?
A. Igalang ang paraan ng kanilang pagdarasal.
B. Pagtatawanan sila.
C. Ipilit sa kanila ang iyong pamamaraan sa pagdarasal.
D. Tutuksuhin sila.

3.Ano ang nararapat mong gawin kapag isa sa kaibigan mo sinasabi sayo na
ang aral sa kanyang simbahan ang katotohanan?
A. Suntukin ang kaibigan.
B. Sisigawan ang kaibigan.
C. Mahinahon na makipag -usap sa kaibigan.
D. Lumakad palayo sa kaibigan.

4.Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng


iba sa Diyos?
A. Pagdalo sa kanilang pagtitipon.
B. Pagsang -ayon sa iisang Diyos
C. Pag-iingay sa oras ng kanilang pagsamba
D. Pakikinig sa kanilang aral.

5.Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa


paniniwala ng iba tungkol sa Diyos?
A. Pinagtatawanan ang batang nagbabasa ng Koran.

B. Nakikinig nang may paggalang ang mga batang Muslim habang


pinag-uusapan ang mga gawain ng Katoliko.
C. Batang tinutukso ang isang bata na may hawak na rosaryo.
D. Wala sa nabanggit.
V. PAGNINILAY
Nauunawaan ko na__________________________________.
Nabatid ko na ______________________________________.

Inihanda ni:
Ipinasa kay:

You might also like