Reviewer Sa Komunikasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Unang Kuwarter – Modyul 1

Mga Konseptong Pangwika


ARALIN 1 Ang Wika

Ayon kay Hutch (1991), ang wika ay sisitema ng tunog o sagisag na ginagamit ng tao sa komunikasyon.
Ang pagsasalita ng tao ay tinutukoy na sistema ng tunog. Binubuo ng sagisag ang isang wika. Sa
nabanggit na depinisyon, tinutukoy rin na ang wika ay para sa tao. Bagaman ang mga hayop ay mayroon
ding paraan ng komunikasyon, hindi maituturing na wika ang mga ito. Samakatuwid, ang wikang
tinutukoy sa pagtatalakay ay ginagamit ng tao sa pakikipag- ugnayan sa kanyang kapwa tao.

Ipinahayag ni Otanes (1990), na ang wika ay isang napakasalimuot na kasangkapan sa


pakikipagtalastasan. At ang paglinang sa wika ay nakapokus sa kapakinabang na idudulot sa mag-aaral na
matutunan ang wika upang makapaghanapbuhay,makapamuhay sa kanilang kapwa, at mapahalagahan
nang lubusan ang kagandahang buhay sa kanyang ginagalawan.

Wikang Panturo Ang wikang pambansa na itinadhana ng batas ay gagamitin bilang Wikang
Panturo.Gagamitin ito upang makatulong sa pagtatamo ng mataas na antas ng edukasyon. Mahalaga ang
mabilis na pag-unawa sa tulong ng wikang panturo upang makaagapay sa akademikong pag-unlad.
Magiging makahulugan ang pagkatuto gamit ang wikang panturo. Gaya ng isinasaad sa Probisyong
Pangwika ng Artikulo XIV seksyon 6 ng Saligang-batas ng 1987, kaugnay ng wikang panturo na: Ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nilinang,ito ay dapat payabungin at pagyamanin
pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at ibang pang mga wika. Dapat magsagawa ng mga hakbangin
ang pamahalaan upang ilunsad at puspusang itaguyod ang Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng panturo sa sistemang pang-edukasyon.

Wikang Opisyal Tinatawag na Wikang Opisyal ang prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa
pamahalaan, sa politika,sa komersiyo at industriya. Ipinahayag naman sa Artikulo XIV seksyon 7 ng
Saligang-batas ng 1987 na: “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang Wikang Opisyal sa
Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinadhana ang batas, Ingles.” Tinatanggap din ang Ingles na isa sa
wikang opisyal maliban sa Filipino. Maaari itong gamitin sa pakikipagkomunikasyon at edukasyon
Hangga’t walang batas na nagbabawal gamitin ang Ingles sa nasabing sitwasyon, kaagapay ito ng Filipino bilang
Wikang Opisyal.
Ayon sa aklat ni Magdalena O. Jocson sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino na
ang pagtukoy sa kahulugan ng mga konseptong pangwika,kailangan ang literal na kahulugan nito na
maaring kunin sa diksyunaryo o iba pang babasahing pangwika.Maaari rin ito sa pamamagitan ng
panayam sa mga taong eksperto sa larangan ito.Higit sa lahat ang karanasan ng mga taong gumagamit ng
wika o nagpapahalaga rito na gamit sa aktuwal na buhay sa araw-araw na pakikisalimuha sa iba’t ibang
tao,ay maaaring batayan din sa pagtukoy sa kahulugan ng mga konseptong pangwika.Sa araling ito
natutunghayan ang kahulugan ng ilang konseptong pangwika(wika,wikang pambansa,wikang panturo,at
wikang opisyal). Mayroon iba’t ibang kahulugan ng wika mula sa mga dalubwika tulad ng: Wika ay
binubuo ng tunog at sagisag na ginagamit ng mga tao sa pakikipagkomunikasyon upang magkaunawaan.
Wikang Pambansa naman ay pinagtibay ng pambansang pamahalaan at ginagamit sa pamamahala at
pakikipag-ugnaya sa mamamayan. Wikang panturo ang ginagamit upang magtamo ng mataas na antas
ng edukasyon. Tinatawag naman na wikang opisyal ang principal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa
pamahalaan at sa politika,sa komersiyo at industriya

Modyul 2: Tekstong Deskriptibo

KAHULUGAN

Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng mga impresyon at kakintalang likha ng pandama. Sa
pamamagitan ng pangamoy, panlasa, pandinig, paningin, at panlasa, itinatala ng sumusulat ang
paglalarawan ng mga detalye na kanyang nararanasan.

LAYUNIN

Ito ay naglalayong makapaglahad ng kabuuang larawan ng isang bagay, pangyayari o kaya naman ay
makapagbigay ng isang konseptong biswal ng mga bagay, pook, tao, o pangyayari.

MGA ELEMENTO (DALAWANG PARAAN NG PAGLALARAWAN)

1. Karaniwang Paglalarawan – tahasang inilalarawan ang paksasa pamamagitan ng pagbanggit sa mga


katangian nito gamit ang mgapang-uri at pang-abay. Inilalahad sa tekstong ito ang mga pisikal
nakatangian ng inilalarawan sa pamamagitan ng obserbasyon.

2. Masining na Paglalarawan – ito ang malikhaing paggamit ng wikaupang makabuo ng kongkretong


imahe tungkol sa inilalarawan.Tinatangka nitong ipakita, iparinig, ipaamoy, ipalasa at ipadama angisang
bagay, karanasan o pangyayari.
b. Metapora o Pagwawangis –

tuwirang paghahambing kaya’t hindi na kailangang gamitan ng mga salitang nagpapahayag ng


pagtutulad.
URI NG PAGLALARAWAN

1. Subhektibo – ang manunulat ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang


imahinasyon at hindi nakabatay sa katotohanan.

Halimbawa:
Sa gulang na dalawampu ay maaaninag sa binata ang kasipagan
dahil sa matipunong pangangatawan at magaspang na palad na pinanday ng
kahirapan.
2. Obhektibo – may pinagbabatayang katotohanan.

Halimbawa:
Ang perpektong kono ng Bulkang Mayon ay isang
tanawing binabalik-balikan ng mga turistang nagmumula pa sa iba’t ibang
panig ng bansa at mundo. Itinuturing itong pinakaaktibong bulkan sa bansa.

You might also like