Awiting Bayan- ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma. Subalit kalauna’y nilalapatan ito ng himig upang maihayag nang paawit at mas madaling matandaan o masaulo. Bulong- ay ginagamit bilang pagbibigay-galang o pagpapasintabi sa mga bagay o pook tulad ng punong balite, sapa at ilog, punso at iba pang pinaniniwalaang tirahan ng mga lamang-lupa, malign at ibang makapangyarihan Espiritu nang hindi sila magalit at manakit. Kundiman- ang panlalahat na katawagan sa awit ng pag-ibig. Diona o ihiman- awiting-bayan sa kasal. Oyayi o hele- awiting nagpapatulog ng sanggol. Ombayi- isang malungkot na awit Sambotani- Awit sa pagtatagumpay sa isang pakikipaglaban Dolayanin at Indolanin- Awit panlangsangan Umbay- Awit panlibing Tingud- Awit pantahanan Omiguing- Isang malambing na awit Dopayinim- Awit sa pagdiriwang sa pagtatagumpay sa isang labanan. Tingad- Awit sa pamamahinga mula sa maghapong pagtratrabaho.\ II. Gramatika: Antas ng Wika Batay sa Pormalidad Balbal- Wikang ginagamit sa lansangan. Ito ang pinakamababang antas ng wika. Hal. lespu, ermat, erpat Kolokyal- Antas ng wika na ginagamit sa karaniwang usapan at ginagamit sa pang araw-araw na pakikipag-usap. Hal. pinoy, titser, p’re, te’na Lalawiganin- Wiakng ginagamit sa isang rehiyon o isang lalawigan. Hal. kwarta (pera), kaunin (sunduin), abiarin (asikasuhin), balay (bahay). Teknikal- Ginagamit sa isang tiyak na disiplina o sitwasyon. Hal. Internet, Facebook, Youtube, Windows. Pampanitikan- ang pinakamataas na antas ng wika na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akdang pampanitikan kabilang dito ang matatalinghagang salita at pahayag na nagbibigay pahiwatig, simbolismo at larawang diwa. Hal. mahal na tao, nalalagas ang dahoon, kisap mata. III. Gramatika: Mga Pahayag sa Paghahambing 1) Hambingang magkatulad – Ang dalawang tao, bagay, lunan o pangyayaring pinaghahambing ay magkatulad, pareho o timbang. 2) Hambingang di-magkatulad – Ang dalawang tao, bagay, magkasing-, at ga-, gangga-. a) Hambingang Palamang- Malaki, mataas ang uri o nakahihigit ang itinulad sa pinagtutularan, nakikilala ito sa pamamagitan ng: b) Hambingang Pasahol – Maliit, alangan, mababa ang uri ng inihahambing sa pinaghahambingan. Naipapakita ito sa pamamagitan ng paggamit ng sumusunod: di- gasino, di-gaano, di-totoo, di-lubha. IV. Mga Elemento ng Dula Iskrip o nakasulat sa dula- ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sad ula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip. Gumaganap o Aktor- nagsasabuhay sa mga tauhan sad ula; sila ang nagpapahayag ng diyalogo. Tanghalan- Anumang pook na pinagpasiyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan. Tagadirehe o director- nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nagsasagawa ng nilalaman ng iskrip mula sa pagpasiya sa hitsura ng tagpuan. Manonood- Hindi maituturing na dula ang isang biangsagang pagtatanghal kung walang manonood sapagkat layunin ng dula ay maitanghal sa mga manonood. V. Pang-Ugnay Pang-ugnay: nag-uugnay sa isang salita. Halimbawa: at, pati, saka, o, ni, maging, subalit, ngunit, kung, bago, upang, dahil sa, sapagkat, palibhasa, kaya, sana, totoo, tunay, talaga, pero, at kung. VI. Mga Elemento ng Maikling Kuwento 1. TAUHAN- mga gumanap sa kuwento. 2. TAGPUAN- tumutukoy sa lugar kung saan nangyari ang kuwento. 3. PANAHON- kalagayaan ng klima o atmospera ng lugar. 4. PAKSA- naglalaman ng mensahe ng may akda o layunin ng pagkaksulat ng kuwento. 5. BANGHAY- Ito ang pagka sunod-sunod ng isang kuwento. a) Panimula- diti nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin ipinapakilala ang tauhan ng kuwento. b) Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang nasasangkot sa suliranin. c) Tunggalian- suliranin ng kuwento. d) Kasukdulan- Makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyang ipinaglalaban. e) Kakalasan- tulay sa wakas. f) Wakas- Kahihinatnan ng kuwento. VII. Denotasyon at Konotasyon Denotasyon- kahulugan ng salita na literal na pagpapakahulugan. HAL. Bola: Laruan Konotasyon- kahulugan ng salita o pahayg kapag ito ay hindi tuwiran. Ikalawang kahulugan, sariling pagkakahulugan. HAL. Bola: Niloloko o Binibiro lamang.