Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Mayna T.

Baklayan BSED III-B

Kasaysayan ng Dula sa panahon ng Katutubo at Kastila

Dula - Akdang pampanitikan na isinulat para itanghal sa entablado na kung saan may mga
tauhan rito na gumaganap na naglalarawan ng buhay o ugali ng tao.

PANAHON NG KATUTUBO

 Sa Pilipinas, katulad ng ibang mga bansa, ang mga kauna-unahang itinanghal o panoorin
ng mga Pilipino noon ay ang mga makalumang Ritwal at seremonya.
 Ang Ritwal o Seremonyang isinadula ay karaniwang patungkol sa pananampalataya, ang
mga ito ay ginagawa sa iba't-ibang okasyon katulad ng;
 Papuri sa mga namatay na bayani
 Pagdiriwang dahil sa pananagumpay sa digmaan
 Paggamot sa may- sakit
 Ayon kay CASANOVA, ang mga katutubo ay likas na mahilig sa mga awit, sayaw at tula
na siyang pinag-ugatan ng mga unang anyo ng dula.

Ilan sa mga awiting bayan na maituturing na pinag-ugatan din ng dula ay ang mga sumusunod;

 Soliranin - Awit sa paggaod/sagwan


 Tandilaw - Awit sa pamamangka
 Diona - Awit sa kasal
 Oyayi - Awit sa paghehele o pagpapatulog ng sanggol
 Dalit - Himno/Hymm
 kumintang - Awit sa pakikipagdigma
 Halohoo - Awit sa pagpapatahan ng sanggol
 Tagulaylay - Awit kapag may namamatay
 Umbay - Awit sa kalungkutan/pagluluksa
 Sa paglipas ng panahon nagkaroon na ng sariling anyo ang dula ng mga katutubong
pilipinobago paman dumating ang mga kastila.

Karaniwang itinatanghal sa ;

 Liwasang bayan
 Maluwang na bakuran
 Sa tahanan ng maharlika
 Templo
 Sa tabing ilog

 Ang pagtatanghal ng dula noon ay karaniwang isinasabay sa tuwing may mahahalagang


okasyon o pagtitipon gaya ng pista o handaan at iba pa.

Karaniwang pinapaksang dula noon;

 Pag-ibig
 Pakikidigma
 Pinagmulan ng mga bagay bagay
 Tungkol sa kabutihan ni bathala
 Kadalasan sa pagtatanghal nila ay may kasamang awit at sayaw, at ang diyalogo ay
karaniwang nasa anyong patula.

PANAHON NG KASTILA

 Sa pagsakop ng mga kastila sa Pilipinas, ang pinakalayunin nila ay ang palaganapin ang
kristiyanismo kaya sa panahon ng kanilang pananakop napakahalaga ng papel na
ginagampanan ng aimbahan sa pag-unlad ng mga Pilipino sa sining at kultura.

Mga naitanghal noon;

 Sta.Barbara - Naitanghal sa Bohol nong 1609


 Dulang may kinalaman sa himala
 Pagsilang kay Hesus bago ang pasko

Tatlong uri ng dula;

Dulang Pantahanan

 Duplo - isang laro na may kaugnayan sa kamatayan ng isang tao at ito ay ipinapalabas
bilang pang-aliw sa mga naulila.
 Karagatan - ang larong ito ay ipinapalabas bilang pangaliw sa mga naulila.
 Huego de prenda - ginaganap bilang parangal sa isang may kaarawan, sa isang mataas
na pinuno ng pamahalaan o isang tanyag
 Pamamanhikan - tungkol sa pag - ibig, pagliligawan at pagpapakasal.
 Panubong - Mahabang tula na nagpaparangal sa may kaarawan o kapistahan
Dulang Panlansangan
 Panunuluyan - tungkol sa paghahanap ng matutuluyan ni Maria at Jose upang iluwal ang
sanggol na si Hesus
 Mariones - (Mindoro at Marinduque) - ginaganap tuwing mahal na araw.
 Salubong - Tumutukoy sa muling pagkikita ni Birheng Maria at Hesukristo.
 Tibag - pagtatanghal tuwing buwan ng mayo, ang paghahanap ni reyna Elena sa crus na
pinagpakuan kay Hesus.
 Flores de mayo (Santa Cruzan) - pagpaparada sa crus na pinagpakuan ni Hesus sa
lansangan at paghatid nito sa simbahan

Dulang pang-entablado

 Karilyo - pagpapagalaw ng mga anino ng mga pirapirasong kartonng hugis tao, hayop,
bagay at iba pa sa likod ng kumot na puti at may ilaw.
 Senakulo - Pagsasalay sa buong buhay at kamatayan ni Hesus.
 Moro-moro - Tungkol sa laban ng Muslim at Kristiyano.
 Sarswela - komedya o melodramang may kasamang tugtog.

You might also like