Download as rtf, pdf, or txt
Download as rtf, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalawang paksa: Mga Dahilan o Sanhi ng Migrasyon

ang pag alis ng tao sa dating tirahan ay bunsod ng ibat ibang salik. ito ay maaaring push factor o di kaya'y
pull factor

A. push factor na dahilan - mga negatibong salik na nagiging dahilan ng migrasyon

- maaaring ang paglipat nila sa lungsod ay bunsod ng hindi kanais nais na karanasan mula sa kanilang
bayan. Ang push factor ay may tatlong salik na nagiging dahilan ng migrasyon. Una na dyan ang
paghahanap ng payapa at ligtas na lugar na matitirhan

1. Paghahanap ng payapa at ligtas na lugar na matitirhan


- Walang sinoman ang nagnanais na tumira sa isang magulong lugar na maaaring magdulot ng panganib
sa kanya. Maraming mga tao ang napipilitang lumipat ng lugar na matitirhan dahil sa mga hindi
magagandang nangyayari sa kanilang lugar na pinagmulan. Nais nilang takasan ang kaguluhan na
maaaring magdulot ng kapahamakan o banta sa kanilang buhay at ariarian. Isang halimbawa nito ay ang
pag-alis ng mga mamamayan ng Marawi noong kasagsagan ng pananalakay ng Maute Group doon.

Libu-libo sa ating mga kababayan sa Lungsod ng Marawi ang umalis ng lungsod. Sa tantiya ng
pamahalaan, umabot sa dalawang daang libo na residente ang umalis sa Marawi. Humigit-kumulang
pitumpu bahagdan sa mga ito ang pansamantalang nanirahan sa mga government shelters na
matatagpuan sa Iligan, Cagayan de Oro at Lanao del Norte noong Mayo 2018. Sa ulat naman ng United
Nations, umabot sa dalawang libo't limang daan na mga katutubong Lumad ang umalis noong Disyembre
2017. Noong Mayo 2018, pitumpu bahagdan ng mga residente ng Marawi ang nakabalik na sa lungsod.
Sa ulat na inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), 64, 364 na pamilya ang
nakauwi na sa lungsod noong Hulyo 2018.

- at pangalawa sa bahagi ng push factor ay ang paglayo o pag iwas sa kalamidad

2. Paglayo o pag-iwas sa kalamidad


- Hindi maikakaila na ang Pilipinas ay daanan ng mga bagyo at iba pang kalamidad. Sa mga panahong ito,
nangyayari ang paglikas sa mga taong nasasalanta ng kalamidad. Naiiwan doon ang kanilang mga bahay
at ari-arian, maging ang mga alagang hayop. Ang mahalaga, ang mga taong ito ay napupunta sa mas
ligtas na lugar na tinatawag na evacuation center

- at ang panghuli ay ang pagnanais na makaahon mula sa kahirapan

3. Pagnanais na makaahon mula sa kahirapan


- Ang kahirapan ay isa sa mga problemang kinakaharap ng maraming Pilipino. Ito ay tumutukoy sa
kondisyon ng tao kung saan mayroon siyang kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng
pagkain, tubig, maayos na tirahan, damit at iba pa. Dahil sa kahirapan, kadalasang napagkakaitan ang
mga mahihirap ng oportunidad sa buhay. Subalit, para naman sa iba nating kababayan, ang kahirapan ay
isang hamong kailangan nilang labanan. At isa sa mga paraan upang makaahon mula sa pagkakasadlak sa
kahirapan sa buhay ay ang pakikipagsapalaran sa ibang lugar o bansa. Maraming Pilipino ang
naghahanap ng trabaho sa ibang lugar sa Pilipinas o sa ibang bansa upang hanapin ang magandang
kapalaran sa bansa o lugar na kanilang pupuntahan. Ito ay makatutulong para sa kanila at sa kanilang
mga pamilya upang makaahon mula sa kahirapan sa buhay.

You might also like