Professional Documents
Culture Documents
Lakbay SANAYSAY13
Lakbay SANAYSAY13
Byaheng Tagaytay
Nagsimula ang mahabang araw namin sa isang matinding pagsubok at ito ang
maagang paggising. Habang pilit naming binubuksan ang aming mga antok na mata,
maagang dumating ang magarang sasakyan na aming gagamitin, kaya't kami ay
nagmadaling mag-ayos ng aming sarili at mga kailangang gamit para sa paglalakbay.
Mahigit alas sais na ng umaga nang kami ay nakaalis mula sa aming tahanan, subalit
sa hindi inaasahang pangyayari, naipit kami sa matinding trapiko. Habang naghihintay
kami sa biyahe, ang aking atensyon ay nahatak ng mga magagandang tanawin na
aming dinadaanan. Isa na rito ang kahanga-hangang tanawin ng Taal Lake, kung saan
nasaksihan ko ang mga kalderya ng isang malaking prehistorikong bulkan.
Matapos ang mahabang biyahe, ang unang lugar na aming pinuntahan bago
kami pumunta sa Tagaytay ay ang Caleruega Church sa Nasugbu, Batangas. Ito ay
isang kahanga-hangang simbahan na matatagpuan sa tuktok ng pinakamataas na
burol, na napapalibutan ng malawak at kamangha-manghang tanawin ng sariwang
kapaligiran. Sa mismong pagpasok pa lang sa simbahan, malalaman mo agad na ang
pagbayad ng maliit na halaga para makapasok ay sulit na dahil sa lawak ng espasyo na
meron ito. Mayroong mga istasyon sa bawat sulok at mayroon ring isang hanging
bridge na kahanga-hanga dahil sa taglay na tibay nito. Nagtagal kami roon ng halos
isang oras, at sa dami ng mga litratong aking nakuha, pakiramdam ko ay agad akong
napuno ng mga alaala na hindi ko kailanman malilimutan. Pagkatapos, ipinagpatuloy na
namin muli ang byahe patungong Tagaytay.
Pagdating namin sa Tagaytay, ang una naming pinuntahan ay ang Picnic Grove,
kung saan kami ay nagtagal ng halos tatlong oras. Sa loob ng tatlong oras na iyon,
pinawi namin ang aming gutom sa pamamagitan ng mga dala-dalang masasarap na
pagkain. Pinili naming rentahan ang pinakamalaking kubo kung saan tanaw ang buong
tanawin ng Taal Lake. Habang hinihintay namin ang paglubog ng araw, ginugugol ko
ang aking oras sa paglilibot sa buong lugar at pagkuha ng mga litrato. Pagkatapos,
sinundan namin ang aming paglalakbay sa isang tanyag na lugar na tinatangkilik ng
karamihan, ang Skyranch Tagaytay. Mayroong mga atraksyon dito na maaaring
subukan at sa aking karanasan, ang Log Coaster ang tumatak sa aking isipan dahil
sinubok nito ang aking takot sa matataas na lugar. Sa bahagi ng aming paglalakbay na
ito, ito ang pinakamatagal sapagkat nilaan namin ang limang oras dito.
Realisasyon: