Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Worksheet in Audio lesson in Filipino VI

Pagsagot sa tanong na Bakit at Paano?


Layunin: Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano sa kuwento. (F6PB-If-
3.2.1)
Guided Activity:

Basahin ang talatang “Likas na Yaman” at sagutin ang mga katanungan:

LIKAS NA YAMAN
Sagana sa likas na yaman ang ating bansa. Mabibilang mo rito ang
yamang kagubatan na matatagpuan ng iba’t-ibang pununkahoy, ibon at
hayop. Subalit ang mga ipinagmamalaki nating mga likas na yamang ito’y
unti-unti nang naglaho. Sa kasalukuyan, patuloy pa ring pinuputol ang mga
puno sa ating mga kabundukan. Bunga ng pagkawala ng mga puno, nawawala
na rin ang mga ibon at mga hayop na naninirahan ditto. Wala na ang mga ugat
na mga punungkahoy na sumisipsipng tubig kaya’t madalas nag pagbaha.
Sino kaya ang maaaring sisihin sa mga pangyayaring ito? Bilang mamamayang
Pilipino, paano natin maililigtas ang ating kagubatan at kapaligiran na patuloy
na sinisira ng ibang kababayan
natin?

Sagutin ang sumusunod:


a. Bilang isang responsableng mamamayan, paano mo matutulungan ang
ating likas na yaman
na mapanitili ang kagandahan nito?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________
b. Bakit umabot sa punto na nawala ang mga ibon at hayop sa kagubatan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________
c. Paano mo maliligtas ang mga hayop sa kagubatan sa kapahamakan na
naghihintay sa
kanila?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________
Individual Activity:
Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Mga Tanong
1. Ano ang pamagat ng kwento?
2. Bakit naghirap ang bnsong anak??
3. Paano siya nabuhay noong naghirap na siya?
4. Bakit hindi nagalit ang kanyang ama sa bunsong anak?
5. Paano siya tinanggap muli ng kanyang ama??

Karagdagang mga Gawain:


Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Anong Oras Na?


Mary Ann F. Vidallo
Isang malakas na tunog ng alarm clock ang gumising kay Buknoy. Sinundan
ito ng tapik sa kaniyang balikat ng kaniyang ina nang mapansing halos ayaw
pa niyang bumangon sa higaan. Laging ganito ang senaryo sa umaga bago siya
makapasok ng paaralan. Kung minsan pa nga’y mas nagigising ang dugo niya
sa sigaw ng kaniyang nanay lalo na kapag kilos pagong siya sa umaga.
“Wala ka bang planong pumasok, Buknoy? Sinabi ko na sa’yong tigilan mo
yang pagbababad sa kompyuter kung hindi mo magawang gumising nang
maaga. Anong oras na? Hindi ka ba nahihiya sa titser mo at lagi kang huli sa
klase ninyo?” paulit-ulit na tanong ng kaniyang ina sa mga araw na may pasok
siya.
Kapag narinig na niya ang ganitong litanya ng kaniyang ina, saka pa lamang
siya mapipilitang bumangon at magmadali sa paliligo. Kung minsan pa nga’y
di na niya nagagawang mag-almusal dahil ayaw niyang marinig ang iba pang
sasabihin ng kaniyang ina. Sa isip-isip niya hindi niya kailangang magmadali
dahil sampung dipa lang naman ang layo ng kanilang bahay sa kanilang
paaralan. Ang pinagtataka lamang niya sa tuwing papasok siya ng klase ay
laging nauuna sa kaniya ang kaniyang mga kamag-aral at ang kaniyang guro
sa Filipino na si Bb. Maliksi.
“Anong oras na, Buknoy? Bakit huli ka naman? Hindi ba’t diyan lang ang
bahay niyo?” ito naman lagi ang bungad sa kaniya ng kaniyang guro.
Mapapakamot naman siya sa ulo at hihingi ng patawad sa pagkahuli sa klase.
Tulad sa mga tanong ng kaniyang Nanay Linda, hindi niya rin kayang sagutin
ang mga tanong na ito ng kaniyang guro sa tuwing nahuhuli siya sa pagpasok.
Mas matimbang sa kaniya ang paglalaro ng mga computer games kaysa pag-
aaral. Hindi naman niya masabi na ito ang dahilan sapagkat alam niyang mali
ang kaniyang ginagawa
Lunes ng umaga, huli na naman siyang dumating sa klase pero nagulat siya
dahil may nakasabay siyang kaklase. Napangiti siya dahil hindi lang siya ang
mapapagalitan ngayon kundi dalawa na sila. Sa kaniyang paglapit sa may
pintuan, nagtataka siya kung bakit ayaw pang pumasok ni Gido.
“Bakit hindi ka pa pumapasok? Natatakot ka ba kay mam? Ako? Hindi na
syempre! Sanay na akong mapagalitan eh! tila may pagmamayabang pa sa
pagsasalita ni Buknoy. Hindi naman umiimik ang kaniyang kausap.
Nakayuko lamang ito at mukhang nahihiya sa pagkahuli sa klase.
Ilang sandali pa, lumapit sa kanila si Bb. Maliksi. Hindi na siya tinanong nito.
Naisip niya na baka nanawa na ito sa katatanong sa kaniya kung bakit huli na
naman siya sa klase. Si Gido ang hinarap nito.
“Bakit nahuli ka ngayon sa pagpasok sa klase ko? Hindi ka naman
nahuhuli dati hindi katulad nitong si Gido.” tanong na may pagtataka ng
kanilang guro.
“Ipagpaumanhin niyo po, Bb. Maliksi. Hindi na po mauulit. Sisikapin ko pong
makauwi nang maaga pagkatapos kong magtinda ng sampagita sa gabi. Medyo
ginabi lang po kami ng uwi ng bahay kahapon dahil pinaubos namin ni Nanay
ang mga paninda.” mahinahong tugon ng kaniyang kaklase.
“Ganoon ba? Sige, pumasok na kayo para makapagsimula na tayo ng
pagkaklase.” ang sagot naman ni Bb.Maliksi sabay tapik sa balikat ni Gido.
Sa mga sandaling iyon, tila napahiya naman sa sarili si Buknoy. Natulala siya
sa kaniyang kinauupuan. Naisip niya ang kalagayan ng kaniyang kaklaseng si
Gido na malayo sa masarap na buhay na tinatamasa niya. Hindi naman sila
mayaman pero alam niyang nakukuha niya ano man ang hilingin niya sa
kaniyang mga magulang. Tulad na lang ng kinahuhumalingan niya ngayon na
paggamit ng kompyuter dahil sa mga laro tulad ng Dota.
Dahil sa nangyari nang araw na iyon, pinilit ni Buknoy na pigilan ang sarili na
magbabad sa paggamit ng kompyuter. Pagdating ng bahay ay ginawa niya
muna ang kaniyang mga takdang-aralin. Pagkatapos maghapunan, naglaro
lamang siya sa loob ng 30 na minuto. Bago matulog ay inihanda na niya ang
mga gamit sa pagpasok. Siniguro niya na alas-9 ng gabi ay tulog na siya
sapagkat alas-5 ng umaga kailangang gising na siya upang hindi mahuli sa
klase ni Bb. Maliksi.
Kinaumagahan, sa unang tunog pa lang ng kaniyang alarm clock ay dali-dali
siyang bumangon. Hindi niya narinig ang maagang sermon ng kaniyang ina
bagkus isang matamis na ngiti ang sumalubong sa kaniya pagpasok niya ng
kusina para magalmusal. Mabilis siyang kumilos ngayon na tila nakikipag-
unahan sa orasan. Maaga rin siyang umalis ng bahay.
Sa gate ng paaralan ay nakasabay niyang pumasok si Bb. Maliksi. Malayo pa
lang ay nakangiti na ito sa kaniya. “Ang aga mo ngayon ah! Sana tuloy-tuloy
na iyan…” wika nito sa kaniya sabay tapik sa kaniyang balikat. “Ang sarap
pala sa pakiramdam na ngiti ang bubungad sa umaga ko at hindi ang sermon
ni Nanay at ni Mam Maliksi.” ang naibulong ni Buknoy sa kaniyang kaibigan
na si Bengie
Nagustuhan niyo ba ang kwentong inyong napakinggan? Mahusay! Ngayon ay
ating susubukin kung naunawain niyo ang kwento?
Sagutin lamang ang mga katanungang ito!
1. Ano ang dahilan sa pagiging huli sa klase ni Buknoy?
2. Anong dahilan ng pagbabago ni Buknoy?
3. Bakit nahiya sa kaniyang sarili si Buknoy?
4. Sa iyong palagay, naipagpapatuloy pa ba ni Buknoy ang kaniyang maling
gawi?
5. Anong pangyayari sa iyong buhay ang maaari mong iugnay sa kuwento?
6. Sa paanong paraan magiging ganap ang pagbabago ni Buknoy?

Inihanda ni :

EDUARDO A. ZAMORA, JR.


Teacher III

You might also like