Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Fellowship of Christian Community July 16, 2017

Title: “Asikasong may Pag-ibig”


Text: Gawa 16:14-15
Introduction:

“Kabilang dito ang isang nagngangalang Lydia, taga Tiatira


at mangangalakal ng mga telang purpura. Siya’y matakot sa
Diyos. Binuksan ng Panginoon ang kanyang isip at siya’y
naniwala sa ipinangangaral ni Pablo. Nagpabautismo siya, at
ang mga kasambahay niya, “Kung itinuturing po ninyo
akong tapat na lingkod ng Panginoon, doon na kayo tumuloy
sa amin.” Mahigpit ang kanyang anyaya kaya’t hindi naming
mapahindian.”

1
I). Asikasong mapagkaloob.

“Ibig kong Ibalita sa inyo, mga kapatid, ang nagawa ng pag-


ibig ng Diyos sa mga Iglesya sa Macedonia. Dumanas sila ng
matinding kahirapan at ito’y isang mahigpit na pagsubok sa
kanila. At sa kabila ng kanilang paghihikahos, masayang-
masaya pa rin sila at bukas palad sa pagbibigay. Sila’y kusang
loob na nag-aabuloy hindi lamang ayon sa kanilang kaya,
kundi higit pa. alam ko ito pagkat mahigpit nilang
ipinamamanhik sa akin na sila’y bigyan ng pagkakataong
makatulong sa mga kapatid sa Judea.

2Corinto 8:1-4

“Nang ako’y nasa Tesalonica na, makailan ulit ding


pinadalhan ninyo ako ng tulong. Hindi sa hangad kong laging
tumanggap ng mga kaloob; ang nais ko’y sumagana ang
pakinabang na tatanggapin ninyo. Narito ngayon ang
katibayan ng labis-labis na kaloob ninyo sa akin. Higit pa sa
aking mga pangangailangan ang tulong ninyo sa akin na dala
ni Epafrodito. Ang mga ito ay masasamyong handog sa
Diyos, mga haing kalugod-lugod at kaaya-aya sa kanya.

Filipos 4:16-18

2
“Turuan mo silang gumawa ng mabuti, magpakayaman sa
mabubuting gawa, maging bukas ang palad at matulungin sa
kapwa.”

1Timoteo 6:18

II). Asikasong magiliw.

“Ang Magiliw na salita ay nagpapasigla ng buhay, Ngunit


ang mahayap na pangungusap ay masakit sa kalooban.”

Kawikaan 15:4

“bagamat may katwiran kaming maghintay niyon bilang


mga apostol ni Cristo. Naging magiliw kami sa inyo tulad na
isang mapagkalingang ina sa kanyang mga anak. Dahil sa laki
ng aming pagmamahal sa inyo, itinalaga naming ang aming
sarili sa pangangaral sa inyo ng Mabuting Balita. Hindi
lamang iyan, pati na aming buhay ay inihahandog naming,
kung kakailanganin. Lubusan na kayong napamahal sa amin.”

1Tesalonica 2:7-8

3
“At kilala sa paggawa ng mabuti, napalaki nang maayos ang
kanyang mga anak, magiliw tumanggap sa mga nakikituloy sa
kanyang tahanan, naglingkod sa mga hinirang ng Diyos,
tumulong sa nangangailangan, at itinalaga ang sarili sa
paggawa ng mabuti.”

1Timoteo 5:10

4
III). Asikasong maaruga.
“Ipinamamanhik kong alagaan ninyo ang kawan
ipinagkatiwala sa inyo ng Diyos. Pamahalaan ninyo ito nang
maluwag sa loob, hindi napipilitan lamang, sapagkat iyan ang
ibig ng Diyos. Gampanan ninyo ang inyong tungkulin, hindi
dahil sa masakim na paghahangad ng sariling
kapakinabangan, kundi sa katuwaang maglingkod, hindi
bilang panginoon ng inyong nasasakupan, kundi bilang uliran
ng inyong kawan.”

1Pedro 5:2-3

“Walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan,


bagkus ito’y pinakakain at inaalagaan, gaya ng ginagawa ni
Cristo sa iglesya.”

Efeso 5:29

“Lumapit siya, binusan ng langis at alak ang mga sugat


nito at tinalian. Saka isinakay ang tao sa kanyang sinasakyang
hayop, dinala sa bahay-panuluyan, at inilagaan doon.”

Lucas 10:34

5
Conclusion:

“Pagkakain nila, tinanong ni Jesus si Simon Pedro, “Simon,


anak ni Juan, iniibig mo ba ako nang higit kaysa mga ito?”
“opo Panginoon, nalalaman ninyong iniibig ko kayo, “tugon
niya. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Pakainiin mo ang aking mga
batang tupa.”Muli siyang tinanong ni Jesus, “Simon anak ni
Juan, Iniibig mo ba ako?” Sumagot si Pedro, Opo Panginoon,
nalalaman ninyong iniibig ko kayo.” Ani ni Jesus,
Pangalagaan mo ang aking mga tupa.” Pangatlong ulit na
tinanong siya ni Jesus, “Simon anak ni Juan, iniibig mo ba
ako?” Nalungkot si Pedro sapagkat makaitlo siyang tinanong:
“Iniibig mo ba ako?” At sumagot siya, “Panginoon nalalaman
ninyong iniibig ko kayo.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Pakainin
mo ang aking mga tupa.”

To God be the glory!!!


Amen!!

God bless!!

You might also like