Patitalum

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Antonio Rhys Luna Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

HUMSS – 103 Melchora Aquino Gng. Salvy Robles

Pamagat: “Kapootang Panlahi”


Layunin: Mag-Bigay Alam sa lahat kung ano ba ang “Racism” at ang nagiging epekto sa
Lipunan

Magandang umaga ginang at aking mga kamag-


aral.
Aking napili ang paksang “Racism” o sa tagalog ay kung tawagin ay Kapootang Panlahi
dahil isa ito sa mga nangungunang isyu na ikinakaharap ng buong mundo, at bilang isang
social sciences student nakikita ko na dapat tugunan ang isyung ito dahil ito ay
nakakaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay ng lahat.

Pero bago tayo dumapo sa mismong paksa atin munang alamin kung ano nga ba ang
“Racism” o ang kapootang panlahi. Ito ay isang malalim na suliranin na patuloy na
nagbibigay ng pinsala sa ating lipunan, Hindi ito tama at hindi dapat tayo magpatuloy
manahimik.
Sa pag-aaral ng kasaysayan, Marami tayong natutunan tungkol sa epekto ng rasismo sa
ating bansa, Mula sa panahon ng digmaan sa pag-aapakan at diskriminasyon dahil sa
kulay ng ating balat,wika o lahi, ngunit dapat tayo magbago

Ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang kakayahan, Karapatan, at pagkakakilanlan.


Walang una o huli sa atin batay sa ating lahi o kulay ng balat. Ang bawat isa ay dapat
tratuhin ng may respeto at pagkapantay-pantay

Mahalaga na tayo’y magtulungan upang ang rasismo sa ating lipunan ay masolusyunan.


Sa huli, tayo ay may respnsibilidad na itaguyod ang isang lipunang malaya mula sa
rasismo. Hindi ito Madali, ngunit sa pagkakaisa natin maaring magbago ang ating lipunan
tungo sa isang mas makatarungan at mag-kapantayang lipunan.

Maraming salamat at Magandang hapon muli sa inyong lahat.

You might also like