Fil 8 1ST Quarter

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

CITY OF MATI NATIONAL HIGH SCHOOL

SY 2020-2021
UNANG MARKAHAN
Lagumang Pagsusulit sa Filipino 8

Pangangalan:___________________________________________ Marka:______________
I. PAGPIPILIAN
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
(Para sa bilang 1-5: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bugtong at sawikain.)

_____1. Lantang gulay


A. sira na ang gulay C. sobrang pagod
B. lanta na ang gulay D. sobrang tulog
_____2.Makapal ang palad
A. makalyo ang palad C. masipag
B. malikhain D. matulungin
_____3. Maikling landas, di maubos lakarin.
A. anino B. daan C. sapatos D. tsinelas
_____4. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.
A. baso B. batya C. lata D. tabo
_____5. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
A. alitaptap B. gamu-gamo C. paruparo D. tutubi

(Para sa bilang 6-9: Tukuyin ang kasalungat na kahulugan ng sumusunod.)

_____6. Iba ang tabas ng mukha.


A. Bilog ang mukha. C. Mahaba ang mukha
B. Maganda ang mukha. D. Makinis ang mukha.
_____7. pabalat-bunga
A. mali B. peke C. tama D. tunay
_____8. ibang babae
A. asawa B. kaibigan C. kamag-anak D. kinakasama
_____9. nagbibilang ng poste
A. maraming poste C. nangangarap
B. may trabaho D. walang trabaho

(Para sa bilang 10-15: Punan ng angkop na pariralang may paghahambing ang patlang
upang mabuo ang diwa ng salawikain at kasabihan.)

_____10. Ang tunay na kaibigan sa buhay ay kapilas, totoong mahalaga _____.


A. katulad ng isang ginto C. katulad ng isang pilak
B. katulad ng isang hiyas D. katulad ng isang diyamante
_____11. _________________ ng kalusugan ay ang kayamanan.
A. Ang kabilang C. Ang kapareha
B. Ang kakambal D. Ang kapares
_____12. Ang pagkakaibigan ay paghahanap ng ____________________.
A. kasama na kadugo C. kaanak ngunit hindi kadugo
B. kaanak na kadugo D. katrabaho ngunit hindi kadugo
_____13. Ang tunay na kaibigan ay ______ ang masasakit na katotohanan sa iyong harapan at
kayang sabihin sa iba ang magaganda mong katangian.
A. lalong sasabihin C. kapwa kayang sabihin
B. mas kayang sabihin D. di-hamak na kayang sabihin
_____14. _______ ang maglakad sa kawalan kasama ang kaibigan, kaysa maglakbay nang mag-isa
sa liwanag at karangyaan.
A. Mas magaan sa pakiramdam
B. Mas mabigat sa pakiramdam
C. Parehong mabigat sa pakiramdam
D. Di-gaanong mabigat sa pakiramdam
_____15. Ang batang walang pinag-aralan ay ____________na di makalipad.
A. kapares ng ibon C. kapares ng paro-paro
B. kapares ng tutubi D. kapares ng eroplano
(Para sa bilang 16-20: Basahin ang talata sa loob ng kahon at sagutin ang mga tanong sa ibaba.)

(1)Likas sa kaugalian nating Pilipino ang pagtulong sa kapwa saan man tayo mapadpad. (2)Ito
_____16. Ano ang pinapaksa ng talata?
A. pagtutulungan B. pagkakaisa C. pagmamahal D. pagtitiwala
_____17. Aling kaugaliang Pilipino ang masasalamin sa talata?
A. pagmamano B. pagbibigay ng donasyon C. bayanihan D. pagpapasalamat
_____18. Alin sa sumusunod ang pangunahing kaisipan ng talata?
A. Pangungusap 1 B. Pangungusap 2 C. Pangungusap 4 D. Pangungusap 5
_____19. Bilang kabataan, paano mo maipapakita ang pagtulong sa kapwa?
A. Sumali sa mga organisasyong pangkabataan.
B. Dumalo sa mga pagpupulong sa programang pangkabataan.
C. Makipagsangguni sa barangay sa mga programang pangkabataan.
D. Mag-volunteer sa paggayak at pamimigay ng mga tulong para sa frontliners.
_____20. Ano ang angkop na pamagat sa talata?
A. Kapit-bisig B. Namanang Kaugalian C. Pagmamahal D. Pagtulong sa kapwa
(Para sa bilang 21-25: Piliin ang tamang sagot.)
_____21. Suriin ang katangian ng pananaliksik batay sa pahayag na;
“Sa pananaliksik, mayroon itong proseso o magkasunod-sunod na hakbang na dapat sundin tungo
sa pagtuklas sa kasagutan sa anumang layunin ang pananaliksik.
A. impormatib B. kontrolado C. objektib D. sistematik
_____22. Pinangkat na ni Jacob ang kanyang mga nagamit na sanggunian. Inilista niya sa papel
ang pangalan ng may-akda, pamagat ng aklat, tagapaglimbag, at taon ng pagkakalimbag. Nasa
anong hakbang na siya ng pananaliksik?
A. Pagrerebisa C. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas
B. Pagpili ng Paksa D. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpi
_____23. Ang sumusunod ay tama hinggil sa kahulugan ng pananaliksik maliban sa?
A. Ang pananaliksik ay isang pagtatangka na makakuha ng mga sagot sa suliranin.
B. Isang proseso ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng haka-haka.
C. Isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang
tiyak na paksa o suliranin.
D. Ang pananaliksik ay isang maingat at mapanuring pag-aaral tungkol sa isang bagay sa
layunin na mabigyan ng maling impormasyon ang ilang katanungan ng pananaliksik.
_____24. Ito ay ang talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report,
peryodiko, magasin, at iba pang nailathalang materyal maging ang Internet.
A. balangkas B. burador C. bibliyograpi D. manuskrito
_____25. Ito ay ang pagsusuring mabuti sa mga inihandang tentatibong balangkas upang matiyak
kung may mga bagay bang kailangang baguhin o ayusin.
A. Pagpili ng Paksa
B. Ang Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas
C. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpi
D. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline

You might also like