Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1. Nang dumating ang mga panauhin ( a. nagluto b. nagluluto c. lulutuin d.

kaluluto )
lamang ng inihandang pagkain sa kanyang kaarawan.
2. Umuwi galing ibang bansa ang mag-anak ni Mang Arnold para sa anibersaryo ng kanyang
ama
at ina. Ang pandiwa na may salungguhit ay nasa aspektong
a. naganap b. nagaganap c. magaganap d. kagaganap
3. Ang aking Kuya Marvin ay ( a. umalis b. umaalis c. aalis d. alis ) papuntang Bacolod
kahapon upang saksihan ang Masskara Festival.
4. ( a. Mamimili b. Namimili c. Namili d. Bili ) sila mamaya ng mga pagkain para sa
paghahanda sa kapistahan ng Nuestra Senora de Penafrancia,
5. Isa-isang dumating ang mga panauhin ni Gabriel sa piesta ng kanilang Barangay. Ano ang
pandiwa o salitang kilos sa pangungusap?
a. panauhin b. kanilang c. dumating d. isa-isang
6. ( a. Nag-aaral b. Nag-aral c. Mag-aaral d. Aral ) kami ng leksyon araw-araw tungkol sa
kasaysayan sa panahon ng mga Espanyol.

7. Naghahanap si Albert ng mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat


para sa kanyang gagawing proyekto sa Filipino. Anong sanggunian ang
dapat niyang gamitin?
a. diksyunaryo c. tesawro
b. almanac d. peryodiko
8. Kailangan ng grupo ni Esther at Josh ang mga impormasyon tungkol sa isang
lugar tulad ng lawak nito, layo,anyong lupa at tubig para sa kanilang
pag-uulat sa klase, Ano ang dapat nilang sangguniin?
a. almanac c. encyclopedia
b. diksyunaryo d. atlas
9. Si Mang Ernesto ay drayber ng kanyang traysikel na ipinapasada niya araw-araw.
Ano ang salitang magkaugnay sa pangungusap?
a. araw-araw at drayber c. drayber at traysikel
b. Mang Ernesto at traysikel d. walang sagot
10. Ang guro, estudyante, prinsipal at dyanitor ay mga salitang kaugnay ng ________.
a. ospital b. paaralan c. opisina d. palengke
11. Alin sa sumusunod ang hindi magkakaugnay na salita.
a. pasahero b. kalye c. simbahan d. saging
drayber eskinita pari papaya
pamasahe kalsada misa rambutan
traysikel daan santo repolyo

Tukuyin kung ang may salungguhit na salita sa pangungusap panlarawan, pamilang, o


pantangi.
12. Ang barangay na aming tinitirhan ay binubuo ng isandaang pamilya.
13. Gusto kung manirahan sa aming pamayanan dahil marami akong mababait na
mga kalaro at kaptibahay.
14. Ang kanilang sasakyang Toyota ay nararating ang aming malayong pamayanan
dahil sa maayos na kalsada.

15. Si Wenceslao Vinzons ay isang matapang na bayani ng Camarines Norte na


nakipaglaban para sa bayan noong panahon ng mga Hapones. Ang salitang
may salungguhit ay nasa kaantasan ng pang-uring ______.
a. lantay b. pahambing c. pasukdol d. pamilang
16. Napakagaling niya sa pakikipaglaban sa mga Hapones upang iligtas ang mga
kababayan. Ito ay nasa kaantasang ___________.
a. lantay b. pahambing c. pasukdol d. panlarawan
17. Mahilig sa hayop ang anak ni Aling Maring isa sa kanyang inaalagaan ay ang
rabbit o kuneho, anong angkop na paglalarawan nito.
a. malaki, malikot, maputi c. maliit, malaki, masayahin
b. maliit, maputi, maliksi d. maputi, matapang, mabilis
18. Paano mo mailalarawan ang makabagong kagamitan na cellphone?
a. maraming impormasyon c. malaki at maliit
b. maaring makulay d. lahat na binanggit

Ibigay ang kahulugan at kasalungat ng mga may salungguhit na salita .

19. Dahil sa pagtaas ng presyo ng gasolina, nagmahal ang pamasahe sa dyip o bus.
a. tulong na pera c. bayad sa sasakyan
b. pera na ibinigay d. bayad sa kuryente
20. Sabay-sabay kaming kumakain ng pananghalian sa araw-araw.
a. almusalan c. pagkain sa tanghali
b. gabihan d. pagkain ng isnak
21. Ipinagmamalaki ko ang aking mga magulang dahil sila ay masisipag at
mabubuting tao.
a. ikinahihiya b. pinapansin c. pinasasaya d. ikinalulungkot
22. Ang kanilang pamilya ay bihira na pumunta sa kanilang bahay bakasyunan.
a. hindi b. madalas c. payapa d. huli
23. Ang mga bata ay sawa na sa pagkain ng pili at rambutan pag-uwi nila sa Bicol.
a. malaking ahas c. kawalan ng gusto
b. pandama d. isang hayop
24. Pupunta kami bukas sa ospital upang dalawin ang kanyang kaibigan na maysakit.
a. makita ang nasa loob c. kanina lang
b. araw na kasunod d. samakalawa
25. Swerte raw sa kanilang negosyo ang balat na nasa kanyang mukha.
a. marka sa katawan ng tao c. pinakataklob ng isang bagay
b. pandama d. kayumanggi
26. Magaganda ang mga halaman na nakatanim sa paso sa likodbahay.
a. nasunog c. dinadaanan
b. lalagyan ng tanim d. napapaso
27. Ang anak ni Aling Rosa ay nagtataingang-kawali kapag siya ay tinatawag at inuutusan.
a. naririnig ang utos c. nagbibingi-bingihan
b. matalas ang pandinig d. hindi namamansin
28. Dumating kami sa aming pupuntahan ng halos magbubukang-liwayway na.
a. madilim pa ang paligid c. mainit na mainit
b. maulan ang panahon d. malapit ng mag-umaga
29. May kutis-labanos ang mga naging kalahok sa paligsahan sa kagandahan sa kapistahan ng
barangay.
a. magaspang na balat c. dalisay
b. malinis na katawan d. maputii at makinis

You might also like