Professional Documents
Culture Documents
Ap
Ap
Ang bilang ng araw na dapat ipagtrabaho ng isang polista sa sapilitang paggawa sa loob ng
isang taon.
A. 30 araw B. 40 araw C. 45 araw D. 50 araw
2. Ito ang naging reaksyon ng mga katutubo sa pamamahala ng mga prayle sa simbahan.
A. Hindi sila nagpabinyag at sumunod sa aral ng simbahan.
B. May mga katutubong namundok at doon nanirahan.
C. Nag-alsa laban sa pang-aabuso ng mga prayle.
D. Lahat na nabanggit
3. Ito ang tuwirang pagkontrol ng malakas na bansa sa isang mahinang bansa.
A. kolonyalismo B. kolonya C. kristyanismo D. pamahalaan
4. Ano ang patakarang ipinatupad ng mga Espanyol upang makalikom ng pondo at matustusan
ang pangangailangan ng kolonya?
A. Pagbabayad ng tributo ng mga katutubo C. Pangangamkal ng pera
B. Pagpapayaman ng mga opisyal D. Protektahan ang mga katutubo
5. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga tungkulin ng mga prayle sa simbahan sa ilalim
ng Patronato Real?
A. Maipalaganap ang Kristyanismo
B. Maipaliwanag sa mga katutubo ang mga aral ng simbahan
C. Pangasiwaan ang mga sakramento mula binyag hanggang kamatayan
D. Pagsamba ng mga katutubo sa sinaunang paniniwalang panrelihiyon
7. Ito ang kapirasong papel na tinanggap mula sa pamahalaan bilang katibayan ng pagbubuwis.
A. falua B. falla C. reales D. cedula personal
11. Ito ang petsa ng pagdating ni Ferdinand Magellan at kanyang pangkat sa Pilipinas.
A. April 7,1521 B. March 16, 1521 C. March 31, 1521 D. September 22, 1521
12. Siya ang ang ipinadala ni Haring Philip sa Pilipinas upang patuloy na sakupin ang bansa
matapos mamatay si Ferdinand Magellan.
A. Andres de Urdaneta C.Melchor de Legazpi
B.Felipe de Salcedo D.Miguel Lopez de Legazpi
13. Paano mo mabibigyan kahulugan ang pilosopiyang “bajo el son de la campana” o sa ilalim ng
tunog ng kampana?
A. Makikinig sa tunog ng kampana ang mga katutubo
B. Maging Kristiyano ang nasa pueblo na abot ng tunog ng kampana
C. Ang mga naninirahan sa pueblo ay mga katutubo
D. Pagpapatunog ng kampana sa pueblo
15. Ito ang tawag sa sapilitang pagpapatira ng mga Pilipino mula sa orihinal nilang tirahan tungo
sa bayan o pueblo.
A. cabecera B. parokya C. hacienda D. reduccion
16. Bakit patuloy na nagpasagawa ng ekspedisyon ang hari ng Espanya sa kabila ng pagkabigo
ng pangkat ni Magellan?
A. Ninais ng Espanya na bawiin ang mga kayamanan nila na nasa Pilipinas.
B. Ililigtas nila ang mga naiwang kasamahan ni Magellan sa bansa.
C. Nakitaan ng pangkat ni Magellan ng kayamanan ang Pilipinas.
D. Upang gantihan ang mga katutubo sa pagkapatay kay Magellan.
17. Ano ang tawag sa Pagmimisyon ng mga paring Prayle sa kolonya upang maipalaganap ang
Kristyanismo?
A. Kristiyanisasyon B. Reduccion C. Visitador D. Relihiyoso
18. Ano ang ginawa ng mga katutubong hindi sumusunod sa patakarang reduccion?
A. Naging kristiyano sila C. masayang nanirahan sa pueblo
B. Nagpabinyag D. namuhay sa kabundukan
19. Ang unang pangkat ng mga paring prayle na nagsimula ng pagmimisyon sa Pilipinas upang
ipalaganap ang Kristiyanismo.
A. Franciscan B. Jesuit C. Augustinian D. Dominican
21. Ito ang mga paring mula sa Pilipinas na kadalasan ay Mestizo at wala silang kinabibilangang
samahang relihiyoso?
A. Paring regular B. Paring sekular C. Conquistador D. Opisyal
22. Ano ang ginawa ng mga katutubong hindi sumunod sa pananampalatayang Kristyanismo?
A. nagpabinyag sila C. nag-alsa at namundok
B. tinanggap ito D. wala sa nabanggit
24. Bakit ipinatupad ng mga Espanyol ang patakarang reduccion sa mga katutubo?
A. Malalayo sa mga kamag-anak C. Madaling maipalaganap ang Kristiyanismo.
B. Makakabayad ng buwis ang mga katutubo D. Malapit sa pinagkukunan ng ikabubuhay
29. Ano ang mabuting nagawa ng Sistemang Polo o Sapilitang Paggawa sa kolonya?
A. Nabayaran ang mga polista sa kanilang pagtratrabaho.
B. Hindi sila nalayo sa kanilang mga pamilya.
C. Nakapagpatayo ng mga gusali, simbahan at naayos ang mga tulay at daan.
D. Pagtatrabaho sa panahon ng pagtatanim o pag-aani
30. Uri ng buwis na binayaran sa pamamagitan ng salapi o katumbas ng halaga nito o mga
produkto tulad ng tabako, palay, bulak,tela, at manok
A. tributo B. bandala C. cedula personal D. reales
35. Ilang taong gulang ang mga kalalakihang dapat magtrabaho sa sapilitang paggawa?
A. 17-65 taong gulang C. 18-60 taong gulang
B. 16-60 taong gulang D. 15-65 taong gulang
36. Maaaring makaligtas ang sinumang nagtatrabaho sa ilalim ng sistemang polo kung______.
A. magbabayad ng “falla” C. magbabayad ng tauhan
B. magpapalaya sa trabaho D. magsisitakas sa amo
37. Ito ay isang uri ng buwis na kung saan nagtatrabaho ang mga kalalakihan na walang bayad at
nangangahulugan din itong “gawaing pambayan”
A. sapilitang paggawa B. vinta C. encomienda D. real situado
38. Alin ang hindi ipinagagawa sa mga kalalakihan sa pagtatrabaho sa sistemang polo y servicios
o sapilitang paggawa?
A. paggawa ng gusali at daan C. paniningil ng buwis
B. paggawa ng simbahan D. paggawa ng mga barko
39. Ano ang kahulugan ng "glory" bilang isa sa layunin ng Espanya sa pagsakop ng mga bansa?
A. Isang karangalan para sa Espanya na makilala ang kanilang kapangyarihan sa mundo.
B. Isang karangalan para sa mga masasakop na bansa na sakupin sila ng Espanya.
C. Maipalaganap nila ang relihiyong Kristyanismo at maging kristyano ang mga tao.
D. Makuha ang mga kayamanan sa mga lupaing masasakop.
40. Ito ang ugnayan ng simbahan at pamahalaan kung saan ang pamahalaan ay mayroong
mahalagang papel sa pangangasiwa at pagsuporta sa simbahan.
A.Patronato Real B. Relihiyon C. Estado D. Konstitusyon
42. Anong kautusan ang inilabas ni Pope Alexander VI upang hatiin ang daigdig sa dalawa bahagi
sa pagtuklas at pananakop ng mga bagong lupain.
A. Inter Caetera B. Treaty of Tordesillas C. Azores Islands D. Islas Ladrones
43. Ito ay isang uri ng kaayusan ng pamahalaan na binubuo ng isang pamayanang pampolitika.
A. Estado B. Awtonomiya C. Parokya D. Militar
44. Ito ang teritoryong ipinagkaloob at nagsilbing pabuya sa mga Espanyol sa pagpapalaganap ng
Kolonyalismo.
A. visita B. encomienda C. conquistador D. cabecera
45. Ano ang naging pangunahing tungkulin ng mga paring prayle sa simbahan?
A. Tiyaking maging Kristiyano ang mga katutubo at talikuran ang dating paniniwala
B. Pagandahin ang mga lugar na nasasakupan
C. Ituro ang mga aral ng simbahan
D. Wala sa nabanggit
46. Tumutukoy ito sa pakikialam o tuwirang pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa
ibang lupain upang isulong ang mga pansariling interes.
A. imperyalismo B. kolonya C. eksplorasyon D. kolonyalismo
47. Paano naging sanhi ng pang-aabuso sa mga katutubo ang patakarang encomienda?
A. Napakabigat ng pagbabayad ng mataas na buwis
B. Hindi naprotektahan ang mga katutubo
C. Hindi nila gusto ang pagpapabinyag
D. Gusto nila ang pagbayad ng buwis
48. Sa iyong sariling pananaw, ano kaya ang naging epekto sa lipunan ng pamamahala ng mga
prayle?
A. Naging mas maayos at maunlad ang kabuhayan ng mga Pilipino.
B. Naturuan nila ang mga katutubo na magkaroon ng tiwala sa sarili.
C. Nakuha nila ang tiwala ng mga katutubo na tanggapin ang bagong relihiyon bagama’t
ang karamihan sa kanila ay umabuso sa taglay na kapangyarihan.
D. Nagkaroon ng hidwaan sa pagitan ng simbahan at pamahalaan.
49. Sila ang mga paring prayle na kabilang sa samahang relihiyoso na nagpalaganap ng
Kristyanismo.
A. Paring regular C. Conquistador
B. Paring sekular D. Opisyal
50. Ang sumusunod ay mga patakaran sa sapilitang paggawa batay sa Laws of the Indies, alin
dito ang hindi?
A. Hindi sila dapat dalahin sa malayong lugar upang magtrabaho.
B. Hindi dapat magtrabaho sa oras ng pagtatanim o anihan.
C. Kailangang isa-alang-alang ang kondisyong pisikal.
D. Hindi binabayaran ang mga polista sa kanilang pagtatrabaho.