Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

I.

LAYUNIN

A. Natutukoy ang ang mga Uri ng Tayutay na Ginagamit sa Tula;

B. Napapahalagahan ang mga Uri ng Tayutay na Ginagamit sa Tula.

II. PAKSA: Uri ng Tayutay na Ginagamit sa Tula

III. SANGGUNIAN: https://filipinoforfilipinos.blogspot.com/2018/06/uri-ng-tayutay-na-


ginagamit-sa-tula.html?m=1

IV. PAMAMARAAN

Pagganyak

 Papangkatin ang klasse sa dalawang (2) grupo. Bawat pangkat ay magkakaroon ng


limang (5) representatib para makilahok sa isasagawang laro (PASS THE MESSAGE).
Sagot: URI NG TAYUTAY NA GINAGAMIT SA TULA

Pagtalakay ng Paksa

 URI NG TAYUTAY NA GINAGAMIT SA TULA


1. Pagtutulad o Simili – Ito ay paghahambing ng dalawang magkaibang bagay subalit
magkatimbang ang kahulugan. Ginagamitan ito ng mga salita o pariralang tulad ng, gaya
ng, paris ng, wagis ng, animo at iba pa.
Halimbawa: Ang buhay ng tao ay tulad ng isang guryon na nakikipagdagitan sa hangin.
2. Pagwawangis o Metapora – Tuwiran itong paghahambing ng dalawang magkaibang
bagay. Hindi ito ginagamitan ng ibang salita o pariralng tulad ng, gaya ng, wangis ng,
paris ng, animo at iba pa.
Halimbawa: Ang buhay ay guryon, marupok at malikot.
3. Pagbibigay-katauhan o Personipikasyon – Tumutukoy ito sa paglilipat ng kaatangian
o katalinuhan ng isang tao sa mga bagay na walang buhay. Kadalasang pandiwa ang
ginagamit dito.
Halimbawa: Kasabay ng guryon sa himpapawid ang mga ibon ay nagsasayaw habang
umaawit.
4. Pagmamalabis o Eksaherasyon – Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katangian
ng isang bagay o tao na nais ipahayag.
Halimbawa: Oh, paliparin mo’t ihalik sa Diyos bago tuluyang sa lupa sumubsob.
5. Pagpapalit-saklaw o Synecdoche – Ang tayutay na ang binabanggit ay ang bahagi sa
halip na kabuuan.
Halimbawa: Kung saka-sakaling di na mapabalik, maawaing kamay nawa ang magkamit.

You might also like