Araling Panlipunan Summativemodule

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

ARALING PANLIPUNAN 4 (AP) WEEK 2-3

PANGALAN:___________________________ Petsa: ____________

I
Lokal na Pamahalaan
Ang isang lokal na pamahalaan o pamahalaang pampook (Ingles: local government) ay isang uri
ng pampublikong pangangasiwa na, sa nakararaming mga konteksto, umiiral bilang
pinakamababang antas ng pangasiwaan sa loob ng isang estado. Ginagamit ang termino upang
ihambing sa mga tanggapan sa antas ng estado, na tinutukoy bilang pamahalaang sentral,
pamahalaang pambansa, o (kung naaangkop) pamahalaang pederal at gayon din sa pamahalaang
supranasyonal na tungkol sa mga institusyong pampamahalaan sa pagitan ng mga estado.
Pangkalahatang kumikilos ang mga lokál na pamahalaan sa mga kapangyarihang ipinagkatiwala
sa kanila ng batas o mga direktiba ng mas mataas na antas ng pamahalaan. Sa mga bansang
pederal, karaniwang binubuo ang lokál na pamahalaan ang ikatlo (o minsang ikaapat) na antas ng
pamahalaan, samantalang sa mga pinag-isang estado (unitary state), karaniwang nasa ikalawa o
ikatlong antas ng pamahalaan ang lokál na pamahalaan, kadalasang may higit na kapangyarihan
kaysa mas mataas na antas ng mga dibisyong pampangasiwaan.

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at tukuyin kung ang salitang nasalungguhitan ay tama o
mali. Isulat ang salitang TAMA kung ito ay nagsasaad ng kawastuhan. Kung mali, ilagay ang
tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel. (10 Puntos, 2 Puntos bawat tamang sagot)

1. Pinamumunuan ng Pangulo ng bansa ang Sangay na Tagapagpaganap.

2. Ang lokal na pamahalaan ay nangunguna sa pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga


programa para sa mamamayan.

3. Nahahati sa tatlong kapulungan ang sangay ng tagapagbatas.

4. Tinutukoy ng pambansang pamahalaan ang kapakanan ng mga mamamayan nito maging


yaong mga nasa ibang bansa man.

5. Ang pamahalaan ng Pilipinas ay siya ring tinatawag na pambansang pamahalaan.

DAng Pamahalaan ng Pilipinas ay maaring hatiin ayon sa kung gaano kalawak ang sakop ng
pangasiwaan ng mga namumuno. Kung ang sakop nito ay lalawigan, lungsod, bayan, o barangay.
Ito ay nasa antas ng lokal na pamahalaan. Ang buong bansa naman ay nasa antas na Pambansa.

Sakop ng antas ng pambansang pamahalaan ang tatlong sangay na tinalakay sa nakaraang aralin-
ang sangay ng tagapagpaganap, sangay ng tagapagbatas, at sangay ng tagapaghukom.

Ang pamahalaang lokal ayon sa itinadhana ng Batas Republika Bilang 7160 ay binubuo ng mga
lalawigan, lungsod, bayan at barangay. Ang mga lalawigan ay nasa ilalim ng pamumuno ng ng
mga gobernador katulong ang bise gobernador na inihahalal ng mga tao at ilang mga opisyal na
hinirang ng gobernadora ayon sa itinadhana ng serbisyo sibil. Ang mga alkalde at bise alkalde
ang mamumuno sa lungsod o bayan katulong ang mga emplyado na hinirang ng alkalde. Ang
Barangay ay nasa pamumuno ng kapitan ng barangay.

Ang Pangulo ang may pangkalahatang pangangasiwa sa mga pamahalaang lokal sa pamamagitan
ng Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan o Department of Interio and Local
Government (DILG).
MGA BATAYAN NG ANTAS NG LOKAL NA PAMAHALAAN
PANUTO: Hanapin sa hanay B ang inilalarawan sa Hanay A. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel. (10 Puntos, 1 Puntos bawat tamang sagot)

1. Pinakamaliit na politikal na yunit A. Alkalde


A B
2. May kitang 20 miyon o higit pa B. Barangay

3. Tawag sa Lehislatibong sangay ng C. Kapitan


lalawiagan

4. Lehislatibong sangay ng bayan D. Lalawigan

5. Namumuno sa bayan o lungsod E. Lungsod

6. Namumuno sa lalawigan F. Sangguniang


Pambayan

7. Pinuno sa barangay G. Sangguniang


Panlalawigan

8. May lawak na lupain na 100 kilometro H. Pangulo


kwadrado

9. Punong ehekutibo ng bansa I. Gobernador

10. Ahensiyang nangangasiwa sa mga lokal J. Kagawaran


na pamahalaan

PANUTO: Tukuyin kung pambansa o lokal na antas ng pamahalaan ang may saklaw sa
sumusunod na sitwasyon. Isulat ang salitang PAMBANSA kung ito ay tumatalakay sa
pambansang antas ng pamahalaan at LOKAL naman kung ito ay sa lokal na antas ng
pamahalaan. Isulat ang iyong kasagutan sa iyong sagutang papel. (10 Puntos, 1 puntos bawat
tamang sagot)

1. Ugnayang Panlabas

2. Koleksyon ng Basura

3. Mga asong pagala-gala

4. Pagpapatayo ng mga paaralan

5. Pagpapataw ng parusa sa taong nagkasala


6. Pagbabayad ng buwis sa tindahal

7. Pagbabayad ng utang sa pandaigdigang merkado

8. Nagpapasa at nagpapatupad ng mga batas na susundin lahat ng mamamayang Pilipino

9. mga lokal na ordinansa

10. Paglilinis ng mga lansangan at kapaligiran

Pambansang Pamahalaan
Panuto: Itala ang mga namumuno sa bawat antas ng lokal na pamahalaan ng ating
bansa. Isulat ang iyong kasagutan sa iyong sagutang papel. (6 PUNTOS, 1 Puntos bawat
tamang kasagutan)

PANUTO: Tukuyin ang namumuno sa sumusunod na bilang mula sa kahon. Isulat ang
wastong sagot sa iyong sagutang papel. (5 PUNTOS, 1 Puntos bawat tamang sagot)

Pangulo Ispiker Pangulo ng Senado Alkalde


Punong Mahistrado

1. Lungsod o Bayan

2. Korte Suprema

3. Senado

4. Sangay ng Tagapagpaganap

5. Kapulungan ng mga Kinatawan


Sa ilalim ng Saligang-Batas ng 1987, ang Republika ng Pilipinas ay mayroong
Presidensyal na uri ng pamahalaan. Ito ay binubuo ng tatlong (3) sangay: Sangay
Tagapagpaganap o Ehekutibo; Ang Sangay Tagapagbatas o Lehislatibo; at ang Sangay
Panghukuman o Hudisyal. Ang Pangulo (Presidente) at Pangalawang Pangulo (Bise-Presidente)
ang siyang namumuno sa sangay tagapagpaganap. Sila ay direkta o tuwirang ihinahalal ng mga
mamamayan sa pamamagitang ng pambansang eleksyon. Anim na taon ang tagal ng kanilang
panunungkulan.

Ang Pangulo ay nagtatalaga ng kanyang Gabinete o Cabinet na siyang tumutulong sa


pangangasiwa at maayos na pamamalakad ng mga gawaing pampamahalaan. Ang Gabinete ay
binubuo ng mga iba’t ibang sangay (departments) na may may mga ispesipikong tungkulin at
pinamumunuan ng isang Kalihim (Cabinet Secretary).
Ang Sangay Tagapagbatas ay may pangunahing tungkulin na magpasa ng mga iba’t
ibang batas. Ito ay binubuo ng Mataas na Kapulungan (Senado) at Mababang Kapulungan
(Kinatawan). Ang Pangulo ng Senado (Senate President) ang siyang namumuno sa Mataas na
Kapulungan at ang Ispiker (Speaker of the House) ang siya naming namumuno sa Mababang
Kapulungan. Sila ay direktang inihahalal ng mga mamamayan sa pamamagitan ng isang
nasyonal at lokal na eleksyon tuwing ikatlong taon.

Ang Sangay Panghukuman ay binubuo ng mga sistemang panghukuman. Ang


Kataastaasang Hukuman (Supreme Court) ang itinuturing pinakamataas na hukuman na siyang
pinamumunuan ng Pinunong Mahistrado o Chief Justice
Makikita mo sa tsart ang pagkakahati-hati ng kapangyarihan ng pamahalaan ayon sa
tatlong sangay nito. Mapapansin mo na ang tatlong sangay ay magkakapantay sa tsart.
Ito ay dahil sa prinsipyo ng pantay-pantay na kapangyarihan ng tatlong sangay.
Ipinapkikita dito na hindi maaaring maimpluwensyahan o diktahan ng bawat sangay ang
desisyon at galaw ng bawat isa maliban kung isinasaad sa batas. Ang Tagapagpaganap
ang pangunahing sangay na ang tungkulin ay ipatupad ang mga batas at mga adhikain
na mai-angat ang kabuhayan ng lahat ng mamamayan. Ang Tagapagbatas naman ay
layuning gumawa at magpasa ng mga batas na mangangalaga ng mga karapatan ng
lahat ng mamamayan. Ang Sangay Tagpaghukom ay may pangunahing layunin na alamin
kung ang mga gawain at mga hakbangin ng mga ahensya ng pamahalaan ay naaayon sa
mga batas at alinsunod sa itinatadhana ng Saligang-Batas ng Pilipinas.

Isipin mo na ang tatlong sangay ng pamahalaan ay parang isang pantay-sukat na


tatsulok o equilateral triangle. Ibig sabihin, pantay-pantay ang sukat at pantay- pantay
ang kapangyarihan. Sa pamamagitan nito, nababantayan nila ang isa’t isa sa
pamamagitan ng prinsipyo ng check and balances. Dito naiiwasan ang pang-aabuso ng
bawat sangay dahil itinatama ito ng ibang sangay.

PANUTO:

WORD HUNT: Hanapin ang 10 salitang na nasa loob ng kahon. Ito ay maaring pahalang,
patayo, o pavertical. Bilugan ang mga salitang iyong nahanap sa iyong sagutang papel. (10
PUNTOS, 1 puntos bawat salitang nahanapan)

Punong Mahistrado Pangulo Pangalawang Pangulo


Tagapagpaganap Tagapagbatas Tagapagpaganap
DepEd DPWH Ispiker Senado
PANUTO: Dugtungan ang pangungusap upang mabuo ang pahayag na nagsasabi ng
sangay o tanggapan na pinamumunuan ng sumusunod. (10 PUNTOS, 2 Puntos bawat
tamang pahayag)

1. Ang Pangulo ay namumuno sa _____________________________


______________________________________________________
2. Ang Punong Mahistrado ay namumumno sa ___________________

______________________________________________________
3. Ang Pangulo ng Senado ay namumuno sa ____________________

______________________________________________________
4. Ang Kapulungan ng Kinatawan ay pinamumunuan ng ___________

______________________________________________________
5. Ang Alkalde ay namumuno sa ______________________________

PANUTO: Sa iyong sagutang papel, ilista ang mga miyembro ng iyong pamilya.
Isaayos ang iyong listahan ayon sa bigat o hirap ng gawain o tungkulin sa
tahanan mula 1 (pinakamahirap) hanggang 5 (hindi gaanong kahirap).
Pagkatapos mong magawa ang iyong listahan, sagutin mo ang mga sumusunod.
(30 PUNTOS, 10 puntos bawat nasagot na katanungan batay sa
pamantayan na naibigay)

1. Sino sa iyong listahan ang may pinakamabigat na gawain o tungkulin sa


pamilya? Bakit mo ito nasabi?
______________________________________________________
2. Sino ang may pinakamadaling gawain o tungkulin sa pamilya? Bakit mo ito
nasabi

______________________________________________________
3. Paano mo maihahambing ang mga tungkulin at gampanin ng mga miyembro
ng iyong pamilya sa mga gampanin ng mga namumuno sa ating pamahalaan?

PANUTO: Sagutin ang katanungan sa ibaba.

Halimbawang mabibigyan ka ng posisyon sa pamahalaan, anong posisyon ang iyong


pipiliin? Bakit mo ito pipiliin at anong mga programa ang nais mong ipatupad upang
mapaunlad ang ating bansa? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_________.
PERFORMANCE NG BATA,

Ibibilang na performance ng bata ang sagot dito, Mga kasalukuyang pinuno ang ilalagay na
sagot.

Mga Namumuno sa Lokal na Pamahalaan Pangalan ng kasalukuyang namumuno


Gobernador
Bise Gobernador
Representative ng Unang Distrito
Alkalde/Mayor
Bise Alcalde/Vice Mayor
Kapitan ng Barangay
Secretary ng Barangay
Treasurer ng Barangay
Kagawad na Incharge sa Edukasyon
Hepe ng mga Tanod sa Baranggay
Head ng BHW

Panuto: Subukin mong sagutin ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang tamang sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel. (10 Puntos, 1 Puntos bawat tamang sagot)

1. Ito ay mga sakop ng lokal na pamahalaan ng ating bansa maliban sa isa, ano ito?

A. lalawigan B. lungsod C. bayan D. bansa

2. Anong sanggunian ang nagpapasa ng ordinasa upang lumikha ng isang barangay?

A. Sangguniang Kabataan B. Sangguniang Panglungsod

C. Sangguniang bayan D. Sangguniang Panlalawigan

3. Anong Kagawaran ang pangkalahatang nangangasiwa ngpamahalaang lokal ng bansa?

A. Kagawaran ng Edukasyon B. Kagawaran ng Interior at Lokal na Pamahalaan

C. Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon D. Kagawaran ng Enerhiya

4. Sino ang namumuno sa barangay?

A. Kapitan B. Alkalde C. Presidente D. Gobernador

5. Ilang kilometro kwadrado dapat ang sukat ng isang lugar upang matawag itong lalawigan?

A. 2500 Kilometro Kwadrado B. 500 Kilometro Kwadrado

C. 1500 Kilometro Kwadrado D. 2000 Kilometro Kwadrado

6. Sino ang namumuno sa lungsod o bayan katulong ang mga hinirang niyang mga empleyado?

A. gobernador B. alcalde C. kapitan D. kagawad

7. Magkano ang taunang kita ng isang lugar kung ito ay isanglungsod?

A. hindi tataas sa 20 milyong piso B. hindi bababa sa 20 milyong piso

C. hindi tataas sa 30 milyong piso D. hindi bababa sa 30 milyong piso

8. Sakop ng antas ng pambansang pamahalaan ang tatlong sangay nito. Alin sa mga sumusunod
ang hindi kabilang sa tatlong sangay ng pamahalaan?

A. Sangay ng Tagapagbatas B. Sangay ng Tagapaghukom


C. Sangay ng Tagapaglingap D. Sangay ng Tagapagpaganap

9. Ito ang sangay ng pamahalaan na tumitiyak na ang mga batas na ginawa ng kongreso ay
naipapatupad upang mapangalagaan ang kapakanan ng mamamayan.

A. Sangay ng Tagapagpaganap B. Sangay ng Tagpaghukom

C. Sangay ng Tagapagbatas D. Sangay ng Tagapaglingap

10. Ang kagawarang ito ang nangangasiwa at nagpapatupad ng mga programa sa edukasyon sa
bansa maging sa publiko man o pribadong paaralan.

A. Kagawaran ng Edukasyon B. Kagawaran ng Enerhiya

C. Kagawaran ng Paggawa at Empleyado D. Kagawaran ng Pananalapi

Inihanda ni:

SARAH S. HERNANDEZ
Guro 1
(#1,2,3) LAGUMANG PAGSUSULIT SA

ARALING PANLIPUNAN – IV

IKATLONG MARKAHAN

PANGALAN: ______________________________________ ISKOR: ____________

BAITANG/PANGKAT: _______________________________ PETSA: _____________

I. Sagutin ng tama o mali. Kung mali, isulat ang salita o mga salitang nagpamali rito at itama ito.

________ 1. Nasasakupan ng pambansang pamahalaan ang buong bansa.

________ 2. May dalawang sangay ang pambansang pamahalaan ng Pilipinas.

________ 3. Ang sangay na tagapagbatas ay binubuo ng mga piling hurado.

________ 4. Pinamumunuan ng Pangulo ng bansa ang sangay na tagapagpaganap.

________ 5. Magkakaugnay ang lahat ng mga sangay ng pambansang pamahalaan.

________ 6. Ang sangay na tagapaghukom ay kinabibilangan ng mga mambabatas.

________ 7. Ang pambansang pamahalaan ay nangunguna sa pagbabalangkas at

pagpapatupad ng mga programa para sa mga mamamayan.

________ 8. Nahahati sa dalawang kapulungan ang sangay na tagapagbatas.

________ 9. Ang pamahalaan ng Pilipinas ay siya ring tinatawag na pambansang pamahalaan.

________ 10. Tinitiyak ng pambansang pamahalaan ang kapakanan ng mga mamamayan nito

maging yaong mga nasa ibang bansa man.

II. Hanapin sa hanay B ang inilalarawan sa hanay A. Isulat ang letra ng t a m a n g sagot.

HANAY A HANAY B

11. Pinakamaliit na politikal na yunit A. Alkalde

12. May kitang 20 milyon o higit pa B. Barangay

13. Tawag sa lehislatibong sangay ng lalawigan C. Kapitan

14. Lehislatibong sangay sa bayan D. Lalawigan

15. Namumuno sa bayan o lungsod E. Lungsod

16. Namumuno sa lalawigan F. Sangguniang Pambayan

17. Pinuno sa barangay G. Sangguniang Panlalawigan

18. May lawak na lupain na 100 kilometro kuwadrado H. Pangulo

19. Punong ehekutibo ng bansa I. Gobernador

20. Ahensiyang nangangasiwa sa mga lokal na pamahalaan J. Kagawaran


III. Tukuyin ang mga sumusunod na pangungusap.

_____ 1. Ito ay isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na
naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan
_____ 2. Pamahalaan ng Pilipinas na pinamumunuan ng Pangulo ng bansa.
_____ 3. Sangay ng pamahalaan na gumagawa ng batas.
_____ 4. Sangay ng pamahalaan na nagpapatupad ng batas.
_____ 5. Sangay ng pamahalaan na nagbibigay ng interpretasyon ng batas.
_____ 6. Mataas na kapulungan ng sangay na tagapagbatas
_____ 7. Mababang kapulungan ng sangay na tagapagbatas.
_____ 8. Kapangyarihan ng pangulo na tanggihan ang panukalang batas na ipinasa sa Kongreso.
_____ 9. Dito dumudulog ang sinumang tao na hindi sumasang-ayon sa anumang desisyon ng mababang
hukuman
_____ 10. Ito ang kaagapay ng Pangulo sa pagpapatupad ng mga batas.

Tukuyin ang mga sumusunod na opisyales ng pahalaan sa kasalukuyan. Isulat kung ano
ang posisyon nila sa pamahalaan ng bansa.

11. Rodrigo _Roa Duterte_______________________________________


12. Lenie Robredo__________________________________
13. Tito Sotto 3 ________________________________________
14. Harry Roque ________________________________________
15. Leonor Briones________________________________________
16. Mark Villar________________________________________
17. _Dr. Francisco Duque III_______________________________________
18. _Justice Alexander Gesmundo___________________________________
19. _Lord Allan Velasco _____________________________________
20. Eduardo Ańo

Inihanda ni:

ROWENA E. ACDAN
Guro 1

Nabatid ni:

MA.VENIA L. GRIMALDO
Principal
THIRD QUARTER

#1 SUMMATIVE TEST IN ENGLISH 4

TABLE OF SPECIFICATIONS

# Learning Item Number Percentage


Competencies
Identify and used 1-12 34%
signal words like
1. first, second etc.from
a paragraph and
sentences.
2. Use Adverbs 1-15 43%
( Manner, Place and
Time) in sentences
EN4G-IIIe-16
3. Distinguish between 1-8 23%
general and specific
statements
TOTAL 35 100%

Inihanda ni:

ROWENA E. ACDAN
Guro 1

Nabatid ni:

MA.VENIA L. GRIMALDO
Principal
THIRD QUARTER

#1 SUMMATIVE TEST IN ARALING PANLIPUNAN 4

Week 1,2,3

TABLE OF SPECIFICATIONS

# Learning Item Number Percentage


Competencies
Natatalakay ang 1-10 25%
kahulugan at
1. kahalagahan ng
pamahalaan..AP4PAB
IIIa-1
2. Nasusuri ang 1-30 75%
balangkas o istruktura
ng pamahalaan ng
Pilipinas.

TOTAL 40 100%

Inihanda ni:

ROWENA E. ACDAN
Guro 1

Nabatid ni:

MA.VENIA L. GRIMALDO
Principal
THIRD QUARTER

#1 SUMMATIVE TEST IN EUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4

Week 1,2

TABLE OF SPECIFICATIONS

# Learning Item Number Percentage


Competencies
Nakapagpapakita ng 1-40 100%
kawilihan sa mga
1. pamanang kulturang
material(hal.
Kuwentong bayan,
alamat, mga epiko) at
di-materyal (hal.mga
magagandang
kaugalian,
pagpapahalaga sa
nakatatanda at iba pa.
ESP4 PPP-IIIa-b-19
.

TOTAL 40 100%

Inihanda ni:

ROWENA E. ACDAN
Guro 1

Nabatid ni:

MA.VENIA L. GRIMALDO
Principal

You might also like