PANGANGAILANGAN-WPS Office

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN

Ang Konsepto ng Pangangailangan at Kagustuhan

Pangangailangan

Pangunahing Pangangailangan/ Basic/ Primary Needs

Mga bagay na mahalaga sa pananatili ng buhay ng tao: Pagkain, Damit, Bahay

Pangunahing Bagay (Necessities)

Kagustuhan

Wants/Secondary Needs

Maaaring tugunan o hindi tugunan sapagkat hindi nakasalalay ang buhay ng tao dito.

Panluhong Bagay (Luxuries)

HERARKIYA NG PANGANGAILANGAN

Ni Abraham Maslow

Abraham Harold Maslow, isang Amerikanong psychologist na nagpanukala ng hirarkiya ng mga


pangangailangan ng tao.
Hirarkiya ng mga Pangangailangan

 Physiological Needs - Kabilang dito


ang mga bayolohikal na
pangangailangan sa pagkain, tubig,
hangin, at tulog.

 Safety Needs - Ito ay nauukol sa


mga pangangailangan para sa
kaligtasan at katiyakan sa buhay.
Kabilang dito ang katiyakan sa
hanapbuhay, pinagkukunang yaman,
kaligtasan mula sa karahasan,
katiyakang moral at physiological,
seguridad sa pamilya, at seguridad
sa kalusugan

 Love And Belonging Needs -


Kabilang dito ang pakikipag-
ugnayan sa general emotions, tulad ng pakikipagkaibigan, at pagkakaroon ng pamilya.

 Esteem Needs - Nauukol sa pagkakamit ng respeto sa sarili at respeto ng ibang tao.

 Self Actualization - Pinakamataas na antas sa hirarkiya.

- Dito ang tao ay may kamalayan hindi lamang sa kanyang sariling potensyal
ngunit higit sa lahat sa kabuuang potensyal ng tao.

Batay sa teorya, nagagawa lamang matuon ng


tao ang kanyang pansin sa mas mataas na
antas kung napunan na ang nasa ibabang
antas.

Growth force – nagtutulak sa mga taong


makaakyat sa hirarkiya.

Regressive force – nagtutulak sa kanya


Teorya ng Pangangailangan ni
McClelland
David McClelland, isang Amerikanong psychologist,
ayon sa kanya, may mga pangangailangan ang tao na
natatamo sa matagal na panahon at hinuhubog ng mga
karanasan

 Nagawa (Achievement)

Ang nagawa ay higit na mahalaga kaysa sa mga


gantimpalang materyal at salapi.

Ang makamit ang layunin ay nagbibigay ng personal na


kasiyahang higit sa makatanggap ng papuri at pagkilala.

Ang gantimpalang salapi ay itinuturing na panukat ng natamong tagumpay.

Hindi pangunahing motibo ang seguridad at katayuan.

Mahalaga ang feedback upang masubaybayan ang pag-unlad na kanilang nakamit.

Kadalasan ay humihingi ng pagbabago at paraan kung paano higit na mapapaunlad ang mga
nagawa.

Higit na binibigyang halaga ang trabaho at responsibilidad na nakatutugon sa kanyang


pangangailangan.

 Kapangyarihan (Power)

Dalawang uri ng kapangyarihan sa pangangailangan ng tao:

1. Personal – Pangangailan ng personal na kapangyarihan ay nais na mag utos sa iba at


kadalasan, ito ay hindi maganda

2. Institusyonal – ang mga taong nangangailangan ng kapangyarihang institusyonal ay


nakatuon sa mga pagsisikap ng kasapi upang maging maayos ang layunin ng samahan.

 Pagsapi (Affiliation)

Ang mga tao na may pangangailangan sa pagsapi ay nagnanais ng maayos na pakikisalamuha


sa ibang tao at kailangang nakadama na sila rin ay tinatanggap ng ibang tao.
Mga Salik na Nakaiimpluwensiya sa
Pangangailangan at Kagustuhan
 Edad- Ang pangangailangan at kagustuhan ay nagbabago ayon sa edad ng tao. Ang mga
kabataan ay nasisiyahang kumain basta’t naaayon ito sa kaniyang panlasa. Ngunit sa
pagtanda ng tao, kailangan na niyang piliin ang kaniyang maaaring kainin upang
manatiling malusog ang pangangatawan.

 Antas ng Edukasyon- Ang pangangailangan ng tao ay may pagkakaiba rin batay sa


antas ng pinag-aralan. Ang taong may mataas na pinag-aralan ay karaniwang mas
malaki ang posibilidad na maging mas mapanuri sa kanyang pangangailangan at
kagustuhan.

 Katayuan sa Lipunan-Ang katayuan ng tao sa kaniyang pamayanan at


pinagtatrabahuhan ay nakakaapekto rin sa kaniyang pangangailangan at kagustuhan.
Maaaring ang taong nasa mataas na posisyon sa kaniyang trabaho ay maghangad ng
sasakyan sapagkat malaki ang maitutulong nito upang lalo siyang maging produktibo sa
kaniyang mga obligasyon at gawain.

 Panlasa- Isa pa sa mga salik na nakapagpapabago sa mga pangangailangan ay ang


panlasa. Ang panlasa sa istilo ng pananamit at gupit ng buhok ng mga kabataan ay
ibang-iba sa istilo ng mga nakatatanda.

 Kita-Malaki ang kinalaman ng kita sa pagtugon ng tao sa kaniyang pangangailangan at


kagustuhan. Kapag maliit ang kita ng tao, malimit na nagkakasya na lamang siya sa mga
pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit, at pagkakaroon ng bahay.
Samantala, naghahangad ng malalaki at modernong bahay ang mga taong may
malaking kita. Kung mas malaki ang kita mas madalas na malaki rin ang konsumo, hindi
lamang sa pagkain kundi sa mga bagay na itinuturing na kagustuhan.

 Kapaligiran at Klima-Ang kapaligirang pisikal ay nakaaapekto sa pangangailangan ng


tao. Kung malapit sa dagat ang isang lugar, kalimitan ng hanapbuhay ng mga tao rito ay
pangingisda, kaya malaki ang pangangailangan sa mga produktong pangisda. Kung
malamig naman ang lugar ay maaaring maghangad ang tao ng mga produktong
makatutulong upang malabanan ang matinding lamig, tulad ng heater. Samantala ang
electric fan, aircondition unit, at iba pang mga kahalintulad nito ang pangangailangan sa
lugar na may mainit na klima.

You might also like