Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

PAGSULAT NG SULATING

TEKNIKAL-BOKASYONAL
TUNGO SA KAHANDAANG
PANGNEGOSYO
ULAT NG PROGRESO AT ULAT
PANLABORATORYO
HALAGA NG MGA ULAT

1. Magkaroon ng tala o recording ng naisagawang gawain o tungkulin.


2. Makapagrekord at makapagbigay-linaw sa mga komplikadong
Impormasyon bilang sanggunian sa hinaharap
3. Magpresenta ng impormasyon sa malaking bilang ng tao.
4. Magtala ng suliraning kinaharap.
5. Makapagdokumento ng mga iskedyul,talahanayan ng
panahon at mahahalagang pangyayari o nagawa.
6. Magbigay ng rekomendasyon para sa susunod na
mga aksiyon
7. Maidokumento ang kasalukuyang kalagayan.
8. Makapagrekord ng mga pamamaraan.
PAGSULAT NG ULAT NG PROGSESO

Sa trabaho, nais malaman ng mga supervisor kung ano ang


iyong ginagawa. Gusto nilang malaman kung ano na ang
progreso ng proyektong nakaatas sa iyo, kung ikaw ba ay
nasa iskedyul, ano ang mga pagsubok na iyong kinakaharap,
at ano ang mga plano mo para sa susunod na pag-uulat. Ito
ang dahilan kung kaya’t pinapasulat ang mga empleyado ng
ulat ng progreso o progress report.
Sa ulat ng progreso, kinakailangang ipaalam
sa iyong superbisor ang tatlong bagay:

Problemang sinosolusyunan,
Solusyon na ipinapatupad,
Kung gaano kahusay ang nagagawa.
MGA PANGUNAHING BAHAGI O
KOMPONENT NG ULAT PROGRESO

Ang haba ng ulat ng progreso ay depende sa


pangangailangan, ngunit kadalasang may isa
hanggang tatlong pahina ang isang ulat
progreso.
ULO NG MEMORANDUM
Kung minsan, ang ulat ng progreso ay
ipinapaloob sa anyong memorandum. Mayroon
itong ulo na naglalaman ng sumusunod:

Petsa:
Para sa/kay:
Mula sa/kay:
Paksa:
ULO NG LIHAM
Sa ibang pagkakataon naman, ang ulat progreso ay
ginagawa sa anyong liham. Nagtataglay ito ng:

(a) pamuhatan;
(b) petsa ;
(c) patunguhan;
(d) bating pambungad;
(e) panimulang pangungusap ng liham,

Bago isunod ang introduksiyon.


I. INTRODUKSIYON (KALIGIRAN)
Sa loob ng isa o dalawang pangungusap, ipakikilala ang proyekto at ang ulat,
at ibuod ang estado ng proyekto. Kadalasang nilalagyan ito ng pamagat
“Introduksiyon o Buod’. Banggitin ang dahilan sa pagsulat ng ulat.

Mga Layunin Sa patalatang paraan, ilahad at ipaliwanag ang sumusunod:

1. Bakit mo ginagawa ang proyektong ito? (Rasyonal)


2. Ano ang mga suliranin na naging motibasyon mo sa paggawa ng proyekto?
3. Ano ang inaasahan mong matamo o maisagawa?
4. Sino ang nagpasimula ng gawain?
SAKLAW
Ilarawan ang mga kabilang sa tatalakayin sa ulat na ito
at ang hindi.

MAHAHALAGANG TAO
Sino ang mga mahahalagang tao o personnel na kasama sa pagbuo ng
proyektong ito? Banggitin ang work team, departamento, o grupong
kasali sa gawaing pinaplano at ang mga kontak na kailangan upang
maisagawa ang proyekto.
NAKARAANG GAWAIN
Kung hindi ito ang unang beses na magsasagawa ng ulat progreso
tungkol sa isang proyekto, kailangang ipaalala sa tatanggap nito ang
mga gawaing natapos na. Bigyan sila ng bagong datos o reperensiya
sa mga nakalipas na ulat.
II. DISKUSYON (ESTADO NG PROYEKTO, MGA
NATUKLASAN, KATAWAN, AT ADYENDA)
MGA NAISAGAWANG GAWAIN
Ilarawan ang mga bagay na natapos o natupad na. Ilarawan din
kung gaano katagal ang ginugol para matapos ang gawain, maging
ang mga suliranin o pagsubok na pinagdaanan kung mayroon man.
Ibuod ang mga nagawa na sa panahong sakop ng ulat. Kabilang sa
bahaging ito ang pangunahing mga gawaing nakompleto na at ang
mahahalagang natuklasan o resulta. Gumamit ng bulleted o
numbered lists sa pagbubuod ng mga naisagawa.
MGA SULIRANIN
Ibuod ang mga problemang hinarap at ipaliwanag kung paano
ginawan ng solusyon ang mga ito o kung paano balak solusyunan
ang mga ito.

MGA SUSUNOD O NATITIRANG GAWAIN


Dito binabalangkas ang mga gawaing dapat pang tapusin. Kailangang
gumawa ng timetable at magbanggit ng estratehiya sa pagkompleto ng
gawain. Ilarawan din ang mga panganib at ang mga dulog o approach na
gagamitin para makompleto ang gawain.
III. KONGKLUSYON/REKOMENDASYON
KONGKLUSYON
1. Ibuod ang kasalukuyang estado ng proyekto (maaring magbigay ng
papuri dito).
2. Sunod, dapat na magbigay ng prediksiyon o forecast tungkol sa kung
paano o kailan mabubuo ang proyekto. Ibuod ang iyong mga
napagtagumpayang gawain sa panahon ng pag-uulat at ilagay ang target
na petsa ng pagtatapos.
3. Mag-iwan ng contact o email na maaring ugnayan para sa dagdag na
impormasyon.
REKOMENDASYON

Kung mga suliraning may iprenesenta sa


Diskusyon, maaring magrekomenda ng mga
pagbabago sa iskedyul, mga tao, badget o mga
materyal na makatutulong sa iyo upang
makahabol sa deadline.
ULAT PANLABORATORYO
Dumako naman tayo sa pagtalakay sa ulat panlaboratoryo,
pinapahalagahan ng mga propesyonal sa larangan ng elektroniks,
inhenyeriya, medisina, kompyuter, at iba pang teknolohiya ang
husay ng komunikasyon, hindi lamang ang husay ng teknikal na
mga kasanayan. Mahalagang maibahagi sa mga kasamahan at
superbisor ang mga resulta ng mga eksperimento sa laboratoryo
upang makinabang ang mas nakararami sa mga natuklasan sa mga
pag-aaral na ito. Ang layunin ng ulat laboratoryo ay maidokumento
ang mga natuklasan matapos ang pagsasagawa ng pagsusuring
panlaboratoryo.
MGA KOMPONENT NG ULAT PANLABORATORYO
Ang isang ulat panlaboratoryo ay karaniwang may ganitong
estruktura:
I. Pamagat- maikli ngunit impormatibo ang pamagat ng ulat
panlaboratoryo. Sinasagot nito ang tanong na “tungkol saan?” ang
isinasagawang gawain sa laboratoryo. Halimbawa: Epekto ng Non-
Steriodal Anti-inflammatory Drugs na Uri ng mga Gamot sa
Digestive System ng Kabataan 15-17.
II. Abstrak – Binubuo ng 50-200 salita na ibinubuod ang layunin,
metodo, at mga pangunahing resulta ng eksperimento.
III. Ulo ng Memorandum o Liham- inilalagay ito bilang panimula ng ulat.
Kung ang padadalhan ay nasa loob ng organisasyon o kompanya, gamitin
ang Ulo ng Memorandum. Kapag nasa labas ng kompanya, gamitin ang Ulo
ng Liham.
IV. Introduksiyon- Inilalarawan nito ang layunin at ang siyentipikong
konteksto ng ekperimento. Sinasagot nito ang tanong na, “Bakit gagawin
ang ekperimentong ito sa ganitong paraan?” Inilalahad din nito ang
kaligiran o background ng pag-aaral o ang teoryang gagamitin o ilalapat sa
eksperimento. Samakatwid, inilalarawan dito ang konteksto at nagbibigay
ng haypotesis para sa pag-uulat. Sa ilalim ng Introduksiyon, maari ding
isama ang saklaw o ang sakop at limitasyon ng proyekto.
BALANGKAS NG INTRODUKSIYON
1. Rasyonal (Anong suliranin ang naging
motibasyon sa pagbuo ng ulat na ito?)
2. Mga Layunin (Ano ang inaasahang
mapatunayan sa ulat na ito?)
3. Awtoritasyon (Para kanino isinusulat ang
ulat na ito?)
KALIGIRAN
1. Teorya – karaniwang may sinusubok na teorya o kaya ay
nakasalig sa isang teorya ang isang ekperimento. Ilarawan
at ipaliwanag ang teoryang basehan o saligan ng mga
interpretasyon o ang teoryang nais patunayan o subukin.
2. Research Test o Ebalwasyon- ilagay rito ang mga
naunang pag-aaral na may kaugnayan sa pananaliksik na
ito.
3. Apparatus- ilarawan ang mga kagamitang kailangang
gamitin sa pananaliksik na ito.
V. Diskusyon (Katawan at Metodolohiya)- Sa diskusyon
makikita ang katawan ng ulat. Ito ang pagtalakay sa mga
pamamaraan at pagsusuring ginawa sa ulat
panlaboratoryo.
1. Metodo- ang bahaging ito ang naglalarawan kung paano
isinasagawa ang eksperimento- ang mga kagamitang
ginamit, pagsukat na isinagawa at natatanging pag-iingat na
kinailangang gawin.
2. Pagsusuri- sumasagot ito sa tanong na, “Ano ang
sunod-sunod na hakbang na iyong sinunod sa
pagsasagawa ng pagsusuri sa laboratoryo?” Dito
inilalarawan ang pagsusuring ginawa sa datos upang
maisalin ito sa kuwantitatibong impormasyon na
magagamit sa interpretasyon. Maglagay ng sapat na
detalye sa bahaging ito upang mabigyang-katuwiran ang
mga natamong resulta.
BALANGKAS NG INTRODUKSIYON
VI. Kongklusyon at Rekomendasyon- Ang kongklusyon ng
ulat panlaboratoryo ang nagpepresenta ng iyong mga
natuklasan. Pagkatapos ng pagsasagawa ng eksperimento
sa laboratoryo, ano ang iyong natutuhan, nadiskubre, o
nahanap? Paano mo bibigyang-interpretasyon ang iyong
mga natuklasan? Ano ang implikasyon ng mga ito? Ang
Rekomendasyon naman ang naglalaman ng mga mungkahi
para sa susunod pang aksiyon na dapat isagawa, kung
mayroon.
MARAMING SALAMAT

You might also like