Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Tayo ay Kabataan

Prince Ogayon

Ang mga kabataan daw ang pag-asa ng bayan

Ngunit paano kung walang malasakit sa kapwa at kapaligiran

Ano pa bang makabagong kaalaman ang dapat naming makamit

Mga katanungan na sa aking isip ay di mawaglit

Malasakit ay maipapakita sa simpleng pamamaraan

Sa mga tao o bagay na nasa ating harapan

Gawin sanang halimbawa ang pag galang sa pangkalahatan

At pananatili ng kalinisan sa ating tahanan

Makabagong kaalaman na dapat matutunan

Upang maging karapat dapat sa ating lipunan

Ngunit sa kasalukuyan ay puro kaguluhan

Ang nakikita natin at nararanasan

Ano na ang nangyayari sa ating bayan

Ito ba ay bunga ng makalumang kaisipan

O sadyang iba na ang pananaw sa kasalukuyan

Sino pa ang maasahan?

Tayong mga kabataan ang pag asa ng bayan

Dapat ginagamit ang puso't isipan

Upang malutas ang suliranin ng sambayanan

Kapalit nito'y mabuting kapalaran

You might also like